Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
By Albert Sebastian – DZRB
15 January 2017

ALBERT SEBASTIAN:                  Magandang umaga po, Secretary Martin. Welcome po sa Radyo ng Bayan.

SEC. ANDANAR:                            Magandang umaga, Albert. Magandang umaga sa lahat ng nakikinig ng programa mo. I believe, this is our first interview for the year.

SEBASTIAN:                                     Yes, sir.

SEC. ANDANAR:                            Happy New Year to you.

SEBASTIAN:                                     Yes, sir. Happy New Year, sir.

SEC. ANDANAR:                            Happy New Year to your listeners and to your viewers. Teka, naka-Facebook Live ka ba o sa radyo ka lang talaga?

SEBASTIAN:                                     Yes, sir, sa radyo lang po tayo, live po dito sa Radyo ng Bayan.

SEC. ANDANAR:                            Next time mag-Facebook Live ka na, 2017 na, Albert.

SEBASTIAN:                                     All right, sir. We will work it out, sir. Sir, baka may opening statement po kayo sa ating mga kababayan ngayon pong araw ng Linggo?

SEC. ANDANAR:                            Ang opening statement ko po ay, mamayang alas tres na ang launching ng ASEAN 2017 Summit dito po sa Davao City. Nandito po halos lahat ng mga miyembro ng diplomatic corps. Nandiyan po ang Ambassador ng Amerika, si Ambassador Sung Kim. Nandiyan din po ang Ambassador ng Israel, marami pang ambassador. Nandito rin po iyong majority ng Cabinet ni Pangulong Digong. Nandito po kami lahat, iyon pong mga negosyante. And later, magiging masaya po ang SMX Davao. And this is very symbolic because alam natin na ang ating Pangulo subscribes to decentralization, at ito po ay magpapataas ng moral ng mga kababayan natin dito sa Mindanao at sa Visayas dahil posible pala na iyong mga kick off, iyong mga launching ng malalaking event  tulad nito ay posibleng gawin sa mga lugar na nasa labas ng Metro Manila.

SEBASTIAN:                                     Ilang questions lang, sir, from Efren Montano ng MPC. Ang tanong niya, sir: How do we address complaints from SAF families over the slow aid and justice regarding Mamasapano massacre?

SEC. ANDANAR:                            [LINE CUT]

SEBASTIAN:                                     Naputol ang linya. Babalikan na lang natin si Secretary Martin. Anyway, kagaya po ng sinabi ni Sec. Martin kanina, ang Pangulong Rodrigo Duterte ay pangungunahan iyong ASEAN 2017 launch mamayang hapon. So buong puwersa po ng Gabinete ng Pangulong Duterte ay nandiyan para po sa inaugural ng ASEAN 2017. So isang malaking event po iyan para po sa ating bansa kung saan pulong-abala ang Pilipinas para po sa ASEAN 2017. All right, nasa kabilang linya. Secretary?

SEC. ANDANAR:                            Okay, pasensya na.

SEBASTIAN:                                     Opo, opo, sir. And then, iyong tanong po: How do we address daw po iyong complaints ng mga SAF families over the slow aid and justice regarding Mamasapano massacre?

SEC. ANDANAR:                            Timely iyong tanong mo dahil kani-kanina lang ay kasama ko po si former President Fidel V. Ramos, at alam naman natin na si Pangulong Ramos ang founder ng SAF. At naikuwento nga niya sa akin iyong hinaing ng pamilya ng mga naging biktima doon sa Mamasapano. At ang sinabi ko po naman sa kaniya ay ipaparating ko kay DOJ Secretary Aguirre. I will update you, Albert.

SEBASTIAN:                                     Another question from Efren Montano: Are we sending our representatives from the Philippines for the Trump inaugural?

SEC. ANDANAR:                            Ang representative po ng Pilipinas sa Trump inaugural ay ang head of nation o iyong ambassador po ng Pilipinas to the United States of America. Customarily, ang head of nation po  talaga o iyong ambassador ang representative ng ating bansa because this is totally a domestic event. Ang mga Amerikano po talaga ang nandiyan para i-celebrate iyong inauguration.

SEBASTIAN:                                     And another question on another topic. Ang sabi niya: What’s causing daw po the delay in the appointments of the new MTRCB chief, actually, the Mocha Uson appointment po?

SEC. ANDANAR:                            I will find out later kasi hindi po ako updated dito sa isyu na ito, sa MTRCB. Pero hayaan ninyo po at i-update ko kayo, Albert.

SEBASTIAN:                                     Tungkol naman po sa Miss Universe. Confirmed daw po ba iyong attendance ni Pangulong Duterte sa Miss Univserse? And is he excited and looking forward to the event and meeting Steve Harvey, apart from the beauties?

SEC. ANDANAR:                            Lahat naman tayo ay excited dahil malaking event po ito, itong Miss Universe. Noong last week po ay nagkaroon ng pagpupulong sa Malacañang na closed-door kasama ang organizer ng Miss Universe na si Governor Chavit Singson, iyong mga metro mayors. Sa January (signal not clear) tignan natin kung iyong schedule po ng Pangulo ay hindi magbabago.

SEBASTIAN:                                     Kagabi po, sir, Secretary, nagsalita po ang Pangulo.  Minention (mentioned) niya iyong anak daw po ni … o si Datu Mohammad Sema ay inaresto doon po sa Malaysia kaugnay nga po doon sa Davao City bombing. So hawak po siya ng mga Malaysian authorities. Kailan po ma-extradite dito sa bansa para po i-turn over sa mga awtoridad dito sa Pilipinas or mayroon pong ganiyang ano?

SEC. ANDANAR:                            Hayaan na lang po natin ang Department of Foreign Affairs, ang ating Department of Justice at iyong mga miyembro po ng security cluster katulad po ng DFA na ito po ay talagang aasikasuhin; dumadaan ho ito sa proseso.

SEBASTIAN:                                     Sir, kagaya po ng pag-celebrate po ng Pista ng Itim na Nazareno last week, ngayon po iyong sa Sinulog naman diyan sa po sa Cebu kung saan marami pong mga kababayan, mga turista ang nagse-celebrate.  Ano pong mensahe po ng Malacañan doon po sa celebration?

SEC. ANDANAR:                            Ang mensahe po ng Malacañang sa mga pupunta po sa Sinulog, Pit Señor, ay makipag-cooperate po tayo sa ating kapulisan, sa ating mga (signal not clear) para sa maayos na selebrasyon. Alam po natin na ito po ay pinupuntahan ng libu-libo, kung hindi milyong tao. At ang ating gusto pong mangyari ay at the end of the day, maayos po at peaceful iyong celebration. Alam po natin na ang ating mga kababayan (signal not clear) …

SEBASTIAN:                                     Secretary?

SEC. ANDANAR:                            (Signal not clear) … we are very faithful country at number one po ang Diyos sa puso ng karamihan or majority of the Filipinos withdraw our strength so from the Sto. Niño. Minsan kapag wala na po tayong makakapitan ay doon po tayo sa simbahan pumupunta, nagdadasal and this really is another religious event na talagang hindi puwede nating palampasin na ganun-ganun lang. Because this is also ano, a part of being a religious event, hindi lang iyong Sto. Niño, iyong Pit Señor, Sinulog ay … it’s also a tourist attraction. Sobrang daming pumupunta para lang iyong Pista ng Itim na Nazareno ‘di ba, Albert?

SEBASTIAN:                                     Opo, opo.

SEC. ANDANAR:                            So ang panawagan po natin para sa kaayusan po, para sa peaceful celebration of the event ay makipagtulungan tayo sa (signal not clear) at sa ating LGU. Alam naman po (signal not clear) sa Cebu at ang LGU ay sanay na sila sa Sinulog Festival. Taun-taon itong sine-celebrate na peaceful naman. At just like what happened dito po sa Maynila, sa Quiapo (signal not clear)Alam naman natin sa Cebu talagang ano iyan eh, parade iyan eh. Alam natin na masayang-masaya, iba kasi iyong Sinulog Festival, iba rin iyong Pista ng Itim na Nazareno. We all pray for everyone’s safety.

SEBASTIAN:                                     All right. Sir, may question si Marlon Ramos, although may comment na kayo kanina. Uulitin ko lang: Is President Duterte invited or coming to the inauguration of US President-elect Donald Trump?

SEC. ANDANAR:                            Hindi po pupunta si Pangulong Duterte kasi hindi po (signal not clear).

SEBASTIAN:                                     Secretary?

SEC. ANDANAR:                            Nawala nanaman.

SEBASTIAN:                                     Iyan, medyo magulo lang po ang line. Yes, Secretary?

SEC. ANDANAR:                            Nawawala-wala iyong signal. Can you hear me now?

SEBASTIAN:                                     Yes, sir. Yes, sir.

SEC. ANDANAR:                            Marlon, ganito lang iyon, hindi customary kasi na uma-attend iyong mga heads of state sa US inauguration kasi ito ay domestic event (signal not clear) sa opisyal (signal not clear).

SEBASTIAN:                                     Hello, secretary? Well, anyway, wala na rin po tayong—Sec. Martin? We will try to call, tawagan na lang natin ulit siguro si Secretary para sa ilan pang statements niya.

                                                                                                ##

source:  Transcription NIB