Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Punto Asintado by Mel Sta. Maria
18 July 2016
 

STA. MARIA:  Magandang umaga sa iyo, Secretary Martin.

SEC. ANDANAR: Atty. Mel good morning. Magandang umaga sa lahat po ng nakikinig sa Radyo 5.

STA. MARIA:  Alam mo Secretary Martin iyong expectation ng mga tao dito sa napipintong State of the Nation Address ni Presidente Digong, hindi kamukha nung dating mga expectation eh. Ito iyong dating… talagang inaasahan. Ano sa tingin mo ang sanhi nito, ang dahilan nito, Secretary?

SEC. ANDANAR: Ang dahilan dito, ang palagay ko Atty. Mel, ay dahil sa ipinakita ng ating Presidente Rody Duterte na aksyon mula nung siya ay naluklok sa puwesto at nung siya ay nanumpa nung June 30 ay tuloy-tuloy po ang aksyon. Tuloy-tuloy po iyong delivery ng kanyang mga pangako sa taumbayan. So, this is something that is unsurpassed and unprecedented in the history of the Philippine presidency or politics ‘no. So, kaya ang taumbayan ay talagang umaasa na mas mabigat ang sasabihin ng ating Presidente ngayong darating na SONA; dahil kung hindi nga SONA ay mabigat na eh, what more SONA.

STA. MARIA:  Oo nga ano, kasi alam mo iyong SONA iyon talaga ang hinihintay, iyan iyong paglalatag ng roadmap, ika nga hindi ba, ni Presidente Digong. Secretary Martin ano ang—at least, iyong minimum na expectation ng taumbayan, may bombastic ba talaga na mangyayari o sasabihin si Presidente Digong?

SEC. ANDANAR: Well ang i-expect dapat ng taumbayan, Atty. Mel, ay iyong roadmap tulad ng sinabi mo — iyong mga polisiya at iyong mga legislative agenda ng Pangulo for the next six years. Of course, maasahan n’yo po na very broad iyong sasabihin ng Pangulo dahil ito po iyong magiging basehan ng kanyang presidency for the next six years, iyong kanyang mga legislative agenda. So more than that, iyon na lang ang abangan natin kung ano iyong mga surpresa na sasabihin ng Pangulo.

STA. MARIA:  Eh iyong haba nito. Kasi talagang lumilihis siya sa tradisyon. Alam mo medyo nagugustuhan nga ng tao, hindi ba, parang… kasi yung concentration ng mga tao iyong kanilang… eh medyo maikli rin di ba. Ang haba nito, halimbawa? Normal ba — which is around one hour or one hour and thirty minutes — o mas maikli pa ulit?

SEC. ANDANAR: Well, kasi kung pag-uusapan po natin ang mga dapat gawin ng Presidente for the next six years, naturally pasok doon sa nababanggit ninyong oras o haba ng talumpati. But then again ang pinagkaiba ho ng Presidente ngayon eh, si Presidente Duterte ay direct to the point, dinidiretso niya. And not only that, he has a way—the President has a way of telling a story to his speeches — iyong narrative. Iyun yung genius ng Presidente eh — iyong kanyang narrative, at iyong how he is able to connect to the ordinary Juan and Maria.

STA. MARIA:  Alam mo, Martin, pati nga iyong pagbibihis niya ‘no, parang may identify ano sa kanyang sitwasyon. He says to the Filipino people, ika nga.

SEC. ANDANAR: Iyon, exactly. The President is a very pragmatic man. At the same time, a very intelligent President. It is only a genius can deliver apology, na alam natin can be high-falutin, but at the same time he delivers it in a such a way na tumatama sa puso ng bawat Filipino.

STA. MARIA:  Iyong nakikita eh.

SEC. ANDANAR: Oo at saka nakikita, and the President is one of us. He is one of—kung ang masa ay 80% ng ating bansa, eh the President acts that way. So iyon po. Kaya asahan po natin na it will be again one of the greatest SONA speeches that will be delivered here in the Halls of Congress. Kaya talagang kaabang-abang po ito, Atty. Mel.

STA. MARIA:  Ito namang isa pang ah… although iniintriga kayo dito, iyong pagtatalaga ni direktor Brillante Mendoza. Alam mo na-guest na namin ito sa Aksyon sa Umaga na magaling talaga ito.

SEC. ANDANAR: Opo.
STA. MARIA:  Na maging Director ng unang SONA ni Duterte. Ano ang masasabi mo diyan. Anong paliwanag mo diyan, Secretary Martin?

SEC. ANDANAR: Alam mo si Direktor Brillante Mendoza ang pinakamagaling na Direktor sa panahon natin. Si Direktor Brillante Mendoza represent the 3rd Golden Age of Filipino Cinema and not only in the Philippines but he is a well-acclaimed Director hanggang doon sa Cannes. Now if you have a director, if you have a talent like Director Brillante Mendoza na nag-volunteer, walang bayad, tutulong siya kung papano i-direct at para tumagos sa ating mga mamamayan ang magiging SONA — a SONA that will not be about fashion show. Kung meron kang Director eh bakit natin intrigahin, hindi ba? We should all be happy that we have an acclaimed Director who is volunteering his services for free.

STA. MARIA:  For free.

SEC. ANDANAR: For free.

STA. MARIA:  Oo nga.

SEC. ANDANAR: ‘Di ba? So bakit naman i-intrigahin. Ngayon, para po doon sa mga hindi nakakaalam, na past SONAs were also directed … the woman behind that is the great Director Maria Montelibano, who I know personally. Although hindi lang alam ng taumbayan na si Director Maria Montelibano, siya talaga iyong nasa likod niyan kaya ang gaganda ng SONA ni Presidente Aquino, ‘di ba. So we cannot have a SONA that will fall short of that, di ba. Siyempre kailangan nating i-maintain iyong kalidad, because this is a State of the Nation Address of the President and this is an official function office… this is an official event of the House of Representatives; and lahat ng buong bayan o hindi lang buong bansa kung hindi buong mundo ay manonood nito.

STA. MARIA:  Alam mo, Martin, baka nga the caliber of Brillante Mendoza, best director all over the world, ‘di ba, nagtanghal ng movies sa Nice ‘no, baka mahigitan pa iyong kay Montelibano.

SEC. ANDANAR: Well, magaling si Tita Maria Montelibano. Magaling siya. Si Director Mendoza, he has his own style. Pero para doon … ito ang mensahe ko para doon sa mga “nega”, mga negative, mga … you know, alam ninyo, respetuhin po natin at tayo po ay maging masaya na mayroon po tayong director na nagbo-volunteer. Huwag po natin, you know, huwag na nating okrayin. Ngayon, kung gusto ninyong mag-volunteer, eh di pumunta kayo sa opisina ko, kung gusto ninyo we will look at your credentials.

STA. MARIA:  Secretary Martin, sometimes you think ‘no, why do you want to get the Filipino people go over this kind of negative thinking ano, doon sa mga taong ganiyan.

SEC. ANDANAR: Hindi, dito na lang. Doon sa mga nag…ng mga negatibo: Pumunta kayo sa opisina ko, magdala kayo ng inyong resume, at mag-apply kayo para maging direktor. I’m sure, si Director Brillante Mendoza will be happy to work with you and maybe you can learn a thing or two from him.

STA. MARIA:  Iyon na. All right, okay. Sec. Martin, ano pa ang huli nating masasabi para—alam mo, ganyan si Martin eh. Kahit dito sa TV 5 diretso iyan, diretso iyan. Sa kaniya ko nakuha iyong ano, iyong behavioral management sa (unclear). Well, okay, Martin, ano pa, ano pa ang huling masasabi mo para kay—

SEC. ANDANAR: Well, abangan na lang po natin, ngayon linggo na ito ay ito po’y maging isang makasaysayang linggo ulit para sa ating lahat na mga Pilipino. Marami pong mga announcement na gagawin ang Pangulo ngayong umaga po hanggang mamayang hapon. So, today will be a full news day for TV5 and for the other broadcasting network and the other papers and other news agencies. Mabuhay po tayong lahat. Mabuhay po ang Radyo 5. Mabuhay po si Atty. Mel at ang programa po ng Relasyon.

STA. MARIA:  All right, okay. Maraming, maraming salamat sa iyo, Martin Andanar, Secretary ng PCO.

SOURCE: NIB (News and Information Bureau)