Interview of Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar
Radyo Singko – All Ready by Orly Mercado
10 January  2017
SEC. ANDANAR:  Good morning, Ka Orly. At good morning sa lahat ng mga nakikinig po sa atin sa Radyo Singko. It really feels good to be back and sitting on this chair.

MERCADO: Okay. Noong ako’y nasa gobyerno, pagkatapos noong umalis ako ay may nagtanong sa akin noong bumalik ako sa media. Sabi niya sa akin, “Ano bang mas gusto mo, Orly, iyong ikaw ay nandoon sa puwesto at tinatanong at binabatikos at ngayon eh ikaw ang pumupuna?” Ang sabi ko lagi noong araw ay it’s always better to be the heckler than the hecklee.

SEC. ANDANAR:  [Laughs] Pero tama ka, Ka Orly ‘no. Walang tigil ang trabaho sa loob ng gobyerno, especially dito sa Office of the Press Secretary. Kasi nga you’re always up on your toes, na alam mo iyong kung ano ang mga balita kumakalat. At dahil na rin, Ka Orly, sa social media, iba, iba na.

MERCADO: Iba, iba na ngayon ‘no, talagang grabe. Noong ibang henerasyon, ang isang communications secretary o ang press secretary – or whatever noong araw ang tawag nila – has control over the media by way of what he gives them, tapos nagpi-filter down, iyong sinasabing two-step flow ng communication. Pero ngayon, ang tao ang eh empowered. They can post anything, any comment and fake news. Noong araw, wala kaming ganiyang technology, iyong ganyang phenomenon ha.

SEC. ANDANAR:  Actually, sa tingin ko naman, iyong fake news is an extension of the hao shao. [Laughs]

MERCADO: Oo, yeah. Pero iyan maa-indentify mo naman kung sino iyong mga ano … pero ngayon you can’t … the problem is that you can be anonymous.

SEC. ANDANAR: Kaya nga it’s very challenging. And it helped a lot na dito sa TV5  eh tayo po iyong naging hepe ng news via the web, social media. So at least sanay ho tayo sa technology, sa platform at hindi na tayo nanibago as a news person, as a news man. Ang pagkakaiba lang nito, Ka Orly, of course sa TV 5, ang nagpapasuweldo sa’yo ay private individual, private company; kapag sa gobyerno, mas dagdag iyong pressure kasi alam mo na you’re being paid by taxpayer’s money at kailangan mong magpakita talaga ng dedikasyon because the position that we hold is based on public trust.

MERCADO: Okay. I’ll be specific, ipagpalagay nating mayroong nagkakalat…na mayroong kumakalat na mga balita katulad ng naririnig natin diyan sa internet na nauukol kay Presidente Digong na siya ay nagpunta sa isang cancer hospital sa China noong Bagong Taon. For example, ikaw, how did you find out this particular item? And how do you react?

SEC. ANDANAR:  Of course, kasi alam naman namin kung ano ang totoo so tatawa lang. And then, mayroong magtatanong na mga reporter, sasabihing totoo ba ito. Of course, you tell them the truth na hindi totoo iyon, nasa Davao City lang. And then, I asked the President, “Ano ba ang reaksiyon mo dito, Mr. President, na may kumakalat nanaman na balita?” So sabi ni Presidente sa akin kahapon, sabi niya—actually, hindi ko na kailangang tanungin eh. Siya na mismo ang nagsabi sa akin, “Martin, halika dito.” Sabi ko, “Yes, boss,” sabi niya, “Sabihin mo kay Tatad, baka mauna pa siya sa akin.” [Laughs] Tapos tumawa siya. So you know, it’s just a joke.

MERCADO: But you have to have a sense of humor.

SEC. ANDANAR:  Oo.

MERCADO: Kapag wala kang sense of humor sa trabahong iyan, you’re going to go crazy. Talagang ano eh…iyan ang nagbibigay ng equanimity mo eh. Dahil if you’re going to be fired up and mad, how can people believe—mayroon at mayroong naniniwala, pero ang pinagkakaabalahan natin ay iyong mas nakararami, far more sensible.

SEC. ANDANAR: Oo. Pero then again, kay Senator Tatad, he can always check the Immigration kung mayroong bang record na umalis si Presidente. Kasi wala ho talaga. Nasa Davao lang ang Presidente the entire New Year holiday.

MERCADO: So, if we go by the evidence, we go by the ano … ang sabi nga eh, lagi kong sinasabi rin eh, ang problema eh minsan sa atin mayroon tayong mga kasamahaan sa media, when they have a story to tell, they don’t allow the facts to get in the way of their story.

SEC. ANDANAR: [Laughs]

MERCADO: Eh mayroon silang istorya, bakit ba. Puntahan natin iyong LeniLeaks na tinatawag. Mayroon daw plot na gibain at pabagsakin ang Presidente sa pamamagitan ng isang grupo na nasa Estados Unidos, nagku-coordinate. Tapos kasama pa rin iyong ano eh … mayroon daw kinalaman iyong dating ambassador, etc. Ano ba ang … what’s behind this?

SEC. ANDANAR:  Ito iyong perfect case, Ka Orly, na balitang kumalat sa internet at lumaki – a platform na hindi po natin kontrolado. Ngayon, naging viral po itong istorya na ito two days before Saturday, at talaga namang kumalat sa buong mundo. At nagtatanong iyong mga kababayan natin, iyong mga supporters ni Presidente, kung bakit hindi ito lumalabas sa mainstream media, kumbaga hindi kinakagat. So ako naman, as a former journalist and a broadcaster, ang sabi ko, sige kung hindi kakagatin ng broadcast media, ng mainstream media, sabi ko, I’ll find out for myself kung totoo ito. So I have my own podcast at home, sa bahay ko. Tapos sabay sabi ko na, okay, kakausapin ko iyong sources of the information. So kinausap ko si Sass Rogando, kinausap ko si Thinking Pinoy. At during that conversation, record high iyong nanood sa Facebook. Ang peak viewers niya ay umabot ng 23,000. Kasi kung sa baba, kapag nag-peak view kami sa News 5 Everywhere, nasa mga 6,000 lang eh. Twenty-three thousand iyong peak viewers na sabay-sabay nanunood. In two hours, I reached two million people. So sobrang lakas talaga.

So anyway, it became such a hit podcast, pero kinausap ko rin si Secretary Jun Esperon para mayroon din namang sense of authority. At iyong … iyong programa, kakausapin mo iyong source at kausapin mo rin iyong authority. So I talked to him. Sabi ko, “Secretary Jun, ano ba ang gagawin natin dito? Mayroon kang impormasyon, itong dalawang blogger na ito, they’re willing to testify. Itong dalawang blogger na ito, they’re willing to give the document, and they are sending it to me now so I’ll send it to you.” So sabi niya, imbestigahan natin iyan kasi ganyan, ganyan. But then again, you do not believe everything that goes through the internet and you do not just jump the gun and jump into conclusion without checking the facts, that’s why mayroong imbestigasyon.

At ngayon naman, dahil ito ay isang dokumento na sa internet dumaan, sa Yahoo Groups ito, ngayon naman pumapasok si Secretary Rudy Salalima ng DICT. Kasi mayroon siyang online forensics investigators.

MERCADO: Okay, okay. Anyway, in the end, the way to fight the false claims and misinformation o disinformation, is the truth. In the end ang hinahanap natin evidence.

SEC. ANDANAR: Evidence yeah.

MERCADO: So as far as you are concerned, ito ba ay sa pamamagitan … it looks like by bringing it up—kasi unang reaksiyon eh, maniniwala ka ba diyan. Talagang walang namang katotohanan. Ang layo naman sa katotohanan iyan. Pero you cannot just ignore certain things in your present day.

SEC. ANDANAR: Tama kayo, sir. Kasi if you ignore it, sasabihin naman sa inyo ng tuambayan—because this is a result of citizen participation. Sa kanila galing eh. Kapag in-ignore mo, ‘Ito naman si Andanar walang pakialam. Lumabas na nga eh. Kami na nga ang nagsasabi na tingnan ninyo.’ Eh parang hindi kayo nakikinig sa kanila. So it defeats the objective of the President to have a transparent government that engages the entire community. So kaya kailangan we have to listen to the people.

 It is not about—sabi naman ng Liberal Party, praning, ganun. It’s not about that. It’s about listening to the murmurings of the people. Kapag hindi mo pinakinggan, magagalit sa iyo iyong taong bumuto sa Presidente mo. And of course, it became viral at milyon-milyon ang nakakabasa, nagagalit iyong mga supporters kung bakit ganito. So we have to satisfy their need for information.

MERCADO: Oo, at saka talagang totoo naman sa propaganda iyan. Alam naman natin, very basic naman iyan na a lie constantly repeated can become a truism. Iyong paulit-ulit mong…mayroon at mayroong maniniwala. Iyon karamihan naman, matatalino naman. At saka the bigger a lie, the better the more outlandish ‘di ba. Iyong talagang hindi kapanipaniwala.

Pero ano ba ang rumor? Ang rumor ay malaking koleksyon ng kasinungalingan na nakasakay sa isang maliit na katotohanan. There is always one small piece of truth. And if you focus on that ano, eh doon sumasakay lahat because they make you say, ‘oo nga ‘no, kapag tinanggal mo iyong small piece of truth, tanggap mo na rin iyong malaking …

SEC. ANDANAR: Oo, kasi actually—nasaan ba iyong assistant ko? Nandiyan ba si Greg? Ah, wala, bumaba. Hindi kasi, nandoon sa kaniya iyong dokumento, hawak niya. Nandoon nakasulat lahat iyong e-mail na sabi na ito dapat palitan si Presidente; ito ang mga ginagawa niya. And then mayroon din isa doon na nakalagay na si Leni Robredo, Vice President, kailangan nating sanggain kasi ito ang mga isyu; ito ang ibabanat natin kay Bongbong Marcos. May mga ganoon ba, talagang mga isyu—well, ang nakakatakot kasi dito ay, not so much of ano, kaya nilang pabagsakin ang gobyerno because they cannot. Sabi nga ni Presidente, I wish them all the success, sabi ni Presidente. Pero iyong mga personalities na sangkot dito na talagang active doon sa conversation, if it’s really them and if it is positive na mayroon silang maitim na balak, dahil doon pa lang sa pagplano ng mga—iyong ano, Ka Orly, iyong mga rally na nangyari last year, kasama doon. Iyong mga rally last year, kasama.

So halimbawa, I’ll give you a sample ng naging conversation nila sabi nila: The protest will continue and will devolve to cover the bigger ambit of human rights, women’s right, the electoral mandate, VP Leni, democracy vs. dictatorship. Let us continue to keep each other abreast of what’s happening from both sides of the ocean.  Mely.

Duterte is violating so many constitutional provisions and I will be writing an article which specifically points that out. These can be the legal grounds to remove him from his position.

MERCADO: Pero hindi naman—ang problema lang naman kung magkaminsan diyan is that you cannot move from one end of the pendulum to the other. Ibig sabihin noon, ang gusto kong i-point out is that, tayo ay naniniwala rin na magkaroon tayo ng market place of ideas at iyong mga nag-o-object ay mabigyan ng pagkakataon na magsalita, ‘di ba. We should not confuse disagreement with disloyalty. Importante na mayroon ding pagkakataon na sabihin sa atin, sa mga nakapuwesto sa gobyerno na, ‘Uy, mukhang mali na iyan’ o kaya, ‘mukhang sumusobra na iyan’ o baka naman eh medyo ganito … ‘bakit hindi ninyo gawi nang ganito para mas maganda.’ Iyang mga iyan, iyong mga nagsasabi, eh papaano iyong mga pang-aabuso ng pulis, nabibigyan ba sila ng … o sobrang poder na ngayon eh sila na ang nananaig. Mabuti kung malinis din lahat ng pulis.

SEC. ANDANAR: Ang problema kasi sa grupong ito, kung sila man talaga iyan ay, number one, sila naman iyong sanay sa ouster. Sila naman iyong mahilig sa mga People Power, People Power II, etc. Sila iyon eh, iyong mga tao na ito eh. Ngayon, their own ghosts are haunting them. Iyon ang problema eh, bumabalik sa kanila. Sinabi na ni Presidente na wala akong balak na tulungan si Bongbong Marcos, etc., Leni will finish her term. Sila naman ang praning.

MERCADO:  Categorical iyan, very categorical.

SEC. ANDANAR:  Oo, sinabi niya iyan eh. Sinabi ni Presidente iyon. At sila naman ngayon ang nagsasabi na—kasi takot nga sila because iyon ang gawain nila. You know, it’s already 2017. Pagbabago ang tawag ni Presidente. Pagbabago ang gusto ng taumbayan. Our economy is moving so fast. When all the pundits were saying na, ‘Ah, wala, pagdating kay Duterte, hindi tataas ang ekonomiya.” Pero the President proved them wrong because ang sinabi nilang 6.5 na growth rate sa last quarter of this year or two last quarters, naging 7. We are the second fastest economy in Asia. In fact this year, 7 to 7.5 ang tinitingnan nilang growth. At lahat ng mga ekonomiya sa buong mundo ay nagtataka, ano ba ang mayroon ang PIlipinas. Ano ba ang ginagawa doon kung bakit napakabilis ng ekonomiya o napakatulin ng takbo? So we are now the envy of the whole world.

So hindi binigyan si Pangulo ng anim na buwan na honeymoon period. June 30, July 1, tuluy-tuloy na. Bakbak dito, left and right, binabanatan po si Presidente, ang administrasyong ito. Hindi man lang kami binigyan ng honeymoon period. At despite of that, 83% pa rin, 8 out of 10 Filipinos believe in the President, believes on what he is saying. And the latest survey ng SWS, ang mga kababayan po natin ay naniniwala pa rin, very good pa rin ang sinasabi ng SWS dito, Ka Orly. At alam mo, doon sa survey ng SWS, anim na subject ang very good ang grade ng tao sa Presidente. Number one, helping the poor – tulong sa mahihirap; number two, promoting human rights. Ito mismo iyong mga istorya na talagang binabakbak kay Pangulo walang regard sa human rights pero very good ang score ni Presidente sa human rights. [Number 3] Defending the country’s territorial rights. Naniniwala sila, very good. [Number 4] Providing jobs; fighting crimes; and developing science and technology.

 Ang tao na ho ang nagsasalita eh. Ang tao nagsasalita, despite of your noise, na lumabas kayo at ginagawa ninyo lahat itong mga ganitong klaseng propaganda. Pero ang tao, hindi naniniwala. It’s about time for you to wake up and just help build the country.

MERCADO: Okay. Speaking of building the country. Mayroong napaka-importanteng mangyayari 2017, itong taon na ito. Ngayon ang chairmanship natin sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) and nataon na ito ang 50th anniversary ng ASEAN. And it is a very important year for us. Ano ba ang planong tutukan ng administrasyon ni Presidente Duterte tungkol dito?

SEC. ANDANAR: Ang theme po natin ngayong taon, Ka Orly, is “Partnering for Change, Engaging the World.” Ngayon, napakahalaga po na malaman ng mga kababayan natin kung ano ang kahalagahan ng ASEAN sa buhay natin, kay Juan, Maria, at kay Pedro. Dahil ang ASEAN po ay mayroong 630 million na population

MERCADO: Out of 10 countries.

SEC. ANDANAR: In ten countries, 630 [million], with $2.5 trillion worth of business or trading na nangyayari every year. Napakalaking opportunity para sa ating Pilipino, na mayroon tayong 100 million na Pilipino dito. Para sa mga ordinaryong Pilipino na gustong magtrabaho sa kung anumang ASEAN countries, puwede po tayong … wala namang visa na kailangan.

Now, ito po ang mga pag-uusapan natin as chairman of the ASEAN 2017, ito iyong ating priorities: People-oriented and people-centered initiatives. Pag-uusapan po iyong mga initiatives pagdating sa healthcare sa mahihirap, healthcare sa mga buntis, mga kababaihan at healthcare para sa mga elderly.

Nandiyan iyong peace and stability. Dahil alam natin na universal problem ang terorismo, universal problem ang droga, so nakatututok din tayo diyan.

Nandiyan din iyong maritime security and cooperation. Mayroon po tayong problema dito sa Sulu-Sulawesi, piracy, kidnapping, may problema tayo diyan. At kailangan din ng cooperation dito sa pinagtatalunang South China Sea, isa din iyon.

Nandiyan din po iyong inclusive and innovative-led growth. Inclusive, meaning, papaano natin papalaguin; papaano natin papaasensuhin ang bawat Pilipino, ang bawat tao sa ASEAN na empleyado. At paano rin natin mas lalong paasensuhin iyong mga negosyante para sila ay makakita ng mga ibang oportunidad sa ibang bansa.

Nandiyan din po iyong ASEAN resiliency, iyong mabilis na pagbangon natin. Ang Pilipinas ay daanan po ng bagyo. Tayo po ay nasa front seat, ang ating experience ay hindi matatawaran. Iyong mga bansang karatig—

MERCADO: Adelentero tayo sa bagyo.

SEC. ANDANAR: Mas experienced tayo diyan. At the same time, we can also learn from other countries, lalo na sa ASEAN Plus East Asia. Iyong Japan, kung papaano tayo makabangon or paano natin gamitin ang teknolohiya para mas mabilis tayong makabangon.

 At nandiyan din po ang ASEAN as model of regionalism. Dahil nga sa ASEAN ay mayroon pong tinatawag na ASEAN centrality na sinasabi ni Lee Hsien Loong na dapat tayong mga Pilipino, dahil lahat tayong mga taga-ASEAN ay naniniwala na kapag tayo ay nagkaisa, 630 million, mas madali tayong makipag-negotiate sa mas malaking bansa like China, Amerika, iyong mga ibang bansa sa Europa. So as one ASEAN, mas mapapabilis ang pag-asenso ng bawat bansa dito sa ASEAN. Ganoon lang po iyon.

MERCADO:  Alam mo, Martin, katatapos ko lang ng isang chapter na—

SEC. ANDANAR: You’re an expert of ASEAN.

MERCADO: Hindi naman. Katatapos lang sa isang chapter tungkol sa tinatawag na ASEAN Way. Isa sa mga problema na natutunan ko noong ako’y naging ambassador ako to the ASEAN ay iyong kinakailangan lahat, iyong sampung bansa ay mag-agree kung hindi walang agreement. Pero iyan, nagbago na rin eh. Actually, pagdating doon sa economic pillar, eh minodify na nila iyon. Puwedeng minus one. Kung hindi ka makasama ngayon doon sa tax agreement na ito, later on ka na sumama. And mayroon akong—nais kong to quote tungkol dito and I’m trying to propagate it, we should—alam mo, bagay na bagay kay Presidente Digong because I describe him as a disruptive innovator. Innovator siya but you cannot innovate without disruption.

Eh ang tagal nung problema ng ano since … 50 years ng ganoon ang style, kailangan everybody has to agree. Eh sabi nga niya you know Orly tama ako eh. Bakit ba magsasalita ang Laos tungkol sa maritime issue natin, they can say no to it, samantalang land lang sila; wala silang dagat. Kaya dapat ay may mga bagay-bagay, hindi kinakailangang…dapat parang United Nations. Puwede namang bumuto sa General Assembly na ano—eh sabi ko, iyan ang isa sa mga bagay-bagay. Ang balita ko naman ay kasama iyan doon sa irereporma. Ganoon ba iyon?

SEC. ANDANAR: Well, kasama sa mga posibilidad na mangyari. Of course, hindi naman natin mahulaan kung ano ang pag-uusapan at by that day na magkikita-kita ang mga heads of state. Kasi siyempre may kaniya-kaniya silang mga panukala. Pero one thing is for sure, after the eleven months of ASEAN activities here in the Philippines, we will come out a stronger ASEAN. And makikita talaga natin na—for the naysayers, that the ASEAN leaders respect our President. And it is also an opportunity for our President to shine more in the international scene, dahil alam naman natin na sa lahat po ng bisita ni Presidente sa iba’t ibang bansa last year ay talaga namang nag-shine ang Presidente. It really showed that he has the mettle to be an international leader.

So this is a huge opportunity para sa ating mga Pilipino din, Ka Orly. This is the best time for us to put our best foot forward. Hindi lang po ang gobyerno ang magpapakita ng maganda iyong location, maganda iyong venue. Pero maging tayong mga Pilipino, if we cooperate with government, if we show our best character na tayo’y sumusunod sa batas, tayo po ay obedient and we follow the rules at tayo ay—kasi hindi naman lahat ng mga ASEAN ay mananatili lang doon sa may CPP Complex. Lalabas iyong mga iyan eh, pati ang media. So if we show them that we are orderly, then it is an opportunity for us na ipakita sa buong mundo na why we are one of the fastest economy in the world.

MERCADO: Thank you and keep up the good work, Secretary Martin Andanar.

SOURCE: NIB Transcription