July 10, 2016 – Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar |
Albert Sebastian – DZRB |
10 July 2016 |
SEBASTIAN: Magandang umaga, sir.
SEC. ANDANAR: Good morning, Albert. SEBASTIAN: Yes, sir, good morning. Sir, we’ll go ahead with the questions, sir, mula po sa ating mga kasama diyan sa MPC. Ang question po: Is the Philippines willing for joint exploration aside from China dito po sa West Philippine Sea? SEC. ANDANAR: Una sa lahat, good morning muna sa lahat ng mga miyembro ng Malacañang Press Corps. Sa tanong po na iyan, we will have to wait for the final decision of the UN permanent court or arbitral court ‘no doon sa The Hague. And then once they have decided, then ang gagawin po natin ay pag-aaralan natin iyong desisyon. And once napag-aralan ng SolGen, then that’s the time that we shall explore our next move. SEBASTIAN: All right, okay, sir. Next question, sir, kailan daw po iyong pag-uusap nina Pangulong Duterte at Nur Misuari base na rin po doon sa pronouncement ng Pangulo? SEC. ANDANAR: Wala namang nabanggit na exact date na pag-uusap ng ating Pangulong Duterte at MNLF Leader Nur Misuari, pero makakasiguro po ang lahat na mangyayari po ang pag-uusap just as the talks with the MILF and NDF will happen. SEBASTIAN: Okay, sir, ang question naman mula kay Aileen Taliping ng DWIZ: Kung napapansin daw ba ng Pangulong Duterte iyong mga Duterte plates na nagagamit ng ilang abusadong motorista para makapanlamang daw sa traffic. Mataas ang expectation ng publiko sa Pangulo. Maaari kayang patignan daw po ito sa LTO. SEC. ANDANAR: The President has always been for equality, fairness and justice – na kung mayroon po kayong mga report o nakikitang mga sasakyan na may mga Duterte plates na abusado, kung puwede po ipadala ninyo po sa amin sa Presidential Communications Office, and I will make sure that the President finds out. SEBASTIAN: Next question po mula naman kay Ted Tuvera ng Daily Tribune: Ano daw po ang expectation ng Palasyo sa magiging desisyon sa arbitration case natin laban sa China? SEC. ANDANAR: Well, we approached this legally – iyon po iyong track natin –and lahat ng argumento ng gobyerno ay nandoon na sa The Hague. They will decide on July 12, lalabas po ito ng ala singko ng hapon. Let’s just wait kung ano ang magiging desisyon. SEBASTIAN: Follow up question—well, on another issue: Bakit kaya hindi daw natumbok ang mga drug personalities na ito during the previous admin? Iyon daw po, probably, tinutukoy ng Pangulong Duterte doon sa kaniyang pronouncement. SEC. ANDANAR: Siguro, Albert, ang makakasagot nito ay iyong mga opisyales ng nakaraang administrasyon. SEBASTIAN: Ang follow up niya: May mga nagpabaya po ba o may prinotektahan lang? SEC. ANDANAR: Well, you have to decide for yourselves kung anong nangyari. Pero, again, iyong mga tanong na ito ay dapat itanong doon sa mga nakaraang administrasyon, at hindi naman natin ugali ang manisi. SEBASTIAN: Okay, sir. Follow up pa rin po ni Ted, sabi niya: Marami po iyong umaasa na kumpanya na literal na bukas ang Malacañang sa mga ordinaryong mamamayan. Ano po daw ang nangyari dito? SEC. ANDANAR: Sa ngayon bukas naman siya; everybody can go to the Museum. Pero as for the question na ‘literal’, and as you know also very well, ilang araw pa lang ang Duterte Administration, and just as the President has shown that he will deliver the promises, darating po tayo diyan. SEBASTIAN: Sir, sinabi ni PNP Chief dela Rosa na may ia-announce din daw na mga local officials na mga sangkot din po sa iligal na droga. Will the President make his announcement soon? SEC. ANDANAR: Iyong announcement po ng mga drug lords ay nangyari po last week, at sunud-sunod po itong nangyari. At mayroon pa pong mga ibang mga persons of interest na iaanunsiyo din po ng Pangulo; kung kailan, iyon po ang hindi ko masasagot, Albert. SEBASTIAN: All right, okay. So far, sir, wala na po tayong natatanggap na questions, sir, baka mayroon pa po kayong ilang announcement na puwede pong ihayag natin sa publiko, sir? SEC. ANDANAR: Ang announcement ko lang ay next week will be a very, very historic week for everybody – magdedesisyon na po ang UN arbitral court. At hintayin na lang po natin ang magiging desisyon, and kung anuman iyong lalabas doon ay pag-aaralan po ng ating Solicitor General. At from there, doon po tayo mag-iisip kung ano po iyong mga hakbang na dapat gawin ng ating pamahalaan. At hindi lang po iyan, mayroon pa pong mga ibang mga announcements na dapat po nating abangan next week, tulad po ng pirma ng ating Pangulo ng Freedom of Information executive order, at iyong mga ibang announcement pa po ng iba’t ibang departamento sa Executive branch. You have a great weekend and enjoy whatever is left with your Sunday. SEBASTIAN: Secretary, sir, mayroon pong pahabol mula kay Marlon Ramos ng Philippine Daily Inquirer. Pahabol na tanong niya: Is the government still treating Abu Sayyaf as terrorist even after President Duterte said they are not criminals? SEC. ANDANAR: The Abu Sayyaf will have to be dealt according to our Constitution and according to the laws of our country. And kung ano man iyong gagawin nila, kailangan dapat talaga nilang humarap at kailangan nilang managot sa ating Saligang Batas. SEBASTIAN: All right, okay. With that, sir, marami pong salamat sa inyong ibinigay na oras po, sir, sa bayan. SEC. ANDANAR: Thank you, Albert. Mabuhay ka. Mabuhay ang Radyo ng Bayan. |
SOURCE: NIB (News and Information Bureau) |