January 12, 2017 – Interview of Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar
Interview of Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar |
By Marc Logan and Amy Perez /Sakto – DZMM |
12 January 2017 (10:32 – 11:03 A.M.) |
AMY PEREZ: Good morning, sir, welcome sa Sakto. SEC. ANDANAR: Good morning, Marc. Hello, good morning. PEREZ: It’s nice to see you again, Secretary. SEC. ANDANAR: It’s nice to see you all the time. At least ikaw napapanuod ko halos araw-araw. PEREZ: Ikaw din naman ah, pinapanuod kita ha. Araw-araw kasi mayroon kang ano— SEC. ANDANAR: Nababasa mo iyong mga bash sa akin? PEREZ: Hindi kapag nasa ano ka, pag may mga press briefing. Hindi ba, nakakatuwa. MARC LOGAN: Pambasag ng hukay ni Secretary iyong Show Time nakikita— SEC. ANDANAR: Oo. PEREZ: Iyong buong pamilya nga rin niya nanunuod ng Show Time. Naku, eto, Secretary, mayroon na naman tayong aabangang isang malaking event. Una sa lahat, ano po ba itong Association of South East Asia Nation o mas kilala sa tawag na ASEAN? SEC. ANDANAR: Ito, Amy, iyong organisasyon, ito iyong rehiyon kung saan ay located ang Pilipinas. Sampung bansa po ito, kasama ang Pilipinas, nandiyan din iyong Singapore, Malaysia, Brunei, Indonesia, Laos, Vietnam, Myanmar, Cambodia. At iyong ASEAN kasi, iyong region mismo natin mayroong 630 million na population. Tapos iyong kalakalan na nangyayari sa loob ng rehiyon na ito sa loob ng isang taon ay nasa 2.5 trillion dollars. Now, bakit mahalaga ang ASEAN? Mahalaga po iyong ASEAN kasi kung isang bansa lang tayo at nakikipag-negotiate tayo sa China, halimbawa, or sa Amerika pagdating sa economic trading o people-to-people partnership, education, lahat, mas maliit iyong bargaining power natin— LOGAN: Impluwensiya— SEC. ANDANAR: Impluwensiya—mas maliit iyong impluwensiya natin kaysa naman kung united tayo as ASEAN, 630 million, mas malaki iyong boses natin pagdating sa mga ganoong klaseng exchanges ‘no or economic trading. Ngayon, bakit mahalaga ang ASEAN para sa Pilipino? Kasi po ang ASEAN nagkaroon po ng integration. At iyong integration na ito kasama diyan halimbawa, iyong edukasyon na mayroon pong mga eskuwelahan – university, colleges, Marc, na accredited po ang Pilipinas, na university na iyon, sa loob ng ASEAN. So kung ikaw ay… halimbawa, anak ka ng OFW at gusto mo rin maging OFW sa loob ng ASEAN pipili ka ngayon ng kolehiyo na accredited sa ASEAN para iyong kurso mo ay kilalanin doon sa lugar na iyon. So that’s just one. Kung ikaw ay negosyante, halimbawa nagbebenta ka ng bangus, malalaman mo rin sa ASEAN kung anong mga bansa iyong kailangan iyong— LOGAN: Iyong produkto— SEC. ANDANAR: Kailangan iyong produkto na iyon at mas madali kasi nga as ASEAN integration nga. And what is extra special dito, ngayong taon na ito, dahil 50 years na po iyong ASEAN so golden anniversary; at hindi lang golden anniversary tayo ang chairman this year. PEREZ: Yes. Oo. So ano ho, marami bang plano ang Pilipinas siyempre iyong mga paghahanda natin? SEC. ANDANAR: Usually naman, Amy at Marc, ang paghahanda naman ay magka-pare-parehas lang naman iyan sa ibang bansa. Kumbaga, ang nagbago lang iyong issue na pinag-uusapan at iyong taon. So ngayon, ang mahalaga po sa atin ngayon dahil tayo ang chairman, ay puwede nating—we have all of the opportunities na puwede nating ipagyabang ang ating bayan sa ibang bansa. Ang Pilipinas po ay 7 percent ang GDP, isa sa pinakamabilis na ekonomiya sa buong mundo. Ngayon, kung nandito po iyong ASEAN leaders, nandito po iyong iba’t ibang media organization at napakalaking event nito – from today all the way to November – ay mas malaki ang exposure natin sa media. So ang pakiusap ko nga sa mga kababayan natin best foot forward tayo at the same time ipakita natin sa buong mundo kung gaano tayo ka-disiplinado, orderly, etcetera. Kasi nga itong mga ASEAN delegates naman, mga ministers, hindi naman sila doon lang sa isang lugar – like the CCP area. So lalabas din, lalabas din sila ng Maynila, pupunta ng QC. So the best thing for us to do is to cooperate and to really show that we Filipinos are disciplined and orderly. LOGAN: Parang ang haba, Secretary, noong period ‘no, na mayroong ASEAN. SEC. ANDANAR: Opo. LOGAN: Pero mayroong partikular ‘di ba, na ilang weeks ba ito na nandoon na lahat talaga. Kailan po ito? PEREZ: Iyong kumpleto talaga sila. SEC. ANDANAR: Magandang tanong iyan kasi ang ASEAN kasi more than 100 mini-summits. So ito iyong… halimbawa, pagdating sa trade and industry, education, pagdating sa maritime security. So madami iyan. Spread all throughout the country and from January 15 all the way to November. Ang major diyan— PEREZ: Ang haba pala ‘no— SEC. ANDANAR: Oo mahaba. Marami talaga ano, maraming—kaya iyong mga probinsiya din may pagkakataon na puwede nilang ipakita, i-show case iyong kung anong ganda ng kanilang lugar, tourism, kasi may mga media din doon. Anyway, tatlo iyong major – iyong ngayong Abril, ito iyong mga ministers; iyong Agosto, ito iyong mga heads of state ng ASEAN; at iyong November, iyong heads of state ng ASEAN plus iyong mga partnering countries like Amerika, Russia, Canada— LOGAN: Nakalinya na sila? SEC. ANDANAR: Oo nakalinya. PEREZ: Iyong magpi-picture sila, ‘di ba, partner, na nakabarong lahat. SEC. ANDANAR: Bakit mahalaga iyong last, iyong ano na iyon? kasi— PEREZ: Yung November iyan? SEC. ANDANAR: Yung November, bakit mahalaga? Kasi ASEAN, halimbawa, ASEAN, sampung bansa iyan so imi-meet nila iyong leader ng US; imi-meet nila iyong leader ng Russia; imi-meet nila iyong leader ng Australia – Ito iyong mga malalaking trading partners. PEREZ: Oo— SEC. ANDANAR: So ngayon as ASEAN, ito ASEAN, ito iyong puwedeng partner kung mag meeting sila. Sasabihin ng ASEAN, “Oh ito kami ha, ito iyong gusto namin.” PEREZ: Ito iyong mai-o-offer namin. SEC. ANDANAR: Oo sasabihin, “magnegosyo tayo, tapos pag nag negosyo tayo lahat ng bansa doon sa loob ng ASEAN ay puwede kaming makipagnegosyo and you can cooperate with all of us. Then isang usapan lang pero sampung bansa ang makukuha mo. LOGAN: Correct, correct. At during that time, Secretary, diyan na mismo iyong nagkakapirmahan ba o puro pledges pa lang? SEC. ANDANAR: Nagkakaroon ng mga declaration. So halimbawa, sa produkto, iinom si Amy ng kape. Kung ang kape na ito ay Batangas, halimbawa, tapos sasabihin ng buong grupo, ‘Oh, gusto ninyo ng kape na ganito kasarap, barako, oh dito kayo bumili sa Pilipinas,’ sasabihin nila lahat iyon. So ganoon ba. PEREZ: Tapos parang ipi-present natin kung ano iyong iba’t ibang klase na kape na mayroon tayo, parang ganoon. SEC. ANDANAR: So that’s one way of looking at ASEAN. Ano tayo, united. PEREZ: Doon sa mga mini summits na iyon, Secretary, si Mang Juan ba puwedeng manood, pumunta. Di ba parang baka mayroon siyang gustong matutunan, puwede ba iyon? Open ba iyon sa mga kapamilya natin? SEC. ANDANAR: Magandang tanong iyan, Amy. Ang gagawin ng Presidential Communications Operations Office ay—kasi siyempre, hindi naman lahat ay mapupuntahan ni Juan, Maria iyan eh kasi nagtatrabaho rin sila. Ipa-package natin in terms of communications kung ano ang napag-usapan sa maliit na summit na iyon, sa maliit na meeting na iyon – ilalagay sa video, sa news, etc., para malaman ng tao kung ano ang naging resulta ng meeting na iyon. LOGAN: Which is a lot of people hindi alam din na may mga mini summits. Bigla na lang tayo nabubulaga kasi in the past na ito na, culmination na. PEREZ: Ay, may dumating pala. LOGAN: Parang ito na yung sama-sama sila kahit dito gawin, pero iyon lagi iyong naka-highlight eh. Pero iyong mga ganiyan na specific, na ang dami pala— SEC. ANDANAR: Napakahalaga. LOGAN: Iyong education, Secretary, medyo ang ganda pala noon. Iyong kinukuwento kanina na ‘pag na-spot mo sa isang bansa na gusto kang magtrabaho doon at ma-adapt nila kung anuman ang tinapos mo. Tama ba, Sec.? SEC. ANDANAR: Oo, tama, tama. Kasi alam mo ba na ang doktor ng Pilipinas ay puwedeng maging doktor sa Singapore? PEREZ: Puwede nga. SEC. ANDANAR: Iyong abugado dito, puwede ding mag-practice ng lawyering doon sa Singapore. PEREZ: Hindi at saka maganda rin na napapakita natin na dito sa bansa natin, ‘di ba, marami na rin tayong mga estudyante na galing sa ibang bansa, ‘di ba? LOGAN: Akala kasi ng mga iba parang mga ‘eklavu’ lang iyan eh. Wala, wala, as in iyong hindi tayo kasali. Parang sila lang at sila lang ang nag-uusap, actually ganoon ang pananaw. PEREZ: Kasi kagaya ng ilang mga bansa na nangangailangan ng pag-aaral ng Ingles, iyang mga Korea, Japan ‘di ba, partner. SEC. ANDANAR: Cambodia ngayon. PEREZ: Cambodia. Maganda rin na naipapakita natin sa kanila na dito po sa PIlipinas o iyong mga paaralan namin na ito, na maaaring makapagturo sa inyo at makapag-aral kayo. SEC. ANDANAR: Maganda nabanggit mo ang English language. Kasi ngayon, Cambodia, napakataas ng demand ng English teacher. Halimbawa ganoon, so kung ikaw ay sumusunod ka sa ASEAN website, sinusundan mo itong ASEAN activities, malalaman mo, ‘Uy, mayroon pa lang opening doon.’ Ang kagandahan pa, hindi mo kailangan ng visa, ‘di ba. ASEAN, gamit mo lang passport mo – walang ng visa-visa. LOGAN: ASEAN member country. PEREZ: OO. Marami pa tayong itatanong kay Secretary Andanar. LOGAN: Marami kasing mga Pilipino na dumu-Dora Explorer ngayon. Hindi katulad dati, Secretary ‘no. Iyong mga post sa Facebook, ‘Ay nandito ako sa ganyan.’ SEC. ANDANAR: Ang laki, dahil na rin iyan sa budget air ‘di ba, ngayon lahat ang mga Pilipino ay nakakabiyahe. PEREZ: Iyan nga ang sinasabi ng mga magulang natin ‘di ba, ‘Ah noong araw, kami, hindi kami makabiyahe ng ganiyan dahil ang mahal-mahal.’ Ngayon ang susuwerte ng henerasyon na ito, puwede na. Hihigop lamang si Secretary Andanar ng masarap na kape galing sa Batangas, at magbi-break lamang kami. Kung kayo po ay may mga katanungan, may mga ilang tanong din tayo para kay Secretary. Ako, gusto kong malaman, ano ba ang paboritong pagkain ng Presidente, kapag magkakasama sila? Ano ba, iyong tipong sabay iyong burger, o rice, mga ganiyan. LOGAN: Lighter side. PEREZ: Lighter side. Tatanungin natin sa kaniya at ilan pang mga nais ninyong malaman. Puwede po kayong mag-text sa amin ha: dzmm_react, ang inyo pong pangalan at katanungan, at i-send na sa 2366 bago po mag-alas onse ha. Malaking karangalan na nakasama natin ngayong umagang ito si Secretary Andanar. So magbabalik po ang “Sakto.” Diyan lamang kayo. (commercial break) PEREZ: Oh ito naman sa ibang… on lighter note— LOGAN: Lighter ba iyan? PEREZ: Lighter ba ito? Kumusta iyong naging meeting daw ni Presidente kahapon? LOGAN: Nakangiti ka pa, uuwi ka na. PEREZ: Kasi kailangan ingatan ko, kaibigan ko si Secretary Andanar, baka mamaya magalit siya sa akin. SEC. ANDANAR: Hindi naman— PEREZ: Hindi, hindi iyon. Kumusta daw po iyong naging meeting ng Pangulo kahapon with the mayors? SEC. ANDANAR: Itong mga mayor? Actually, iyong meeting kasi na— PEREZ: Lahat ba umattend? SEC. ANDANAR: Well, marami, maraming umattend, libo ang umattend. LOGAN: Natako na iyong iba. [laughs] SEC. ANDANAR: Hindi kasi—unang una, closed-door meeting iyon. So ang Pangulo natin ay gusto ng private time with the local executives na para, you know, kausapin sila heart-to-heart ‘no. So hanggang doon na lang ang sasabihin ko. Although, iyong ibang mamamayan nagsalita na naman ‘di ba at nagkuwento sila kung ano iyong mga nangyari doon sa loob at hindi mo na mapipigilang magsalita sila. Pero as far as the Palace is concerned maglalabas tayo ng official statement kung ano iyong— LOGAN: Eh, kasi as media people like us, ‘di ba? SEC. ANDANAR: Oo of course. LOGAN: Alam mo na iyon, anticipated mo na iyon. You saw it coming. ‘Di ba, medyo galit kay Presidente at kailangan ganito kapag mayroon kang ginagawang hindi maganda yari ka. Kaya siya kinausap and it’s a bull session. I think— SEC. ANDANAR: Ang problema kasi natin—well, ang problema natin sa lipunan – ang problema sa droga, problema sa turismo – ay hindi lang naman ito trabaho ng police o ng AFP or ng Presidente ‘no. Para mas mapabilis iyong pagsugpo o pag-solve ng problema kailangan din kasama natin iyong local government executives, iyong mga mayor. Kasi ‘di ba sila iyong nandoon eh, sila iyong presidente doon sa lugar nila. So kaya kailangan talaga na tayong lahat ay— PEREZ: Makikipagtulungan— SEC. ANDANAR: Makipagtulungan tapos—and then of course, the entire public. Alam naman natin iyong publiko, since na umupo po si Presidente Duterte, ay very cooperative ang public, a number of Filipino. So ang mahalaga dito ay magpa-partner iyong Executive, mag-partner din iyong local government units para mas mabilis kung ano man iyong mga reporma na gustong mangyari sa bayan natin. PEREZ: Kahapon may malaking event sa Malacañang din? LOGAN: Iyong kay Nora Aunor? PEREZ: Nora Aunor? Hindi iba iyon. SEC. ANDANAR: I think it’s vin d’honneur. LOGAN: Vin d’honneur iyon. Kumusta nangyari doon? PEREZ: Nag-attend ka ba sa kanila? SEC. ANDANAR: Nag-attend ako tapos nandoon iyong—nandoon lahat ng mga member ng Diplomatic Corp. Nandoon iyong US Ambassador, Russian Ambassador, Chinese Ambassador, tapos nandoon iyong Cabinet, lahat ng ano—tapos kinausap ni Pangulo lahat ng mga miyembro ng Diplomatic Corp isa-isa. LOGAN: Ah, okay. Ang ano ang… SEC. ANDANAR: Bakit wala si Leni? PEREZ: (laughs). Nagre-ready pa lang siya eh, Secretary, kung paano tanungin eh. SEC. ANDANAR: Nababasa ako si— PEREZ: Nababasa ka ni Secretary. LOGAN: Pinagaan niya iyong buhay ko. PEREZ: Oo, pinagaan ninyo daw po. Bakit nga daw po? SEC. ANDANAR: Kasi well, ganito lang naman ka-simple iyan eh. Eh, siyempre prerogative naman ng Presidente kung sino ang gusto niyang i-invite. Eh, kung ikaw iyong—it is house right now, iyong Malacañang. Eh siyempre kung sino iyong gusto mong i-invite ‘di iyon ang i-invite mo. Kung ayaw mo i-invite ‘di— LOGAN: Wala tayong magagawa parang ganoon? SEC. ANDANAR: Wala na tayong magagawa ganoon naman talaga ‘di ba. Parang sa bahay mo, Amy, kung sinong gusto mong i-invite ‘di iyon lang iyong makakapasok, ‘di ba? PEREZ: Sana ma-imbitahan din ako sa Malacañang— LOGAN: At kanina narinig ko rin na— SEC. ANDANAR: Sa opisina ko, you are welcome every day. (laughs). LOGAN: The President, Secretary Martin, iyon nga nag-explain sila bakit hindi—ngayon sa mga panahon ngayon, parang mayroon akong na-monitor kanina na binalikan din iyong panahon noong the previous administration. Well, namimili din talaga ng iniimbita. PEREZ: Aah, so hindi naman pala talaga lahat imbitado. Limitado lang rin ba? LOGAN: Kailangang i-itemize. Kaya lang mayroon ding ganoong factor. SEC. ANDANAR: Hindi at saka kung hindi naman kayo, halimbawa—yun nga, kung mag-i-i-invite ka ba ng taong hindi mo kasundo, ‘di ba? O ‘di ba, eh mahirap naman parang awkward. PEREZ: Eto for sure hindi ka ma-o-awkward. SEC. ANDANAR: Awkward. PEREZ: Ano ba ang paboritong pananghalian ng Presidente? SEC. ANDANAR: Ang alam ko kasi— PEREZ: Madalas na nire-request niya— SEC. ANDANAR: — Ang alam ko talaga, Tsang, iyong munggo eh. Iyong munggo. Eh, siyempre ‘di ba— PEREZ: Ang masarap na partner noon ano eh, paksiw na lechon. SEC. ANDANAR: Lechon paksiw or iyong liempo. PEREZ: Liempo? LOGAN: Mali ako ng akala. PEREZ: Eh, bakit anong akala mo, dok? LOGAN: Ang baboy. PEREZ: Ano ka ba? Hindi ka maiimbitihan sa— SEC. ANDANAR: Oo, at saka… kaya kung kayo po ay mataas ang uric acid ay hindi kayo puwedeng—magugutom kayo doon sa Malacañang. PEREZ: So mahilig din talaga siya rice at mungo— SEC. ANDANAR: Mungo, iyong mga— PEREZ: Filipino food pa rin. SEC. ANDANAR: Dinuguan— PEREZ: Ay oo, masarap sarap naman. SEC. ANDANAR: Masarap ‘di ba? Masarap ang dinuguan ‘di ba? LOGAN: Usually … si Presidente— SEC. ANDANAR: Kapag halimbawa bumibiyahe kami sa abroad ‘no, ito ano lang ito na insights na— PEREZ: Oo— SEC. ANDANAR: Di ba magse-serve iyong mga— PEREZ: Iyong mga host country— SEC. ANDANAR: Hindi sa eroplano. PEREZ: Ah, sa eroplano? SEC. ANDANAR: Iyong mga flight attendant, kasi may mga pagkaing hinahanda iyan parating mayroong dinuguan. PEREZ: Ay talaga? SEC. ANDANAR: Oo dinuguan at saka iyong kaldereta. PEREZ: Kaldereta. Magluluto ako ng masarap na kaldereta minsan dadalhin ko doon sa— SEC. ANDANAR: Ay oo, gusto ko iyong kaldereta. PEREZ: Namiss mo na ba iyong mga luto ko noong araw? SEC. ANDANAR: Oo namimiss ko na iyon. Puwede bang bumati? PEREZ: Oo naman, Secretary, bago tayo magpaalam. SEC. ANDANAR: Okay, binabati ko si Asec. Marie Banaag, sila Princess Duque, Asec. Michelle, Usec. Tandan, Demic Pabalan, Bong Aportadera, good morning. King Rodriguez, good morning. Thank you for listening. PEREZ: Iyan good morning. Secretary, maraming maraming salamat for taking the time na bumisita ka sa amin dito sa Sakto at sobra kaming natutuwa at nakasama ka namin ngayong araw na ito. SEC. ANDANAR: Ako dapat ang magpasalamat pati si Joy Saturos dapat magpasalamat that binigyan ninyo ako ng pagkakataon na i-explain iyong ASEAN para ito sa bansa natin, para sa atin at Marc, idol kita. In fact, kaya kitang gayahin…kaya kong gayahin iyong boses mo, pero next time na lang. PEREZ: Dapat sample daw— SEC. ANDANAR: Sa susunod na— PEREZ: Edi sir, babalik pa si Secretary— LOGAN: Pababalikin natin. PEREZ: Oo pababalikin natin si Secretary. LOGAN: Kapag in-invite natin si Secretary hindi natin babawiin. PEREZ: Kailangan i-ready ko na kaldereta partner ah. Nagutom tuloy tayo. SEC. ANDANAR: Kapag may cheese masarap iyon. PEREZ: Oo. LOGAN: May nalaman akong favorite niya. PEREZ: Ano na lamang, Secretary, huling mensahe ninyo sa ating mga kababayan para sa ASEAN Summit? SEC. ANDANAR: Sa ngayon muna, ngayong araw na ito kung alam ninyo po iyong—alam naman natin na dadaan, bibisita po si Prime Minister Shinzo Abe ngayong araw na ito. At kung alam ninyo, kung nandoon kayo sa daan kung saan dadaan po iyong entourage ay—you take time to print a Japanese flag, Philippine flag, i-wagayway ninyo bilang pasasalamat na rin sa Japan. Dahil pinakamalaking ano eh, yung ODA, iyong development assistance galing Japan at pinakamalaki ito na bansa na nagbibigay sa atin ng pinakamalaking trading, pinakamalaking investment— PEREZ: Ah talaga. SEC. ANDANAR: That’s the way to show the Japanese government that we appreciate everything. PEREZ: And we are thankful sa pagtulong nila. SEC. ANDANAR: Yeah and a few days, January 15 po iyong official launch ng ASEAN. PEREZ: Sa Sunday. SEC. ANDANAR: Sa Sunday na po iyan. So abangan ninyo po sa lahat ng…sa ABS-CBN ipapalabas po iyong balita dito sa DZMM. Thank you. PEREZ: Maraming marami pong salamat ### source: Transcription NIB |