June 04, 2016 – Interview of Sec. Coloma
INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR. |
DZRB – Radyo ng Bayan / “Kaagapay ng Bayan” with Melany Valdoz-Reyes and Oliver Abelleda, 04 June 2016 |
QUESTIONS AND ANSWERS: Ms. Reyes: Sir, sa June 12 ay Independence Day. Ito na po ‘yung pinakahuling Independence Day na dadaluhan ng Pangulong Aquino. Meron po tayong aktibidad, Sir, tsaka schedule ni Pangulong Aquino? SEC. COLOMA: Yung hinggil kasi sa paghahanda sa Independence Day. Ang National Historical Commission of the Philippines o NHCP ang lead agency hinggil diyan sa pagdiriwang na yan. Hintayin natin ang kanilang pahayag hinggil sa opisyal na programa at tema ng pagdiriwang. Hinggil sa schedule ng Pangulo sa Independence Day, ang batid natin sa ngayon ay yung pagdaraos ng tradisyonal ng Vin d’Honneur para sa diplomatic corps kung saan naghahatid ng pagbati ang iba’t ibang bansa sa Republika ng Pilipinas sa ating araw ng Kalayaan. Ito ay idaraos sa umaga ng Hunyo 12 sa Malacañang Palace. Antabayanan natin ang maaring iba pang opisyal na aktibidad ng Pangulo kapag naipahayag na ito ng National Historical Commission. Ang maaring kong maibahagi ay yung impormasyon mula sa Philippine Information Agency na kumatawan o kumakatawan sa ating tanggapan, PCOO, sa mga preparatory meetings na idinaraos sa pangagasiwa ng NHCP. Ayon sa ating napag-alaman, magkakaroong ng paghahatid ng iba’t ibang serbisyo publiko sa Araw ng Kalayaan. Tulad ng jobfair ng DOLE, Diskwento Caravan ng DTI, at free medical and dental mission ng DOH. At ang ating ahensya, Philippine Information Agency ay magtataguyod ng Pasig River at Escolta Tour para sa publiko sa Miyerkules, Hunyo 8. Kaya Lany at Oliver, antabayanan natin kung ano pa ang magiging pahayag ng National Historical Commission. Ms. Reyes: Imbitahin na rin natin Sir yung ating mga kababayan na puntahan dahil maraming serbisyo publiko ng mga government agencies ang nandiyan sa Rizal Park. SEC. COLOMA: Sa Rizal Park nga ito, na katulad nong idinaraos nong mga nakaraang taong pagdiriwang. Ms. Reyes: Sir, may tanong po si Ms. Sara Fabunan ng Philippine Standard. Ayon po sa kanya, DILG Chief Sarmiento said the DILG may file a case against President-elect Rodrigo Duterte over the recommendation of CHR that he violated the Magna Carta for Women over his rape joke. Is the Office of the President keen on pursuing this or will you just let this through and allow Duterte to assume the presidency without hitches? SEC. COLOMA: Ito po ang natunghayan natin, ayon sa naunang pahayag ni DILG Secretary Mel Sarmiento. Sinabi niya na, ito po: As soon as the DILG receives a copy of the CHR resolution citing the complaint against President-elect na ngayon, dati ay Mayor, Duterte, the Department will request the Commission, namely CHR, for a copy of the complaint and endorse this and the CHR resolution to the Office of the President pursuant to Section 61 of the Local Government Code. Maghihintay po ang Office of the President kung mayroong ganyan ihahain ang DILG. Wag muna natin pangunahan. Sa lahat ng pagkakataon, tatalima ang pamahalaan sa mga prosseso ng batas. Mr. Abelleda: Sir, kaugnay po nong kay President-elect Duterte po, kasi laman po ng mga pahayagan, itong mga nakalipas na araw hanggang ngayon po yung tungkol sa mga kontrobersyal po niya na pahayag laban sa media. Yun ba, Sir, sabihin natin na pakikipag-bangayan niya, ni President-elect Duterte, sa media. Tinuturing po ba ito ng Malacañang na parang pag-atake rin sa kalayaan natin sa pamamahayag o paraan para (…) yung press freedom po, Sir? SEC. COLOMA: Oliver, mainam na hintayin natin ang pagpasok ng bagong administrasyon. Narinig natin ang pahayag ni President-elect Duterte na tutuparin niya ang kanyang ipinahayag na magkakaroon ng pagbabago o change is coming. Ms. Reyes: Sir, may tanong naman si Ms. Nikko Dizon. Ayon sa kanya, incoming President Duterte camp said that he will exclusively release statement via PTV-4. Isn’t this a gray area since President Aquino is still the president until morning of June 30? SEC. COLOMA: Ang tingin ko po diyan ay ganito: Yung People’s Television kasi ang misyon niyan ay maghatid ng totoo, makabuluhan at tamang impormasyon sa ating mga mamamayan. Kaya’t kung yan ang manggagaling sa president-elect, ay tiyak pong dadalhin yan ng PTV. Wala naman pong isyu hinggil doon dahil yan naman ang talagang misyon ng People’s Television. Lahat po ng pahayag na manggagaling sa kanya ay ipaparating ng ating People’s Television sa ating mga mamamayan. Ms. Reyes: Sir, may follow up po si Ms. Nikko Dizon ng Philippine Inquirer. Ang sabi niya po the president in waiting is already using government resources even before he takes his oath. SEC. COLOMA: Kasi nga ‘no, I think ang background niya diyan yung paggamit nong sa Department of Public Works and Highways. Siguro mainam na lang, ang pananaw natin diyan ay kasama naman yan sa transition process at siya naman ay isang, bago pa siya mahalal na pangulo, halal na opisyal siya rin ng pamahalaan, opisyal siya, Mayor siya ng Davao City kung saan ginamit niya yung pasilidad ng DPWH. Wala naman tayong nakikitang problema hinggil diyan at naayon naman sa batas ang pagkilos na katulad ng naturing. Ms. Reyes: Sir, sakto nabanggit niyo po yung transition, si Ginoong Martin Andanar ang itinalaga ni President-elect Duterte bilang susunod na PCOO chief. Meron na po kayong schedule ng pag-uusap ni Ginoong Andanar, Sir? SEC. COLOMA: Unang-una, binabati ko si Martin Andanar. Magkakilala kami, madalas ay nagkikita pa kami niyan sa mall. Dahil dito kami sa southern Metro Manila pareho nakatira. At hinihintay ko, yung as soon as he is ready ay handa naman tayong makipag-ugnayan sa kanya. At nais nating magkaroon ng maayos na transition sa bagong administration. Tinityak ko sa kanya ang kooperasyon ng buong organisasyon ng ating tanggapan. Mr. Abelleda: Sir, doon sir sa mga tirada ho ni President-elect Duterte laban po sa United Nations po. Sabi niya hindi raw kaya resolbahin ng United Nations yung problema ng karahasan o mga patayan diyan sa Gitnang Silangan, pati sa Africa. May reaskyon po ba dito ang Palasyo po? SEC. COLOMA: Siguro nga ‘no, ulitin na lang natin yung sinabi natin kanina, Oliver, na may konteksto kasi lahat ‘yan. Mahirap yung tuturing tayo ng merong ganitong pangungusap. Ang mahalaga siguro doon sa pagpasok ng bagong administrasyon ay makita ang lahat ng yan sa tamang perspektibo. Ang pangulo ang siyang pinaka-prinsipal na arkitekto ng ugnayang panlabas ng bansa. Kaya mainam siguro hintayin na lang natin kung ano yung mga magiging opisyal na pahayag ng susunod na pangulo. Siguro yung mga talakayan sa ngayon, yan ay mga initial observations, mga preparatory remarks. Ang matimbang talaga yung gagawing opisyal na pahayag o opisyal na policy o patakaran. Kapag siya na ang nakaluklok o nailuklok na siya bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas dahil patungkol yan sa ugnayang panglabas ng ating bansa. Ms. Reyes: Sir, on another topic po, hingan namin kayo ng update. Sinimulan na po kahapon, binuksan itong security forum diyan sa Singapore, yung Shangri-La Dialouge. Kabilang po ang Pilipinas sa magpa-participate dito, Sir. SEC. COLOMA. Ayon sa nabatid natin, Lany ‘no. Ito ay pang-15 security summit na. I think this is sponsored by yung mga academia at hindi natin alam kung may mga government sponsorship din ‘to. Pero this is a well-attended forum at nakita din nga natin doon sa palatuntunan nito na isa sa mga magsasalita sa programa ngayong hapon ay si acting AFP chief of staff Glorioso Miranda. Mayroon kasing session hinggil sa pagtugon sa banta ng jihadi terrorism sa Asya. Siya ay nasa programa, na isa siya sa mga resource persons. Ibabahagi niya yung karanasan ng Pilipinas sa bagay na yan. Ms. Reyes: Sir hingan lang po namin kayo ng reaksyon. Inakusahan po kasi ng China ang Pilipinas na the Philippines daw po is seeking to negate its sovereignty in the South China Sea by describing Taiping Island as a reef and not an island in Manila’s arbitration court case. Ano po ang reaksyon dito ng Palasyo? SEC. COLOMA: Mainam siguro dahil binanggit nila na yan ang bahagi nong inihain nating petisyon, mainam na hintayin na lang yung pagpasya kasi meron namang takdang panahon kung saan ay naihain natin ang ating mga isyu at marapat lamang hintayin na lang natin ang pagpapasya ng international court. Sa lahat ng pagkakataon, Lany, mapayapa ang ating intensyon, ang ating approach ay rule-based at diplomatic. Tumatalima doon sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea. Kasama din naman niyan ang People’s Repubic of China at yung iba’t ibang bansa ng ASEAN. Meron ng umiiral na Declaration on the Code of Conduct. At yan lang naman ang ating sinusunod. Wala tayong masamang hangarin laban sa ano mang bansa. Mr. Abelleda: Sir, sa ibang topic naman po kasi may linabas pong report yung Stade Department po ng Estados Unidos. Yung Country Reports on Terrorism 2015 at kinikilala po nila, hinahangaan nila actually yung vigilance po at tagumpay nong pamahalaan sa paglaban sa mga terorista. Sabi nila hindi nakapagsagawa ng malalaking pag-atake yung mga grupo ng terorista dahil sa vigilance at tuloy-tuloy na pressure po sa kanila ng pamahaalan. Ano pong pahayag po ng Palasyo po dito Sir? SEC. COLOMA: Marapat lamang na sa lahat ng pagkakataon ganap ang kahandaan ng ating Sandatahang Lakas at Pambansang Kapulisan na pangalaagan ang seguridad ng bansa at ng mga mamamayan laban sa lahat ng banta o aktuwal na paggamit ng karahasan. At isa sa mga mahalagang ginawa ng Aquino administration ay yung ating AFP modernization program na kung saan ay itinaas natin ang kapasidad ng ating Sandatahang Lakas. Dinagdagan ang kanilang mga kagamitan at armas para ganap silang maktugon sa mga banta. Ganon din ang ginawa hinggil sa Philippine National Police. Mr. Abelleda: Sa ibang ano po, Sir, sa ibang topic po natin. Tungkol naman po ito doon sa SSS pension hike. Kasi Sir plano daw po ng Kamara na isulong ulit yung 2,000 peso dagdag na pension po ng mga SSS pensioners. So parang i-override po nito yung veto ng Pangulong Aquino doon po nasabing panukala, Sir. Ano po ang reaksyon ng Palasyo po? SEC. COLOMA: Kung hinggil sa darating na Kongreso ay ganap naman ang kanilang laya na maghain ng panibagong panukalang batas, Oliver. At yan naman ay karapatan ng mga halal na kinatawan ng ating bansa, mga kinatawan sa Kamara de Representates at mga senador. Natunghayan din natin yan, pati si Senator Villar ay nagpahayag na siya ay magtataguyod nito. Yan naman ay nasa kapangyarihan ng Kongreso. Yung sinasabing override, kung di ako nagkakamali, ang konsepto niyan ay pwede lang mag-override doon sa, within the same term of the Congress. E tila patapos na yata yan ‘no. Siguro kapag pinasa nila, hindi na yun override, panbigong batas na yung ipapasa nila. Nasa kanila yun, wala tayong masasabi kung di karapatan ng mga kinatawan ang maghain ng mga panukalang batas na sa kanilang opinyon ay kailangan sa interes ng ating mga mamamayan. Ms. Reyes: Sir, may tanong po si Bombo Reymund ng Bombo Radyo. Anya ano pong masasabi ninyo sa pahayag ni incoming President Duterte na hayaan na sa kangaroo court ang hatol sa isang pulis na binihag nila umano sangkot sa droga. SEC. COLOMA: Hindi ko masyadong nasubaybayan yan. Yung mga pahayag niya hinggil diyan. Ang batid ko yung ay pahayag ng ating Philippine National Police at ang opisyal, ang posisyon ng PNP ay patuloy nilang sinisikap na mapawalan o ma-rescue o maalis sa pagkabihag ang mga police officers natin dahil hindi naman makatwiran at labag sa batas ng Republika ang pagkuha sa kanila at ito ay sisikapin nating maisagawa sa mga nalalabing araw ng Aquino administration. Ms. Reyes: Sir, wala na po kaming tanong. Maraming pong salamat Sir sa inyong oras. SEC. COLOMA: Marami ding salamat at batid naman ng mga kagawad ng Malacañang Press Corps at ng media na maari naman tayong tumugon din kung meron pa silang karagdagang katanungan for the rest of the day. Maraming salamat. Magandang umaga sa inyong lahat. Ms. Reyes: Happy weekend po. SEC. COLOMA: Happy weekend din sa inyo, Melany. |