January 11, 2017 – Interview with PCO Secretary Martin Andanar
Interview with PCO Secretary Martin Andanar |
ABS-CBN/Umagang Kay Ganda |
11 January 2017/7:04-7:17 a.m. |
PEREZ: Umagang Kay Ganda, Secretary. SEC. ANDANAR: Good morning po. TABERNA: Siguro unahin natin iyong ASEAN Summit, iyong pagdating ng mga lider dito. Kimusta ba ang preparasyon natin ngayon? SEC. ANDANAR: Ang launch nito, Tunying, sa January 15 na sa Davao City. This is two days after nagbisita si Japanese Prime Minister Shinzu Abe. So ngayong darating na 15, nasa SMX sa Davao, kasama iyong mga Cabinet at lahat ng Diplomatic Corp para nga sa launching nito. So magiging tatlo po iyong major events ng ASEAN 2017. Meron po sa Abril, Agosto at sa Nobyembre. Sa Abril, ito iyong mga ministers; tapos sa Agosto, ito iyong mga head of states ng ASEAN; tapos sa November naman heads of states ng ASEAN plus iyong iba pang bansa na kasali, usually United States, Russia, China, Japan. TABERNA: This early meron na tayong confirmation kasi doon sa pinakadulo iyon ang parang culminating event. Iyong mga lider ba ng mga binanggit mong bansa – US halimbawa si Donald Trump, si Vladimir Putin – meron ba tayong inaasahang pagdalo nila? SEC. ANDANAR: Iyon ang inaasikaso ngayon ng Department of Foreign Affairs. Alam naman natin na iyong President-elect Donald Trump ay in-invite din siya personally ni President Duterte nung sila ay nagkausap. TABERNA: Eh iyong idol niya si— SEC. ANDANAR: Vladimir Putin, oo. Ganundin, hinihintay natin iyong abiso. PEREZ: So wala pang nagko-confirm. TABERNA: Medyo malaking event ito. SEC. ANDANAR: Malaking event, kasi 50th anniversary, golden anniversary ng ASEAN. Tapos marami ring inaasahang tatalakayin halimbawa na lamang iyong panuntunan diyan sa West Philippine Sea, South China Sea, so lahat ay nakatutok diyan sa isyu na iyan eh. Kung ano iyong gagawin, kung ano iyong mga rules and regulation na napag-usapan during the last ASEAN Summit sa Laos. Kasi iyon naman talaga nag pinush ng Singapore at Malaysia at iba pang bansa sa ASEAN. TABERNA: Iyong iba bang paghahanda dito, security pati na rin siguro iyong traffic, pati iyong gastos sa pago-organize nito. Comparable ba ito sa APEC Summit? SEC. ANDANAR: Ang budget kasi ngayon is 15.9 billion pesos, if I am not mistaken. Hindi ko lang tiyak kung ano ang mas malaki kung APEC ba o ngayon. Pero pagdating doon sa mga traffic, sa lugar…ang ginawa kasi ni Ambassador Paynor ay inisolate niya dito sa may Macapagal Boulevard, yung sa may Roxas Boulevard; ang daming hotel diyan eh. So para iyong traffic medyo kontrolado, kasi doon lang naman, nandiyan din iyong mga hotels. Saka alam naman natin tapos na rin iyong flyover mula sa— TABERNA: Ah iyong sa airport, diretso sa Macapagal Boulevard. PEREZ: Magagamit na iyon. SEC. ANDANAR: Magagamit na. So hindi masyadong maabala ang mga motorist. TABERNA: Pero bago iyong ASEAN Leaders Summit eh, Miss Universe muna. SEC. ANDANAR: Miss Universe. TABERNA: Miss Universe muna—ikaw ba ay judge? SEC. ANDANAR: Hindi, dapat ano eh—ngayong darating na 19 dapat eh magho-host ako…kinuha akong… host daw ako doon sa Davao— PEREZ: Iyong fashion show na gaganapin. SEC. ANDANAR: Smaller event sa Davao City. TABERNA: Kailangan mo ba ng alalay? SEC. ANDANAR: Smaller event— CARINO: Hindi smaller iyon, ikaw ang host eh. PEREZ: Malaking event iyon, Secretary. SEC. ANDANAR: Pang-ano lang… iyong mga side events. Tapos sa 17, alam kong gustong-gusto mo ito sa Cebu, swimsuit. PEREZ: Ah sa Cebu gagawin pala iyon. CARINO: Hindi na ak0 nagsu-swimsuit eh. Bihira na. TABERNA: Aasahan ba natin ang Pangulong Duterte sa kahit alin man sa mga major events related to Miss Universe pageant? PEREZ: Dadalo ba siya? SEC. ANDANAR: Titingnan natin. Kasi si Secretary Wanda Teo is working out…iyon nga yung sa huli lalo na iyong final…iyong coronation night. PEREZ: I think sa January 30 iyon. SEC. ANDANAR: Oo sa January 30. Pero sa ngayon, abalang-abala lahat na—ang dami kasing mga side events eh. Meron sa Davao, sa Cebu. PEREZ: May Baguio. SEC. ANDANAR: May Baguio, so masaya. At the same time, iyon nga balikan natin ang ASEAN. Merong 100 mini summits/conferences na mangyayari sa buong Pilipinas. Perfect itong na ano eh—it’s perfect for us, kasi siyempre libre iyong media exposure for the Philippines, ang daming delegado— TABERNA: Tourism-wise. SEC. ANDANAR: Tourism-wise and also kasi 7% iyong GDP natin, one of the fastest in the world. So panahon na maipakita natin sa mga delegado sa buong mundo kung bakit 7% iyong GDP natin. TABERNA: Siguro iyong airport natin ang—kasi iyan ang mukha ng pagpasok, kailangan sobrang ganda. PEREZ: Makita kaagad. SEC. ANDANAR: Oo. Kailangan best foot forward ano. TABERNA: Correct, correct. Walang maipipintas. In fairness, NAIA terminal 1, ang ganda ng mga review ngayon. SEC. ANDANAR: Oo, ang ganda, saka malamig yung aircon, saka iyong banyo malinis. PEREZ: Tuloly-tuloy na ba iyon, Secretary, iyong pagpapa-ayos doon. SEC. ANDANAR: Oo, tuloy-tuloy iyon. In fact speaking of infrastructure, doon sa Cabinet meeting on Monday, ay napag-usapan din iyong malalaking infrastructure projects like the Mindanao Railway Project na matatapos na po iyong…I think feasibility study by April this year. Ang laki po talaga—ang daming tren, Mindanao, meron sa Panay, meron sa Cebu, dito sa Metro Manila, saan puwede. Maraming proyekto na should really jumpstart the economy by this year. TABERNA: Bihira lang naman nating makausap itong si Secretary. CARINO: Sasamantalahin ko na rin. May mga nagme-message sa akin sa Facebook tinatanong: Ano ba ang nangyari sa six months na pangako walang nang krimen. May plano pa ba. Ano bang pagbabago sa plano? SEC. ANDANAR: Iyon ba iyong sa drugs, sinasabi mo, iyong six months? CARINO: Sa crime iyong sabi ng dating candidate Duterte eh within six months kayang— SEC. ANDANAR: Hindi, ang sinabi ni Presidente is iyong drugs, di ba. Tapos humingi siya ng extension na another six months and then iyong huling interview nung December 29, ito iyong sinabi ni Presidente na hindi siya titigil hangga’t sa matapos ang kanyang termino until the last drug pusher is eliminated from the streets. So, it’s a continuing struggle. Alam naman natin na nung si Presidente Duterte kandidato pa lamang ay wala siyang resources. Wala sa kamay niya ang resources para malaman kung ano iyong extent ng droga and of course ngayon alam na niya. TABERNA: Ganito pala katindi. SEC. ANDANAR: So 1 million na iyong sumusurender. Di ba 4 million ang sabi ni Presidente, so may tatlong milyon pa. CARINO: Eh kasi iyon iyong pinag-uusapan katulad nung sinasabi ni Loida Lewis na iyon iyong pinupunto nila na. SEC. ANDANAR: Ang problema kasi kay Loida Lewis, partner. Sinabi na ni Presidente humingi siya ng extension. Ganoon ba ho kahirap intindihin Ms Lewis ang sinabi ni Presidente. Ang problema po sa inyo nagbibingi-bingihan kayo. TABERNA: Baka dapat Englesin ninyo. Baka nanunuod sa atin ngayon iyon eh—marunong ho bang mag Tagalog? SEC. ANDANAR: Marunong mag Tagalog iyon. TABERNA: Bicolana. CARINO: Sorsogon. SEC. ANDANAR: Iyon kasi ang problema, pag masyado tayong nagmamagaling, tapos eh hindi tayo nakikinig kung ano ang sinasabi. Sometimes we have to listen. Kapag sinabi ng lider mo na teka muna, pasensiya na ho, eh hindi kaya ng six months, hingi muna ako ng additional six months. Makinig tayo, don’t base it on what the person said before. Kapag humingi ng paumanhin at humingi ng six months; pagbigyan natin, iyon ang ano. ARAULLO: Secretary, isang karugtong nung war on drugs, iyong ngayong narco-list. Kasi siyempre iyong mga tao uhaw din makita iyong mga sinasabing malalaking isda, iyong mga big fish. So kung iyong mga public officials man iyan, kasama iyong mga mayor, ano ba iyong susunod na habang doon. Nag-release ng bagong listahan ng mga mayor na sangkot umano sa droga. Ano ba iyan, ipapatawag, kakasuhan ba iyan? PEREZ: May makukulong ba? SEC. ANDANAR: Kasi again, kung nakita ninyo iyong kapal nung listahan di ba. Pinapakita ni Presidente ganun kakapal, tapos nandoon iyong mga narco-politicians ano. Hindi naman ganoon kadali na… hindi naman puwedeng i-eliminate mo lahat iyon. You have to go to the right process. Ang binanggit ni Presidente ipapatawag niya. So, antayin natin kung anong susunod na hakbang, kung ano ang mangyayari, kapag pinatawag na ni Presidente iyong mga listahan ng narco-list. ARAULLO: Kasi iyon na nga eh, may mga involved na malalaking tao. Although, siyempre nakita na natin iyong nangyari kay dating Mayor ng Leyte, Mayor Espinosa. Although hindi natin sinasabi gusto natin ganun iyong mangyari. Pero parang kung ganoon kalalim iyong problema na hanggang sa—very tough, lalo na sa mga local areas. Iyong kung ano iyong mangyayari doon at paano natin— SEC. ANDANAR: Basta hindi titigilan iyan, Atom. Talagang sisiguraduhin ng Pangulo na masolusyunan iyong problema; matapos na lahat bago matapos iyong six years ni Presidente. TABERNA: Ipapatawag daw lahat ng Mayor? SEC. ANDANAR: Iyon ang sinasabi ni Presidente. Pero mamaya ay meron ding—mga Metro Mayors pupunta sa Malacañang. Kasi siyempre kung ipapatawag mo lahat, hindi naman siguro magkakasya lahat sa— TABERNA: Ilan ang Mayor? Sabi, 1,7000 municipalities. Tapos yang nasa listahan hindi na pauuwiin. [laughs] ARAULLO: Ganun…grabe. SEC. ANDANAR: So talagang masusing imbestigasyon ang mangyayari dito. PEREZ: Secretary, huli na lang. Iyong problema sa traffic? Iyon ang iniinda araw-araw ng mga kababayan natin. May mga pagbabago pa ba kaming aasahan? SEC. ANDANAR: In fairness naman kay Secretary Tugade, MMDA, pati sa DPWH…iyong last Christmas nag-improve ng kaunti, kahit papano konting-konti. Tapos humihingi nga is Secretary Tugade ng emergency power sa Kongreso na medyo, you know, wala pa tayo doon. Pagpasok ng mga infrastructure projects, pagpasok ng decentralization ng Metro Manila – kasi meron ngang nag-present din sa amin sa Gabinete nung Lunes na how to decentralize it – then maramdaman—it’s not an overnight solutions. Sinabi ni Presidente ito noon pa an na walang silver bullet solution to this problem, lahat magsasakripisyo, lalo na pagpasok ng infrastructure projects. TABERNA: Sir, maikling-maikli na lang kahit na gusto na akong sakalin ni David dito. SEC. ANDANAR: Sige, sige po. TABERNA: Iyong pasya ng Pangulo na i-release iyong 1,000 na…out of the 2,000 pension increase ng SSS pensioners. Paano nakarating doon sa desisyon na iyon? May kinukuwento kanina banggaan sa Gabinete. SEC. ANDANAR: Opo. Nagkaroon po ng mahabang debate sa Gabinete, umabot po ng alas-onse ng gabi. Nakita natin iyong mga pro—mga Cabinet members who are pro na taasan, dagdagan iyong pension at meron din iyong iba iyong— CARINO: Against. SEC. ANDANAR: Hindi naman against, pero meron silang sariling solution. Ang isa doon ay kailangan maipasa muna iyong income tax reform. So hindi naman sa ayaw, pero maghintay lang ng kaunti. Pero alam na natin ano ang nanaig, iyong pangako ng Pangulo sa publiko na ipagkaloob. So 1,000 muna this month, tapos sa doon 2022 madadagdagan. Pero we’ll never know, baka mapa-aga pa iyan… depende sa management ng SSS funds. TABERNA: Okay, Secretary, salamat po. Iyong ibang tanong ite-text na lang namin, ang dami pa naming tanong. CARINO: Next time ulit ano yung kay Argosino. TABERNA: Oo, saka na. Oo, nga posasan mo na nga iyon, iyong Argosino saka iyong Mike Robles ba iyon. SEC. ANDANAR: Sa programa mo na lang sa radio. TABERNA: Secretary Martin Andanar, maraming salamat po sa inyo. At sa susunod magdala kayo ng pagkain ninyo, hindi nga kinakain —- SEC. ANDANAR: Ako ang bahala sa inyo. CARINO: Thank you, Sec. Umagang Kay Ganda. SEC. ANDANAR: Umagang Kay Ganda. TABERNA: Mabuhay ka. ## source: Transcription NIB |