January 10, 2017 – Interview of Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar
Interview of Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar |
TV5 – Aksyon sa Umaga by Cheryl Cosim |
10 January 2017 |
COSIM: Good morning, Sec? SEC. ANDANAR: Hello, good morning Yeng. How are you? COSIM: Good naman po. SEC. ANDANAR: Okay naman? COSIM: Aba, finally. SEC. ANDANAR: Parehas tayo ng kulay ha. COSIM: Oo nga, nag-terno pa tayong dalawa ngayong araw. Nagkataon lang, nagkataon lamang po. Pero marami kang kailangang sagutin sa amin. SEC. ANDANAR: Oo, sige. COSIM: Dahil doon sa anim ka buwan ka naming nililigawan na bumisita sa amin dito, ngayon ka lang nagpa-unlak. Okay, dito muna tayo sa pinakabago, Iyong latest na satisfaction ratings ng Pangulo sinasabi… well very good pa din naman… SEC. ANDANAR: Very good pa rin. COSIM: …ang naging grado niya. Pero kapansin-pansin na doon sa mataas na – ang kanyang rating sa masa – ay dito rin siya malaki iyong ibinaba niya, na nasa 5 to 7 points. Ano ang nakikita ninyong implikasyon dito? SEC. ANDANAR: Actually, Yeng, this is the second quarter na very good ang satisfaction rating ng Pangulo. At in any administration, in any government, talagang normal iyan na bumababa. But then again, we can either look at that two things bumaba siya ng 5 points ba sabi mo? COSIM: 5 points. SEC. ANDANAR: Pero very good pa siya or tingnan din natin kung saan satisfied iyong mga kababayan natin and it is very clear na satisfied ang mga kababayan natin pagdating sa pagtulong sa mga mahihirap, promoting human rights, defending the country’s territorial rights, providing jobs, fighting crime and developing science and technology. Therefore, very good ang Pangulo sa mga aspeto na nabanggit ko lang ngayon—kasama iyong promoting human rights. COSIM: Pero with this, hindi ba kayo nababahala dahil sa bawat pagbaba, siyempre, dapat nagiging concerned din ang administrasyon na ano iyong mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin? SEC. ANDANAR: Lahat ng ito, itong mga survey, this serves as guide post ng any politician, any administration. At sa palagay naman namin sa pagpasok ng 2017 – dahil napakaraming infrastructure ang ating gobyerno – ay tataas muli or ito ay magiging consistent na very good. Kasi nga ang hinihintay ng mga kababayan natin ngayon ay mga proyekto ng Pangulo na magiging mas inclusive iyong economic growth, ibig sabihin hindi lang iyong mga mayayaman nakakaramdam ng pag-asenso; kung hindi iyong mga mahihirap nakakaramdam ng pag-asenso dahl may trabaho sila. And billions and billions and billions worth of projects ang papasok ngayong taon na ito. Merong mga railway projects, mga bridges, lahat, you name it. In fact pina-finalize na iyong plano, iyong feasibility study ng Mindanao Railway Project at makikita natin na kapag ito ay nagsimula na ng procurement at pag nagsimula na ng construction by early 2018, then makikita natin na pumapasok iyong trabaho at iyong confidence ng negosyo at of course iyong optimism ng mga kababayan mas lalong tataas pa. Mataas na nga ngayon, mas lalong tataas pa. COSIM: Pero hindi rin natin maaalis sa pagpasok din sa pagpasok din ng 2017, ay may mga isyu rin na hindi magiging masaya ang masa. Katulad na lamang doon sa inaasahan na pagtaas na pension sa SSS na medyo hindi natuloy. Although hindi sinasabing hindi na ito mangyayari, pero may delay on this. Posibleng maging epekto ito na baka sa susunod na survey eh makapababa ulit ito ng rating, di ba. Kasi kung masa ang pagtutuunan natin ng pansin na dito siya bumaba? SEC. ANDANAR: Alam ko malapit sa puso mo ang SSS, Yeng, at…abangan na lang natin mamayang hapon kung ano ang magiging announcement ng Pangulo. COSIM: Unahan na natin (laugh). SEC. ANDANAR: Hindi, hindi puwedeng pangunahan ang Pagulo. COSIM: Pero ito ba… ito ba ay inasahan nating magiging magandang balita? SEC. ANDANAR: Very optimistic. We are very optimistic. COSIM: For the pensioners? SEC. ANDANAR: For the entire country. COSIM: Napaka-general naman noon, hindi ba? SEC. ANDANAR: Hindi, basta mamaya po ay abangan natin. Merong magiging press conference and that’s because—hindi ba nagkaroon kami ng Cabinet meeting kagabi at maraming napag-usapan— COSIM: Iyon ang gusto din nating detalyehin na sana ay maibahagi mo sa amin kung ano ang nangyari. SEC. ANDANAR: Oh yeah, wala namang problema kung gusto mong pag-usapan natin ngayon. COSIM: Yes. SEC. ANDANAR: Kagabi po ay natapos iyong Cabinet meeting mga alas-onse na ng gabi at napag-usapan iyong national tourism development, nandiyan din iyong napag-usapan iyong status ng ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo— COSIM: Bagyong Nina. SEC. ANDANAR: Noong Christmas Season at nandiyan din iyong proposed development ng Bacoor Bay – merong possible investors for the railway system project, which is basically in the entire country. Nandiyan din iyong SSS na napag-usapan, at iyong National Space Development Program and establishment of the Philippine Space Agency ng DOST. At of course napag-usapan din iyong pagbisita ni Prime Minister Abe this week, COSIM: This coming week. SEC. ANDANAR: This week. COSIM: So ito ay plantsado na at ito ang mga napag-usapan, iyong mga detalye niyan maasahan natin kay Pangulo mamaya, within the day. SEC. ANDANAR: Yes. Yes the Cabinet meeting last night. COSIM: And pag-usapan natin, Secretary Martin, iyong budget naman, ano. Higit 600 porsiento ang itinaas po ng budget para sa Office of the President dahil daw dito sa ASEAN Summit na gaganapin. Ano-ano naman ang aasahan natin pagdating sa darating na Summit? SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Yeng, at natanong mo iyan dahil by January 15, kick off na ng official ASEAN Summit sa Davao City at within the year po magkakaroon ng more than 100 ministerial meetings across the Philippines. From now until November, magkakaroon po ng tatlong major summits; one will be this coming April, August at meron din po sa Nobyembre. But what is most important is tayo po iyong chairman ng 50th anniversary or the golden anniversary ng ASEAN. And it is time for the country and para sa mga kababayan natin na maintindihan iyong kahalagahan ng ASEAN. Dahil kung titignan mo talaga iyong datos nasa 23 to 24 % lang ang may basic understanding ng ASEAN. So, you look at it a 100 million population 23 to 24 million lang. So kaya trabaho ng PCOO na umikot po sa buong Pilipinas para ipaliwanag sa mga kababayan na at least target man lang more than 50% na ang— COSIM: Na maintindihan kung ano iyong kagandahang idudulot nitong ASEAN Summit. SEC. ANDANAR: Sa mga buhay ni Juan, Maria. COSIM: At ano nga ba ito – para na rin doon sa mga nanunuod sa atin na hindi naiintindihan. Ano nga ba itong ASEAN Summit; why would we even care? SEC. ANDANAR: Okay, ang ASEAN region kasi ay merong 630 million na population. Now, for a country like the Philippines to be able to compete well, to negotiate well, to bargain with larger countries like China, the United States or bigger continent like Europe ay kailangan nating magkaisa sa isang organisasyon tulad ng ASEAN [with] 630 million, para mas malaki iyong ating negotiating power. As an ASEAN integrated community ay meron pong mga perks ang isang ASEAN member na wala po iyong mga bansa sa labas ng ASEAN. Halimbawa na lamang, merong mga colleges, universities sa Pilipinas na accredited doon sa mga ibang bansa sa ASEAN tulad ng Singapore, Indonesia. Therefore if you finished a course or if you get a diploma from a specific university in the na accredited po doon sa ibang lugar sa ASEAN – like Singapore – iyong diploma mo kikilalanin doon sa lugar na iyon. So, those are just some of the perks. Negosyo halimbawa, merong mga ibang field na negosyo sa buong ASEAN na puwede mong pasukin na mababa iyong buwis. Iyong mga ganoong klase… people to people exchanges, negosyo – iyong mga negosyo for small entrepreneurs. Pagbukas iyong merkado ng isang—halimbawa, kayo ay gumagawa ng basket at kailangan ng basket doon sa Myanmar, mas madaling makapasok sa Myanmar…of course, no visa, iyong mga ganoong klaseng ano. And it is very important for the country – para sa ating mga kababayan – na maintindihan kung bakit natin sine-celebrate iyong ASEAN as a region. COSIM: Okay we’re gonna be hosting it, ito nga 50th anniversary. Ano ang magiging tema o focus nitong Summit na ito at tayo bilang host, ano rin ang agendang isusulong natin? SEC. ANDANAR: Ang official theme ngayon ay “Partnering for Change, Engaging the World.” Now, meron po tayong apat or limang themes para dito sa ASEAN. Now, nandiyan po iyong people oriented and people centered initiatives – ito po iyong pagpapaganda ng ating healthcare, healthcare para sa mga matatanda, sa mga kababaihan. Nandiyan din po iyong peace and stability – dahil mahalaga po na kailangang magtrabaho iyong buong ASEAN collectively laban sa terorismo at laban sa droga. Nandiyan po iyong maritime security – kasi alam naman po natin na may problema diyan sa karagatan, lalo na sa Sulu, Sulawesi Sea may mga kidnapping diyan. At nandiyan din iyong inclusive, innovative led growth, which means iyong mga empleyado ay hinihimok nating mag negosyo. Tutulungan natin at iyong mga negosyante naman tutulungan natin na makapag-avail sa mas malaking merkado sa ibang bansa sa ASEAN. ASEAN resiliency – ito po iyong mabilis na pagbangon, dahil tayo po sa Pilipinas ay daanan ng bagyo. COSIM: Sanay na sanay na tayo doon. SEC. ANDANAR: So, if you have cooperation, puwede nating tulungan iyong…halimbawa, iyong mga bansang Indonesia, they can draw from our lessons at nandiyan din iyong ASEAN as a model of regionalism. The centrality ng ASEAN ay nasa cooperation po ng buong rehiyon na ito, 630 million population with 2.5 trillion dollars of business happening every year within the region. COSIM: So iyong pinaka-agenda talaga o iyong tina-target natin na maisulong dito—iyong sa atin, pansarili natin, ang Pilipinas, ano ito? SEC. ANDANAR: Kasi ang bansa pong Pilipinas ay nakakaranas po ng isa sa pinakamataas na GDP growth, 7% the last two quarters and ang target po 7.5% this year. Now, second highest or second fastest growing economy in Asia at marami po ang nagtatanong na mga ekonomista sa iba’t-ibang bansa and very curious how we are doing this. Mind you ha, after the administration ng PNoy na mataas din ang bilis ng ekonomiya, siyempre maraming mga pundits na nagsasabi, ‘hindi mababa, hindi tataas iyan kay Duterte’; pero lalong tumaas. COSIM: Okay. SEC. ANDANAR: Ang ine-expect nila doon ay bababa ng 6.5, 6.8, pero tumaas pa rin ng 7%. So Fortune Magazine said ito ang isang nagawa ni Pangulong Duterte na hindi niya ipinagmamayabang. So ngayon nagtataka iyong buong rehiyon, ang buong mundo, ano ba ang meron ang Pilipinas, ano bang ginagawang ni Presidente Duterte at nangyayari ito? So, it is an opportunity for us bilang chairman na ipakita sa buong mundo – dahil nandito silang lahat, ASEAN and the other countries, America pagdating doon sa ASEAN plus East Asia – kung ano ba ang Pilipino, sino ba ang Pilipino, gaano ba ka-disiplinado, gaano ba kaganda. It’s time for us to show them why we have one of the fastest economies in the world. COSIM: Okay, it’s gonna be a busy year for us pala, ng ating bansa. Ngayong January, naka-focus tayo sa darating na Miss Universe pageant na—confirmed ba na dadating ang Pangulo, talagang manunuod siya ng live? SEC. ANDANAR: Sa ngayon iyon ang balita, things may change. But the most important thing is dito po mangyayari ang Miss Universe sa ating bansa. At ang daming activities na nakalatag na nilatag in Secretary Wanda Teo all over the Philippines. Kung saan pupunta iyong mga kandidata, merong Davao, merong Cebu. So iyon abangan natin. COSIM: Kanina nabanggit mo at nasa balita nga na bibisita ngayong lingo si Japanese Prime Minister Shinzo Abe. Ano-ano ang ating aasahan sa kanyang pagbisita? SEC. ANDANAR: Well, kasi…unang-una si Prime Minister Shinzo Abe po ang pinakaunang foreign Prime Minister, Head of State na is visiting us this year at siya din po iyong pinaka-unang head of state na bibisita sa Davao City. At alam naman natin nung nagkita po ang ating Pangulo at si Prime Minister Shinzo Abe – nandoon po tayo noon sa Japan – ay they hit it off really well. Tumagal kami doon sa banquets kung saan nag-usap ang Pangulo, si Prime Minister, nagpa-picture, etc. And the Prime Minister said na gusto niyang bisitahin ang Davao City, si Presidente, gusto niyang mapuntahan ang bahay ni Presidente Duterte, iyong bahay mismo sa Davao City. We expect a very, very warm—kumbaga, hindi lang ano ha, hindi lang strengthening of ties, but a very, very warm visit and a very, very warm welcome. COSIM: Gaano siya katagal dito sa ating bansa? SEC. ANDANAR: Two days. COSIM: Okay, Sec. Mga paunang tanong pa lamang namin iyan. Sa ating pagbabalik ay patuloy po nating makakasama si Secretary Martin Andanar. Dito pag-usapan po natin itong mga mas mga kontrobersyal na isyu, partikular lalo na itong Lenileaks na lumabas na ang sinasabi nga ay praning lang naman daw ang Malacañang dahil dineny na ito ng kampo ni VP Robredo at saka ni Loida Nicolas-Lewis. Mamaya, iyan po ay ilan lamang sa mga itatanong pa natin kay Secretary Martin Andanar. Babalikan po natin siya. (commercial break) COSIM: At kaugnay po ng balitang iyan, kasama natin ulit dito pa rin sa studio si Presidential Communications Secretary Martin Andanar. Okay, dito na tayo, sabi ko nga mas kontrobersyal na mga isyu. Ano ho ang masasabi ninyo na dinepensahan na nga ng mga kaalyado ni VP Leni Robredo na walang katotohanan ito. SEC. ANDANAR: Well, natural naman na dedepensahan talaga ng mga kaalyado ng Bise Presidente ang Vice President. Pero hindi maalis ang katotohanan na talagang merong nag-leak na impormasyon na open yahoo group. I don’t know why they opened it, so it’s one huge stupidity to talk about bringing down a government. For example, ito iyong sinabi nung isa sa mga nakasulat dito sa Lenileaks: “Duterte is violating so many constitutional provisions and I’ll be writing an article which specifically points out that this can be the legal grounds to remove him from his position. The whole world and decent, good Filipinos will be with us. We’ll do our part here in the US and other parts of the world.” So ibig sabihin talagang may effort na to undermine the government. Siguro ang gawin na lang siguro ng mga taong involved dito is to prepare their answers once the investigations kicks off. Kahapon, kausap ko na po si Secretary Jun Esperson, kausap ko rin po si Secretary Rudy Salalima ng DICT; at ipinasa na namin itong dokumentong ito kay DICT Secretary Rudy Salalima para sa online forensic investigation. Because of course, I am not saying na iyong mga involved na tao dito ay sila talaga. We give them the benefit of the doubt. We don’t want to jump into conclusions. So it has to go through a vetting process, it has to be verified and of course they have to veracity of the document if it is a bona fide yahoo open group document or not. And if it is – kung iyong mga tao ba na nabanggit dito ay sila talaga. I understand na is Professor Randy David ay sinabing although he is part of the email group he was never active. And I do…I subscribe to what Professor Randy David said. Feeling ko naman kasi ang yahoo group kahit na sinu-sino naman ang puwedeng isama dito. COSIM: Pero ilang beses na rin sinabi at dineny na nga ito mismo ni VP Leni Robredo na wala siyang kinalaman dito, maging si Loida Nicolas-Lewis. SEC. ANDANAR: Totoo namang wala naman si Vice President Leni Robredo sa mga emails, hindi naman siya direktang sumagot o naging aktibo dito. But merong miyembro ng kanyang opisina na aktibo dito and maybe…siguro, puwede nilang imbestigahan kung sino iyong tao na iyon, because obviously nagkakalat iyong tao na iyon. At kahapon nga nakausap ko iyong Pangulo at sabi ko, “ano ba ang masasabi mo sa Lenileaks.” Sabi niya, “itong sabihin mo sa kanila, Martin – sabi niya – I wish them all the success.” COSIM: Okay, all right. So hindi siya nababahala. Wala sa kanya ito. Pero kayo ay magsasagawa ng imbestigasyon. So, nagbigay siya ng go signal. SEC. ANDANAR: Oh, yeah COSIM: Na ituloy ang investigation on this. SEC. ANDANAR: Oo naman. Of course, kung meron namang mga ganitong klaseng istorya, kung merong mga ganitong dokumento at meron pa isang dokumento na… mayroong isang taong lumapit sa amin na magbibigay pa ng isang dokumento. We all take this seriously. Because any form of destabilization is not good for the country. And as a member of the Cabinet and as a citizen of this country na naniniwala sa Saligang Batas, eh dapat lamang po ay respetuhin natin ang mandato ng Pangulo. COSIM: Okay, is Secretary Aguirre sinasabi niya ay naniniwala siya on this pero wala siyang balak paimbestigahan, hindi na niya pakikialamanan ito. SEC. ANDANAR: Well, kasi kanya-kanya naman iyang opinion sa Gabinete, di ba, kanya-kanya naman iyon. Pero ang sa atin lang is that we want to know the veracity of the email, the report, kung ano iyong nakita, kasi wala namang—kaysa naman upuan lang namin ito, mas maganda at malaman namin kung talagang totoo itong email na ito. Na sa kanilang grupo ito. COSIM: At kung sakaling mapatunayan na totoo ang nangyayari at na-verify nga ito— SEC. ANDANAR: Si Secretary Jun Esperon will have his recommendation. COSIM: Ano ang posibleng maging rekomendasyon kapag ito ay napatunayang totoo SEC. ANDANAR: Ayaw ko namang pangunahan si Secretary Jun. Pero I’m sure ito ay isang rekomendasyon na dapat meron talagang managot. COSIM: Okay, sabi ni Loida Nicolas-Lewis, totoong may nanawagan ngang mag-resign at ito naman ay hindi niya dine-deny na mag-resign nga si Pangulong Duterte. Pero hindi daw ito para patalsikin sa puwesto. Ano ang reaksiyon ninyo sa pahayag na ito? SEC. ANDANAR: Sabi niya may panawagan mag-resign; pero hindi para patalsikin sa puwesto. Well, alam mo, it’s a free country, it’s a free world ang—kung ano ang sinasabi ni Ms Lewis ay meron siyang karapatang sabihin iyon, free expression. Alam natin na she is an avid supporter of former Secretary Mar Roxas at Vice President Leni Robredo. Iyon… trip nila iyon eh, di ba kung ano gusto nila di gawin nila. But the thing is – sa atin lang – gawin lang nila iyong mga ginagawa nila as long as hindi siya outside the Constitution or labag sa batas. Ang sa atin lang naman ay—you know the yellows have not given the President the six months of honeymoon period. Na kumbaga nakaupo lang bakbak agad ng bakbak. Hindi ko maintindihan kung bakit, mataas naman ang rating ng ating Pangulo, tinatanggap ng buong tuambayan, hindi ko alam kung ang pagbakbak sa kanya ay hindi matanggap iyong pagkatalo noon or they just cannot moved on. Hindi ko alam eh. Pero siguro it’s about time for our country to be united, t0 respect the mandate of the people and give the President at least six months of the honeymoon period that he deserves. COSIM: Panghuli na lamang, iibahin ko na lang muna ang isyu. Pag usapan natin nag kalusugan ng Pangulo. Naging isyu ito nung nakaraang taon at ito sa pagsalubong ng Bagong Taon lumabas nga sa balita na nagtungo daw ang Pangulo sa China. Ano ba talaga ang estado ng kalusugan ni Pangulong Duterte. SEC. ANDANAR: Nagkaroon kami ng Cabinet meeting kahapon. COSIM: Napag-usapan ba iyon na nabalita na nagpunta daw siya sa isang cancer institution? SEC. ANDANAR: Well, nag-usap kami ni Presidente. Sabi niya, “Martin halika dito.” Sabi ko, “yes boss.” “Sabihin mo kay Tatad baka mauna pa siya sa akin.” COSIM: Well, okay, all right. SEC. ANDANAR: Well, there was a Cabinet meeting. We started at 3 pm and we lasted about 11. Ayaw pa nga ni Presidenteng tapusin iyong Cabinet, pero of course it was late already. You can see that the President was so attentive and it’s himself. COSIM: Pero wala talagang katotohanan na nagtungo siya ng China? SEC. ANDANAR: Nasa Davao. I-check na lang po si Senator Tatad iyong sa Immigration. COSIM: Kasi ang sinasabi rin niya ay puwedeng i-check doon sa hospital. But of course, we can’t do that. SEC. ANDANAR: I-check niya sa Immigration kung lumabas muna ng Pilipinas; at i-check din niya sa Davao kung lumabas sa Davao. COSIM: Sana hindi lamang ito ang una at huli at hindi na kami mahirapang imbitahan kita. SEC. ANDANAR: Hindi naman, hindi naman. COSIM: It was good seeing you and thank you so much for your time. Secretary. SEC. ANDANAR: Thank you, Yeng. It’s good to be back. COSIM: Pero hindi mo kami namimiss? Masyadong maraming trabaho. SEC. ANDANAR: Alam mo kasi ganito lang iyan, every time na ako ay bumibiyahe – Metro Manila, alam kong busy tayong lahat – I just tune in to Radyo COSIM: Oo nandoon ka pa rin, eh, nandoon pa rin ang boses mo. All right maraming salamat, Presidential Communications Secretary Martin Andanar. |
SOURCE: NIB Transcription |