INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR.
DZRB – Radyo ng Bayan / Balita at Panayam by Alan Allanique
12 Jan 2016
ALAN: Hingi lang kami ng dagdag na mga reaksiyon, sir, sa Malacañang, halimbawa dito po sa survey na inilabas ng Pulse Asia, ano ho, at iyong SWS survey. Iyong may kaugnayan po halimbawa dito sa self-rated poverty ng ating mga kababayan at iyong sinasabi po ay… iyong isang aspeto po nito ay sinasabing ang projection o sa kanilang nakikita ay positibo naman sa hinaharap po, Secretary Coloma, sir?

SEC. COLOMA: May dalawang magkaugnay na ulat, Alan, na maari nating suriin. Ang isa ay iyong Pulse Asia Ulat sa Bayan, na naglalaman ng kanilang mga natuklasan tungkol sa mga concerns o iyong pinakamahalagang usapin para sa ating mga mamamayan. At iyong isa naman ay iyong SWS latest reports doon sa self-rated poverty at self-rated hunger.

Doon sa Pulse Asia Ulat ng Bayan ang sabi nila ang isa sa pangunahing national concerns — kung tatanungin ang ating mga kababayan hinggil sa kanilang itinuturing na pinakamahalagang pambansang isyu — ay iyong controlling inflation. Kung tutunghayan naman natin, Alan, iyong datos kung ano ang antas ng inflation, makikita natin na dahil sa mainam na pamamahala ng ekonomiya, ito ay na-control ng ating pamahalaan at sa sunud-sunod na quarters ng pagturing dito nag-a-average lamang ng 1 to 1.5%, at isa ito sa pinakamababang inflation rates sa buong Asya.

Iyong inflation kasi, Alan, kung masyadong mataas ang pagtaas ng presyo o ng paggalaw ng presyo ng mga bilihin, lalung-lalo na iyong mga prime commodities at lalung-lalo na iyong presyo ng pagkain, malaki ang epekto kaagad nito sa ating mga kababayan. Bukod sa nababawasan ang purchasing power ng kaniyang piso — para sa mga maralitang pamilya malaking bagay ito. Kaya mahalaga na nako-control ng pamahalaan iyong inflation. Kasi isa rin sa pinakamahalagang aspeto ng kahirapan ay iyong kagutuman. Siyempre kung tumataas ang presyo ng bilihin lalong makakabawas ito doon sa budget para sa pagkain. Kaya magkakaugnay lahat ito, Alan.

Ayon doon sa datos ng SWS, iyong nakalap na data sa fourth quarter na iyong self-rated poverty ay 5o. Sa buong taon na 2014, nag-average lamang sa level ng 50-51 iyong self-rated poverty. At ito ang pinakamababa sa maraming taon ng pag-aaral ng SWS. At ito ring self-rated food poverty ay mababa rin na 33% ng mga household, nung mga nakaraang quarter ay 36, 37, 35. So ang average ng buong 2015 ay 35, at ito ay 7 points na ang ibinaba mula doon sa average self-rated food poverty na 42% in 2014. At ayon sa SWS ito ay isang record low, pinakamababa simula nung kanilang sinubaybayan iyong self-rated food poverty noong 1988. Kaya ito ay kapansin-pansin at nagpapahiwatig ito na nagkakaroon ng epekto iyong mga pagpupunyagi ng pamahalaan na mabawasan ang kahirapan at matulungan ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng mga programa na katulad nung Pantawid Pamilyang Pilipino Program, iyong Conditional Cash Transfer, iyong mga programang pang-nutrisyon ng National Nutrition Council at iyong PhilHealth. Kaya magkakaugnay itong mga ulat na ito, Alan.

ALAN: Ayon. At base po doon sa mga figures na binanggit ninyo, Secretary Coloma, parehong nag-improve iyong aspeto ng self-rated poverty at iyong aspeto naman ng self-rated food for poverty. Kumbaga iyong isa parang hirap sila pagdating sa makakain, iyong isa naman sa kabuuan ng kanilang pamumuhay, Secretary Coloma?

SEC. COLOMA: Siyempre sa lahat sa atin, Alan, iyong pagkain ang isa sa pinaka-importanteng batayan ng ating kalusugan at iyong ating well-being na tinatawag.

ALAN: Ayon. So sa kabila po nung—ang binabanggit ho ninyo kanina name-maintain iyong 1 point something na inflation.

SEC. COLOMA: 1.5% inflation rate.

ALAN: So, ibig sabihin kung ganitong name-maintain sa ganitong level lamang, mas malakas at patuloy na lumalakas iyong purchasing power ng pera natin, Sec, hindi po ba?

SEC. COLOMA: Oo at dahil doon hindi nababawasan iyong kanilang maaring gugulin para sa pagkain, iyon ang mahalaga doon, Alan. Kung hindi nagtataas iyong presyo ng pagkain ay mamimintine nila iyong budget nila para sa pagkain; o kung tumaas man ay under control naman ito katulad nung—dahil iyong overall inflation ay 1.5% lamang. Component ng inflation rate ay iyong pagtaas ng presyo para sa mga produktong pagkain.

ALAN: Sec. sa ibang update naman po. Secretary, of course, meron pong tension diyan sa Saudi at… sa pagitan ng Saudi at Iran. Ang tanong po ng marami nating mga kababayan—dahil iyan hong mga areas na iyan ay talagang mayaman sa langis at tayo ay malakas ang dependence pa rin sa imported crude products. Base po sa mga ipinarating na impormasyon sa inyo ng halimbawa ng Department of Energy. Ito po ba ay hindi naman makakaapekto halimbawa sa supply o kaya sa presyuhan ng langis dito sa ating sa Pilipinas, Sec. Coloma, sir?

SEC. COLOMA: Patuloy nating tinututukan iyong sitwasyon, mahalagang aspeto ito ng ating kabuhayan, kaya’t sa lahat ng pagkakataon ay merong mga nakalatag na contingency measures at sa daloy ng panahon, Alan, ay sinisikap nating ma-diversify iyong ating sources din of supply para hindi tayo maiipit kung sakali man magkaroon ng tension. Sa pangmatagalang perspektibo naman, sinisikap din nating bawasan iyong dependence on imported fuel. Kaya nga meron na tayong mga renewable energy sources para hindi na ganoon kalaki iyong ating inaangkat na langis at gasolina mula sa ibang bansa, lalung-lalo na sa Middle East.

ALAN: Ayon. Okay. Sec. sa iba pang isyu, sir. Latest po sa usaping pa rin ng BBL base po sa inyong ugnayan with our Congress leaders, Secretary Coloma, sir?

SEC. COLOMA: Hinihintay natin iyong muling pagbubukas ng kanilang sesyon sa darating na linggo. Sapagkat ayon sa ating pakikipag-ugnayan sa mga leaders ng Kamara, ang susunod na ay iyong pagtalakay ng mga amyenda dahil natapos na iyong mga interpellation. At kapag natapos na iyong pagtalakay ng amyenda ay puwede na nilang pagbotohan. Kaya’t sana ay matuloy na ito dahil ito ay mahalagang hakbang sa pagtaguyod ng prosesong pangkapayapaan.

ALAN: Opo. Secretary Coloma, sir, muli salamat po ng marami for the updates from the Palace, sir.

SEC. COLOMA: Maraming salamat at magandang umaga, Alan.

SOURCE: NIB-Transcription