Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DWFM/All ready by Orly Mercado
18 July 2016
 

MERCADO: Secretary Martin good morning.

SEC. ANDANAR: Good morning Ka Orly. Good morning sa lahat ng nakikinig po sa ating 92.3 News FM.

MERCADO: Ano ang reaksiyon po ninyo dito sa kasalukuyang mga ginagawa ng pamahalaan laban sa pinakamabigat… isa sa pinamabigat na problema natin iyong droga ay all out talaga ‘no kung tutuusin. Pero merong pakikipag-usap ang Pangulo sa isang diumano, ito naman ay hindi diumano’y drug lord na ang pangalan ay Peter Lim. Bakit daw iyong iba ay kinakausap, iyong iba ay binabaril. Ano ba ang reaksyon mo sa ganoong mga tanong?

SEC. ANDANAR: Well, simula’t-sapol naman, Ka Orly, sinabi ni Presidente Duterte na these are persons of interest, iyong mga nabanggit na mga diumano ay alleged drug lord suspects. At ito pong is Peter Lim ay maliwanag na sumurender ito kay Pangulong Duterte sa Davao at nakipagkita, nakipagpulong doon sa PDEA on live camera. At doon naman ay sinabi ni Peter Lim na gusto niyang magpa-investigate at gusto niyang i-clear ang kanyang pangalan. At ikwinento din ni Mr. Peter Lim doon sa interview, doon po sa interview ay this is in the Visayan vernacular kaya habang pinapakinggan ko po ito ay sinabi niya na talagang ike-clear niya ang kanyang pangalan at sigurado raw siya na wala siyang kinalaman sa mga ganitong klaseng gawain at pagpe-peddle ng droga. At malinaw na sinabi po ni President Duterte na papatayin niya si Lim sa oras na makita niya na merong mga ebidensiya na nagtuturo na siya talaga ay isang drug lord. Sabi niya eh “tiwasan dagit ka,” ibig sabihin tatapusin kita.

MERCADO: Meron bang Chinese name na lumabas doon sa Peter Lim… iyong mga, you know there are so many Lim’s also in fairness to them ‘no and I’m sure iyong mga gumagamit din ng mga westernized names like Peter, whatever ‘no, Martin or Orly. Sa isang banda merong ganoon eh. The point there is that gaano kagaling ang intelligence reports and backgrounder nito para ma-identify na talagang ano, kasi it seems to say also Peter Lim eh napakarami. Tapos dito naman sa Peter Lim na ano, sabihin niya eh ano bang iba pang ebidensiya mo at bakit ako ang tinuturo ninyo?

SEC. ANDANAR: May mga ebidensiya, Ka Orly, pero tayo’y nasa gobyerno iyan, nasa PDEA, nasa National Police at para hindi ma-prejudice iyong imbestigasyon ay hindi puwedeng ilabas ang ebidensiya ng gobyerno. Sapagkat sa puntong iyon, iyong burden of proof ay na kay Mr. Peter Lim na patunayan na hindi isang drug lord. With the resources of the government — I’m sure you know this Ka Orly, dahil galing po kayo doon — malaki ang posibilidad na lahat ng ebidensiya na puwedeng makalap ay nakalap na ng gobyerno against Mr. Peter Lim. Now, it’s up to him now to prove otherwise.

MERCADO: At sa isang banda — you have to grant also — pagdating mo ng ganoong kataas, iyong level ng Presidente o level ng Secretary, ay meron kang access sa impormasyon na maaring hindi accessible sa iba pang mga mamamayan, hindi ho ba?

SEC. ANDANAR: Oho. Yes, correct, correct. Kasi ito namang mga impormasyon na ito na hindi rin puwede nating i-release sa publiko ay this concerns our national security and drugs and the involvement in drugs at iyong mga ebidensiya sa droga involves national security also. And in fact eh to the highest level. Kasi kung titingnan n’yo po iyong nabibiktima nitong droga — sa PDEA conservatively ay 1.8 million yung drug dependent, pero ang sinasabi ng ibang pag-aaral 3 million. At kung titingnan mo iyong drug lord matrix ay wala pa silang dalawang daan. So imagine the ratio, wala ka pang dalawang daan at nabibikitima mo 1.8 to 3 million people who are Filipinos, not including the families, ipalagay na lang natin, Ka Orly, nasa 3 milyon, kada isa may apat na miyembro ng pamilya. Sobrang laki noon, 12 million Filipino ang apektado nitong droga.

MERCADO: Oo. Doon sa sinasabi ng iba, eh bakit iyong mga matataas ay kinakausap katulad ni Mr. Lim, samantalang iyong ibang mga namamatay ay nababaril kaagad na hindi man lang nakapagsasalita? Ang pagkakaiba ba nito nandoon sa circumstances ng pag-surrender ni Lim at saka iyong operation. Where is the difference?

SEC. ANDANAR: Well, the difference, Ka Orly, is very simple ‘no. Kung titingnan po natin iyong mga sumurender na drug dependents, kasama na po doon sa mga drug dependents na iyon ay iyong mga drug pusher, ay more than 60,000 sumurender na – either sumurender sa barangay, sumurender sa pulis, sumurender sa mayor, sa local government ‘no. So, we cannot say na sumurender ito kay Presidente, 60,000. Why don’t we start questioning eh bakit nga 60,000 sumurender sa pulis, hindi sumurender sa Presidente? You know, it’s just too impossible to ano… I am sure that Mr. Peter Lim also surrendered to somebody in his town in Cebu. And being in his level, drug lord suspect, ito dapat kasi iyong … kasi kung 5th level ka na, malamang nasa iyo lahat ng impormasyon. So the higher you are in the ladder — if you’re in the 5th level — then most probably you know the sources in China. So iyong mga ganitong klaseng high level suspects, kaya’t talagang normal lang naman na dapat kausapin iyong Chief PNP, or maybe ng Presidente dahil it could lead to the highest source, of course, in China. Eh kasi iyong sa baba naman it is impossible for them to pinpoint kung sino iyong nasa China.

MERCADO: At saka kung ano iyan eh, operation na iyan sa baba. Kung talagang nagka-arestuhan na at may mga buy bust operation na ay talagang prone to really fire fights ‘no kung tutuusin. Pero be that as it may, ang last question ko is: ano bang attitude ngayon ng Malacañang? You know, there will be questions; there will be doubts talagang ano … talagang focused ba ang Malacañang na itutuloy or hanggang talagang ma-dismantle itong imprastruktura ng droga dito sa ating bansa?

SEC. ANDANAR: That’s a very good question, Ka Orly. Malacañang Palace is very focused until now. As a matter of fact, everyday mas nagiging focused pa ang Palasyo. Nakikita ninyo naman sa mga balita, we are very… actually, kami ay nai-encourage kaming lahat sa Palasyo, high morale, high spirits po kami kapag nakikita po namin na nagiging epektibo po itong ating kampanya laban sa iligal na droga. More than 60,000, magse-seventy thousand na iyong sumu-surrender. It’s just unfortunate that some of them have been reported by the Philippine National Police na nanlaban. Anong magagawa natin kung nanlaban? Eh alam namang buhay ng policeman ang malalagas. Mas mahalaga ang buhay ng pulis kaysa sa buhay ng isang drug pusher na nung pinagbigyang sumurender pero ayaw sumurender. Iyon lang naman ang linya ng ating Presidente.

MERCADO: Okay. Secretary Martin, naalala ko lang – just as my last comment eh, mayroon akong paborito kapag ganiyan ang sitwasyon. Mayroon akong paboritong quotation na iniisip ko eh, galing kay Oliver Wendell Holmes, sinabi niya, “You can never reach your destination if you stop at every barking dog.”

SEC. ANDANAR: Ganda. (laughs) Galing.

MERCADO: Thank you very much, Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayo, Ka Orly. Mabuhay po ang Radyo 5.

SOURCE: NIB (News and Information Bureau)