PRESS BRIEFING BY PCOO SECRETARY SONNY COLOMA 
Press Briefing Room, New Executive Building, Malacañang
19 Jan 2016
QUESTIONS AND ANSWERS

Aurea Calica (The Philippine Star): Sir, Senator (Juan Ponce) Enrile said that President Aquino was directly involved in the operation and did nothing to prevent the killings of SAF 44? What can you say about this?

SEC. COLOMA: Marami nang talumpati na ibinigay ang Pangulo, marami nang pampublikong pahayag kung saan ay inilahad niya ang kanyang nalalaman tungkol sa mga kaganapan sa Mamasapano, at sa lahat ng pagkakataon, naging bukas at nananatiling bukas ang pamahalaan sa pagbibigay ng mga pahayag at paliwanag dahil sa layunin natin na mabunyag sa ating mga kababayan ‘yung buong katotohanan hinggil sa mga naganap sa Mamasapano.

Ms. Calica: So sir, are you denying Senator Enrile’s claims?

SEC. COLOMA: Iyong kanya kasing pahayag sinasabi niya na mayroon siyang batayan, mayroon siyang ebidensiya at ang forum kung saan niya ilalahad ito ay ‘yung pagdinig na bubuksan muli ng Senado. Kaya nga’t kahapon sa mga nagtanong sa akin, ang sabi ko ay handa namang sumagot at magpaliwanag ang ating pamahalaan kapag nagkaroon nga ng ganyang pagdinig para magkaroon ng maayos na pagpapaliwanag.

Reymund Tinaza (Bombo Radyo): Sir, just for the record lang. Ang sinasabi kasi ni Senator Enrile ay parang pinabayaan lang, walang ginawa ang Pangulo na kaya—para mailigtas man lang daw ‘yung 44 na SAF troopers. Sir, from your end, walang katotohanan ‘yung sinasabing alegasyon ng senador?

SEC. COLOMA: Sa kanyang mga pahayag sinabi na ng Pangulo na sa kanyang pagkabatid ay ginawa naman niya ‘yung dapat gawin bilang Pangulo at commander-in-chief. Meron siyang mga ginawa, meron ding ginawa ang mga kinauukulang opisyal ng pamahalaa at lahat naman ng mga ito ay naibunyag na at naisiwalat na ‘nung mga nakaraang pagkakataon. Marami na ring pagsisisyasat na isinagawa hinggil diyan.

Kung naaalala ninyo as late as September 2015, tinanong siya muli ni the late Letty Jimenez-Magsanoc during that interview kung meron pa siyang—kung satisfied na ba siya, meron na ba siyang sense of closure hinggil doon sa naganap, at spontaneously, the President said na gusto niyang tingnan pa ‘yung lumutang ‘nung panahon na ‘yon na alternative version of events. At ito rin ay naging paksa ng talakayan niya sa inyo a few days later, na kung saan nagkaroon pa rin ng paliwanag.

Kaya’t sinasabi natin na sa lahat ng pagkakataon ay palaging bukas at hayag ang posisyon ng pamahalaan hinggil diyan at handang magpaliwanag sa tamang lugar at takdang panahon.

Leo Navarro-Malicdem (Brigada News): Sec, other issue na po. Nakipag-ugnayan na po ba ‘yung Indonesian government sa Philippine government regarding po doon sa umano’y nakitang markings na galing sa Pilipinas ‘yung mga baril ng mga suspect na naaresto sa Jakarta bombing?

SEC. COLOMA: Hinihintay pa natin ‘yung impormasyon galing sa ating security cluster at mga security forces. Meron namang regular na palitan ng impormasyon ang mga bansa ng ASEAN, lalo’t lalo na sa pagitan ng Pilipinas, Indonesia, (at) Malaysia. Masinsin ang pakikipag-ugnayan ng ating mga security forces sa mga counterparts hinggil diyan. Kaya’t mas mainam na hintayin muna natin kung mayroon talagang beripikasyon niyan para hindi tayo gumagawa ng purong espekulasyon lamang.

Mr. Tinaza: Sir, parang kahapon or over the night may nangyari namang pagpapasabog sa transmission tower ng NGCP, this time sa Lanao area. Sir, so ano na ‘yung latest instruction of the President considering na parang nananadya ‘yung sitwasyon doon sa transmission towers?

SEC. COLOMA: Maaalala natin na noong nagtungo ang Pangulo sa Davao para doon sa inauguration ng dagdag na power generation facilities tinukoy ‘yan sa kanyang press conference at ipinag-utos ng Pangulo ‘yung pagsasagawa ng inter-agency action hinggil sa bagay na ‘yan. Dalawang aspeto: ‘yung seguridad at ‘yung mga right of way issues, lalong lalo na doon sa pinangyarihan ‘nung naunang series of bombings before the last two weeks.

At sa pambansang larangan naman, pati doon sa area ng Cordillera ay tinutukoy din ito. Hindi lang naman doon sa Mindanao may mga transmission towers ang NGCP. At sa lahat ng pagkakataon mataas ang prayoridad na binibigay ng pamahalaan para tiyakin ‘yung seguridad ng mga pasilidad na ‘yan dahil sa kahalagahan nga ng suplay ng kuryente sa ating mga mamamayan. So patuloy pa ring tinututukan ‘yan ng Department of Energy.

Mr. Tinaza: Sir, last, from my end. Sir, may mga interviews kasi kay Bayan Muna Congressman Neric Colmenares contesting ‘yung figures or data ng SSS na inilabas kahapon ng kanilang chief executive officer dahil base doon sa hawak niyang dokumento, previously sa mga hearings ‘yung sinumbit ng SSS, ay majority ng mga regular members ay mga empleyado contrary to the statement of Commissioner (Michael) Alimurong kahapon na 75 percent daw ng SSS members ay mga tinatawag na voluntary, mga informal sectors. May data rin si Congressman Colmenares na ‘yung deficit kapag pinagbigyan ‘yung P2,000 pension ay nasa 4 billion, now nag-blow up into 56 billion. Iyon ay base sa isinubmit na documents ng SSS actuarial (valuation) noong 2011. Sir, are you confident na the President was given the factual, the exact data from SSS at hindi siya parang misguided or misinformed from the SSS?

SEC. COLOMA: Doon sa tanong na, “Are you confident?” The answer is “yes” dahil sa lahat naman ng pagkakataon ay naging transparent ‘yung lahat ng pagbibigay ng datos at ito naman ay open to public scrutiny. Maaari ding itanong doon sa mga namuno sa SSS noong nakaraan na katulad ni Ginang Corazon de la Paz-Bernardo, siya ‘yung pangulo bago nagsimula ang administrasyon. Natunghayan ko ‘yung kanyang pagpapaliwanag na brinoadcast (broadcast) kaninang umaga. At siguro doon sa… May finer points of discussion lang doon, Bombo. Meron kasi diyang pensioners na 2.1 million, mayroong total membership, which is more than 30 million. Iyong total membership naman ang breakdown ‘non, mayroong formally employed, katulad ng mga—kayo, empleyado kayo, may formal employment. Meron din na informal… Pati ‘yung mga kasambahay puwede ring mag-member ng SSS. At ‘yung… Iba-iba rin, merong mga actively paying, meron din namang members na entitled sa benefits na hindi naman consistent ‘yung payment nila. Iyong pagbayad ng benepisyo depende rin sa number of monthly contributions na binigay.

Kaya maraming detalye na dapat himayin diyan. Pero para maging malinaw lang, simple lang naman ‘yung batayan ng pamahalaan. Unang-una, ‘yung pagbigay ‘nung P2,000 increase in monthly pension to 2.1 million pensioners for 13 months a year—13 months ang binibigay na pension—ang total cash outflow ‘non ay P56 billion. Tapos kapag kinumpara doon sa regular na kinikita ng SSS from investment income ay magkakaroon ng deficit o kakulangan na P16 (billion) to P26 billion a year. Iyong P16 billion based doon sa P40 billion na investment income in 2014 na pinakahuling datos na available. Kaya’t iyon ‘yung batayan sa pagsasabi na kapag hinayaan ito, iikli ‘yung buhay ng pondo from 2042 to 2029, or by 13 years. At pansinin din natin hindi lang naman ‘yung mga pensioners ang tumatanggap ng benepisyo sa SSS. The rest of the 30 million members are also entitled to benefits on a continuing basis—sickness benefits, death benefits, funeral benefits, at iba pa. At patuloy itong pinagkakaloob ng Social Security System. Kaya’t mahalaga na maunawaan ‘yung malaking larawan at ‘yung dynamics ng iba’t ibang elemento ng financial operations ng SSS.

Mr. Tinaza: Sir, moving forward, sir. Iyong sa collection efficiency na issue na kinontest (contest) naman ng SSS, ang sinasabi po kasi even sa COA report na nasa 300 billion ‘yung collectibles na—‘yung binabayaran ng mga members at nasa libo-libo ‘yung mga delinquent companies, na nagbayad ang empleyado pero hindi pa rin isinubmit ng mga libo-libong mga (kumpanya). At ang sinasabi ng SSS, mahirap daw mangolekta dahil kulang sila sa abogado where in fact, tumaas nga ‘yung operational expenses nila. So this could be… ‘Di ba maaaring learning curve din ito ng SSS na mayroon naman silang sapat na pondo para sa pag-hire ng mga lawyers at hindi naman siguro puwedeng idahilan iyon na dahil mahirap mangolekta, e trabaho po ng SSS na mangolekta by all means sa mga companies?

SEC. COLOMA: Kung tutunghayan natin ‘yung financial performance ng SSS, from 2000 to 2011 or 11 consecutive years, nakapagtala sila ng contribution deficit. Ibig sabihin, ‘yung kontribusyon na nakalap hindi naging sapat sa pagbabayad ng mga benepisyo at sa pagtugon sa operating expenses ng SSS. Pero simula noong 2012, 2013, 2014, at hanggang 2015 October, ‘yung last two years, nagtala na ng contribution surplus of almost P10 billion. Kung titingnan naman natin ‘yung net revenue ng SSS, from 2010 to 2014, nag-average ng P33 billion kumpara sa average na P8 billion lamang or four times increase. Iyong P8 billion, again, period from 2000 to 2010. Kaya’t hindi naman siguro matatawaran ‘yung performance ng SSS management na sinikap, pinag-ibayo ‘yung efficiency ng koleksyon nila, inayos ‘yung operating expenses nila, kaya naiayos din ‘yung financial condition ng SSS. At ‘yung inabutan ‘nung 2010 na actuarial life ng investment reserve fund nila na hanggang 2039 lamang ay napalawig na hanggang 2042 over the last five years. Kaya’t dapat siguro ay unawain ‘yung ibig sabihin ng mga datos na ‘yan.

Lei Alviz (GMA-7): Sir, comment lang po doon sa nakatakdang public auction po at saka—or public bidding para po doon sa seven properties ng mga Marcoses at ng kanilang mga cronies?

SEC. COLOMA: Well, ang pagkaunawa natin iyan ay nasa pangangasiwa ng PCGG (Presidential Commission on Good Government) at patuloy nilang sinisikap na mabalik ‘yung pakinabang doon sa illegally acquired assets mula sa kamay ‘nung mga involved diyan sa illegal acquisition na ‘yan, na mapabalik ito sa pondo ng bayan at para sa kapakinabangan ng mga mamamayang Pilipino.

Wala akong particular details diyan sa tinatanong mo. Ang masasabi ko lamang ay patuloy na sinisikap ng PCGG na mabawi ‘yung mga illegally acquired assets. Yaman din lamang at pang tatlumpung taon na ngayon simula nang maitatag ang PCGG pagkatapos ng People Power Revolution noong 1986.

Ms. Navarro-Malicdem: Sec, iyon pong hirit ng mga transport sectors na huwag munang ibaba ‘yung pamasahe although ang request po ng mga commuters sana daw maibaba na kasi sunod-sunod na rin ‘yung rollback, ‘yung diesel kasi below P20 na po ang kada litro.

SEC. COLOMA: Iyan ang tutukuyin ng LTFRB, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board. Tumutupad sila sa kanilang tungkulin na tiyakin na ang singil sa pampublikong transportasyon ay makatuwiran at makatarungan kaya’t nagdaraos sila ng mga public hearings na kung saan tatanggap sila ng petisyon mula sa mga mamamayan at didinggin din ang panig ng mga affected transport operators. Makatitiyak tayo na ang pagpapasya ng LTFRB ay tungo sa pagkakaroon ng makatuwirang pagsingil sa pamasahe.

Ms. Calica: Sir, despite ‘yung mga computations na pinapakita ninyo, hindi pa rin acceptable para sa iba ‘yung hindi bigyan kahit papaano ng increase ‘yung pension. And we understand nakipagmeeting si Presidente kay Senate President (Franklin) Drilon and House Speaker (Feliciano) Belmonte. Can you confirm that this is about SSS and what can be done, sir, para kahit papaano sabihin na hindi naman zero ‘yung hinihingi ng mga pensioners?

SEC. COLOMA: Wala akong tuwirang impormasyon hinggil diyan sa tinukoy mong pagpupulong. Ang batid ko lang ay ito: Hindi tumitigil ang pamahalaan sa paghahanap ng paraan kung paano makatutugon sa pangangailangan ng iba’t ibang sektor ng ating mamamayan. Kung maaalala ninyo ‘yung pagpapahayag ni Undersecretary Manolo Quezon noong nakaraang Sabado, hindi naman tamang sabihin na dahil dito sa pagtanggi sa pagbibigay ng dagdag pension ay wala ng ginawa o walang ginagawa ang pamahalaan dahil hayag naman ang record ng Aquino administration na nasa nakaraang lampas limang taon ay napakaraming mga bago at dagdag na benepisyo na naibigay sa iba’t ibang sektor. Katulad lamang ‘nung sa pagdagdag ng coverage ng PhilHealth at ‘nung pagdadag ng mga benepsiyo, pati ‘yung sa senior citizens, ‘yung kanilang automatic coverage sa PhilHealth.

Kaya dapat siguro ay unawain ng ating mga mamamayan na 100 percent ang attention at ang pagmamalasakit ng pamahalaan at never na naging zero. Ang tinutukoy lang natin dito ay ‘yung partikular na panukala na P2,000 pension increase. At siguro naman pagkatapos ng maraming paliwanag na ating narinig, nauunawaan na rin natin na hindi naman ganoon kasimple ‘yon dahil merong interplay ‘yung pagbayad ng mga benepisyo doon sa pagtanggap ng kontribusyon, ‘yung dami ng mga miyembro na pinaghahatiran ng marami ding benepisyo, ‘yung kinikita ng pondo sa mga investments, at ‘yung masinop na pangangasiwa ng investment fund para tiyakin na mahaba ang buhay ito.

Ang ideal actuarial life ng isang matibay na Social Security System ay dapat nga aabot pa sa 70 years. Hindi natin pa natatamo ‘yon pero sinisikap na mapalawig ito palagi dahil ito ay mahalaga sa katatagan ng pondo.

Ms. Alviz: Sir, ‘yung tungkol lang po sa mga developments sa West Philippine Sea. After po ‘nung incident involving CAAP and the Chinese Navy, ngayon po may reports na nag-land na po sa Fiery Cross Reef ‘yung unang batch po ng mga turista galing China.

SEC. COLOMA: Patuloy na minomonitor ng ating mga awtoridad at ng ating Department of Foreign Affairs lahat ng mga kaganapang ‘yan. Ang pinakamahalaga pa rin ay ‘yung pagtaguyod natin sa mga batayang prinsipyo na nakasaad doon sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, na nilagdaan mismo ng China at ng mga ng miyembro ng ASEAN at ‘yung Code of Conduct on the South China Sea o West Philippine Sea; at ‘yung patuloy nating pagtataguyod sa mga prinsipyo ng freedom of navigation and freedom of overflight. Pansinin din natin ’yung binanggit ni Pangulong (Barack) Obama ‘nung siya ay naririto para doon sa APEC at inulit niya ito doon sa ASEAN Meeting sa Malaysia kasunod ‘nung APEC dito sa Maynila, ‘yung binanggit sa kanyang commitment ng lider ng People’s Republic of China na hindi sila magsasagawa ng militarisasyon doon sa mga reclaimed areas na tinutukoy. So iyan ang pinagbabatayan ng posisyon ng ating bansa at ‘yung ating patuloy na pagtataguyod sa mapayapang at madiplomatikong resolusyon ng mga disputes regarding maritime entitlements in the West Philippines Sea.

Ms. Calica: Sir, hindi ba po alarming ito and you should be protest this action kasi ‘yan na nga po ‘yung kinakatakutan, ‘di ba, na pagka may military na sila doon and meron ng mga planes and may mga tao ng turista, wala na pong choice ‘yung ibang bansa but to coordinate ‘yung air—

SEC. COLOMA: ADIZ (Air Defense Identification Zone)…

Ms. Calica: … ‘yung sa air navigation dahil nakakaapekto na doon… Halimbawa naglagay sila ng civilians doon, wala ng choice kundi makipag-coordinate sa kanila para hindi magkaroon ng any negative effect doon sa kung sinumang mga nandoong tao.

SEC. COLOMA: Hindi lang naman Pilipinas, kundi ang maraming bansa ang nagpahayag na ng kanilang pagkabahala sa mga kaganapang iyan. Hindi lamang Pilipinas, kundi ang lahat ng bansa na bumubuo ng ASEAN at noong ASEAN East Asia Summit, ang nagkasundo noong pagpupulong ng summit na ito sa Malaysia, na dapat talagang tiyakin ‘yung pag-iral ng mga probisyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea. Kaya’t hindi tayo nag-iisa sa pagtataguyod ng mga prinsipyong ‘yan. Hindi lamang ang Pilipinas ang nagbabantay sa sitwasyon. Kung ang tinutukoy ay ‘yung binanggit mo na ADIZ (Air Defense Identification Zone), kung maaalala natin na bago pa idaos ‘yung ASEAN-Japan Summit mga two years ago ay nag-express na rin ng concern hinggil diyan doon naman sa kabila, doon sa East China Sea, ang Korea at Japan. At kailan lang ay nag-umpisa na ‘yung Estados Unidos na magsagawa ng mga pagpapatrol sa karagatan at sa himpapawid para nga—na tinagurian nilang freedom of navigation and freedom of overflight patrols diyan sa area na ‘yan.

SOURCE: Presidential News Desk