July 25, 2016 – Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar |
DZBB – by Mike Enriquez |
25 July 2016 |
Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar , DZBB – by Mike Enriquez, 25 July 2016 (9:08 – 9:18 p.m.) ENRIQUEZ: Nasa linya ng telepono natin ang iyakin na Communications Secretary – umiyak eh, di iyakin – Communications Secretary Martin Andanar. Magandang umaga po sa inyo, Mr. Secretary, si Mike Enriquez na po ito. Good morning! SEC. ANDANAR: Sir Mike, good morning. Hindi lang ako umiyak, ang na-edit doon iyong naglupasay ako. ENRIQUEZ: Hindi talaga, seryoso (laughs). Ano ba talaga? Sir, kasi kahapon live ka dito sa amin eh, noong—kahapon ba iyon, Secretary, noong nagsalita ka sa media sa Davao? SEC. ANDANAR: Yes. ENRIQUEZ: Oo, ‘no. Sabi mo eh—saan iyong sinabi ni Secretary dito? Oo, malinaw na malinaw iyong sinabi mo, Secretary. Noong unang-unang beses mo nabasa iyong talumpati, ito ang sabi mo, Secretary “It made me cry. Ganoon po kaganda, ganoon po makabagbag-damdamin iyong speech ng Pangulo po natin as my colleague from the RTVM here would agree.” Kontodo modulate pa eh. SEC. ANDANAR: (Laughs) ENRIQUEZ: May music pa. Umuulan dito kahapon noong sinabi mo iyon, Secretary. Kasabay noong pagsabi mo noon, kumukulog dito sa Metro—sobra namang timing iyan. Masyado na … baka kahapon pa nagdidirek na si Brillante Mendoza. SEC. ANDANAR: (Laughs) ENRIQUEZ: Teka muna, Secretary, seryoso tayo. Pakipaliwanag, sabi mo naiyak ka, hindi mo sinabi kung bakit. Bakit? Ano iyong nabasa mo na nagpaiyak sa iyo, Secretary? SEC. ANDANAR: Hindi, kasi ganito iyon: I voted for the President because alam mo, mayroon akong dalaga, Sir Mike, at marami tayong mga lumalabas sa ating mga kuwento na it’s not safe to walk in the streets – maraming krimen at hindi safe para sa kabataan ang ating mga lansangan ‘no. And, of course, I cannot help but compare itong Singapore, Hong Kong at itong mga bansang, you know, mas progresibo kaysa atin; at kailan tayo magiging ganiyan. Kaya when I read the speech of the President, doon ko talaga nakita, na-realize first hand when I read the speech offered by the President na the President hindi niya lang po iniisip ang kaniyang sarili, ikaw, ako, Sir Mike, at lahat ng Pilipino ngayon ‘no – 100 million – kung hindi iniisip niya rin ang susunod na mga henerasyon. Ganoon po kalawak ang vision ng Pangulo na nakapaloob sa speech. And, of course, iyong kaniyang hinimok ang taumbayan na to rally behind at ilabas ang kanilang pagiging makabayan. Now, it’s not about the President. It’s not about him. It’s about the flag. It’s about the country. It’s about our future. Kaya doon po, doon ako naiyak, naluha ako. But, not just me. Hindi ko alam kung ganoon din ang dating sa iba. Tapos, noong ako po’y nagtago na sa kuwarto, doon na ako naglupasay. (Laughs) ENRIQUEZ: Ah, ganoon? Mag-isa? Naglupasay, talaga? Okay. Itong susunod na tanong, Mr. Secretary, alam ko na kung kayo ay nasa TV5 pa, tatanungin ninyo rin ito sa kung sino ang Communications Secretary eh. Kaya alam namin naiintindihan ninyo iyong mga ganitong klaseng tanong galing sa media. Bukod diyan, ang lalamanin—may ibang mga sektor o maraming sektor na nagsasabi, “Uy, hindi lang droga, hindi lang krimen ah. Nandiyan din ang gutom. Nandiyan din ang kahirapan. Nandiyan din ang ibang klase pang krimen tulad ng iligal na sugal. Nandiyan din ang edukasyon. Nandiyan din ang kalusugan, etc., etc., etc.” Mababanggit ba iyan o hindi sa SONA, Mr. Secretary? SEC. ANDANAR: Mababanggit po, Sir Mike, lahat ng nabanggit ninyo at iba pang hindi ninyo po nabanggit. In fact, mayroon pong magiging isang announcement ang Pangulo mamaya na ikalalaglag po natin sa ating mga upuan kaya itali na po natin ang ating sarili sa upuan dahil ito pong announcement ng Pangulo … (laughs) ENRIQUEZ: Secretary, shinu-showbiz mo naman kami. Huwag mo naman kaming i-showbiz. SEC. ANDANAR: Hindi showbiz. Hindi showbiz, Mike. Hindi showbiz. He will really have one announcement. One of the announcements will really be so powerful ‘no, at pupuwedeng ikalaglag natin sa upuan because this is going to be one monumental announcement. ENRIQUEZ: Isa lang iyan o mayroon pang iba? SEC. ANDANAR: Marami pa pero ang sinasabi ko lang po ay mayroon po siyang isang sasabihin na very, very, very monumental. ENRIQUEZ: Tungkol saan iyan, sa krimen? SEC. ANDANAR: Ay, iyon na lang po ang (overlapping voices) … sa President. ENRIQUEZ: Saan iyan, sa korapsyon o ano, Secretary? Hindi na, hindi na tayo— SEC. ANDANAR: Hindi ko na po … I don’t want to preempt the President. ENRIQUEZ: Okay lang, Secretary. Alam naman namin kasi galing kayo sa hanay namin, kaya sabihin ninyo nang direkta, “Oh, Mike, hanggang diyan na lang tayo.” Maiintindihan po namin iyon, oo, Secretary. Oh sige, so may malaking ikalalaglag namin sa upuan mamaya ha? Kailangan pala naka-seatbelt kami mamaya doon sa coverage namin, sa studio ako mamaya eh. SEC. ANDANAR: Eh kailangan mag-seatbelt, itali ang sarili sa upuan. Kailangan may sinturon po kayong baon. ENRIQUEZ: Okay. Mr. Secretary, tapos na tapos na ba iyong SONA o may posibilidad pa na may mabago pa, may masingit? Kasi noong mga nakaraan ganiyan eh, hanggang sa kahuli-hulihang sandali mayroon pang, “Oo nga pala, isingit ninyo ‘to,” o kaya, “Oh baguhin ninyo iyan, ito ipalit ninyo.” Mayroon pa bang ganoon o plantsadong-plantsado na sa ngayon? Ang sinabi ninyong si Pangulong Duterte mismo ang sumulat? SEC. ANDANAR: He authored the entire speech, Sir Mike. It went through more than 20 revisions already. At palipad na lang ako ng Maynila galing Davao, 7 o’clock kagabi ay may mga pahabol sa akin. At so far, wala po namang ganoong pahabol na pagbabago o dagdag doon sa ating talumpati ng Pangulo. ENRIQUEZ: O sige, hanggang diyan na lang po, Secretary. At alam naman namin na kahit ano gawin namin dito, kahit kami’y maglupasay dito, hindi ninyo talaga ibibigay sa amin ang laman ng talumpati eh at baka magalit sa inyo iyong iba, okay. Si Presidente ba nasa Maynila na, nasa Davao pa rin? SEC. ANDANAR: Opo, nandito na po sa Maynila. ENRIQUEZ: Nandito na. So, ayos na ang lahat para mamayang hapon, Mr. Secretary? SEC. ANDANAR: Ayos na po. At asahan ninyo na bukod sa napakagandang speech na maiiyak ho kayo tulad noong sinabi ko, depende sa inyong paniwala sa ating Pangulo, ay asahan din ninyo po iyong magiging production ‘no na gagawin po ni Direktor Brillante Mendoza, at siguradong mayroon po kayong mapapansin na pagbabago. ENRIQUEZ: Huling hirit ito, Mr. Secretary. Nabanggit ninyo kasi si Direk Brillante. Ganito ang tanong: Siya magdidirek ng TV coverage ‘di ba, iyong pagkuha ng mga camera, etc., etc. Para malinaw doon sa mga makakapanood, alin ang ididirek niya at alin ang hindi? Halimbawa, iyong mga kuha sa labas, iyong kuha doon sa entrance, sa entrada, iyong may red carpet doon, etc. Tapos iyong pagkatapos, hanggang saan iyong directed by Brillante Mendoza at saan mag-uumpisa iyon at saan magtatapos iyon? Like, hindi lang naman … tulad kami sa GMA, hindi lang naman iyon ang mapapanood ng mga nanonood eh, iyong mga kuha ng RTVM ‘di ba o ng pool. Pakipaliwanag lang po sa mga nakikinig para malinaw, sige po. SEC. ANDANAR: Okay, ganito po, Sir Mike at sa lahat ng nakikinig po sa DZBB: Iyong full coverage na pangungunahan ng RTVM ay magsisimula po iyan doon sa arrival ng Presidente hanggang doon sa talumpati at hanggang doon sa post SONA. Ngayon, ang ididirek po ni Direk Brillante Mendoza ay mula doon sa simula pagdating ng Presidente hanggang sa pagtatapos ng kaniyang address po. ENRIQUEZ: Ng talumpati? SEC. ANDANAR: Oo, ng talumpati. ENRIQUEZ: Kaya iyong mga pagdating-dating ng mga kung sinu-sino, hindi kasama iyon sa directed by Brillante Mendoza? SEC. ANDANAR: Pinag-usapan na po natin iyan, at hindi po magiging fashion show ang direksyon natin ngayong taon na ito. So, huwag na po nating asahan iyong fashion show. ENRIQUEZ: Sige po, Mr. Secretary. Talagang noong nag-iisa na lang kayo, doon kayo talagang humagulhol? Ha? Grabe ha. SEC. ANDANAR: (Laughs) Mayroon pang ibang crying …ano pa bang ibang magandang crying na background? (Laughs) ENRIQUEZ: Sige, hahanap kami. (Laughs) So iyan na, tinugtog nanaman ng tao natin. Mga bata kasi iyong mga nandoon sa kabilang kuwarto. Alam mo naman iyan dito sa GMA, mga pilyo at pilya ‘tong mga ‘to. Susmarya, pasensiya ka na. SEC. ANDANAR: (Laughs) Sabihin mo kay Sir ano, kay Rommel (?) pilyo talaga siya. (Laughs) ENRIQUEZ: Sige, Secretary, maraming-maraming salamat pinaunlakan mo kami ngayong umaga. Hanggang sa susunod, magandang umaga. Good luck na lang mamaya sa ating lahat. SEC. ANDANAR: Salamat, Sir Mike. *** SOURCE: NIB (News and Information Bureau) |