Speech of President Rodrigo Roa Duterte during his visit to the 7th Infantry Division of the Philippine Army
Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija
26 July 2016
[To the Commander, can you order, give the order of tikas pahinga?]

Secretary Delfin Lorenzana, Secretary Hermogenes Esperon, Jr., General Ricardo Visaya, Lieutenant General Eduardo Año, Lieutenant General Romeo Tanalgo, Major General Angelito de Leon, the officers, men and women of the Armed Forces of the Philippines, kasama ko sa trabaho sa gobyerno, my countrymen.

‘Di na ko makauwi, by land na ‘ko makauwi nito. Anyway, I am making the rounds all over the Philippines pagbisita sa mga kampo, mga militar. Una niyan is baka paabutin talaga ako ng Panginoong Diyos hanggang six years so I will be your President for six years and you should know me. Ang tatay ko po ay sundalo, sila yung mga earliest mag-retire after the war pumunta dito ng Mindanao, notably sila Cabigon, Llanos, Davao del Sur noon, ‘yun yung mga military na kasabay ng tatay ko na pumunta ng Mindanao for the greener pastures, para sa pamilya at mahirap lang sila doon sa Cebu, wala naman silang lupa at ang tatay ko decided to migrate but I am mixed, ang nanay ko taga roon.

Meron akong mga mensahe sa inyo: Let me explain itong unilateral ceasefire. It is not my decision alone, it is the decision of the Cabinet. Of course, si General Esperon pati si Secretary Delfin Lorenzana are automatically members of the Cabinet.

I am a President that seeks peace with everyone. Ang trabaho ko pagka-presidente, hindi maghanap ng away; ang trabaho ko pagka-presidente is tingnan ko, if at all, na walang gulo ang Pilipinas. At kayo naman mga military there, ever-ready to guard the integrity of the Republic, to protect the people.

Hindi naman natin alam kung bigla nalang mag-away o may gulo and it is always a comforting thought that meron akong Armed Forces na ready just in case hindi tayo magkaintindihan.

Now, ngayon ang presidency ko is puro peace mission ako. I have to talk to the MI and to the MN, si Nur pati si Murad and they are ready to talk about peace. Kasi malala ito, matagal na. Marami nang namamatay dito on both sides and if I remember right, ‘yung Cotabato uprising started in 1972 na halos umakyat na ang mga rebelde doon sa PC Hills and the fight was already there.

Alam mo si, pati itong mga komunista, it’s about 40, 45 years in the making. Estudyante pa kami in the early 70s, nakikinig pa kami kay Sison. Ano niya— kasi mga idealist, talagang fascinated na itong revolution, revolution. Eh kasi ngayon, 70 years old na, 71, gusto ko magre-retire nalang ako eh napasok ako dito sa presidency.

Wala na akong ibang hangarin kundi na ang kapayapaan nalang ng bayan ko—kung maari. I plead peace with everybody, I do not want any single loss eh doon sa kanila, pati itong sa gobyerno natin. Kung maaari.

Istorya lang: so, I initiated doon sa Cabinet talks about peace and I have to start with releasing the leaders not release on anything but safe conduct pass for Sison, Misuari, wala namang problema si Murad, walang kaso at sabay-sabay nalang ang usapan natin towards the end of the year.

Ang gusto ko lang marinig sa MI pati MN, na ‘yang Abu Sayyaf na ‘yan, wala na ang connection nila kasi yung armas ng Abu Sayyaf, ‘yun yung armas nila noon. Kasi pag ayaw nilang bitawan o naka-konekta pa rin sila sa Abu Sayyaf, I do not think there will be a significant result. Pero ang gusto ko, mag training na lang ako ng marami ngayon and your Armed Forces, ask for about 20,000 more soldiers.

Alam ninyo, pumasok ako sa gobyerno mid-stream. Ibig sabihin, tapos na ang budget because the budget for this year is prepared last year at ang budget ko next year is being hammered out now so kulang ako ng pera but sabi ko kay Secretary Lorenzana, I might be able to give you one half additional soldiers.

Ngayon, nangako ako noon, and remember this: may budget na diyan. Ang nangako, hindi sila, ako, na dagdagan ko ‘yung sweldo ninyo. Eh wala sa budget, sabi ko kay Secretary Diokno, “mapahiya ako sa mga sundalo.” Sabi ko, “you have to look for a way. Starting next month, mag ano na, incremental increase na ang sweldo ninyo.” Pangako ko doblado, (applause) you will get it.

Saka I assure you, walang nagmahal noon sa pulis na aabot sa standard ko. Ang pulis noon, ako mayor, protektado ko. Mahal ko ang pulis at walang pulis nakukulong doon basta ang kasalanan niya, may kaugnayan sa trabaho niya. I do not allow policemen to go to jail.

Now that I am President, I would like to guarantee all of you na if it is in the performance of your duty, sa pagka-sundalo mo, wala kayong isipin. I will also protect you. (applause)

Huwag kayong mag-isip na, ‘baka masabit tayo.’ Pagka sa trabaho, hirit. Ang problema, kung mag-hirit ka sa mga babae, wala, problema mo ‘yan kasi problema ko nga eh. (laughter)

Makita mo doon sa oath taking, dalawa ang pamilya: the right and the left. Ayaw pa ninyo ‘yan? First time in history.

At least ako lang ang Presidente naglantad ng dalawang asawa harap-harapan. ‘Di kagaya ng mga generals ‘yan. Ah… That’s life, ganyan talaga ang buhay eh may anak ako eh alang-alang na…

Yung nanay pwede kong balewalain pero ang anak kadre, iba yan, dugo ‘yan eh… so you will have your salaries. We are doing well. Galing akong Basilan, I would not want to make it clear in public pero nakahingi pa si—pag maraming—sabi ko, “sige, bili tayo ng marami para maganda ang score natin doon.” Eh alam ninyo ’yan.

Magbili pa tayo ng maraming ganun para hindi na kayo kailangan, malayuan nalang.

By the way, when I became President, the past days, binigyan ako ng McMillan, yung barrel siguro ganun kataas. The bullet I think is special but it is guaranteed to hit a target two kilometers, depende nalang sa computation mo sa… well, the factor that I have to compute.

Sabi ko, ibigay ko yan sa inyo sa—ibigay ko kay, bukas kay sa EastMinCom, balutin ko lang ‘yan padala ko kung, sabi ko siguro dito, pwede yung mga snipers natin na magaganda, subukan daw ninyo kasi kung maganda magpagawa pa ko ng mga… depende. Smuggled o kung ano ‘yan eh but the McMillan barrel is really famous for accuracy and you will have it.

‘Yung mga Barrett, pabili pa tayo and I assure you that I will give you everything that you need to have to carry out your mandate. (applause)

Go ahead, panahon na ninyo lalo na ngayon. Sinasabi ko nga sa Pilipino, kayong gustong tumulong ng bayan ninyo, gawain na ninyo na ako, do it now. Kasi ito talagang usapan na ito, we cannot talk about a wrong done or intend to do something bad.

‘Pag kaharap mo ako, pinag-usapan natin sa gobyerno trabaho natin. It can only be the right words and the right sentences kaya kung gusto niyong tumulong, ngayon na and that goes for everybody. Wala kayong problema. I said I will protect you.

Kaya nga lang ako na-ano is because we have to… Alam mo kasi, kung hindi lang ito,” Eh Pilipino kasi ito eh.

So I said my duty is to find peace for everybody, for my countrymen. Eh countrymen natin yan sila, kaya lang nawala sa landas. But there is always a time to talk about war and talk about peace. This has dragged on for so long, kung ginusto rin nila, nasa kanila yan.

Sabi ko: “Ceasefire is Ceasefire.” Nag-usap kami ng liderato nila kagabi in front of the Generals sa Congress. Nung nandoon ako sa holding room, nandoon din sila naglalantaran na yan sila. Sabi ko: “Tawagin mo mag-usap tayo.” So infront of the generals ninyo nag-usap kami. Sabi ko, “ito ang baraha ko, tapos ito ganoon, paalisin, ganoon, ganoon ganoon ulit. In the end, nagkaintindihan kami, “tawagan ninyo Sison. I am waiting for his reply. Ngayon, wait and see lang tayo.

Kaya marami pa naman tayong problema. Mindanao is rocked with trouble. Kung wala na tayong kalaban dito, punta tayo doon sa Mindanao lahat. May mga sinabi ako na hindi maganda sabihin sa publiko, tanong nalang kayo sa mga opisyal ninyo. Pero we will be ready, we will be ready for an instant failure. Pag hindi nagkatuluyan, eh ‘di sige bagbakan, walang magawa. Ngayon pag nag-surrender na sila doon sa Mindanao sa Jolo e di maghanap tayo ng away.

Gusto ninyo punta ko kayo sa – bigyan ko kayo ng – passbook, mag standby lahat sa Panatag. Bukas magtawag na naman yan. Alam mo hightech ‘yan sila, they’re listening to us.

Kasi yung anak kong babae ‘yung Mayor, galit na galit rin. Gusto niyang pumunta ng Panatag. Wow, huwag yung… “Mayor kausapin mo yung anak mo huwag niyang gawin yan kasi”… tawag dito si Bong kinausap rin, kung maari pigilan lang ‘yung anak ko. Eh sabi ko, “Ambassador, galit na galit ‘yung—galit na galit ‘yung anak ko bakit daw nang-agaw raw kayo ng teritoryo sa Pilipinas.”

Mabuti nalang I was able to – eh maldita ‘yan si Inday eh, nanununtok ng sheriff. Oo Pagka– ano, ganoon ‘yan eh. Eh kung totohanan talaga eh problema, ‘yung kapatid niyang dalawang malalaki ,mga uto-uto yun sa kanya. Pag sinabi ng babae, go go go yan silang tatlo.

Kaya I had to persuade her, sabi ko, “we are in a very delicate situation now, and we are talking.” So tayo, whatever there is any issue, public, ano lang, go straight. Hindi muna tayo maghanap ng away, at least hindi manggaling sa atin. But we should be prepared, we should be prepared for any event. Just like any other country in this world, we have to have a strong Armed Forces. We have to have a military that can really protect the people, and the integrity of this department. Kayo ‘yan, trabaho ninyo yan, so that in return you’ll also have everything and everything that you would need, na hindi kayo madehado sa bakbakan.

Hindi na ako magtagal, kasi medyo hapon na eh, I do not think I can return by chopper but I have to go home because I have a very important appointment to make.

Kung madaan kayo ng Davao, maski sino, totoo—sabihin mo lang, “Yung sa Magsaysay kami.” Ako na ang bahala sa inyo. Hindi na kailangan ma— (applause), simple man lang ang buhay ng sundalo, maghanap talaga ng inom yan (laughter) pati maya-maya maghanap ng babae… na makausap. Eto naman.

When you are in a strange place, you would always want to, you know, marami doon sa Mindanao ‘yan ganun. Maraming magaganda sa Mindanao. Asikaso lang kayo pag-isang assignment, isang hirit na naman. Huwag kang magkalat ng ganoon kasi magdishonor.

But anyway, I said, ito and then ano: I cannot make you happy. But ito ang i-guarantee ko. remember this afternoon. I can make your lives comfortable habang hindi kayo—nagta-trabaho pa tayo. [applause]

Thank you.