January 14, 2017 – Interview with PCO Secretary Martin Andanar
Interview with PCO Secretary Martin Andanar |
DWFM/All Ready by Orly Mercado |
14 January 2017 / 7:41-7:48 a.m. |
MERCADO: Secretary Martin, good morning. SEC. ANDANAR: Good morning Ka Orly, at sa lahat ng nakikinig po ng inyong programa dito po sa Radyo Singko. Good morning. MERCADO: Okay. Mukhang—well, marami kayo talagang—well, ang question of the day namin nandun sa martial law; marami na po kaming kinausap diyan pero gusto namin kayong tanungin tungkol dito sa ano—baka merong mga bagay-bagay na dapat na malaman ng taumbayan tungkol sa pag—pormal nang inilunsad ang chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN, hindi ho ba? SEC. ANDANAR: Opo. Kahapon iyan sa Davao City at pinangunahan ni Pangulong Duterte yung launching nito, umatend po dito ang miyembro ng Diplomatic Corp lalong-lalo na iyong member ng sampung bansa na nakapaloob sa ASEAN. So kumpleto po kahapon. It was—I would love to say that it was successful, mahirap hong magbuhat ng sariling bangko. Pero it went smoothly and peaceful, it was jam-packed and foreign dignitaries appreciated the preparations of the ASEAN National Organizing Committee delivered yesterday, na including po inyong opisina ng PCOO. MERCADO: Ano ang mga priorities natin dito sa pagiging taga-pangulo natin, pagiging-chairman on a very auspicious date, 2017. Dahil 50 years na ang ASEAN, since 1967 ito ay itinatag. Ano ba ang tututukan ng administrasyong Duterte? SEC. ANDANAR: That is the right word ‘auspicious,’ kasi nga the 50th anniversary and ang ating ASEAN organization ay palakas ng palakas po ang samahan. Ang tutukan natin ngayong taon – priorities natin – iyong mga proyektong people-oriented, pagpapatibay, pag-improve ng ating health services; nandiyan din po iyong peace and stability, tutukan po natin iyan, iyong counter-terrorism; tapos iyong stability po ng ating maritime security cooperation; inclusive and innovative-led growth, ito po iyong tutulungan natin yung ating mga kababayan na umasenso sa pamamagitan ng pagnegosyo, mga micro enterprises at ganundin po iyong mga negosyante na bibigyan ng assistance to identify the opportunities in the ASEAN region; nandiyan din po iyong pagtutulungan ng iba’t-ibang bansa, accepting that climate change is already affecting us. MERCADO: Oo, malaking challenge itong problema na ito. SEC. ANDANAR: So iyong ASEAN resiliency. Tapos iyong ASEAN as a model of regionalism, ito po iyong patuloy na pag-promote natin na iyong ASEAN ay malaking power bloc sa buong mundo pagdating sa population at pagdating sa ekonomiya. And the ASEAN itself stands on – alam mo naman, ka Orly – three legs or three posts. First post, would be the political; the second, would be the economics; number three, it would be the socio-cultural. So mahalaga na tayong lahat mga Pilipino ay—o, tayong lahat sa buong ASEAN, we have that ASEAN transparent thinking; meaning, we should have in our minds – bukod doon sa pagiging nationalistic – we should be regionalistic also and accept the fact that we are citizens of the ASEAN or the Association of the South East Asian Nation. MERCADO: Dahil sa mundong ito ngayon ay hindi na pupuwede na mag-isa ka eh, kinakailangang meron kang grupo at naggu-grupo-grupo ayan nakita natin eh, EU. With all that problems kasama iyan. Merong Africa, ganundin. Lahat naman ng mga rehiyon ngayon eh kanya-kanyang—kasi kapag kumilos na mag-isa ka, sa bakbakan at sa trade at saka iba pang mga isyu eh mas malakas kung meron kang mga kakampi, hindi ba ganoon iyon? SEC. ANDANAR: Sabi nga ni Assistant Secretary Dela Vega eh, kung meron mang unique sa ating composition ang ASEAN, kung ikukumpara sa iba pang mga regional organization, eh sa ASEAN po hindi tayo nag-aaway-away, tayo-tayo. Wala hong magka-away na ASEAN, we all think collectively. Wala hong ganyan na nangyayari and so that is one of the unique sa ating composition. Actually one of the characteristic of the ASEAN na kina-iinggitan ng ibang mga rehiyon. MERCADO: Pero may importanteng segment ang Presidente tungkol doon sa respect for the rule of law. SEC. ANDANAR: Opo. Opo MERCADO: Pagdating sa regional peace and stability, kailangang-kailangang sundin ang batas. But at the same time, eh siyempre dialogue iyan, meron tayong mga dialogue partners, hindi lang miyembro iyan eh sampo, meron naman din tayong continuing dialogue. SEC. ANDANAR: Opo. So, exciting po; pagkatapos nito the Organizing Committee they are on their way to Iloilo ngayon. So sunud-sunod na ito, there will be a 112 ministerial ano… mini-summits all over the Philippines that will be held in 12 different places in the Philippines kasama iyong Cebu, Boracay, Manila, Davao and others. It will be spread across, between now and November. MERCADO: Summit is in November. SEC. ANDANAR: Oo, meron tayong three major Summits. Iyong sa ngayon sa Agosto iyong ministerial—ay Abril pala iyon, tapos iyong sa Agosto iyong head of states, tapos iyong Nobyembre head of states plus our partnering countries— MERCADO: Dialogue partners. SEC. ANDANAR: Oo, merong partner plus 12 ata iyon kung hindi ako nagkakamali. Tapos—so very exciting, because it is a year for us to showcase our country to the rest of the world. MERCADO: Thank you very much, Secretary Martin. Maraming salamat sa pag-update sa atin tungkol sa ASEAN Summit. SEC. ANDANAR: Salamat po, Ka Orly. Mabuhay ka. ## source: Transcription NIB |