January 14, 2016 – Interview of Sec. Coloma – DZRB – Radyo ng Bayan
INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR. |
DZRB – Radyo ng Bayan / Balita at Panayam by Alan Allanique |
14 Jan 2016 |
ALAN: Secretary Coloma, sir, magandang umaga po.
SEC. COLOMA: Magandang umaga, Alan. ALAN: Yes, sir. Good morning, sir. Makikibalita lang po kami, sir. Nito hong nagdaang araw ay sinabi mismo ng Korte Suprema na may kapangyarihan ang Pangulong Aquino to enter into an agreement with the US, ito hong Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA. At pagkatapos po nito, of course, what will happen next considering ito po ay malawakang pagtutulungan sa pagitan po ng Pilipinas at ng Estados Unidos sa larangan po ng depensa at iyong pagtutulungan din sa pagkakaroon po ng kaalaman ng tropang Pilipino sa mga makabagong kagamitan, Sec. Sonny, sir? SEC. COLOMA: Mahalaga iyong pagpasya ng Korte Suprema hinggil sa constitutionality ng Enhanced Defense Cooperation Agreement. Dahil dito ay pinalakas ng ibayo iyong strategic partnership sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na nauna nang naitatag sa pamamagitan nung Mutual Defense Treaty at nung Visiting Forces Agreement. Sa kasalukuyan, Alan, ay katatapos lamang nung talakayan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas. Si Secretary Albert Del Rosario at si Secretary Voltaire Gazmin ay nakipag-ugnayan sa kanilang mga counterpart, sina Secretary John Kerry at Secretary Ashton Carter, ng State Department at Defense Department ng Estados Unidos, upang talakayin iyong patuloy na ugnayan ng dalawang bansa sa aspeto ng seguridad. At ayon din sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines, nakapagpanukala na ang ating bansa ng iba’t-ibang lugar na kung saan ay puwedeng magkaroon ng basing arrangements na naayon doon sa ngayong ipinasang, na-affirm na EDCA, iyong VFA at MDT. ALAN: Ayon. Okay. Secretary, of course, meron pong mga nabanggit kayo na mga namamataan na mga areas, I mean naa-identify na mga areas, na maaring magamit bilang pasilidad — existing facilities or military bases na maaring magamit din ng US. Pero ito po ay hindi nangangahulugan na magkakaroon ng mga US bases dito sa atin sa Pilipinas, Sec, hindi po ba? SEC. COLOMA: Pakiulit lang, Alan. ALAN: Opo, meron pong mga na-identify na mga Philippine camps na mairing magamit din nitong mga US servicemen kapag sila ay narito sa Pilipinas. Pero ito po ay hindi nangangahulugan na magkakaroon ng mga US bases o magkakaroon po ng mga base military ng Amerika dito sa ating bansa. SEC. COLOMA: Hindi na maari iyong magtatag ng permanenteng bases dahil nga expired na iyong ating Military Bases Agreement at hindi ito pinapahintulutan ng ating Saligang Batas. Ang umiiral ay iyong Visiting Forces Agreement at sabi ko nga kanina kapag ginamit iyong salitang “basing” ay rotational ang konsepto nito at dapat ay tumalima doon sa Visiting Forces Agreement at doon sa tinatadhana ng Saligang Batas. Ang sinasabi diyan iyong mga identified na bases ay maaring gamitin na venue halimbawa for joint military exercises, iyun ‘no na hindi magiging permanenteng base. Mahalagang na ma-klaripika, Alan. Hindi po iyan permanent bases. ALAN: Yes, sir. Okay. Iyong isang aspeto pa po nitong EDCA, Secretary, ay iyong lalong madaragdagan iyong kaalaman at kakayahan ng ating militar sa paggamit ho ng mga mas makabagong military equipment, Secretary, sir? SEC. COLOMA: Isa nga ring aspeto iyan, Alan, dahil nga batid naman natin, pangunahing bansa ang Estados Unidos sa aspeto ng defense and security at mabilis ang pagde-develop ng teknolohiya hinggil sa mga defense equipment at defense weapons. Tayo ay patuloy na nagsasagawa ng modernization ng ating Armed Forces at dahil sa pag-iral nitong mga kasunduang ito, nagkakaroon tayo ng pagkakataon na malaman at makapamili kung ano dito sa mga bagong teknolohiya ang pinaka-angkop para sa ating mga pangangailangan, at ito ay isa sa mga maaring maisagawa dahil sa pagpasa o sa pagkakaroon ng isang EDCA na katuwang nitong VFA at MDT. ALAN: Opo. Secretary sa ibang usapin naman po. Officially nag-file ang Pilipinas ng protesta dito po sa pagsasagawa ng test flight ng China dito po sa mga disputed islands diyan sa West Philippine Sea, particular iyong Fiery Cross Island, Sec. Sonny, sir? SEC. COLOMA: Tinalakay iyan ng ating Department of Foreign Affairs. Ito ay pagpapahiwatig ng ating posisyon hinggil sa pagtalima doon sa Declaration of the Code of Conduct at iyong Code of Conducts of Parties in the South China Sea na nauna nang napagkasunduan ng mga miyembrong bansa ng ASEAN. Sinasabi natin na iyong pagsasagawa ng test flight diyan ay taliwas sa mga prinsipyo nung declaration at nung Code of Conduct. At sinasabi rin natin na ito ay dapat pansinin sapagkat hindi tayo pumapayag doon sa konsepto ng ADIZ, iyong Air Defense Identification Zone, na maaring maging resulta kung hindi tayo magpo-protesta doon sa pagsasagawa ng ganyang test flights, Alan. ALAN: Opo. Sec. nais po namin kayong pasalamatan, sir, for the updates from the Palace. Thank you po. SEC. COLOMA: Maraming salamat at magandang umaga, Alan. |
SOURCE: NIB-Transcription |