July 12, 2016 – Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Interview with Presidential Communications Office Secretary Jose Ruperto Martin Andanar |
RMN/Straight to the point by Rod Marcelino and Einjhel Ronquillo |
12 July 2016 |
RONQUILLO: (coverage cut) na mag-file po ng isang resolution para nang sa ganoon makapag-conduct itong senado ng inquiry regarding po sa series of killings, allegedly mga drug personality na mga sinasabing nanglaban o nang-agaw po ng baril. Tingin ninyo, it is necessary pa? SEC. ANDANAR: Well, it’s the responsibility of the senator as a member of the Senate of the Philippines being An independent branch of government. RONQUILLO: Sir, sinasabi nga po nitong si Senador Tito Sotto, and also Senador Lacson ano, na parang nasa jurisdiction na daw po ito ng CHR at NG NAPOLCOM, Secretary? SEC. ANDANAR: OO, pero (unclear) kung anuman ang gustong gawin ng mga congressman, senador. Alam naman natin we have three branches of government, at hindi makiki-alam ang administrasyong Duterte kung ano ang ginagawa ng mga co-equal branches of government. Sa palagay ko, iyon naman ang dapat. MARCELINO: Secretary mapunta naman po tayo dito naman sa FOI Executive Order. Kailan po ito pipirmahan ni Pangulong Duterte? SEC. ANDANAR: Itong Freedom of Information Executive Order, dahil kahapon doon sa pag-upo namin doon sa cabinet meeting po namin, katabi ko si Secretary Sal Panelo, nasa kanya na ang papel, which means kung nasa kanya na ay final na iyon, iyong stages ng pag-draft doon. At nung mga oras na iyon, mga alas-kuwatro ng hapon, at ita-transmit na niya iyong papel kay Presidente Duterte para sa signature. And then once mapirmahanwithin this week. MARCELINO: Ah, within this week. Akala ko ngayong araw posibleng mapirmahan na po iyan ni President. SEC. ANDANAR: Hindi po siguro ngayong araw na ito. Alam naman natin na meron tayong inaabangan na desisyon ng Permanent Court of Arbitration. So uunahin muna natin iyon, at tayo naman naka-antabay sa napaka-historic na desisyon ng PCA. MARCELINO: Okay bago tayo mapunta dIyan po sa desisyon ng Arbitration Court tungkol rito sa West Philippines issue. Gusto lang nating linawin Secretary no, sa ating mga kababayan patungkol nga rito sa Executive Order para sa FOI. Ito po ay para sa mga executive department lang po ng ating gobyerno? SEC. ANDANAR: Yes sir, yes Ma’am. Ito ay para sa lahat ng executive department, mga sangay ng gobyerno o line agencies na karugtong nitong mga executive department, kasama na rin po iyong GOCCs. But then again, if you look at it, it’s more than 60% of the government already. So, napakalaki ng saklaw nitong Freedom of Information Executive Order. Now, ito ay isang leap of faith, at malaking hakbang para sa ating gobyerno, para sa ating bansa. Dahil dito, this serves as a symbol para na rin sa mga co-equal branches of government na makita nila na ang ating Pangulo is really for transparency. Iyon ang pinakamagandang mensahe doon. Bukod sa ito ay panalo para sa sambayanan, dahil napapalakas nila iyong tinatawag na right to information na nakasulat po sa ating Constitution. MARCELINO: Opo. Maibaba natin po itong isyu doon sa mga barangay, kasi sakop iyong barangay. SEC. ANDANAR: Opo. MARCELINO: Iyong mga barangay council. SEC. ANDANAR: Oo. Kasi ganito po iyon, the Executive Branch, it goes all the way down to the DILG.. MARCELINO: Opo, kasi sa mga barangay, ang isyu diyan iyong mga proyekto-proyekto sa kanilang mga lugar eh. Kapag medyo may hinala iyong isang constituent sa isang proyekto na ipinatutupad, puwede siya ngayong kumuha ng mga dokumento para malaman kung talagang na-implement ng husto iyong proyekto? SEC. ANDANAR: Tama, iyon naman talaga iyong gusto nating malaman. Hindi ba nakakita tayo ng kalye na ginagawa, tapos bakit naman ang tagal nito, akala ko ba nakapaskil diyan iyong milyones na nakalagay diyan, bakit hindi matapos-tapos. Eh gusto mong makilala kung sino iyong mga contractor, saan napunta iyong pera. Ito iyong essence ng freedom of information. At ito naman talaga iyong gusto nating malaman. MARCELINO: Tama, kasi may access na ngayon iyong publiko. Kung ano man ang problema, nag-uumpisa iyon sa barangay eh, may paghihinala iyong mga constituents. RONQUILLO: Kamahal mahal eh ,no. MARCELINO: Iyong daan na ginawa doon sa kanilang lugar, aba ay wala pang isang taon lubak-lubak na, kitang-kita na iyong mga bato. SEC. ANDANAR: Ayon. So halimbawa, ito na lamang skyway dito sa may airport, hindi natin malaman kung bakit hindi matapos-tapos, eh ngayon puwede na ho kayong dumiretso sa DPWH o sa Department 0f Transportation o kung sinuman iyong nangangasiwa diyan, alamin ninyo kung anung nangyari. Ano ba talagang nangyari dito, bakit hindi matapos-tapos? MARCELINO: Opo. Eh, baka mamaya pag iyong isang ordinaryong Pilipino pupunta diyan— RONQUILLO: Hindi pansinin. MARCELINO: Hindi papansinin o pahihirapan o bumalik ka na lang sa susunod na araw, hindi pa handa iyong mga dokumento. SEC. ANDANAR: Oo. Pero, let’s manage the expectations, kasi meron din pong mga exceptions, iyong mga exceptions largely nakapaloob doon sa mga impormasyon na nakaka-apekto sa ating national security. RONQUILLO: May limitations din ano. SEC. ANDANAR: Oo, meron naman. MARCELINO: Pero iyan sa aspeto ng seguridad. RONQUILLO: national security. SEC. ANDANAR: Opo. MARCELINO: Pero kung wala namang banta sa seguridad, anytime pupuwedeng— RONQUILLO: Maka-access. MARCELINO: Kumuha ng impormasyon. (communication cut) RONQUILLO: Secretary welcome back again. Sorry po naputol. Magandang umaga po. SEC. ANDANAR: Pasensiya na Einjhel at Rod dahil tayo ay nasa skyway. RONQUILLO: Okay lang p0; okay lang po. Pero Secretary, ano, dito naman tayo. SInabi ninyo kanina makasaysayang araw ito, ano kasi inaasahan lalabas iyong desisyon ng Permanent Court of Arbitration. Baka sakali pong maging paborable po sa atin iyong desisyon, ano po kayang next step na ating gagawin? SEC. ANDANAR: Ganito lang ka-simple iyan ano. Iyong desisyon ng Permanent Court of Arbitration ay malamang nasa mga dalawang daang pahina iyan. So, ang standard operating procedure natin ay tatanggapin ito ng Solicitor-General. Tapos iyong Solicitor-General, susuriiin inya, babasahin niya, pag-aaralan niya iyong desisyon ng PCA. Na once napag-aralan niya that’s the only time that the Sol-Gen can explain to the public kung ano ang ibig sabihin ng— RONQUILLO: Decision? SEC. ANDANAR: Ruling. May mga (unclear)…there are rights claims dito eh (unclear), so malaman natin kung ilan sa mga claims na mananalo, ilan sa mga claims ang makukuha natin. So siguro until that times comes aaksyunan natin RONQUILLO: Kasi ang problema kasi dito, Secretary, ano—iyon nga, sinasabi ng mga eksperto na wala daw pong enforcement mechanism iyong tribunal, so paano daw po? Halimbawa, mangyari man. Eh, saka-sakali maging—sinasabi ng marami na maging paborable sa ating desisyon, eh, paano po oobligahin iyong China na sumunod doon sa sinasabing ano—ah, ruling na iyon? SEC. ANDANAR: Maraming factors kasi na pagiging batayan ng ating susunod na hakbang ng pamahalaan. MARCELINO: Opo. SEC. ANDANAR: Of course, you have to consider your allies, your—the domestic politics, international politics. Marami eh. So, ang pinakamahalaga talaga diyan (unclear) ay hintayin na lang natin iyong desisyon— MARCELINO: Opo. SEC. ANDANAR: –before we can even speculate kung ano iyong puwedeng mangyari in the future. Parang ano lang iyan eh, parang naghihintay ka ng isang boxing match, di ba, tapos iyong speculation mo doon sa dulo. “At kahit manalo tayo, hindi naman natin makukuha iyong premyo eh ‘no.” MARCELINO: Opo. SEC. ANDANAR: “Edi huwag na tayong manuod.” MARCELINO: Opo, pero sa anticipation po tungkol rito nga sa kung ano man ang magiging desisyon ng korte, mayroon na pong ano eh—nagbitaw ng—ito ba ay opinyon o mula po sa DFA na sinasabi eh kung tayo ay mananalo ay handa po tayong makipag-sharing na lang kung ano man iyong mayroon diyan sa West Philippine Sea, Secretary. SEC. ANDANAR: Ay, ako, alam mo, I leave it to Secretary of Foreign Affairs. You know, right now, we are taking the diplomatic track. As a bureaucrat ‘no, as part of the cabinet, I respect the decision of the entire country na we will take the diplomatic track. When we take the diplomatic track, we leave it to the Secretary of— MARCELINO: Foreign Affairs SEC. ANDANAR: Opo, opo. RONQUILLO: Pero, iyon nga po. Just in case ano—eh, dito tayo—puwede po ba nating i-demand na patawan nga po ng sanction ang China, saka-sakali lang po na mamaya hindi sila sumunod. Iyong next step parang, “economic sanction,” po ba ito na para ide-demand po ba natin ito, Secretary? SEC. ANDANAR: Alam mo, ganito lang iyan eh ‘no. Noong kami ay nag-usap usap sa security cluster, ang aming napag-pasiyahan ay isa lang ang magsa-salita sa amin. Pagdating dito sa desisyon, pagdating sa mga puwedeng mangyari in the future, at ang designated spokesperson diyan ay si DFA Secretary Jun Yasay. Kaya (unclear)— RONQUILLO: We understand. Okay po— SEC. ANDANAR: Iwan ko na lang sa kanya iyong responsibilidad para hindi po magsanga-sanga ang aming mga sagot. MARCELINO: Pero may mga initial talks na ho ba tayo, Secretary, sa ating mga allies at tungkol rito sa kung ano man po ang magiging resulta ng Korte sa issue ng West Philippine Sea laban sa Tsina SEC. ANDANAR: Well, you know that this is completely—iyong kaso naman talaga ay completely a matter between China and the— MARCELINO: Philippines SEC. ANDANAR: The Philippines ‘no, at lahat noong mga ebidensiya, lahat ng mga pruweba, lahat ng ating ipinaglalaban ay nandoon na sa PCA, the Permanent Court of Arbitration. So, let’s ‘’leave it at that. RONQUILLO: Secretary, on the other issue ano. Kasi may mga kumakalat na impormasyon na maglalabas daw po ang Korte Suprema ng desisyon na ma-acquit itong si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo doon sa kinasangkutan nitong plunder case regarding po doon sa di umano ‘no, na misuse na pondo po ng PCSO? SEC. ANDANAR: I’m sorry Ma’am, medyo choppy po iyong dating ninyo. RONQUILLO: Opo, Secretary, ano, kasi may mga balita po na nagsi-circulate ngayon sa media especially diyan po sa Supreme Court beat reporter na sinasabi po, Secretary, ay parang maglalabas daw po ng desisyon po ang Korte Suprema kung saan i-a-acquit daw po si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo doon sa kinasasangkutan niyang plunder. Ito po iyong regarding po sa di umano’y misuse ng PCSO fund. Ano po ang masasabi po dito, Secretary? SEC. ANDANAR: Ah, okay. You know, mahirap kasing mag-speculate eh. Alam naman natin na tayo ay taga media, lahat ng mga istorya umiikot. But at the end of the day, the right story is the story that comes out on paper and our radio and TV sets na unang release po sa source or kung saan man lalabas iyon. Siguro, let’s wait for the decision of the Supreme Court ‘no. So, from there, then, I will give you my comment. RONQUILLO: Ayon, okay, clear po. Marami pong salamat, Secretary, sa oras at panahon niyo po dito po sa aming programa. SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa DZXL, RMN, (unclear). Alam ninyo naman, itong DZXL, tahanan ko na ito. MARCELINO: Ay, opo. RONQUILLO: Thank you so much, Secretary. MARCELINO: Daghang salamat kay, Secretary. SEC. ANDANAR: Ay, daghang salamat (dialect) nga Bisaya. Salamat, good morning. MARCELINO: Thank you po, maraming salamat po, Secretary Martin Andanar, mga kasama. |
SOURCE: NIB (News and Information Bureau) |