July 12, 2016 – Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar |
DWFM – All Ready by Orly Mercado |
12 July 2016 |
SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Ka Orly. Magandang umaga sa lahat po ng nakikinig ng Radyo 5. MERCADO: Okay. How is government service so far? SEC. ANDANAR: Can’t get any better than this, Ka Orly. Okay naman, Ka Orly. Mapalad tayo, at iyong mga kasamahan natin sa PCO ay mga masigasig, talagang dedicated at very full of energy – iyan ang importante eh. Pero iyan ay trabahong, kumbaga sa boksing, walang katapusan ang round niyan eh. At least boxing, mayroon 12 rounds. Iyan eh talagang pagkatapos niyan ay (unclear) mayroon na naman, talagang takbo na naman. Naalala ko tuloy iyong mga kuwento mo doon sa interview natin, nagkaroon ako ng baptism of fire kahapon, Ka Orly, dahil first time na 13-hour straight cabinet meeting – grabe! Talagang sabi ko, ibang klaseng itong Presidente natin. MERCADO: Thirteen hours, that’s a very long time. SEC. ANDANAR: Thirteen hours dire-diretso. Kasi mula umaga – it was presided by Executive Secretary Medialdea – mga alas otso, and then natapos kami ng mga 8:45 na ng gabi. Ang lipat lang namin, ang exercise lang namin ay iyong lakad mula sa Guest House papuntang Aguinaldo Room. Pagkatapos noon, andoon naman si Presidente Duterte naghihintay, kaya tuluy-tuloy. Sabi ko, ito pala iyong kinukuwento sa akin ni Ka Orly noon. MERCADO: Oo, atsaka kailangan matandain ka. Alam mo ano, sinasabi ng WHO, sitting is the next smoking. Iyong nakaupo ka nang matagal, very unhealthy iyan eh. Dapat siguro i-suggest mo rin sa kanila, kahit na mahaba ang mga meeting, you allow people to stand up and move around. And even there will be small tables lang, puwede kang … ilagay mo iyong laptop mo, puwede kang magsalita, you can still be recognized, hindi ka ano kung nakatayo ka. Iyan ang bagong mga—mayroong mga gumagawa ganiyang mga meeting ngayon eh, iyong puwede kang tumayo. Kasi importante iyan eh, you have to move around. Mayroong mga pag-aaral na sinasabi talagang malaking bagay iyong you have to move around or your body. SEC. ANDANAR: That’s correct, that’s correct. Kaya nagtataka ako, iyong may mga experience na cabinet noon, (unclear) tumatayo. “Bakit tumatayo itong mga ‘to?” sabi ko. Iyon pala kasama pala sa regimen. MERCADO: So sa kasalukuyan, kumusta na lahat? Na-reorganize mo na ba iyong mga dapat i-reorganize, or is that still a continuing effort? SEC. ANDANAR: Well, it’s a work in progress. But pagdating doon sa organization ng departamento, we’re getting there already. At iyong mga gusto nating gawin, nagagawa na natin iyong … kasi siyempre ito iyong mga executive order, iyong pagbabago ng mga charters. So dahan-dahang nababago na natin, at papunta na tayo doon sa stage na ipapasa na lang sa Kongreso, doon sa Executive department para pirmahan ng Pangulo. Things are really falling into place, and so far our lofty goals in this administration, lalung-lalo na sa PCO, ay talagang nangyayari na. So ang hinihintay na lang natin ay iyong eventuality, na halimbawa, iyong PTV, gaganda na; iyong Radyo ng Bayan, gaganda; iyong Mindanao broadcast hub, gaganda; and of course, iyong mga FOI bill, iyong mga task force against media killings. Marami tayong mga proyekto. And ito ang napansin ko, Ka Orly, the more that you interact with your cabinet colleagues, the more that new ideas are born. Walang katapusan. So talagang itong mga ideas na ito ay walang katapusan. Kung mayroon kang idea ngayon, before you know it, it grows into something bigger, which is really good. MERCADO: Mayroon bang mga bagong opisinang idinagdag sa’yo? SEC. ANDANAR: Ang 8888 – ito iyong opisina, ito iyong hotline na makikinig sa taumbayan, at magpuproseso ng mga reklamo ng taumbayan pagdating sa graft at red tape. Isa iyan sa mga opisina na nadagdag sa atin na napakabigat ng responsibilidad. MERCADO: Oo, iyan ang mga ipuproseso mo. Kailangan maramdaman ng tao na talagang … katulad niyan, kapag may nireklamo, pinakikinggan sila, pinuproseso at sinasagot. This is really … pero ito ay napaka-importante din niyan, ano, para maramdaman ng tao na nakararating sa Presidente ang mga reklamo. SEC. ANDANAR: Iyong panukala kasi, Ka Orly, kasi mayroon na kasing existing na 16565. Ito iyong sa Civil Service na kung saan puwedeng magreklamo at kung saan puwedeng idulog ang mga obervations ng ating mga kababayan. We are jumping off from this successful project –the 16565 – and we’re going to make it 8888. Ngayon, doon sa 8888, kasi gusto nating i-manage iyong expectation, uunahin muna natin iyong corruption at saka iyong red tape. SEC. ANDANAR: Korek, korek. And this is one of the best ways for us to keep our ears on the ground ‘no, iyong pinapakinggan natin ang reklamo ng ating taumbayan at ang kanilang mga suhestiyon. At pati doon sa ating online, mayroon tayong Partner For Change sa Facebook at sinasabi “Anong expectation mo sa ikalawang linggo ng Duterte administration?” So ang mga sumasagot naman doon, iyong ating mga netizens. So tuluy-tuloy na iyan – anong suhestiyon mo, ang expectation mo on the third week of the Duterte Administration, fourth week, fifth, and so on and so on. Tuluy-tuloy iyan, every week iyan. MERCADO: And the President seems to be a person na talagang willing to listen naman at saka nag-i-interact. Kasi ganoon ang style niya ng governance like sa Davao. SEC. ANDANAR: Oho, tama po. Kahapon nga iyong aming 13-hour marathon na cabinet meeting, siguro mga tatlong oras doon ay hinahayaan niya lang iyong mga cabinet officials na nagdedebate, nagdadagdag ng kanilang advice, kanilang mga suhestiyon, at nakikinig lang siya. Siya lang iyong nagko-compass doon sa kaniyang mesa, iyong mahabang mesa. Sabi ko, ibang klase itong presidente na ito dahil kaya niyang i-digest lahat ng impormasyon kahit na ilang oras na. Sabi ko ibang klase talaga. MERCADO: So what are the expectations that you have now? Itong mga long meetings na ito, well, this is part … parang protocols, kasama iyan sa ano … pero marami kayong mga inaantabayanang mga decision. How many days ba ang magiging panunuluyan ni Presidente Duterte sa ano … totoo ba iyong hati-hati, Malacañang at saka Malacañang of the South? SEC. ANDANAR: Based on what the President has shown us, mukhang five days in Manila and two days in Davao. Hindi ko alam kung ito’y itutuluy-tuloy or there are weeks that the President will stay in Manila completely. Kasi nga, you know, ang daming trabaho sa Malacañang, at hindi natin alam kung ano ang magiging takbo ng presidency, ng routine ng ating Pangulo. Pero it seems to me that it’s going to be five days here and two days in Davao. So depende iyan, depende iyan. Hindi naman—kami naman nag-a-adjust sa Pangulo. MERCADO: At saka noong araw pa, matagal na iyan sinasabi. I remember, other presidents have already said, “We need a Malacañang of the South.’ Pero ito iyong totoo na, talagang by force of circumstances, talagang taga-roon siya eh, kaya yhe’ll just have to make an effort to build any base there because nandoon talaga ang base niya to begin with. SEC. ANDANAR: Oo. At saka, master stroke din iyong pag-uwi ni Presidente sa Davao, and he spends a lot of days in a week in Mindanao. Kasi based on the last—I read in the paper ‘no, na nasa 800 billion pesos ang pumasok sa Mindanao na investment. Eight hundred billion ang pumasok mula noong siya ay naging presidente – noong nanalo; hindi pa umuupo pero nanalo pa lang. A chunk of this went to Davao. Pero just the same, 800 billion – my goodness ‘no, ibang klase iyon. And what more if the President continues this routine? MERCADO: Thank you very much for answering our call, Secretary Martin Andanar. Maraming salamat. SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Ka Orly. Mabuhay po ang Radyo 5. |
SOURCE: NIB (News and Information Bureau) |