January 14, 2016 – Sec. Coloma’s Press Briefing Transcript
PRESS BRIEFING BY PCOO SECRETARY SONNY COLOMA |
Press Briefing Room, New Executive Building, Malacañang |
14 Jan 2016 |
OPENING STATEMENT
On the President’s Veto Message Magandang hapon sa inyong lahat. Tungkulin ng pamahalaan na tiyakin ang katatagan ng pondo ng SSS (Social Security System) upang masiguro ang pagbayad ng benepisyo sa lahat ng miyembro nito. Nais kong ipakita sa inyo ang ilang karagdagang pagpapaliwanag hinggil sa pasya ng Pangulo na mag-isyu ng isang Veto Message patungkol sa House Bill na nagpanukala ng dagdag na kontribusyon. Mayroong 2.1 million miyembro na tumatanggap ng pensyon at kung ang bawat isa ay makatatanggap ng karagdagang pension na P2,000 a month, times 13 months, ang halagang tinitingnan natin ay P56-billion a year. At ang magiging immediate na epekto nito, mauubos ang pondong nakalaan para sa lahat ng kasalukuyang 31 milyong miyembro sa 2029 o 13 taon mula ngayon. Bago ipinanukala ang dagdag pensyong ito, ang pondo ng SSS ay tinayang aabot hanggang 2042, so ang tanong: ‘Makatuwiran bang mapariwara ang katatagan ng pondo ng SSS habang hindi isinaalang-alang ang kabutihan ng higit na nakararaming miyembro?’ Ang tugon ng isang responsableng pamahalaan ay ito: una, kailangan maging makatuwiran ang ano mang pagdadagdag sa benepisyon; ikalawa, dapat isaalaang-alang ang katatagan ng pondo upang makamit ng lahat ng miyembro ang kanilang inaasahang pensyon kapag sila ay nagretiro. Kaya ‘yan ang buod ng ating paliwanag hinggil sa Veto Message, ‘yung sobrang laki ‘nung epekto nito na hinihigitan pa ‘yung kontribusyon at ‘yung investment income at dahil dito ay iikli ang buhay ng pondo na sa halip hanggang 2042 ay hanggang 2029 lamang. Handa na akong sumagot sa inyong mga tanong. QUESTIONS AND ANSWERS Aurea Calica (Philippine Star): Sir, I think by now alam niyo naman po na maraming batikos dito sa naging move ni Pangulong Aquino. How are you going to answer these criticisms particularly na parang wala daw po siyang malasakit doon sa mga senior citizen? SEC. COLOMA: Ang pangunahing layunin ng pamahalaan ay tiyakin ang katatagan ng pondo ng SSS para tugunan ang pangmatagalang pangangailangan ng lahat ng 31 milyong miyembro nito. Hindi magiging responsable ang pamahalaan kung hahayaang mapariwara o masira ang katatagan ng pondo. Ito na ang magiging sukdulan ng kawalan ng malasakit sa ating mga boss, ang mamamayang Pilipino, kung hahayaan nating mangyari ito. Ms. Calica: But are there options or measures being eyed to somehow give them an increase even if it’s not 2,000 pesos? SEC. COLOMA: Patuloy na sinusuri ng SSS ang hanay ng mga benepisyo na ipinagkakaloob sa mga miyembro habang isinasaalang-alang ‘yung katatagan ng pondo. Sa lahat kasi ng pagkakataon, pansinin natin doon sa operations ng SSS, mayrong members’ contribution at mayroong investment income. Kailangan ‘yung members’ contribution plus investment income minus operating expenses, dapat ay malaki palagi ‘yon kaysa doon sa cash outflow. Ipinakita ko na sa umpisa ng ating talakayan na ‘yung immediate cash outflow nitong panukalang benepisyong P2,000 additional monthly pension ay P56-billion kaagad. Higit na malaki ito doon sa mga P30-billion lamang na kinikita ng SSS. Kaya’t ito ang dahilan kung bakit mapapabilis ‘yung pagkalugi o ‘yung pagbawas sa buhay ng pondo kapag pinayagan ito. Nananatiling bukas ang pamahalaan at patuloy na pinag-aaralan ng pangasiwaan ng SSS kung paano pa higit na mapapahusay ang serbisyo sa mga miyembro at kung ano pang mga benepisyo ang maaaring maibigay sa kanila habang isinasaalang-alang ‘yung katatagan o estabilidad ng pondo at ‘yung tinatawag na ‘actuarial life’ nito na hindi dapat mapariwara. Ms. Calica: Sir, can Congress override the veto? And ‘yung sa executive action, paano kayo mag-i-intervene mismo doon sa SSS, if there would be no law para i-increase ‘yung pension? SEC. COLOMA: Pinag-aaralan kung ano pang mga legal measures ang maaaring kuhanin hinggil dito. Patungkol naman sa overriding a veto, ayon sa batas, two-thirds vote ang kinakailangan. Patricia de Leon (CNN Philippines): Sec, what if they get that two-thirds vote? Ano po ang recourse natin or plano… SEC. COLOMA: Nasa pagpapasya ng Kongreso ‘yan at kinikilala natin ‘yung karapatan at kapangyarihan ng lehislatura sa mga panukalang batas na kanilang ipinapasa. Kasabay din ‘yan ‘nung karapatan at kapangyarihan ng Pangulo hinggil sa pag-aapruba o pag-ve-veto ng mga naipasang panukalang batas. Nikko Dizon (Inquirer): Sir, isn’t this a risky decision made by the President given that there’s only six, five months left in his term and people could remember him for vetoing this bill? SEC. COLOMA: Ang nais ng Pangulo ay maalala siya bilang isang Pangulo na sa lahat ng pagkakataon ‘yung pangmatagalang kapakinabangan at ‘yung kapakanan ng mga mamamayan ang kanyang inisip at hindi lamang nagpasa ng mas malaking problema sa susunod na administrasyon. Mayroon nga siyang isang talumpati, sinabi niya: ‘I am not the person who will just kick the can around.’ ‘Yung hindi lang niya papayagan na kung mayroong problema ngayon ay para bang sige-sige na lamang at kahit na maipasa na lang ito o lumawig pa itong problemang ito sa susunod na administrasyon. Walang-wala sa kaisipan ng Pangulo ‘yan dahil nasa isip ng Pangulo ‘yung kapakanan ng mga mamamayan at ‘yung pagiging tapat niya sa kanyang sinumpaang tungkulin; ‘yung pagiging responsable ng gobyerno na gagawin ‘yung tama at gagawin ‘yung makatuwiran para sa kapakanan ng mga mamamayan. Celerina del Mundo-Monte (Manila Shimbun): Sir, according to KMU parang ‘lame excuse’ ‘yung sinabi ng Pangulo kasi instead of ayusin daw ‘yung pagkolekta sa SSS—‘yung contributions dapat ‘yon ‘yung ayusin—and also to penalize these employers who fail to submit their contributions on a regular basis. SEC. COLOMA: Sasagutin ko ‘yan. Tunghayan natin ‘yung mga slides ng SSS. Sa katotohanan lang na-improve na ‘yung collection efficiency at nakapagtamo ng contribution surplus ang SSS nitong nakaraang limang taon—mayroon akong slide dito—for 11 years from 2000… Ito na muna, ‘yung kanina. Ito ‘yung computation ng P56-billion. Nag-umpisa sa 2.15 million pensioners, times P2,000 a month increase, times 13 months, P56-billion. Ito ‘yung epekto kaagad sa profit and loss ng SSS. Sa halip na may net revenue, magkakaroon kaagad ng net loss na almost P30-billion, at dahil diyan bababa rin ‘yung investment income dahil kinakailangan mag-liquidate para tugunan ‘yung mga cash requirements ng SSS. Ito ‘yung accomplishment ng SSS. Makikita natin, simula 2010 up to 2014, tumaas nang husto ‘yung net revenue. Doon sa limang taong tinutukoy natin, nag-a-average ng P33-billion compared to the average of only P8-billion from 2000 to 2009. So walang katuwiran at walang batayan ‘yung mga paratang na hindi maayos ang pamamahala ng SSS. Ito pa ang pruweba: 50 percent growth in assets in the last five years. Ito pa, ito mapapansin natin, for 11 years, from 2000 to 2011, in deficit ‘yung SSS in terms of contributions relative to collections and income. ‘Yung contribution surplus kasi, ‘yan ‘yung contribution minus benefit payments, minus operating expenses. Pansinin natin, pinagsama-sama na ‘yung contribution minus benefit payments, minus operating expenses. Kaya naging surplus, starting 2.3 in 2012 to 9.9 in 2014 and up to 2015, ay dahil na-improve ‘yung collection efficiency; nadagdagan ‘yung koleksyon at na-improve din ‘yung operating efficiency. Kaya lumabis ito doon sa ibinabayad na mga benepisyo kaya mayroon tayong contribution surplus. So ‘yan ang pag-aralan ng mga tumutuligsa nang walang batayan. Ms. del Mundo-Monte: So, sir, it’s just right or justifiable… Kasi one of the reasons din na ni-raise ‘nung KMU is kasi raw masyadong malaki ‘yung mga bonuses ng mga executives doon… SEC. COLOMA: Hindi totoo. Ms. del Mundo-Monte: So is it safe to assume na right lang na magkaroon sila ng ganoong bonus kasi naman they are performing? SEC. COLOMA: Well, tingnan mo naman ‘yung chart. ‘Yung sinasabi nila that’s only a fraction of the total operating expenses of the system. Ms. Calica: Still, sir, despite the healthy condition of SSS valid demand naman po siguro ‘yung pag-increase din ng pension. So ‘yon bang pag-increase din ng monthly contribution should that be considered? And another thing is, do you the same figures as the ones who passed the bill, because if you have the same figures, how come you came up with different decisions? SEC. COLOMA: Humingi sila ng mga datos mula sa SSS at ‘yan din naman ang isinubmit ng SSS. Suriin natin ‘yung sinabi sa umpisa ng iyong tanong: ‘valid ‘yung pagtataas ng pensyon?’ Ms. Calica: ‘Yung paghingi po, sir. Siguro naman wala namang… SEC. COLOMA: ‘Yung paghingi, okay. Kaya lang dapat din isaalang-alang ‘yung continuity at ‘yung longevity ‘nung pinagkukuhanan. Kasi, ayon nga sa aking nabanggit kanina, kung magiging iresponsable naman na basta-basta lamang magbibigay ng ano mang halaga ng increase na hindi isinasaalang-alang ‘yung katatagan ng pondo, ‘di sa simula’t sapul ay binalewala ‘yung interes ng nakararami. Ang pinag-uusapan natin dito, Au, ay 31 million members. Hindi lang naman ‘yung kasalukuyan na tumatanggap na ng pensyon. Kabilang din kayo doon. Miyembro kayo ng SSS, nag-co-contribute kayo kahit na hindi pa kayo pensioner. At kung mamamatay ‘yung pensioner, may survivorship benefits pa ‘yan accruing to the dependents up to 21 years old. Kaya sa biglang tingin parang maliit na halaga lang ‘yung pinag-uusapan, pero dahil pinag-uusapan natin dito ay pangmatagalan at hindi lamang ‘yung current beneficiaries na 2.1, kung hindi ‘yung kabuuang membership na 31 million, kinakailangan naman ay mayroon tayong long-term na pananaw at hindi ‘yung nakapokus lamang sa here and now. Ms. Calica: Last, sir. So misleading po ‘yung sinasabi na naaral na po nila at sinabi nilang kaya naman daw po ng SSS ‘yung pagbibigay ng pension hike? SEC. COLOMA: Sa ating pagkabatid ay ipinaalam sa kanila ng management ng SSS itong mismong mga datos na ipinakikita ko sa inyo ngayon. Walang ikinubling impormasyon sa kanila hinggil diyan. Roices Naguit (TV-5): Sec, alam naman po natin na medyo unpopular na itong desisyon ng Pangulo, pero hindi rin po maiiwasan kasi this early may mga netizen na po na nagsasabi na ‘yung masasapul daw po ‘nung desisyon ng Pangulo ay ‘yung kanyang kandidato for the 2016 elections. Ano po ang masasabi ninyo dito? SEC. COLOMA: Sa lahat ng pagkakataon ang isinasaalang-alang ng Pangulo ay ‘yung kapakanan ng bansa, ‘yung kapakanan ni Juan de la Cruz, ng ating mga boss—ang mga mamamayang Pilipino. Hindi—uulitin ko—hindi magiging responsable kung hindi isinaalang-alang lahat ‘yang mga konsiderasyon na ‘yan. Hindi magiging responsable ang pamahalaan, at ang kabalintunaan ‘non ay parang hinayaan na mapariwara ang katatagan ng pondo, samantalang ang responsibilidad ng pamahalaan ay tiyakin ‘yung katatagan nito. Sa lahat ng pagkakataon ay ‘yan ang batayang prinsipyo ng administrasyong ito: ‘yung mabuting pamamahala batay sa katotohanan, katuwiran at katarungan. Ms. Calica: Sir, do you feel… I’m just wondering if you feel… If you’re saying that you have the same information or the same figures as the ones in Congress, do you feel trapped that this was passed when they know that this would drain the… And would you say that politics was behind the… SEC. COLOMA: Mayroon naman tayong proseso na kinikilala ng ating Saligang Batas, na ‘yung kapangyarihan na magpasa ng batas ay nakaluklok sa lehislatura, ‘yung kapangyarihan na magpatupad nito ay nakaluklok sa ehekutibo, at mayroon ngang probisyon doon na lahat ng enrolled bills na naipasa sa Kongeso dumadaan sa pag-review ng Pangulo na siyang naglalagay ng kanyang lagda o nag-ve-veto rito. Sinusunod lang natin ang prosesong ito. Kinakailangang makita ng ating mga mamamayan na ginampanan ng Pangulo ang kanyang tungkulin at naging tapat siya sa kanyang responsibilidad na isaalang-alang ang kapakanan ng mga mamamayang Pilipino. Florante Rosales (DZRH): Sir, magandang hapon. Ang latest sa Senate, sir, from the Committee on Public Order and Illegal Drugs tungkol doon sa Mamasapano investigation. Noong nakaraang briefing po, tungkol doon sa statement niyo pala, na kailangan niyong… Bago dumalo ‘yung mga Cabinet member kailangan may prior questions na i-su-submit sa Pangulo or dito sa executive department. Ang sagot po ng mga senador hindi po nila gagawin ‘yon. Ano po ang reaksyon ng Malacañang? SEC. COLOMA: Doon sa aking pahayag ay ipinupunto ko lang kung ano ang isinasaad ng batas hinggil sa interaction ng Kongreso at ng Ehekutibo sa mga ganyang pagkakataon. Nasa kanilang pagpapasya kung paano nila i-i-interpret ‘yung probisyon ng batas. Pagpapaalala lang ‘yon na mayroon tayong mga panuntunan na pinagbabatayan ng ating pagkilos. Mr. Rosales: May nagbigay din po ng komentaryo na parang tulad daw po ito ng EO 464 ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na pinipigilan na magsalita ‘yung mga member of the executive. SEC. COLOMA: Malinaw ang record ng administrasyong Aquino, Flor, na ni minsan ay hindi naman pinigilan ng Pangulo ang pagpapaanyaya o pagdalo ng mga miyembro ng Gabinete sa pagpapaanyaya. Kung hindi makakadalo, nagbibigay naman ng notice at ng justification, at ibinibigay naman ‘yung kinauukulang impormasyon. Kailanman ay hindi lumutang o nagkaroon ng ganyang isyu sa pagitan ng ehekutibo at ng ano mang sangay ng lehislatura. Mr. Rosales: ‘Yon po kasi ‘yung parang basa ng mga senador na parang kumambiyo ang Malacañang, dati open daw po kayo na lahat sila papuntahin—‘yung mga kailangang imbitahan—pero last week or this week yata nagsabi (kayo na), ‘yon nga, ‘yung statement ninyo na kailangan munang humingi ng katanungan at prior to the approval of the President? SEC. COLOMA: Baka kailangan lang, Flor, ay tunghayan muli ‘yung buong statement hindi lamang ‘yung isang pangungusap doon; na kung tutunghayan ‘yon, sa umpisa pa lang—sinabi na natin—sa simula’t sapul, sa bawat pagkakataon ay naging bukas at hayag ang pamahalaan. Baka ‘yon ang mas mainam na pag-unawa doon sa ating posisyon at hindi ‘yung iisang pangungusap lamang. Mr. Rosales: So ‘yon ‘yung appeal niyo po sa mga senador natin? SEC. COLOMA: Ipinupunto lang natin na ‘yon ‘yung kabuuan ng aking ipinahayag at dapat unawain nila ‘yon sa kabuuan. Mr. Rosales: Sir, doon pa rin sa Mamasapano, parang ini-reset po nila ‘yung investigation and instead of January 25, next week na lang, kasi mayroon po raw awarding sa PNP ‘nung mga biktima nito o namatay na SAF 44 on the same day kasi one year anniversary. Ang latest po sa PNP parang hinihintay pa rin po ‘yung approval ng Pangulo doon sa mga ibibigay naman na award. Naaprubahan na po ba ito? SEC. COLOMA: Hindi ko alam, Florante, aalamin pa natin. Mr. Rosales: Salamat, sir. Ms. del Mundo-Monte: So, sir, in this particular reopening of the Mamasapano investigation, will the President allow the—if ever the Senate would call for the presence of the Cabinet members even if you already stated before na somewhat there’s this politics in making such reopening of the probe? SEC. COLOMA: Kasasabi ko lamang na sa lahat ng pagkakataon ay nagpakita ng kahandaan at pagiging bukas at pagiging hayag. This administration has always been open and forthright in answering any and all questions regarding the Mamasapano incident. Ms. Calica: Sir, ni-reset din daw po ‘yung hearing dahil marami daw pong activities on January 25 and it’s time to mourn. On the part of the Palace, mayroon po ba kayong plano to remember the SAF 44 on that day? SEC. COLOMA: Wala pang nabubuong detalye tungkol diyan sa bagay na ‘yan. Wala pa akong impormasyon hinggil diyan. Vanz Fernandez (Police Files): Sir, from Jo Reyes of Malaya, pa-question lang po. Sabi po niya: ‘Do you have any statement regarding the bombing attack sa shopping area at business area ng Indonesia?’ SEC. COLOMA: Kailangang beripikahin muna natin ‘yan bago tayo magkomentaryo, especially ‘yan ay nangyari sa ibang bansa. Ms. Fernandez: Sir, on SSS. As you have mentioned sa 31 na sinabi po ninyo lately na hindi po ba natin pwedeng pakiusapan ang Pangulo na instead of P2,000 gawin na lamang P1,000 para lang sa kapakanan ng mga bosses niya? At usually, sir, every year nadadagdagan po ang miyembro ng ating SSS. So nagkakaroon po ng malaking datos ito para sa SSS at usually may mga self-employed din po tayo. Nadagdagan din itong mga kasambahay po natin. So paano natin masasabi na malulugi itong ano at dahil dito ni-refuse po ng ating Pangulo na mapakinabangan itong P2,000 para sa mga pensioner po natin? Reaksyon lang po. SEC. COLOMA: Kung nandito ka lang nang mas maaga, natunghayan mo ‘yung ganap na pagpapaliwanag ko… Ms. Fernandez: Sir, nakinig po ako. SEC. COLOMA: At kung nakinig ka nang mainam, maaalala mo na sinagot ko ‘yung mga sinabi mo ngayon. Ms. Fernandez: Yes, sir. SEC. COLOMA: Ganunpaman, para sa mas ganap na pagkakaunawa, uulitin ko… Ms. Fernandez: Si sir naman… SEC. COLOMA: Ito ‘yung paliwanag, Vanz, doon sa sinasabi mong— Ms. Fernandez: I was asking about the P1,000— SEC. COLOMA: Kaya nga, hindi pa ba sapat ‘yung pagpapakita? Ms. Fernandez: Hindi, sir, if in case na pumayag po ang ating Pangulo na instead of P2,000 gawin nating P1,000. SEC. COLOMA: Ang proseso kasi, ang pag-aaralan ng Pangulo, kung ano ‘yung inihain na batas. Hindi naman kasi ‘yung ehekutibo ang nag-pro-propose. Ms. Fernandez: Yes, sir. SEC. COLOMA: So kaya ang pinagpasyahan ay ‘yung panukala na dalawang libo. Mayroon na ring nagtanong kanina hinggil diyan, hinggil sa mas mababang amount, at ang sabi ko patuloy namang pinag-aaralan ng SSS ang iba pang opsyon at iba pang alternatibo. Kaya lang ang pinag-aralan muna, dahil ‘yon ang tungkulin, ay ‘yung nasa enrolled bill. Sana ay naliwanagan ka sa aking pagtugon. Ms. Fernandez: Yes, sir. Thank you very much sa ano ninyo, sagot po ninyo. Anyway… Kaye Tubadeza (Business World): Sir, can you confirm reports that NEDA Secretary (Arsenio) Balisacan was appointed as Philippine Competition Commission chairman? SEC. COLOMA: I have no official information as I speak now. If there will be information on that or any other appointment, you can be sure that as always I will deliver it to you as soon as possible. Ms. Dizon: Sir, is it confirmed that Home Guaranty Corporation chairman Manuel Sanchez was fired? SEC. COLOMA: Wala rin akong impormasyon diyan. Natunghayan ko lang sa headline ng isang pahayagan. Aalamin natin. Ms. Naguit: Sir, any update doon sa plano po na i-meet ulit ‘yung House leaders—House and Senate leaders—para po isulong ‘yung pagpasa ng BBL? SEC. COLOMA: Kapag mayroon nang development diyan ay tiyak na ipapaalam ko sa iyo at sa lahat ng mga kagawad ng Malacañang Press Corps. Ms. Calica: Sir, on EDCA and the statement of US President Barack Obama that—a certain ‘Barack,’ sir [laughter]—he said that it’s the US and not China that should make the rules in the South China Sea? SEC. COLOMA: Para sa Pilipinas, ang reyalidad ay ito: Mayroon tayong strategic partnership with the United States. Mayroon tayong Mutual Defense Treaty, mayroon tayong Visiting Forces Agreement, at ‘yung pinagtibay ng Supreme Court na Enhanced Defense Cooperation Agreement. Kaya para sa kapakinabangan ng ating bansa, nais nating patatagin ang pakikipag-ugnayan na ‘yan at ‘yan ang relevance ‘nung kanyang sinabi sa sitwasyon ng Pilipinas. Ms. Fernandez: Sir, according to JPE—shortcut, a certain ‘JPE’—if he will be an adviser to the President, he would rather suggest to him to reexamine himself and don’t be a paranoid in imputing any motives against the people—other people, rather. ‘Think, reflect in yourself and assert your leadership because there was a failure of leadership in Mamasapano and failure of leadership in the fiasco in Luneta.’ SEC. COLOMA: Vanz, kung bubuksan mo ang iyong email at itatanong mo sa iyong mga colleagues sa MPC, kahapon ay nagpahayag na ako hinggil diyan at nailathala na rin ito sa mga pahayagan. At ang aking sagot ay hawig dito, ano, you can just check for the actual (statement). Ang aking sinabi: President Aquino has demonstrated integrity, dedication and courage in managing crisis situations… At ang taumbayan naman nagpakita ng pagtangkilik sa kanyang liderato sa pamamagitan ng overwhelming support noong 2013 national elections, at sa nakaraang lima’t kalahating taon, ‘yung consistently high performance, approval, at trust ratings ng mga mamamayan. Ms. Fernandez: Sir, thank you, pinatanong lang po. |
SOURCE: Presidential News Desk |