July 28, 2016 – Interview with Presidential Spokesperson Ernesto Abella: DWFM – Punto Asintado by Erwin Tulfo
Interview with Presidential Spokesperson Ernesto Abella |
DWFM – Punto Asintado |
28 July 2016 |
TULFO: Magandang umaga. Maayong buntag kanimo, Sec. Abella, sir?
SEC. ABELLA: Maayong buntag kanimo, Erwin. Kumusta man kamo? TULFO: Maayo man, sir. Anyway sir. Dito po pala tayo sa meeting po ng kahapon ng… aba’y marami hong… halos mag-trending yung litrato po ni Presidente kasama iyong apat na mga dating Pangulo— SEC. ABELLA: Tama, tama. TULFO: May nagsasabing history daw. Eh alam po ng lahat eh kinukuha din pala ni Pangulong Duterte iyong opinyon ng mga nakaraang Presidente, mga senior sa kanya. Bukod po doon sa West Philippine Sea, sir, napag-usapan din yata, na-discuss din iyong tungkol sa kampanya ni President Digong about illegal drugs at saka anti-corruption, Sec. Abella? SEC. ABELLA: Tama po iyon. May mga ilang areas na napag-usapan, aside from the fact, like iyong roadmap sa peace, iyong anti-criminality at saka iyong anti-illegal drugs. Napag-usapan po iyong mga bagay na iyan. TULFO: Agree naman po iyong mga dating Pangulo, sir, dito sa ika nga inilatag ni Pangulong Duterte? SEC. ABELLA: Basically po naman ang nangyari kasi, intrigue lahat ang isa. And kung bakit, sinabi niya… sinabi din naman niya na okay naman siya kung ano ang ikokomentaryo nila. Although last night wala naman silang ano—in a sense it was implicitly parang tinatanggap nila iyong sinasabi niya. They listened to it and then ano po… wala naman silang direct comment na ano— TULFO: Nagbigay po ba sila ng mga proposals din nila, ng kanilang mga opinyon, Sec. Abella? SEC. ABELLA: Meron po silang pinag-ano… each one of them had something to say. Actually ‘no, may mga comments sila, mga puntos, mga one, two… very simple points, pero very significant naman. At nakinig naman ang Presidente. TULFO: Ito po ba ay masusundan pa, itong ganitong klaseng National Security Council meeting at kasama po ang mga dating Pangulo? SEC. ABELLA: Hopefully. Initially kasi—ito naman kasi, itong this particular Council meeting, was called para i-orient, para lahat ng ano… everybody in significant positions of authority and influence will be on the same page ‘no, magkaroon ng agreement. So basically at this stage naintindihan nung mga lahat ng mga naimbita na ‘ah ito pala iyon, ito pala iyong big picture.’ So they will be free, free naman sila to comment, free naman sila to respond according their own values and principles. TULFO: Kaya nga po, will they be invited also again? Itong mga dating Pangulo kahit na other than National Security Council meeting. Sila po ba ay iimbitahan din sa ibang mga pulong para hingin ang opinyon? Kasi parang ang tingin po ng ilan, sir, parang itong si Pangulong Duterte true to his words na ‘unity’ ang kanyang tema. Eh ito nga ho may parang sinasabi, ‘isantabi na muna natin ang kulay, may dilaw, blue, puti, orange, eh kulay kayumanggi muna tayo,’ yesterday. So nagka-isa sila kahapon. So does this mean, sir, na hihingin pa rin in the future ng Pangulong Duterte ang mga opinyon nitong mga senior sa kanya, mga dating Pangulo? SEC. ABELLA: I’m sure he will be open to that. Although, depende na po iyong mga meetings, as needed na po iyon. TULFO: All right. Secretary Ernesto Abella, Presidential Spokesperson. Sir, daghang salamat intaon sa imong oras sa Radyo 5. |