Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar
Aksyon TV / Punto Asintado by Erwin Tulfo
13 June 2017 (9:12 – 9:22 A.M.)

ERWIN: Sec, ito lang ha, kanina pa ako naha-high blood eh. Meron kasing isang tao diyan na ayaw maniwala, ang tingin niya kaya hindi raw nakadalo ang Manong Digong doon sa Luneta Flag Raising ay dahil nagpatamad-tamad lang, ayaw gumising ng maaga. Pero Malacañang already said the President wasn’t feeling well. Tama po ba, Sec?

SEC. ANDANAR: Ang mahalaga kasi dito, partner, iyong selebrasyon or commemoration ng Independence Day maraming paraan iyan na kung papano mo ise-celebrate. Now, in this situation na merong bakbakan diyan sa Marawi, maraming nalagas na mga sundalo, okay. Now, bilang Chief Executive at Command-in-Chief ng military, you are like a father to all of these Army – soldiers. Now, iyong mga nalagas, iyong namatay eh siyempre kung ikaw iyong ama, kung ikaw iyong commander, pupuntahan mo iyon at makikiramay ka at doon kayo sa burol. Di ba? Usually, ganoon ang mangyayari.

ERWIN: Right.

SEC. ANDANAR: Siyempre ama ka, alangan naman anak mo namatay hindi mo pupuntahan. So ang Presidente po natin ay kilala siya bilang isang taong may tapang at may malasakit. Tama?

ERWIN: Oo.

SEC. ANDANAR: So naturalmente, sa ating Pangulo na pumunta doon at makiramay at pumunta sa burol, hindi ba? Kaya the night before ang Presidente po natin ang ginawa niya ay inikot niya, pinuntahan niya iyong mga fallen soldiers natin, nakiramay doon at sino ba namang tao ang hindi mapapagod sa ganoong klaseng trabaho. Pero ang pinakamahalaga dito, is that that is how the President commemorated the Philippine Independence Day by going to our fallen soldier, our heroes, and giving them comfort sa family, sinasaladuhan sila. Siguro wala na sigurong pinakamainam na tamang gawin ang Pangulo kung hindi iyon sa panahong ito.

ERWIN: Palagay ko, Sec, ay nasanay lang itong si Trillanes – Senador Trillanes – eh na nung nakaraang administrasyon kasi, iyong Pangulo niya nung dumating iyong SAF 44 ay nandoon nag-i-inaugurate ng planta ng ng isang sasakyan. So, baka ang gusto niya ganoon, na hayaan lang ng Pangulo, wag dumalaw ang Pangulo sa mga sundalo na namatay, bagkus ay dapat eh nandoon nakikipag-flag raising at pangisi-ngisi sa mga camera, sa press, ganun siguro ang pakiramdam ni Trillanes.

SEC. ANDANAR: Partner para sa akin, sa ganang akin sa mga ganitong klaseng mga sitwasyon na hindi naman ordinaryo, you also have to adjust to the situation na kung saan mas kailangan ang presensya ng isang Pangulo. Now, alam naman natin na the flag ceremony, the laying of wreath sa Luneta, mahalaga naman iyan, pero meron din namang mga representatives; nandoon naman ang Foreign Affairs Secretary.

ERWIN: Oo, si Secretary Cayetano.

SEC. ANDANAR: Nandoon din naman si Vice President Leni Robredo. Nandoon naman lahat ng mga kawal na kailangang nandoon. And kami, mga Cabinet Secretaries, ina-assign din sa iba’t-ibang lugar sa buong Pilipinas. Which also sinabi sa akin sa Bukidnon, this is the first time nangyari na nagpadala ang Pangulo ng kinatawan sa Bukidnon, para mag-raise ng flag. We are in a very unique situation right now that calls for the unique presence of the President doon sa mga—at mas kailangan siya ngayon ng mga pamilya ng mga sundalo na namatay.

ERWIN: All right. So sir, linawin ko lang. So the President after visiting the troops, visiting iba’t-ibang mga headquarters ng mga AFP sa Mindanao these past few days napagod, so medyo sumama ang pakiramdam ng Pangulo?

SEC. ANDANAR: Oh, kaysa naman sabihin ng Pangulo—kung ikaw iyong halimbawa, pamilya ng sundalo, tapos sasabihin na the President is scheduled to attend the wake, the burol, tapos hindi dumating ang Pangulo. Tapos sabihin, bakit hindi dumating ang Pangulo?

ERWIN: Masakit iyon.

SEC. ANDANAR: Kasi po natulog ng maaga kasi merong flag ceremony, bukas.

ERWIN: Mas masakit iyon.

SEC. ANDANAR: Mas masakit iyon, dahil teka muna, ito nga itong sundalo nagpakamatay ng mamatay ng dahil sa iyo, iyon yun di ba? The time calls for it. So, I don’t see anything wrong with it na ang oras ng Pangulo ay inilalaan niya sa mga taong mas kailangan siya.

ERWIN: Okay, sir, madagdag ko lang. Ano po ang reaksyon n’yo rito na tinawag pa ni Trillanes si Duterte na tackless at walang disiplina sa katawan, sir?

SEC. ANDANAR: Alam naman natin si Senator Trillanes will always be the perennial oppositionist; he will always be the perennial critic.

ERWIN: Pero dapat, sir, ilagay naman sa tama. Kasi hindi na ho magandang Pakinggan eh, daldal ka ng daldal without thinking, sasabihin mo walang disiplina sa katawan iyong tao. Eh may mga ginagawa naman ang Pangulo. Kaya nga, Sec, kung may bakya is Ivy rito, bakyain ko iyong bunganga nitong hinayupak—ikaw hindi ka puwedeng magsalita ng ganoon, ako lang ang pupuwede. Kung ako lang magkabila bakyain ko, isungalngal ko sa bunganga niya itong bakya ni Ivy eh. Eh nabubuwisit na ako talaga, Secretary, puro daldal na lang eh.

SEC. ANDANAR: Mas masakit iyong bakya ni Kenneth.

ERWIN: Hindi nakabakya si Kenneth, nakasapatos.

SEC. ANDANAR: Ano pala sapatos ng kabayo.

ERWIN: Anyway, Sec, itong sa Marawi, the President is being briefed everyday right, ang situation diyan day by day?

SEC. ANDANAR: Araw-araw po iyan, partner at mga kababayan. Kung ang mga Secretary nga ay bini-brief ng nangyayari, halos araw-araw din; lalo na iyong Pangulo, kasi siya talaga iyong nasa ibabaw niyan eh bilang Commander-in-Chief. Sa akin, sa ganang akin, partner, let’s just move forward and let’s continue to pray for our soldiers, let’s continue to pray for our kapwa Pilipino diyan sa Marawi. Hindi po ito maganda ang nangyayari, alam po natin lahat ito. Let’s continue to pray for unity and for peace and meanwhile habang nangyayari iyong bakbakan sa Marawi, asahan po natin na ang Mindanao ay napakalaking isla at marami pang mga lugar sa Mindanao, tulad ng Iligan, Cagayan De Oro, Bukidnon, Davao.

ERWIN: Surigao.

SEC. ANDANAR: Surigao, Butuan. Let’s continue to pray for our soldiers and let’s also remember that Mindanao is a huge island, marami po tayong mga kababayan diyan. Iyong mga lugar po na Cagayan De Oro, Iligan, Cotabato, sa mga lugar ng…Misamis Occidental, Oriental, Caraga Region ay tuloy po ang kalakalan diyan, tuloy po ang buhay, napaka-peaceful po ng lugar. Lugar ng Bukidnon galing akong Manolo Fortich, diyos ko parang wala ka sa Mindanao, parang nasa New Zealand o Australia. Siguro nakita mo na iyong Bukidnon, partner, di ba?

ERWIN: Nakita ko.

SEC. ANDANAR: Scenery.

ERWIN: Maraming pinya.

SEC. ANDANAR: You will really experience the Philippines sabi ni Secretary Wanda. Kaya ako, I just enjoin the population, the Filipinos to continue praying for our soldiers and the civilians in Marawi, partner.

ERWIN: Secretary Martin Andanar ng PCO, maraming salamat. Sir, magandang umaga, mabuhay po kayo, Sec.

SEC. ANDANAR: Salamat po, good morning po.

##

SOURCE: NIB Transcription