January 12, 2016 – Sec. Coloma’s Press Briefing Transcript
PRESS BRIEFING BY PCOO SECRETARY SONNY COLOMA |
Press Briefing Room, New Executive Building, Malacañang |
12 Jan 2016 |
OPENING STATEMENT
On the state visit of Their Majesties, The Emperor and Empress of Japan The Philippines is pleased to welcome Their Majesties, the Emperor and Empress of Japan, to a State Visit to the Philippines on 26 to 30 January 2016. Their Majesties’ State Visit is a major highlight and fitting start to the 60th anniversary of the establishment of diplomatic relations of the Philippines and Japan in 2015. The itinerary of Their Majesties will be as follows: · 26 January (Tuesday): Arrival in Manila · 27-28 January (Wednesday and Thursday): Activities in Manila · 29 January (Friday): Visit to Caliraya and Los Baños in Laguna · 30 January (Saturday): Departure for Tokyo QUESTIONS AND ANSWERS Lei Alviz (GMA-7): Sir, tungkol po doon sa muling pagbubukas po ng imbestigasyon sa Mamasapano encounter, sinabi po ni Senator Juan Ponce Enrile na sesentro po ‘yung pagtatanong sa naging partisipasyon po ni Pangulong Aquino. At bilang kortesiya po, hindi po iimbitahan ang Pangulo pero hinihikayat niya raw po si Pangulong Aquino na boluntaryong humarap sa imbestigasyon. SEC. COLOMA: Meron akong pahayag hinggil diyan. Sa simula’t sapul naging bukas at hayag ang pamahalaan hinggil sa mga kaganapan sa Mamasapano. Marami nang naisagawa at nakumpletong imbestigasyon hinggil dito tulad ng PNP Board of Inquiry, Camara de Representantes, Senado at Commission on Human Rights. Pati ang DOJ at NBI at Office of the Ombudsman ay nagsagawa ng sarili nilang pagsisiyasat. Makailang ulit na ring tinalakay ni Pangulong Aquino ang mga usapin hinggil dito sa kanyang mga naging pampublikong talumpati noong nakaraang taon: Enero 28 at Pebrero 6, press conference dito sa Malacañang; Marso 9, interfaith prayer gathering sa Malacañang; at March 26, PNPA Commencement Exercises sa Cavite. Kung nais ng mga mambabatas na ipatawag ang sinumang miyembro ng Gabinete, mayroong nakatakdang patakaran sa Section 22, Article 6, on the Legislative Department ng 1987 Constitution. Nakasaad dito, Section 22: “The heads of departments may upon their own initiative, with the consent of the President, or upon the request of either House, or as the rules of each House shall provide, appear before and be heard by such House on any matter pertaining to their departments. Written questions shall be submitted to the President of the Senate or the Speaker of the House of Representatives at least three days before their scheduled appearance. Interpellations shall not be limited to written questions, but may cover matters related thereto. When the security of the state or the public interest so requires and the President so states in writing, the appearance shall be conducted in executive session.” Iyan po ang tinutukoy na bahagi ng Konstitusyon. Kung mayroong nakahandang tanong ang sinumang mambabatas, handang tumugon ang Ehekutibo bago pa man sa itinakdang pagbubukas ng Senate hearing sa Enero 25. At malaya ring makapaghahain ng kaukulang kaso o demanda ang sinumang indibidwal o organisasyon na may sapat na batayan. Kami ay umaasa na ang panahon ng ating mga mambabatas at opisyal ng gobyerno ay iuukol sa makatuwiran at makabuluhang talakayan sa halip na masayang lamang sa pamumulitika. Iyan ang aking pahayag hinggil sa Mamasapano. Ms. Alviz: Pero, sir, papayagan po ng Pangulo po ‘yung mga Cabinet secretaries o ‘yung mga iba pa pong opisyal na imbitahan po ng Senado? SEC. COLOMA: Mayroon lang patakaran na ayon sa batas at kailangan lang masunod ‘yung patakaran. Aurea Calica (The Philippine Star): Sir, would you encourage vetting of information before the conduct of the hearings in the Senate? SEC. COLOMA: Pakiulit lang, “vetting of?” Ms. Calica: Information… Kasi, sir, ang sabi ni Senator Enrile galing daw po sa survivors ‘yung mga testimony. So kung galing naman sa survivors, would you encourage the Senate committee to talk to the survivors themselves kung—para ma-ano po ‘yung information? Or okay lang sa inyo na you would take—parang the words of Senator Enrile would be taken as they are? SEC. COLOMA: Sa aking palagay nasa pagpapasya na ng Senado o ng Kongreso kung ano ang nais nilang itanong at kung anong nais nilang impormasyon na makuha sa mga ipinatatawag nila sa kanilang mga pagsisiyasat. Roices Naguit (TV-5): Sir, konting follow-up lang po doon sa sagot ninyo kay Lei kanina. So ibig pong sabihin since makailang ulit na po na tinalakay ni Pangulong Aquino ‘yung isyu sa Mamasapano, wala na pong pangangailangan na dumalo pa siya ng personal doon sa pagpapatawag ni Senator Juan Ponce Enrile doon sa hearing? SEC. COLOMA: Pinapaalala ko lang sa madla ang mga naging kaganapan noong isang taon, at pinapaalala lang na marami nang pagkakataon na nagpahayag ang Pangulo at ang pamahalaan at sa lahat ng pagkakataong ito naging bukas at hayag ang pamahalaan at kailanman ay hindi nagkubli ng anumang impormasyon. Iyon lamang ang buod ng aking isinaad kanina. Ms. Naguit: So hindi po siya pupunta, sir, kung magkaroon po ng formal invitation? SEC. COLOMA: Well, merong proseso kasi na nakatakda sa Konstitusyon, at pansinin natin na ang Pangulo ay pinuno ng isang co-equal branch ng Senado. Ang sinasabi lang natin dito, mayroong mga pormal na proseso na nakatakda sa batas. At simula naman nang magkaroon nitong usaping ito kahit kailan ay nagpakita ng pagiging bukas at hayag ang pamahalaan sa pangunguna mismo ng Pangulo sa pagtugon sa anumang katanungan at sa pagbigay ng mga kinauukulang paliwanag. Leo Navarro-Malicdem (Brigada News): Good afternoon, sec. Sir, hindi po ba nababahala ang Malacañang or ang Executive na posible pong magkatotoo ‘yung sinasabi nilang mababahiran ‘yung kredibilidad ng COMELEC dahil po sa hidwaan or bangayan ng chairman at ng isang commissioner? SEC. COLOMA: Tinalakay na natin iyan sa nakaraan at ang ating posisyon hinggil diyan ay mainam na bigyan natin ng pagkakataon ang komisyon bilang isang independent constitutional body na tukuyin ‘yung mga usapin at proseso nila. Patricia de Leon (CNN Philippines): Sir, just a reaction on the recent glitches of the MRT. Kanina si Transportation Secretary Jun Abaya said—or he was claiming that some glitches may be a sabotage. Ano po ang reaction natin dito? SEC. COLOMA: Well, tungkulin ng pamahalaan at ng DOTC (Department of Transportation and Communications) na tiyakin ‘yung kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan na gumagamit—at ng lahat ng mga pasaherong gumagamit ng mass transit at public transportation. Kaya’t tuwing nagkakaroon ng aberya o ‘yung glitches na tinutukoy natin ay dapat lamang alamin kung saan ang naging sanhi nito at mabigyan ng corrective measure para hindi na maulit o para tiyakin na hindi nalalagay sa panganib ang kaligtasan ng mga sumasakay dito. Ms. de Leon: But, sir, does it bother you na may ganoong anggulo na tinitingnan, sabotage? SEC. COLOMA: Tungkulin nga ng pamahalaan na sa lahat ng pagkakataon ay titiyakin ‘yung kaligtasan kaya sa lahat din ng pagkakataon, gagawin ang nararapat para tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan. David Cagahastian (Business Mirror): Sir, can we have a reaction from Malacañang about the entering of the stock market in the so-called “bear market”? SEC. COLOMA: Well, kapag pinag-usapan kasi ay ‘market,’ ito ay isang dynamic entity. Talagang driven ito ng supply and demand at ‘yung supply and demand naman ay bunsod din ng mga puwersang umiiral sa isang ekonomiya na apektado rin naman ng nangyayari sa labas ng bansa dahil ‘yung ating kalakal at industriya at pamumuhunan ay apektado rin ng relasyon ng ating bansa sa ibang mga bansa at ‘yung mga transaksyon ng mga kumpanyang nakabase dito sa Pilipinas doon sa mga kumpanyang nakabase din sa ibang bansa. Marami sa mga kumpanyang lumalahok sa stock market ay mayroong global operations o regional operations kaya’t ‘yung kanilang galaw at pagnenegosyo ay apektado ng mga developments sa iba’t ibang ekonomiya. Kaya’t iyon naman ay kasama sa dynamics ng isang active na merkado at ‘yung tinatawag na “bear market” ay maaari din ‘yang magbago sa darating na panahon at maging “bull market” naman. Kasama ‘yan sa dynamics ng isang stock market. Mr. Cagahastian: Will the President try to ring the bell again at the stock market kasi apparently, according to observers, this is an issue on trust by—outlook by foreign investors on the Philippine economy? SEC. COLOMA: Kung ang outlook naman ang pag-uusapan, batay sa pinakahuling outlook na ipinalabas ng mga global credit rating agencies ay mainam naman ang pagtaya nila sa ating bansa. Patuloy ‘yung pagbibigay sa atin ng investment grade ratings. Patuloy din ‘yung pag-ani natin ng papuri mula sa mga ibang bansa. Kahit saan pumunta ang Pangulo ay hitik ang kanyang schedule sa pakikipagpulong sa mga negosyante at industriyalista na gustong-gustong makipagnegosyo sa mga kumpanya sa Pilipinas dahil sa kanilang pagtitiwala sa kasiglahan at katatagan ng ating ekonomiya. Ms. Navarro-Malicdem: Sir, hindi ko lang sure kung nakarating na po sa inyo ‘yung Supreme Court decision na 10-4, ‘yung EDCA, ‘yung constitutionality ng EDCA, sir, kakapasok lang po ng report. Any reaction po from… Iyong EDCA po constitutionally ano daw po… 10-4 ‘yung desisyon ng Supreme Court so in favor… Ano po? SEC. COLOMA: Kung mabeberipika ang impormasyon at iyan na nga ang naging kaganapan… Iyong EDCA ay itinuturing ng pamahalaan na isang mahalagang bahagi ‘nung imprastruktura para palakasin ang ating Sandatahang Lakas, hindi lamang para sa pagtatanggol sa bansa o hindi lamang ukol sa seguridad ng bansa, kung hindi rin sa kapabilidad nito na makapaghatid ng humanitarian and relief assistance sa panahon ng kalamidad. Kaya’t ito ay isang mainam na kaganapan at kinukumpirma nito ‘yung patakaran ng pamahalaan hinggil sa pagpapalakas ng ating Tanggulang Pambansa na katuwang ang ating kaalyado—ang Estados Unidos—na bukod dito sa Enhanced Defense Cooperation Agreement ay meron na tayong naunang Visiting Forces Agreement at Mutual Defense Treaty. Ms. de Leon: Sir, just on the issue on the RH budget cut. How does the government plan to implement it fully given that the—parang nagkaroon ng budget cut doon sa contraceptives po? SEC. COLOMA: Linawin natin ang isyu. Ito po ang paliwanag ni Secretary Butch Abad ng DBM (Department of Budget and Management). Under the 2016 National Expenditure Program, the proposed amount for the family planning program was P3,137,872,000, which is lodged under the women and men’s health development component of the DOH Family Health and Responsible Parenting. In the 2016 General Appropriations Act, the amount was reduced to P2,275,078,000. The decrease amounting to P862,794,000 pertains to the procurement of the Implanon implant, which is a contraceptive. Senator Sotto had intimated during the Senate deliberations that he would move to delete the budget for the Implanon implant in view of the Supreme Court TRO to temporarily stop the distribution and selling of the said contraceptive. So iyan po ang paliwanag ni Secretary Butch Abad sa kabuuang P3.137-billion budget na nakalaan doon sa women’s and men’s health development component ng Family Health and Responsible Parenting, ang inilaan sa pinal na bersyon ng General Appropriations Act for 2016 ay P2,275,078,000. So meron pang halaga na maaaring gugulin para sa family planning bukod pa doon sa mga halagang hindi ganap na iginugol nitong nakaraang taon na maaari pa ring gugulin ng DOH. Sana ay naliwanagan kayo hinggil sa bagay na ito. Vanz Fernandez (Police Files): Sir, good afternoon po. Following the death of a political prisoner who was on the brink of freedom after 11 years behind bars, the human rights group Karapatan reiterated its call for government to release ailing and elderly detainees on humanitarian grounds. Any reaction on this? Kasi po may mga detainees po tayo na mga ilan pong namatay na sa loob. Until now hindi po nabibigyan pa ng (pagkakataon) para sila makalabas sa kulungan. SEC. COLOMA: May umiiral na batas at may sinusunod na proseso ang ating pamahalaan hinggil sa usaping ‘yan at ito ay kinakailangang masunod. Kinikilala natin ‘yung humanitarian element diyan sa usaping binanggit mo, ngunit kailangang sundin natin ang umiiral na batas. Ms. Fernandez: But aside from this, the human (rights) group said at least three other political prisoners have died in detention under the Aquino administration. What can you add on this, sir? ‘Yung sa sinabi po ninyong… SEC. COLOMA: Sa lahat din naman ng pagkakataon ay tinitiyak ng pamahalaan na makatao ang mga kondisyon sa ating mga piitan at hindi nailalagay sa panganib ‘yung buhay ng mga nakakulong doon at mayroon namang nakalaang mga programa para tiyakin ‘yung kalusugan at seguridad ng mga nakapiit. Benjie Liwanag (DZBB): Sir, good afternoon. Unang-una, nag-submit po ba for executive clemency ‘yung Department of Justice on this matter? Kasi every year ang natatandaan ko, if my memory serves me right, 2012 pa po ‘yung naibigay ni Pangulo. E ilang buwan na lang po kayong manunungkulan, hindi po ba mabibigyan ding pansin ng Pangulo kung sakaling nagsumite nga po itong Department of Justice para sa executive clemency, sir? SEC. COLOMA: Aalamin natin ang pinakahuling impormasyon hinggil diyan, Benjie, dahil sa ngayon wala akong hawak na kongkretong impormasyon para makatugon sa iyong katanungan. Aalamin natin. Ms. Fernandez: Sir, kaisa po ba kayo sa—what do you call this?—kasi may mga… Fifty nations agreed to cooperate on concrete measures to counter terrorism. Kaisa po ba ang ating gobyerno regarding this? SEC. COLOMA: Maaari bang ipaliwanag kung ano ang konteksto ng kanilang ipinahayag para malaman natin kung ano ang maaaring maging posisyon ng ating bansa hinggil diyan? Ms. Fernandez: Regarding po, sir, dito sa sinasabi nila na they have to fight terrorism among countries. Ngayon, there was this… A certain Vladimir, in the name of Vladimir, na siya po ang parang pinaka-head nito to… Yes, para maputol po itong… Para to intensify itong counter terrorism. SEC. COLOMA: Kasama sa isinasagawa ng ating Sandatahang Lakas at kapulisan ‘yung pagbibigay ng proteksyon sa ating mga mamamayan at kapanatagan na hindi sila maaaring takutin o bigyan ng ligalig ng mga gumagawa ng labag sa batas at ‘yung terorismo ay labag sa ating batas. Ms. Calica: Sir, sorry, ‘yung question ko na ito is ‘yung parang ‘yung question ko kahapon doon sa… Hindi ako masyadong ano doon sa legal. Pero ‘pag dineclare (declare) bang constitutional ‘yung EDCA hindi na siya kailangang i-ratify ng Senate? SEC. COLOMA: Pag-aralan natin ‘yung isinasaad ng Supreme Court decision. Ang akin lang binanggit ay hinggil doon sa pangkalahatang konsepto na ayon sa iniulat ni Binibining Leo Navarro-Malicdem ay naging paborable sa pamahalaan ‘yung pagpapasya nila, at kung ganoon nga ang pasya, ‘yon ang konteksto ng aking isinagot. Siguro kapag natunghayan natin ‘yung buong desisyon ay maliliwanagan tayo doon sa puntong nais mong i-clarify. Ms. Calica: Pero, sir, will this strengthen the country’s defense sa ating maritime territory? SEC. COLOMA: Well, makakatulong ‘yan sa pangkalahatang pagbabago o modernisasyon ng ating Sandatahang Lakas dahil ang Estados Unidos ay isa sa mga advanced countries, ano. Advanced countries kapag ang tinutukoy ay ‘yung pagkakaroon ng pinakabago o modernong kagamitan na ginagamit ng mga sandatahang lakas. Katulad ng naipahayag ni Pangulong Aquino noong nakaraan, sa ilalim nitong kasunduang ito maaari tayong—maaari nating suriin ‘yung kapasidad o kapabilidad ng mga bagong kagamitan na maaari nating ikonsiderang makakadagdag sa puwersa ng ating navy, air force, o army, at ito ay isa sa mga benepisyong nakikita natin sa pagkakaroon ng Enhanced Defense Cooperation Agreement. Mr. Liwanag: Sir, tanong ko lang po, update lang doon sa naipasa na po ng Congress and Senate na additional P2,000 para sa SSS pension. Ano na po ang desisyon ni Pangulong Noynoy Aquino dito? SEC. COLOMA: Hinihintay natin ang pasya ng Pangulo. Batid natin ‘yung panahon na nakatakda sa batas na 30 days mula sa pagsusumite nito at tatalima tayo sa batas hinggil diyan. Mr. Liwanag: Thank you very much, sir. Ms. Fernandez: (off mic) SEC. COLOMA: Hindi, kung… Sasagutin ko na lang ‘yung tinatalakay ni Vanz. Kung ganoon ang timeframe, malinaw na nasa loob pa tayo ng timeframe na ‘yon. Ms. Alviz: Sir, ‘yung Abu Sayyaf group po nag-pledge ng allegiance sa ISIS. Ano po ‘yung pahayag ng Palasyo tungkol dito? SEC. COLOMA: Kailangang beripikahin ang impormasyon na ‘yan ng ating Sandatahang Lakas at intelligence community. |
SOURCE: Presidential News Desk |