Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar
by Ralph Obina, PTV NEWS BREAK – PTV4
21 January 2017 (8:00 – 8:04 P.M.)

Q:                                              Secretary, kamusta po ang inyong pagpunta sa Washington at ang experience ninyo po sa pagsaksi sa inagurasyon ni Donald Trump?

SEC. ANDANAR:                      Ang naging experience namin ni Secretary Jun Esperon ay maganda. Nakita po namin iyong tradisyon ng inagurasyon na ginagawa dito sa Amerika every time na mayroong bagong pangulo. Napakinggan namin iyong hiyawan ng mga tao, iyong musika na kinakanta ng mga performers, iyong mga talumpati na ginagawa ng iba pang mga miyembro ng Senado, at lalong-lalo na ang panunumpa ng president at vice president. Iyong mga napapanood na natin sa telebisyon, nababasa natin sa mga pahayagan, sa mga libro ay nandoon po at nakita po namin ni Secretary Jun Esperon na, ang mahalaga dito ay iyong kanilang demokrasya na buhay na buhay. Ito iyong pagrespeto sa sistema ng kanilang eleksiyon ay very strong ‘no dito sa United States of America. And, of course, if you’re here to experience it yourself physically, parang mararamdaman mo rin iyong lamig ng panahon, kaya it was something different, Ralph.

Q:                                              Opo. Secretary, kanina sa mga video ninyo po na ipinadala ninyo, mayroon po kayong binanggit na may mga pagkakatulad sina Pangulong Duterte at President Donald Trump.

SEC. ANDANAR:                      Well, ang mahalaga, iyong talagang… pinaka-highlight ng inagurasyon, iyong speech ng Pangulo ‘di ba? So the speech lasted for about 16 minutes, at nabanggit nga niya doon na they will not impose their lifestyle on other nations, but then what they will do is prove to the world that they have a good way of running their government for the rest of the world to follow, iyon ang sabi niya, hindi sila makikialam sa polisiya o sa mga ginagawa ng ibang bansa. They will let them be, mahalaga iyon. The President of the United States believes on protectionism, America first. At he also encourages the other nations to serve the interests of their own people.

                                                  At magkakaparehas po ang polisiya ni President Donald Trump at ni Pangulong Duterte doon sa hanay na iyon na mayroon tayong independent foreign policy, and that the President of the Philippines also subscribes to the fact that it is important that we serve the interests of the Filipinos first. At nabanggit din doon ni President Donald Trump that he wanted to stop the carnage of the Americans dahil nga sa mga nangyayari dito na, halimbawa, iyong mga iligal na droga, nagbanggit niya iyon. And iyon din po ang polisiya ng ating Pangulo, so it was very comforting to hear and to listen to the speech of President Donald Trump, na halos magkakaparehas po ng paniniwala sa speech po ng ating Pangulong Duterte. And siguro if you go by it, it looks like talagang magkakasundo ang ating Pangulo at si Pangulong Donald Trump. At binanggit naman ni Presidente Duterte iyan noong una silang nag-usap noong Disyembre.

Q:                                              Okay po. Maraming salamat po sa oras po ninyo at pagpapaunlak. Magandang gabi po, Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR:                      Maraming salamat, Ralph. Mabuhay ka at mabuhay ang PTV.

Q:                                              Iyan po si Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Office.

###

source:  Transcription NIB