July 05, 2017 – Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar |
DWFM – All Ready by Orly Mercado |
05 July 2017 (7:49 – 7:56 A.M.) |
ORLY: Secretary Martin, good morning. SEC. ANDANAR: Hello Ka Orly, good morning. Good morning sa lahat ng nakikinig sa inyong programa. ORLY: Bago ako magpunta doon sa ibang isyu, matanong lang kita. Merong mga lumalabas na mga balita tungkol sa Radyo ng Bayan, sa PTV 4 na merong mga changes in personnel. I know your radio, na re-reformat n’yo rin, pati iyong ano. Ano bang mga pagbabagong ginagawa ninyo ngayon sa government network natin? SEC. ANDANAR: Ginagawa natin lahat, Ka Orly, na gumanda iyong ating programming at makikita mo iyong programming stage, because kung napansin n’yo the first year was all about fixing the technical side of Radyo ng Bayan. ORLY: Maganda na ang mga signal. SEC. ANDANAR: Opo at iyong PTV dati po 25,000 watts, 55,000 watts na po iyong buga natin. Nagbukas din po tayo ng PTV sa Cordillera Region at doon sa Davao region. Ngayon sa Radyo ng Bayan po naman ay we have already rebranded it to Radyo Pilipinas, tapos currently nagko-construct po kami doon sa loob ng Visayas office, sa Visayas Avenue, at nag-a-update po tayo ng equipments, ina-update po natin iyong ating mga radio booths. And this is already— ORLY: Ongoing. SEC. ANDANAR: Yeah, because the last time na inayos po itong mga booths na ito—matagal na po, medyo luma na and then now that we are going to the tele-radyo format, kaya kailangan pagandahin natin iyong (voice overlap) and of course iyong mga equipment natin. And we will need about 70 million pesos in donation from the Chinese government kasi…through equipment, kaya we can now update all of our—or at least ten radio stations nationwide. Kanya this is really in time for the State of the Nation Address. Magbabago na po lahat iyong mga gamit natin. So, ngayon iyong programming po iyong mahalaga, mag-u-update tayo ng programming and there are personnel changes. ORLY: Hindi naman mai-aalis iyan na talagang nagkakaroon ng pagbabago, kasi depende rin sa taste at depende rin ng viewers at saka depende rin sa strategic objective ninyo para sa government media, hindi ba. SEC. ANDANAR: Well, iyong sagot din naman natin, Ka Orly, is really simple, we want to maximize the taxpayer’s money na napupunta diyan sa Radyo ng Bayan by making Radyo ng Bayan or Radyo Pilipinas a relevant radio network. Kasi matagal na po iyon, pabagsak na po iyon, wala ng nakikinig. Kaya ngayon ay lumalakas na po iyong ating programming. At ganundin po sa ating Radyo Telebisyon, ang order ko ay 70% news and 30% others. Now, siguro marami ang nagtatanong bakit meron pang mga Home TV Shopping? Siguro pagpasensiyahan ninyo na po, kasi Home TV Shopping iyon ang nagpapasuweldo ng tao. Kasi iyong PTV po ay it’s a government controlled corporation, it’s a GOCC. So, it has the character of being a private entity and a public entity as well. So we need to raise funds by getting commercials. Pero don’t worry darating din po iyong panahon na— ORLY: In due time, oo. SEC. ANDANAR: In due time that we will adjust things. But as it is right now, iyong Home TV Shopping is the one feeding the people inside PTV. ORLY: Mapunta naman tayo doon sa Marawi. Meron daw mga pagtulong na gagawin ng US government for rehabilitation. Ano pong balita doon? SEC. ANDANAR: Well, Ka Orly, alam mo naman ang ating relationship with the United States, tulad itong MDT, tapos iyong EDCA. At kasama iyan sa kanilang objective, iyong kanilang EDCA, is really not only to help other countries or our country fight all of these terrorist or violent extremists, but also help when there is calamity. Normal lang naman iyan eh. Again, what I must remind everyone and what we must really remind ourselves is that we are facing a war against terror – war against terrorists, Islamic extremists – and it’s a war that us, the Philippines, kasama na po iyong United States and our allies are facing together. So, it’s a common enemy and normal lamang po nandiyan iyong Australia, nandiyan iyong America, tumulong ang China at kung sino pa iyong gustong tumulong against these violent extremists. ORLY: Oo nga, iyong mga terorista against all fronts talaga iyan kung tutuusin eh. Nakikita naman natin ang mga nangyayari, kahit sa Paris, kahit sa London, kahit sa—walang ano eh, walang exempted ngayon, talagang—saka ang ginagamit ng mga ano, merong IED, merong Improvised Explosive Device, iyong kung minsan mga truck, mga sasakyan na nanagasa ng turista. Talagang everybody has—we have to be—we have to bond with all nations para labanan iyan di ba. SEC. ANDANAR: Yes, exactly Ka Orly. Alam natin na porous iyong border natin, iyong ating archipelago and at the same time, napakadali din pong tumawid doon sa Indonesia at Malaysia at iba pang mga country. So it is also our duty as an ASEAN country – dahil sabi nga sila it’s an ASEAN centrality – to make sure na we isolate the problem dito sa Marawi. Kung posible ma-isolate iyan para hindi na sila makatuwid doon sa iba’t-ibang mga bansa. Now, ganundin ang kanilang tulong sa atin, kaya nagkaroon tayo ng trilateral agreement with Malaysia and Indonesia to guard the Sulu and Sulawesi Sea para hindi nga makatawid. Dahil sabi nga nila gagawa sila ng isang common maritime highway, Ka orly, di ba. So anyone that goes outside of that highway, dumaan doon will be deemed hostile, iyon ang sinasabi doon sa trilateral agreement. ORLY: Maraming salamat, Secretary Martin Andanar. Maraming salamat. Thank you for answering our call. SEC. ANDANAR: Salamat po. ## |
SOURCE: NIB Transcription |