Interview with Presidential Communication Operations Office Secretary Martin Andanar
By Jimmy Gil
22 June 2017

JIMMY: Secretary Andanar, magandang gabi po.

SEC. ANDANAR: Magandang gabi po, Ka Igme. Are we talking about Executive Order No. 28?

JIMMY: Opo, iyong paputok. Unang-una, ano po ba ang pinakadahilan niya, bakit pinirmahan ng ating Pangulo iyang Executive Order 28?

SEC. ANDANAR: Well, meron naman tayong…sa Davao City na kung saan ay strict ang Davao City pagdating ng paputok eh. Pero napansin ko na mas lenient nga itong Executive Order #28 natin eh. Kasi hindi naman siya talaga totally banned iyong pyrotechnics or firecrackers. In fact, we encourage…the government encourages the Local Government Units to have a fireworks display every time na…kung merong mga events tulad ng New Year, fiesta, birthday, etcetera. And then—which actually make it safe for everyone. Kasi kung nag firecrackers naman ay display iyong gagawin and then iyong mag-o-operate iyong mga professionals, iyong mga accredited ng Philippine National Police and then the Local Government Units magbibigay din ng permits para gawin iyon. So maiiwasan iyong mga mapuputukan ng daliri, maiiwasan iyong at least kahit papano iyong pollution, iyong sunog, kasi nga it will be done in a safe zone.

JIMMY: Secretary, ano ang—let say, bigyan n’yo nga kami ng ehemplo. Ano ang hindi puwede sa ilalim ng Executive Order 28?

SEC. ANDANAR: Ang Philippine National Police, Ka Igme, ay gagawa sila ng listahan na ilalagay nila doon iyong mga paputok na illegal; iyong mga paputok na kaya nang basagin iyong ulo o durugin ng daliri, iyong mga ‘Goodbye Philippines.’ So maglalagay sila ng mga specific na paputok na bawal. Number one, iyon yun.

Number two, bawal daw pong magpaputok lang ng firecrackers indiscriminately kahit sa bahay mo, anywhere, kung wala kang permit. So therefore, hingi ka permit ngayon sa LGU. So hihingi ka ng permit. Bigyan ka ng permit para magpaputok, and in there the place where you can do that.

JIMMY: Kung halimbawa sasabihin mo sa loob ng aking bakuran, hindi puwede iyon?

SEC. ANDANAR: Ang magbibigay ng permit diyan ay iyong LGU. So depende iyan sa LGU kung ano iyong lugar na—

JIMMY: May designated place.

SEC. ANDANAR: Ide-designate nila as a fireworks display area. So, pero hindi pa tapos iyon, because hihingi ka rin ng listahan sa Philippine National Police doon sa mga accredited na firecracker companies na kayo iyong operator na puwedeng—hindi puwede na ako lang, sisindihan ko iyong triyanggulo, hindi puwede iyon. Kailangan talagang professional fireworks operator ang nandoon. So at least safe tayong lahat, safe iyong mamamayan.

New Year halimbawa, iwas iyong mapuputulan ng daliri, iwas iyong sunog tapos at the same time ito pa, you are in a designated fireworks display area; mas madali ding hulihin iyong mga nagpapaputok ng baril indiscriminately, hindi ba? Oh kasi habang nagpuputukan doon sa kabila, biglang maririnig mo doon sa kalye mo merong nagpaputok ng baril, mas madaling mahuli iyong ganoon.

So this is a very good Executive Order for the entire Philippines. And it is just fair na ngayon siya ine-release kasi nga at least iyong mga negosyante natin, ng mga fireworks company, ay hindi pa sila nakakapag-invest ng pera doon sa fireworks para ibenta—

JIMMY: Lalo na iyong mga malalakas, sobrang lakas.

SEC. ANDANAR: Yes, sir.

JIMMY: Along that line, Secretary Andanar, ano iyong mga epekto sa industriya? Sapagkat iyang industriya ng paputok, matagal na iyan, hindi ho ba. Bata pa si Sabel, nandiyan na especially iyong Bulacan. Ano ang epekto niyan sa industriya?

SEC. ANDANAR: Palagay ko Ka Igme, ano ang magiging opportunity nila. So they have now an opportunity to professionalize their industry or the industry of pyroclastic—or pyrotechnics. Iyong mga tindahan, mga pabrika sa Bulacan will now have an opportunity to professionalize their company.

JIMMY: Wala na po iyong gumagawa ng paputok sa likod ng bahay?

SEC. ANDANAR: Wala na iyon. They will have to professionalize. I don’t know how they will do it; maybe they will create a cooperative, whatever, pero kailangan mayroon ng permit ng Philippine National Police. So therefore may permit na galing sa Philippine National Police, then meron ding panuntunan iyong PNP na dapat nilang sundin. And since kailangan din na professional din iyong mga operator na magpapaputok, then they will have to train. So once that happens mas gaganda iyong uri ng firecrackers, maiiwasan natin iyong mga firecrackers na hindi na tama, iyong nakakamatay na ng tao and this will be good for everyone.

Now, all the local government units now, this is also an opportunity for them to have a competition of firecrackers, iyong mga firecracker displays. Halimbawa, sa Pasko o sa New Year, halimbawa maglalabanan ng ano, barangay ganito o barangay niyan kung sinong pinakamangandang display, hindi ba. So ngayon pagalingan ngayon ng firecracker display, firecracker strategy kung papano mo…parang iyan sa MOA, Ka Igme, di ba may mga competition.

JIMMY: Iyon bang ganoong standard, halimbawa katulad ng sinasabi ninyo itataas iyong standard. Meron ho ba tayong potential na makapag-export?

SEC. ANDANAR: I think so. Kasi iyong mga firecrackers companies sa Bulacan magagaling naman eh, magagaling naman sila. Ang nagiging problema lang ay hindi talaga siya ganoon ka ano eh…what do you call that? Hindi siya controlled at walang masyadong professionalism sa industriya in such a way that dapat lahat sumunod di ba. Maraming magagaling, meron ding mga lagpak. So this is an opportunity for the firecracker companies to improve their services and their products and use material approved by government, by the Philippine National Police and also by the Local Government Units.

JIMMY: Last question, sir. Walang binabanggit yata doon sa EO 28 iyong penalties?

SEC. ANDANAR: I think tama iyan. Magkakaroon iyan ng IRR kung papano ito ipapatupad. Siguro magkakaroon pa niyan, siguro wala pa diyan iyong detalye. But the opportunity really here is—gusto kong sabihin sa mga kababayan natin na nasa negosyo ng firecrackers, there’s an opportunity to professionalize your business, to level up the quality of your firecrackers and also to become legitimate for the mom and pops na nasa likod lang ng kanilang bahay gumagawa ng paputok. So this is really a great opportunity for the industry, I think ha. Kasi imagine mo, isang local government unit magkakaroon ng isang malaking firecrackers display on a New Year’s day or fiesta. Ngayon hindi naman puwedeng magpatalo iyong isang munisipyo sa isang munisipyo, hindi ba? Sa Chinese New Year, ganundin di ba.

Feeling ko, there’s an opportunity in every executive order—or in change there’s an opportunity and that is the opportunity that I see – professionalism and also of course the opportunity for people to enjoy a more, I would say colorful fireworks display at the same time na hindi naman sila masusugatan o mapapahawak.

JIMMY: Bueno, Secretary Andanar, salamat po sa panahong ipinagkaloob ninyo sa amin.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Ka Igme. Mabuhay po ang DZBB.

##

Source: NIB Transcription