Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar
DZME – Sintido Kumon by Rita Gaddi
17 January 2017

RITA:                                                    Sa araw pong ito, we are so privileged and so honored to have our representative to the inauguration of the head of state of the most powerful country in the world. Makakapiling po natin, I think he’s en route to the airport, or possibly already at the airport, I am so honored to welcome to our program, on phone patch, Secretary Martin Andanar. Good morning, sir.

SEC. ANDANAR:                            Magandang umaga po. Good morning Rita, at magandang umaga sa lahat ng nakikinig sa inyong programa.

RITA:                                                    Naku, kasing-aga ninyo ang programa ko pero marahil ay kailangan ay maka-board na kayo siguro in a few minutes, but it’s a long trip – Manila to the west coast sa Amerika, pagkatapos papunta ng Washington. Ano po ang inyong pakiramdam sa attendance nito sa isang pinakamalaking event, hindi lang sa Amerika, sa buong mundo?

SEC. ANDANAR:                            Noong una Ma’am Rita ay, siyempre abala tayo sa paghahanda sa biyahe na ito, at marami akong trabaho dito rin sa Pilipinas, so hindi masyadong naiisip. So kagabi lang ho nag-sink in na we’re attending the most important events in the world. A historic event, at hindi po lahat nabibigyan ng pagkakataon na makadalo as an official guest doon, sa loob po mismo ng capitol, capitol grounds. At kasi nakalagay doon sa ticket natin ay ano eh, akala natin malayo tayo kasi siyempre ‘di ba, hindi naman tayo member ng US government. So noong nakita ko po iyong ticket, iyong plano doon sa mapa ay napakalapit pala.

RITA:                                                    Of course, opo kasi representing the President, the Filipino people, the nation. Kasama po ninyo si Secretary Esperon, dalawa po kayong mag-a-attend but you are representing the country, the President and the people. Malaking bagay po iyan, and we’re very honored na kayo nga po ang pinadala sapagka’t mahalaga rin na malaman din namin, of course all the details doon sa inaugural ceremonies or the rituals. Nguni’t magkaibigan na po sila eh ni President Duterte ‘di po ba? Nagkausap na sila early on.

SEC. ANDANAR:                            Opo, magkaibigan na po sila. At nais ko lang pong linawin Ma’am Rita, na iyon talagang based on the protocol, iyong official representative natin, iyong head of mission, alam ninyo naman iyan, iyong ating ambassador; kung hindi iyong ambassador iyong chargé d’affaires. Because I—sa ngalan ni Patrick Chua Sotto – siya po iyong talagang ano. So kami po ni Secretary Jun Esperon, ano lang kami, number two, number three lang kami (laughs). Based on protocol, si ano talaga—

RITA:                                                    Oo, may mga numero. Pero para sa amin, kasi kaming mga taga-media, kayo ang number one namin because you represent us in many ways. Kasi sa inyo namin malalaman, kayo naman talaga magbibigay ng blow-by-blow account diyan. Nguni’t mabanggit nga natin na kayo ay—I mean si President Duterte at si President-Elect Trump nagkausap na, maganda naman po iyong kanilang unang conversation?

SEC. ANDANAR:                            Opo, maganda po. So ang ating misyon sa Amerika ay, number one, para um-attend nga ng inaugural; at number two, mayroon po tayong mga side meetings doon sa Washington D.C.

RITA:                                                    Puwede pong ma-share? May marching orders po ba kayo galing kay Presidente at kung sino po ang inyong mga mami-meeting sa Washington?

SEC. ANDANAR:                            Siguro pagbalik na lang po ma’am.

RITA:                                                    Yes. Because mahalaga po ito sa atin, sa Pilipinas sapagka’t magpapalit ng administration doon, kagaya rin ng nangyari dito sa atin. Marami ngang nagsasabi talagang mukhang magkakasundo yata itong dalawang pangulo na ito. Parang iyong kanilang work ethic ay hindi sila umaasa sa ibang tao, labas sa kanilang mga kinakailangang gawin. How do you see this, our relationship now with America especially with Washington ngayon at nagpalit na ang kanilang pangulo?

SEC. ANDANAR:                            Opo. Well, nakita naman natin na bukod sa pag-uusap ho ni Presidente at ni President-Elect Donald Trump, na very successful, at mukhang (unclear) ni President-Elect Donald Trump at Pilipinas, eh mukhang auspicious iyong nakikita natin iyong kinabukasan. Pero ganoon pa man, kung titignan din po natin iyong sa diplomat level ay napakabait po nitong si Ambassador Kim Sung ‘no, so… at lahat po ng mga cabinet members ay nakakausap nila nang maayos. So malayo po ito doon sa nakaraan.

RITA:                                                    Very encouraging. Opo, very encouraging talaga. Mayroon pong sinisingit na tanong dito si Leo (laughs). Kailangan po sana kayo dito na guest niya, pero naubusan po yata ng oras. Mayroon po siyang gustong ipatanong, kasama ninyo si National Security Adviser Esperon, sisilipin ba daw ninyo kung ano iyong mga ginawan diyan noong ating Vice President, nakipag-meeting sa mga kung sinu-sinong mga tao diyan na parang binabatikos ang ating pamahalaan at ang ating Presidente?

SEC. ANDANAR:                            (Laughs)

RITA:                                                    (Laughs) Hindi sa akin po galing ha, galing kay Leo (laughs).

SEC. ANDANAR:                            Hindi, hindi na. Hayaan mo na sila…

RITA:                                                    Huwag nang pansinin ano po (laughs). 

SEC. ANDANAR:                            Iba iyong misyon namin doon ni Secretary Jun. Pagkatapos, kumbaga hahanapin iyong kanilang ano, kanilang (unclear).

RITA:                                                    Oo nga po. ‘Ayan na, tumawa na si Leo po, “Hahaha” daw ang sabi. Pero siningit po niya iyong tanong na iyon kasi kasama ninyo si Secretary Esperon. Nguni’t maibang bagay po tayo, you are one of the closest to President Duterte. Ang sinasabi nga, ‘pag minsan hindi siya maintindihan, may mga sinasabi siya kinabukasan or in a few hours iba na naman. But in this program sir, we have always explained, huwag lang iyong i-interpret pa, because napakasimple lang ng salita ng ating Pangulo. Kayo po, you share with us some things na marahil hindi namin nababasa, hindi namin napapanood sa telebisyon. How is it like working with a man like Rodrigo Roa Duterte?

SEC. ANDANAR:                            It’s a privilege to be working under a president whose heart is in the right place—

RITA:                                                    Wow, sarap.

SEC. ANDANAR:                            Oo, alam mo naman Ma’am Rita, nagsilbi ka din naman sa ibang Pangulo, at (unclear) kapag (unclear) mo iyong taong… alam mo iyong gusto. Kasi mayroon din kasing mga ano diyan, may katrabaho ka hindi alam kung anong gusto ‘di ba, eh magulo. So iyong sa amin naman, iyong pag-i-interpret, hindi naman kailangan i-interpret eh—

RITA:                                                    Exactly, opo.

SEC. ANDANAR:                            Iyong talagang ayusin lang ng ilang mamamahayag iyong kanilang pagsusulat. So alam ko na, tayo naman ay galing sa larangan ng pagbabalita, and we know that sometimes we create the headline with (unclear).We’ll (unclear) bait the people to think or to do.

RITA:                                                    Siyempre kung ano iyong attractive, opo. Iyon nga po ang mahalaga, sapagka’t ang mangyayari, sabi mo nga tayo sa media, sanay na tayong mag-cover ng mga VIPs, mga pangulo, mga malalaking tao, high profile. Nguni’t kasi may bitbit kaming bagahe eh, you know, we always carry our prejudices, our biases, iyon po ang nangyayari. Ito po, sabi nga ninyo it is a privilege and an honor to work with the man who has the heart for the people. Alam po ninyo, bihira talaga iyan at kaagad naman siguro nararam—especially kayo, kasi nasanay kayo sa media, mararamdaman naman kaagad iyan eh. Iyon po ang mahalagang malaman ng tao.

SEC. ANDANAR:                            Opo. Importante po talaga na iyong presidente alam iyong gusto, at talagang mahal ang tao. Now, ibang klase talaga si Presidente Digong kasi siya ay nagmamadali na gawin lahat.

RITA:                                                    Multi-tasking, oo.

SEC. ANDANAR:                            Sabi niya he is old, kita naman, we’re not even hitting the ground running, we are sprinting already.

RITA:                                                    Totoo po iyon. Sabay-sabay lahat, opo.

SEC. ANDANAR:                            O, sabay-sabay lahat. So kailangan ng mga (unclear) sa loob ng opisina, (unclear) ng hangin. But anyway—

RITA:                                                    Exactly, opo. Alam mo maganda pong pakinggan iyan sapagka’t madalas kasi parang ang tao natatakot sa kaniyang mga sinasabi. Nguni’t ganiyang ‘pag sinasabi nga ninyo na nagmamadali siya, marahil iyan ang appeal. Alam ho ninyo ang kaniyang—gawa ng mga results ng survey, ang taas ng kaniyang rating. Ang hindi lang yata nakakaintindi sa kaniya, kami sa media. Nguni’t ang taong-bayan, talagang pinapalakpakan siya, at hanggang ngayon, malaki ang suporta sa kaniya.

SEC. ANDANAR:                            Well, ‘di ba madalas kasi pinapaliwanag ni Presidente na iyong kaniyang metaphor ay iyong eroplano, ‘di ba, na tumatakbo sa runway, tapos hindi nakaka-takeoff. Tapos—iyon, naintindihan ng tao iyon eh, iyong metaphor na iyon eh.

RITA:                                                    Eh nagganoon nga siya, at saka maganda iyong kaniyang pabiro, a sense of humor is so important at marahil, iyon ang kulang sa atin. Masyadong sineseryoso natin lahat ng bagay, eh paminsan talagang dinadaan na rin niya sa pabiro, para kasing napakabigat ng problemang dala ng isang Pangulo. Pero sir, maiba po tayo ng usapan. Sa Davao po, nag-launch ng ating ASEAN Chairmanship tayo dito sa Pilipinas, at talagang parang kayo ang naka-focus dito gawa nga ng communications na kinakailangan na masagawa, kasi magkakaroon nga ng parang road show ang ASEAN, tayo po ang Chairman ngayon. Ano pong mga programang nakalagay dito para sa darating na taon, itong taon na ito?

SEC. ANDANAR:                            So bukod po doon sa ating mga ASEAN summits at mini-summits na mangyayari po sa labindalawang siyudad sa buong bansa—

RITA:                                                    Wow, 12 cities, ang laki, ang dami pala. Oo.

SEC. ANDANAR:                            Oo, so kami po ay talagang puspusan ang aming communications scheme, na umikot din sa more than 80 provinces para maipaliwanag po itong ASEAN. Now sabi ko kasi, iikot tayo tapos paliwanag tayo ng ASEAN, parang sayang naman iyong ginastos natin sa mobilization. Sabi ko, i-explain na rin natin iyong FOI.

RITA:                                                    Yes, kasama na rin iyon. Opo. Lahat na ng mga kinakailangan, oo, tama.

SEC. ANDANAR:                            Kasama na task force on media security, kasama na rin iyong mga (unclear) during disasters. Tapos sinama din po natin iyong strategic partner na KBP. So nandoon na lahat. Pati iyong messaging ng gobyerno, we have to explain to the people kung… where we want to take the narrative, kasi importante iyan eh na… this year halimbawa Ma’am Rita, ang mahalaga po this year ay we focus on the economy. Kasi talagang inevitable iyong paglago ng ekonomiya natin, dahil sa infrastructure project.

RITA:                                                    Yes. Malaki nga ang pag-asa natin diyan. Even the IMF has already noted that ang spending for infrastructure that has been set para itong taon na ito, malaking boost iyan. At iyon na nga, kailangang tignan nating mabuti iyan. And it’s very encouraging kasi noong una, alam ninyo nakakatawa Secretary ‘pagka medyo naiinis sila sa atin, sinasabi nitong mga institusyon na ito ay bumababa daw iyong ating rating. ‘Pagka na happy naman sila, tinataas pero walang magagawa because as you said, our economy is really on the rise ngayon. Mahalaga po iyong sinabi ninyo na isasama na lahat ng kailangang malaman nga taong-bayan, hindi lamang ang ASEAN nguni’t iyong mga ibang bagay na rin – FOI, iyong ating lahat na iyan. Mayroon po ba tayong… parang media center ng lahat ng ten-member countries na… kayo kasi ang parang lead agency dito ngayon. Kaya marahil iyong sampung bansa diyan ay… kasama po ba rin iyan habang nag-iikot kayo dito sa 80 provinces and 12 cities?

SEC. ANDANAR:                            Opo, tama po iyon. Dito po sa Manila ay kung mayroon pa kayong oras, bumisita tayo doon sa building ng National Press Club, Manila at sa baba ay nagre-renovate po kami ng IPC, iyong ating International Press Center. So habang… kung iyong mga media men and women na gusto pong malaman iyong activities of the ASEAN, diretso lang po kayo doon sa IPC. And ‘pag kami po’y umiikot din, ay kami mismo iyong news center noong ASEAN, because we have speakers from the DFA, and we also have representatives to the ASEAN.

RITA:                                                    That’s good. We’ll repeat that invitation sir. Para malaman ‘to everyday na kung kailangang malaman kung ano nangyayari sa ASEAN at lahat na iyan, pumunta sa National Press Club, doon pa rin sa dating opisina, at doon malalaman lahat noong activities.

SEC. ANDANAR:                            Oo, kasi we’re renting an office below the NPC, sa ground floor. Doon lang po dumiretso, or you can call our office sa Presidential Communications Operations Office.

RITA:                                                    Opo, palitan na daw natin ang pangalan niyang PCOO, parang ano, nakakasama ng PCSO, PCOO… Office of the Press Secretary na lang po. Hindi po ba, mas diretso ‘pag ganoon. You are Press Secretary and that’s your office. Ganoon na lang po, mahirap ho kasi iyong PCOO… parang magkakadugsong na iyan sa—pati iyong PCG, iyong Coast Guard, ganoon lahat nag-uumpisa ng ganoon hindi po ba? Kailangan pa po ba ng ano iyan, ng congressional ano o executive order na lang po? 

SEC. ANDANAR:                            Executive order na lamang po.

RITA:                                                    Very good, ganoon na lang po, Press Secretary para isang ano na lang, isang pangalan. Ang hirap kasi nung ang haba-haba ng PCOO sa amin, nakaka-confuse nga sa ibang mga opisina.

                                                                Pero, sir, when you go to the United States now, sa Washington, at nandoon kayo, you will be attending this—ang inyong forecast, ang inyong nakikita sa hinaharap natin, kasi alam naman ninyo noong nakaraan ay talagang nag-init ang ulo ng ating Pangulo kasi parang binabatikos tayo ng sari-saring mga bagay na hindi naman nila talagang nabe-verify. Ngayon at iba na ang administrasyon sa Amerika, ano ang nakikita ninyo sa hinaharap natin, as far as our relationship with the new President of America is concerned.

SEC. ANDANAR:                            Well, of course, Ma’am, we are optimistic about the next administration and how the next administration will treat our country. And we are optimistic that the United States and their President-elect Donald Trump will respect the sovereignty of our country and also respect the context of our war against illegal drugs. And also, more than that, is to continue cooperating with our economic team, of our economic policies. Alam po natin na America is also our trading partner – of the Philippines and a trading partner in the ASEAN. Tayo po as the chairman of the ASEAN this year, mahalaga po talaga na maganda rin iyong relationship natin bilaterally.

RITA:                                                    Exactly. They need us actually more than we need them kung pag-uusapan talaga iyong kahalagahan ng ating strategic location dito. Kagaya nga nung nangyari, iyong recent visit ng Prime Minister ng Japan, hindi po ba. Ibang klase po iyan. Kuwento n’yo naman sa amin oh, iyong mga side events doon, nakita lang namin kasi sa telebisyon, kumakain ng prutas, nag-iikot ganoon. Pero iyong silang dalawa po, imagine nag-almusal sa bahay ng ating Presidente and all of that. Give us an inside view of how it was sa kanilang dalawang Pangulo?

SEC. ANDANAR:                            Kasi bihira po iyang ganiyan eh.

RITA:                                                    Bihira talaga.

SEC. ANDANAR:                            Well, bihira na nga na dumalaw isang head of state, much more dumalaw sa bahay. And to us Filipinos, I must tell you this, that I have some Japanese and you know in Japan talagang once in a blue moon ka lang ma-invite ng isang Japanese to his home. Because the Japanese home is —

RITA:                                                    Sacred.

SEC. ANDANAR:                            Sacred and literally small. And if you were invited to visit a home or a house of a Japanese that means you must be—

RITA:                                                    Very special.

SEC. ADNANAR:                            Dearest to his heart. That is how the Japanese think.

RITA:                                                    Yes, iyon ang kanilang kultura.

SEC. ANDANAR:                            And the fact that the Japanese Prime Minister wanted to visit our President at his home—

RITA:                                                    Yes, siya ang nag-request. Hanggang sa bedroom. Iyon ang talagang so intimate, I mean bedroom, hindi po ba.

SEC. ANDANAR:                            Yeah, it speaks a thousand words.

RITA:                                                    Yes, nabasa ko nga po iyong column ninyo, pero iyong column ninyo kasi pormal din, etc. Kaya gusto naming malaman iyong talagang the emotional content of that meeting at iyong pag-ikot sa bahay.

SEC. ANDANAR:                            So, just imagine, Rita, kung tayong mga Filipino we are amazed  by what happened; what more the Japanese.

RITA:                                                    Yes, kasi sa culture nila, hindi ginagawa iyon.

SEC. ANDANAR:                            So sila mismo oh, our Japanese PM is—

RITA:                                                    And the bedroom, iyon ang ano.

SEC. ANDANAR:                            So masasabi natin na that was really unprecedented and more than the visit, it’s a symbol of friendship.

RITA:                                                    Talagang nahulog ang loob nung Prime Minister sa ating Presidente. Siguro iyong unang meeting nila when our President, kayo kasama rin kayo noon, nung pumunta sa Tokyo, nung state visit ay iyong nabanggit nga niya that we are closer than brothers. Mabigat po iyong salita na iyon. Alam ninyo ang malungkot, hindi iyan kinapitalize ng ating media, ang ganda-ganda nung phrase na iyon. Can you imagine to say, “closer than a brother”. You know among heads of states at saka ano, ang dami niyang ornaments of sophisticated language, ito kasimple ng kaniyang description.

SEC. ANDANAR:                            Now, with all the brickbats that he is receiving from the different Western countries, wag na lang sa Pilipinas, sa labas na lang, that was an in your face gesture.  The leader of the third largest economy of the world—

RITA:                                                    Yes, ang bigat talaga, sir.

SEC. ANDANAR:                            Ibang klase iyon.

RITA:                                                    Ibang klase talaga. So doon siguro iyong pagbanggit ni President Duterte na ganoon ang kaniyang pagtingin sa Japan. Doon na siguro nahulog ang loob ni Prime Minister Abe kaya talagang pinilit niya na makadalo. You know, when we see him having breakfast, okay lang iyon kasi kumakain sa lamesa. Pero ang nakakagulat hanggang sa bedroom, diyos ko, pati ‘yong moskitero nakita na sa buong mundo, my goodness. That is something so private and so personal. And for a head of state, nag palitrato pa siya. I mean, you know puwedeng pumasok lang, hindi po ba, tinignan, oh ‘ayan pala ganiyan ka talaga natutulog, pero nag-posing pa, katabi iyong kama, that is—you know, it is really something. Sabi nga ninyo unprecedented and really-

SEC. ANDANAR:                            And that photo will not be on the foot notes of history.

RITA:                                                    Oh yes.

SEC. ANDANAR:                            Maybe, it should be in the back and the front.

RITA:                                                    Yes, grabe po talaga. Ibang klase talaga. And you know, that should have been a running front page story, ang dami pong makukuwento tungkol doon. Naalala ko po kasi ‘no, nung unang i-interview si Mrs. Honeylet. Siyempre first time siyang nag-appear sa TV. Alam po ninyo ang unang tinanong sa kaniya: Ano po ang expectations ninyo ngayon at nasa Malacañang na kayo? Alam ninyo ang sinabi niya, Mr. Secretary? Ang sabi niya, puwede bang magdala ng moskitero doon sa—

                                                                So you could see how important it was for the President and now his wife is thinking for him to be comfortable, kung puwedeng dalahin iyong moskitero. Pero nakita po naming iyong litrato na iyon in Prime Minister ng Japan ay nag palitrato doon sa tabi ng moskitero, really, really so personal. Ang ganda po noon talaga. Tapos sangkatutak na prutas ang kaniyang kinain, natakot nga kami, baka masira ang tiyan niya halo-halo.

SEC. ANDANAR:                            At saka saging doon sa—

RITA:                                                    Yes. May suha, may langka, merong—lahat tinikman niya lahat, binalikan pa niya iyong durian. At iyong ating Pangulo wala ring paki, kain din ng kain ng durian. You see, how…walang ano, walang arte, walang kyeme. And that is exactly we should read him.

SEC. ANDANAR:                            Yes.

RITA:                                                    Iyon po sana ang sinulat. Kasi iyan talaga siya, iyan ang kaniyang tinutulugan, my goodness ang tagal na niyang mayor. Sabi nga baka iyong bahay niya baka hindi pa magkasya lahat ng security doon, baka uugay-ugay pa iyong ano… because it’s an old house. I mean, you know, ilang tao ang makakaya sa second floor, in fact sa dami ng security, nakaka-nerbyos  doon.

SEC. ANDANAR:                            Opo.

RITA:                                                    But that is really something.

SEC. ANDANAR:                            That should be the photo of the year.

RITA:                                                    Yes, you know, a thousand stories that could be written. Meron nga akong gustong i-compose tungkol diyan eh. Talagang one day, I will write something more poetic. Kasi ang ganda talaga nung meeting na iyon. But that is already indicative po, Mr. Secretary, of how important our country is. Sabi nga ninyo, the third most powerful country in the world and in our region, silang dalawa ng Tsina ang medyo naghahabulan diyan. Pero ang bigat niyan.

SEC. ANDANAR:                            And apart from that, it shows the utmost support of the Prime Minister and the people that he represents, their support to the policies of our President.

RITA:                                                    Opo ang laki ng bitbit niya. My goodness, ilang million. How many billions in pesos ang kaniyang ine-offer?

SEC. ANDANAR:                            We have a small bunch of naysayers.

RITA:                                                    Small bunch, I like that phrase. I think I will use that now more often. The small bunch, yes, sir. Sir, you have a good sense of humor. Siguro lahat kayo diyan, naka—either you really have it, kaya nagustuhan kayo ni Presidente Duterte. I like that phrase, sige sir. Iyong bunch of naysayers ano po iyan.

SEC. ANDANAR:                            And then suddenly you have the third most powerful man in the world going to the President and supporting him, going to his home.

RITA:                                                    Profusely, ang laki ng binigay.

SEC. ANDANAR:                            Wala, eh he gave us 1 trillion yen, record level na ODA for the next 5 or 6 years. And actually, ‘yung binibilang lang ho natin ay iyong ODA lang ng Japan at China, wala pa iyong ODA ng Singapore, ng Brunei, ang dami kayang—

RITA:                                                    Ang dami, lahat iyon nag-pledge na nung napuntahan ninyo iyong mga bansa na iyan, ang laki ng kanilang ano, talaga, totoo pa.

SEC. ANDANAR:                            Pero over a million already—over a trillion pesos already.

RITA:                                                  Yes, malaki pa sa ating budget.

SEC. ANDANAR:                            And also imagine that, suddenly we have a source of fund outside the the normal sources of funds that we have, diyan sa BIR and iyong mga inu-utangan natin, ito talaga direct assistance. Anyway, Rita, I will.

RITA:                                                    You will be boarding na po. It’s our honor, a pleasure and the privilege for our station, for our radio program to have you, sir. And all the best and have a pleasant and comfortable voyage, ang layo po ng ililipad ninyo, hindi po ba. You are crossing the Pacific and then crossing the America. And America all the way to Washington.

SEC. ANDANAR:                            Opo, all the way to Washington, witness the historic event. And don’t worry Rita, because you will be there because you are in my heart.

RITA:                                                    Salamat, the people are with you. You represent us, kahit na po anung mga titulo meron ang mga number 1, number 2 dyan. Because you are a member of our industry and our profession in media, you are representing us, Mr. Secretary. Secretary Martin Andanar have a voyage that is fruitful, successful as I know it would be and be comfortable in your long flight. Thank you for having joined us this morning.

SEC. ANDANAR:                            Mabuhay po kayo, salamat po.

RITA:                                                    God be with you, sir.

##

source:  Transcription NIB