January 13, 2017 – Interview of Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar
Interview of Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar |
DWFM/Punto Asintado by Erwin Tulfo |
13 January 2017 |
TULFO: Secretary Andanar, good morning, sir. SEC. ANDANAR: Good morning, idol. Ikaw talaga iyong pinakamagaling. Ikaw iyong pinaka-head talaga ng— TULFO: Sabi tuloy ng iba yawa di ada si Martin Andanar. SEC. ANDANAR: Hindi. Ako iyong protégée mo eh. Ano iyon…pag merong bang magaling na titser, merong ding magaling na estudyante. Merong Aristotle, merong Plato. TULFO: Anyway, nagmamadali ka yata, Sec. Mukhang papunta ka ng Davao ano. Eh bago tayo magkalimutan eh, ito muna bigyan muna natin ng payo itong letter sender natin, Sec. Okay. Eto siya, fire: “Dear Kuya Erwin, ako po ay isang pharmacist dito sa Mindanao, 28 years old po, walang asawa pero may boyfriend na miyembro ng Philippine Marines. Kontra po ang aking mga magulang sa aking boyfriend. Madali ko po kasing sinagot ang sundalong ito kung kaya’t nagagalit po sila sa akin. Ayon sa kanila maaga daw po akong mabibiyuda kapag si Lito na isang captain ng Philippine Marines ang aking mapapangasawa. May mga naging boyfriend na po ako na engineer, anak ng pulitiko, negosyante at OFW pero kakaiba po kasi si Lito dahil bukod po sa may itsura siya at graduate ng PMA ay mahaba po kasi ang kanyang pasensiya at malaki rin po iyong kanyang pang-unawa sa pag-uugali ng aking magulang. At dahil po dito masarap po si Lito na mahalin. Dapat ko bang sundin ang (signal interruption)—“ SEC. ANDANAR: Hindi naman, anu naman tayo, wholesome. Iyong mga mahahaba kasi na ano, na mga pasensya, ganoong… at saka iyong haba rin ng baril, iyong mga ganoong klaseng mga tao, they come once in a lifetime. TULFO: Ah ganun ba iyon. SEC. ANDANAR: Iyon yun eh. So, kung mabiyuda, mabiyuda, patay di patay, ano ang magagawa mo, di ba ganoon lang naman. Puwede namang palitan ng mas maikli iyong ano…yung pasensiya. Pero iyong sa akin lang kasi, iyong pagmamahal, iyong true love, it only comes once in a lifetime. TULFO: Exactly. SEC. ANDANAR: So bakit mo naman, bakit ka naman magiging speculative masyado na mamamatay, ganoong. Masyado kang negative no. You always have to think positive. TULFO: At saka, Sec, meron namang mga insurance iyan, hindi ba. Hindi naman pababayaan ng Armed Forces of the Philippines, kaya nga may tinayo diyan (signal interruption) SEC. ANDANAR: …bigyan ng trabaho, kasi nandun ako, nakita ko. Sa Misamis Oriental binigyan ng trabaho iyong asawa, namatay iyong sundalo. So, anyway, huwag ka masyadong negative, kasi pag negative ka, you will live a life full of negativities. TULFO: Ang tanong niya, Sec, susundin ba iyong mommy at daddy. Kasi nag-iisa siyang anak, mahal niya iyong kanyang magulang, pero ayaw namin. So the usual yung mga magulang, lalo na taga-Mindanao ito. Kilala naman natin mga taga-Mindanao, ayaw, dili na magusto diyan sa lalaki na ‘yan. Papano iyan, Sec? SEC. ANDANAR: Hindi puwede iyan. Kasi kung halimbawa mahilig ka—kung dati eh ang kinakain mo maliliit lang na mga longganisa, di ba. TULFO: Oo, iyong mga nabibili natin na mga maliliit, sausage ano. SEC. ANDANAR: Vigan. Tapos biglang dumating iyong jumbo hotdog. Siyempre sarap, kain ka ng kain, tapos biglang binawi, di ba. Siyempre naman eh— TULFO: Magagalit ka. SEC. ANDANAR: Magagalit ka. Paano naman mabibitin ka, masarap. So, you have to get positive. Pag merong binigay ang Diyos sa iyo na bonus na ganoon kasarap, iyong ganoong kalaki… iyong pagmamahal na binibigay sa iyo ay kelangan mong tanggapin, do not even let (signal interruption) TULFO: At malaki ang ibibigay rin sa kanya ng mga magulang – malaking sakit sa ulo, kapag nawalan siya ng boyfriend. SEC. ANDANAR: Oo, ganon lang iyon. Eh malay mo si Lito, siyempre PMAer, baka maging Chief of Staff pa iyan eh. TULFO: Oo, maging general, tama. SEC. ANDANAR: Oh kaya general pa iyan. TULFO: So ang payo natin, piliin niya si Lito. SEC. ANDANAR: Sagarin niya ang sarap sa buhay. TULFO: Sasagarin. Ayun, oo. Bago iyon. Tama sakto iyon, dahil siya masarap daw mahalin dahil mahaba. Ngayon sa iyo sagarin pa. SEC. ANDANAR: Hawakan niya. TULFO: Sec, pag sinagad mo kasi masakit din eh. Pagnawala masakit… kapag sinagad. SEC. ANDANAR: Parang kabayo lang iyon eh. You rein the horse, you hold the future. Ride on to the horse and you go away, talon-talon, bilis-bilis. Hanggang doon sa Bukidnon, sige ganun para…. lumayas ka sa mga maling mga payo. Sakyan mo iyong kabayo. TULFO: Teka muna, Sec, naguguluhan ako. Napakahaba na natin, puro mga hotdog at kabayo. Ang tinatanong lang ni Crystal ay kung sasagutin niya ba si Captain…si Captain ba ang pilin niya o si Mommy at Daddy? SEC. ANDANAR: Kaya nga, parang kabayo. Kaya nga ating metaphor kabayo. Sasakyan niya iyong kabayo, bilisan niya iyong takbo, paunto-untol, tapos layasan nya lahat. Talikuran niya lahat ng maling payo. TULFO: Ayon, okay nagets ko na o na-nage-gets ko na. Naku, Sec, maraming natutunan sana itong si Crystal, eh may na-pick up sa iyong mga ika nga eh mga advice. SEC. ANDANAR: Words of wisdom. TULFO: Words of wisdom. Nino-note iyan niya Ivy, ilalagay nanaman niya sa jorpets time manual iyan. (signal interruption) TULFO: Se, before I forget. Anong meron sa Davao, nandoon ba si Prime Minister Abe? Seriously, Sec, pupunta siya sa bahay mismo ni Pangulo, doon sa kung saan nakatira sila—di ba nakita na ni taumbayan yung napaka-simple at payak na bahay ng Pangulo, pupunta siya doon, magdi-dinner siya kasama si Pangulo? SEC. ANDANAR: Oo. TULFO: Doon sa bahay na iyon, iyong nakikita natin, iyong simple at payak na may mga kapitbahay siyang patayo-tayo doon nung nakaraang halalan? Iyon ba iyon, iyong bahay na iyon? SEC. ANDANAR: Ang alam ko, umaga sila pupunta eh. TULFO: Mamaya. SEC. ANDANAR: Siguro baka magbe-breakfast siguro ganoon. Tapos mag-uusap sila. Ito ay magpapakita lamang na, number one, si Presidente ay talagang tinatanggap niya sa bahay niya kahit sino at iyong mga taong—kasi alam mo partner, sino iyong mga tinatanggap mo sa bahay mo— TULFO: Iyong mga kaibigan. SEC. ANDANAR: Iyong mga taong—kaibigan, may tiwala ka. Hindi ba iyong mga taong malapit sa puso. So ibig sabihin nito, malapit sa puso ni Presidente ang Japan. Na-appreciate naman ng Japan government at ni Prime minister Shinzo Abe ang ganitong gesture ng ating Pangulo. The President also appreciates the gesture. Dahil alam mo ito iyong unang head of state na bibisita sa Davao. First si Shinzo Abe at doon maraming mga community ng Japanese sa Davao. TULFO: Hindi mo na itatanung, Sec. Diyan nga nagkakilala iyong lola ko at saka lolo ko. Pumunta iyong lolo ko diyan sa Davao. Diyan din nagkakilala iyong nanay ko na Haponesa at saka iyong tatay ko na ilokano, diyan sa Davao. SEC. ANDANAR: Oo, kaya ikaw ¼ Japanese ka di ba. Kaya maraming hong mga half-Japanese half-Filipino na prominent sa Davao. Tapos ginawan pa nga ni Presidente ng monumento iyong Japan sa Davao noon. Kaya maganda, excited na excited yung buong Davao. Makikita mo ioyng Davao puro Japanese flag at Philippine flag side-by-side. TULFO: Kung may pagkakataon ka, Sec., eh may ipapadala ako sa iyo. Ipahabol ko sa courier natin. Iyung ilagay mo din naman iyong flag sa jorpets time, isingit mo lang naman sa likod ng mga CR diyan. Anyway, Secretary Martin, thank you for being sports, sir. Magandang umaga at mabuhay po kayo and have a nice weekend. SEC. ANDANAR: Salamat, partner. Sana makapunta ako diyan sa programa. Gusto ko kasing nakikita kita, nami-miss na kita. TULFO: Saka nag-upgrade na tayo ngayon, Sec. Kapag tumingin sa kaliwa at kanan dati di ba iyong camera lang. Ngayon eh tatlo-tatlo lang live Facebook natin, may Punto Asintado, Radio Singko, Tulfo Facebook account orig. Live na live ha, kaliwa at kanan mo. Para kang si Pangulo nagtitingin ka sa prompter, kaliwa, kanan. Tatlo-tatlo na iyong camera ko dito eh. May camera sa Radio Singko account, meron sa Punto Asintado, may Tulfo orig account. So palinga-linga kaliwa-kanan, magsasawa ka sa katitingin. SEC. ANDANAR: Mga… in two weeks, pupunta ako diyan. TULFO: In two weeks sige hintayin ka naming. Naku, maraming salamat, Sec. Have a nice weekend, Boss. SEC. ANDANAR: Mabuhay ka, partner. ## source: Transcription NIB |