Interview of PCOO Sec. Sonny Coloma 
DZRB – Radyo ng Bayan / “Kaagapay ng Bayan” with Marie Peña-Ruiz and Oliver Abelleda
25 June 2016 
QUESTIONS AND ANSWERS:

Ms. Ruiz: Sir, may opening statement kayo po? It’s Seafarers’ Day today.

SEC. COLOMA: Kaisa tayo ng sambayanan sa pagbibigay pugay sa mga Pilipinong mandaragat o seafarers. Sa buong daigdig, kinikilala at tinatanghal sila bilang pinakamahusay, pinakamasipag at may kakayahang maghatid ng mataas na kalidad ng paglilingkod.

Dahil dito, ang mga Pilipino seafarers ang pinakamarami sa buong pandaigdigang industriya maritima.

Filipinos are highly regarded in the global maritime industry by dint of their competence, skill and high level of professionalism. Mabuhay ang mga Pilipino seafarers.

Mr. Abelleda: Sir, ang katanungan ko po, sir. ‘Yun tungkol po doon sa kidnapping ng Indonesian seamen. Kumusta sir ‘yung monitoring po ng Malacañang po doon sa pag-kidnap sa pitong Indonesian sa Sulu? Ano po ‘yung pinakahuling impormasyon po na hawak po ng Malacañang po sa bagay po na ito, sir?

SEC. COLOMA: Nakausap po natin ang spokesperson ng Armed Forces of the Philippines, Brig. Gen. Restituto Padilla at siya po ay nagpadala sa’kin ng ganitong ulat sa pamamagitan ng text message. I quote Gen. Padilla: “As of late yesterday, we still have no direct and solid confirmation of the report.  What we have are reports from Indonesia and an advisory from their military command. The AFP Western Mindanao Command and Philippine Navy are still trying their best to confirm and validate this report.”

Mr. Abelleda: Sa ibang issue naman po, sir. Tungkol po doon sa panukalang ‘Exact Change Act.’ Kukumustahin lang po natin sir sana ‘yung kinahinatnan na po nitong panukalang batas na ito po para sa saktong sukli. Kasi alam po natin nakahain po ito ngayon sa tanggapan po ng ating Pangulo. Kasi ilang araw na lang po ay matatapos na po ang termino ng ating Pangulo. Posible kaya sir na i-veto po ito ng ating Pangulo po, sir?

SEC. COLOMA: Paglilinaw lang, Oliver. Ayon sa Presidential Legislative Liaison Office o PLLO, humigit kumulang 60 enrolled bills galing sa Kongreso ang kasalukuyang sumasailalim sa review ng tanggapan ng Pangulo, partikular ng ODESLA, Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs.

Maaring isa na diyan ‘yung Exact Change Act. Ayon sa batas, may 30 araw upang pag-aralan ang mga ito ng tanggapan ng mga pangulo. May mga enrolled bills na isinumite pagkalampas ng Hunyo 1. Meron ngang isinumite noon lamang Hunyo 16.

Kailangan ang masusing pag-aaral ng bawat enrolled bill. Upang magkaroon ng sapat at makatwirang batayan ang Pangulo sa pagpasya hinggil dito.

Mr. Abelleda: Sa ibang balita naman po, sir. Sa ibang issue, tungkol po doon sa plano po ng incoming DBM Chief na dagdagan po ‘yung deficit or borrowing cap. Alam naman natin sir na naging matagumpay po ang administrasyong Aquino sa pangangasiwa sa fiscal deficit po natin. Ano po ang reaksyon sir ng Malacañang doon po sa plano pong ito ng incoming DBM Chief na itaas po ‘yung deficit or borrowing cap po sa 3 percent. Kasi ngayon ay nasa 2 percent lang po ito, sir.

SEC. COLOMA: Nasa pagpapasya ng magiging DBM Secretary sa papasok na administrasyon ang bagay na ‘yan. Hindi ako awtorisadong magsalita para sa kanya.

Ang batid ko lang ay ito: Kailangang isumite ang panukalang pambansang budget isang araw pagkatapos ng State of the Nation Address o SONA ng Pangulo sa pagbubukas ng Kongreso sa ika-apat na Lunes ng Hulyo.

Mr. Abelleda: Sir, sa ibang issue naman po ulit. Tungkol po doon sa ‘yung balitang-balita po at maraming bansa po ang nabigla rin ho dito, ‘yung sa Brexit.

Ms. Ruiz: Okay, sir. Sa assessment ninyo, can the Philippines withstand the effects of Brexit? Kasi may mga analysts po na nagsasabi na maaring maapektuhan ‘yung mga Pinoy migrants at remittances.

SEC. COLOMA: Ayon kay Secretary Rosalinda Baldoz ng DOLE, karamihan sa mga manggagawang Pilipino sa United Kingdom ay mga nurses. Ang kanilang paglilingkod doon ay hindi nakasalalay sa pagiging miyembro ng United Kingdom sa European Union. Dahil ang sumasaklaw sa kanilang pagta-trabaho doon ay mga batas ng United Kingdom, hindi ng European Union.

Sa kabuuan naman, ayon kay Secretary Purisima ng Department of Finance, hindi dapat maligalig sa kaganapanang ‘yan. Dahil matatag ang macroeconomic fundamentals ng ekonomiya ng bansa, na nailatag ng Aquino administration sa nakaraang anim na taon. Ganon pa man, hindi din dapat maging overconfident o kampante lamang.

Tatlong mahalagang dapat gawin ng bagong pamahalaan: Una, ipagpatuloy ang pagpapalakas sa ekonomiya; ikalawa, lalo pang pagtibayin ang kumpyansa ng mga investors at ng global financial markets; ikatlo, ipagpatuloy ang mga repormang tumutukoy sa mga balakid sa mas mabilis na pag-unlad ng ekonomiya.

Lahat ng ito ay nakabatay– o lahat ng ginawa ng Aquino administration hinggil sa mga bagay na ito na marapat na ipagpatuloy ay nakabatay sa mga prinsipyo ng mabuting pamamahala sa Daang Matuwid.

Ms. Ruiz: Magandang assurance ‘yan sa ating mga kababayan. Sir, marami pong nagtatanong kung idedeklarang holiday ‘yung June 30, ang inauguration po ni Mr. Rodrigo Duterte?

SEC. COLOMA: Hanggang sa ngayon, Marie, ay wala pa tayong natatanggap na impormasyon hinggil sa status ng pagta-trabaho sa ika-30 ng Hunyo. Ipapabatid natin sa publiko sa lalong madaling panahon kapag nagkaroon ng impormasyon hinggil diyan.

Ms. Ruiz: Sir, can you give us a walkthrough of President Aquino’s activities on June 30. ‘Yung anong mga gagawin niya, ‘yung scenario sa Malacañang hanggang sa pagbaba niya po. Alam ko po merong departure honors, pero bago ‘non po.

SEC. COLOMA: Ayon sa kanya mismo, sa mga binigay niyang mga exit interviews sa iba’t ibang media organizations nitong mga nakaraang linggo. Tutungo siya sa kanyang tahanan sa Times St. Quezon City, pagkatapos niyang makipagkita at kausapin ang hahalili sa kanya, si President-elect Duterte sa Malacañang Palace.

Wala na akong iba pang impormasyon hinggil dito sa kasalukyan.

Ms. Ruiz: Sir, with only parang ilang araw na lang ‘no, and then alam natin ‘yung sa economic growth, maraming achievements doon sa larangan ng ekonomiya at saka ‘yung sinasabi nga ni Pangulong Aquino na ang kanyang pinakamagandang legacy ay ‘yung change in attitude of Filipinos, naging positibo, imbes na mga laging hopeless. Ano pa ba po ang pwede niyong mabanggit na accomplishments ng Aquino administration?

SEC. COLOMA: Medyo mahaba ito. Handa ba tayo para makinig sa mahaba-habang ulat?

Mr. Abelleda: Go ahead po, sir.

SEC. COLOMA: Parang hindi yata ganado si Chairman.

Ms. Ruiz: Go ahead, sir.

SEC. COLOMA: Si Oliver lang suma-sangayon. [Tawa] 

Ms. Ruiz: Kasi sir hindi niya binubuksan ‘yung mic ko.

SEC. COLOMA: [Tawa] Hindi, sige ‘no. ‘Yung una parang summary muna. Ano ang pananaw ng daigdig sa Pilipinas? Anim na taon makalipas ang panunungkulan ng Aquino administration. ‘Yun munang sa view from the outside, Marie and Oliver.

Ibibigay ko ‘yung kahalintulad na rating or ranking ng Pilipinas sa iba’t ibang panukat ng global competitiveness.

Una ‘yung sa Corruption Perceptions Index ng Transparency International, batid naman natin ‘nong kumapanya si Pangulong Aquino sa pagka-pangulo ang kanyang battle cry ay “Kung walang corrupt, walang mahirap.”

Kaya noon pong 2010, ayon sa Transparency International, ang Corruption Perceptions Index sa Pilipinas ay 134. By 2015 ay 95 na po. So napabuti natin ng 39 ranks ‘yung ating… ‘yung pananaw ng daigdig dahil malaki na ang ating nagawa laban sa corruption. 

Doon naman sa Doing Business Report ng IFC, International Finance Corporation ng World Bank, ito’y mahalagang senyales o palatandaan kung gaano kadali mag-negosyo sa isang bansa at isa ring overall measure ng governance sa iba’t ibang bansa.

 ‘Nong 2010, ang ranking natin ay 148. ‘Nong 2015 ay 103 na. Kaya bumuti ng 45 posisyon ang pananaw ng daigdig sa atin. 

Doon naman sa Economic Freedom Index, ‘nong 2010 ay 115; 2015 ay 70. Kaya tumaas din ng 45 ranks ‘yung ating Economic Freedom Index. 

Doon sa Global Competitiveness Index ng World Economic Forum ‘nong 2010 ay no. 85 tayo; 2015 no. 47, kaya halos kalahati ‘yung linampasan natin. 

Doon sa Global Enabling Trade Index ng World Economic Forum din, from rank 92 in 2010, naging rank 64 tayo in 2015.
Doon sa Travel and Tourism report din ng World Economic Forum, from 94 to 74. 

Kaya makikita natin sa iba’t ibang larangan, sa pananaw ng daigdig ay malaki na ang naiangat ng ating bansa at kung inyo pang mararapatin, meron akong summaries sa iba’t ibang larangan. Bibilisan ko na lang para madali nating matunghayan. Ito ‘yung mga iba pang major accomplishments ng Aquino administration:

Batid na natin ‘yung from Sick Man of Asia to Asia’s Rising Star; may 6.2 average annual growth, pinakamataas nitong nakaraang 40 taon; napababa natin at napatatag ‘yung consumer prices natin, steady inflation at an average of 1.4 percent at the end of 2015, lower than the 2.2 percent average inflation in the whole of Asia.

Nakatamo rin tayo ng investment grade rating from various credit rating agencies including Fitch, Standard & Poor’s, and Moody’s due to the country’s sound macroeconomic fundamentals. 

Napataas natin ang employment rate from 92.7 percent in 2010 to 94.2 percent in January 2016. Kaya nga sinasabi na ‘yung natamo nating unemployment rate na 5.8 percent ang pinakamababa sa mga nakaraang dekada. 

At naipataas din natin ang koleksyon mula sa sin taxes at dahil dito nakapangalap tayo ng substantial revenues para sa ating Universal Health Care program. 

‘Yung investment sa infrastructure, naitaas mula 1.8 percent of GDP in 2010 to about 5 percent of GDP sa kasalukuyang taon. Together with the active promotion of public-private partnerships o PPP, 12 PPP contracts were awarded to private partners, more than the combined six solicited projects awarded during the past three administrations. 

8.77 percent annual growth rate in international tourist arrivals from 2010 to 2015. 

Ang ikalawang kategorya naman at ito ay naaayon doon sa mga prayoridad sa Philippine Development Plan ay ‘yung poverty alleviation and social protection. 

Napalawig o na-expand ‘yung Pantawid Pamilyang Pilipino Program na sa kasalukuyan ay sumasakop sa 4.6 milyong maralitang kabahayan at dahil din dito at ‘yung kaakibat niyang conditional cash transfer program o CCT, naingat sa ibabaw ‘nong poverty threshold ang humigit kumulang 7.7 million Filipinos. 

Kung tutunghayan din, iyong datos ng Social Weather Stations, ‘yung self-rated poverty at self-rated food poverty ay nakapagtala ng pinakamababang antas o record lows of 46 percent and 31 percent, respectively, in the first quarter of 2016. 

Napaigting din ‘yung universal health care: intensified access to quality health care including the Universal Health Care program of PhilHealth na ngayon ay sumasakop na sa 93.45 million Filipinos. 

Susunod ay ‘yung enactment of the Enhanced Basic Education Act of 2013 which institutionalized the K to 12 Basic Education program which made our educational system comparable to that of the rest of the world. 

At ito rin ‘no, elimination of backlogs in classrooms and textbooks. 89,720 classrooms are constructed from 2010 to March 2016, with another 95,429 scheduled for construction. This is coming from a shortage of 66,800 classrooms in 2010 and more than double the number of classrooms built from 2005 to 2009. The 1:1 ratio of textbook to students was also achieved. Furthermore, 170,000 additional teachers were hired. 

Pinakahuli, dito sa kategoryang ito: provision of technical assistance to more than 10 million youths who are now properly equipped with training skills and certification to join the local and foreign workforce or put up their own business. A most recent study by TESDA shows that six out of 10 of its graduates get immediate employment within six months to one year after completion of the program. 

Ang ikatlong kategorya naman, Marie at Oliver, ay peace and order. Dalawa ang babanggitin natin diyan: Una ‘yung signing of the historic Framework Agreement and Comprehensive Agreement on the Bangsamoro with the Moro Islamic Liberation Front or MILF which paves the way for peace, stability and development in Mindanao. 

Ang ikalawa ay ‘yung modernization of the Armed Forces with approximately 60 billion pesos allotted for military capability upgrading projects under the AFP Modernization and Capability Upgrade program, Republic Act 10349, enacted in December 2012. 

An unprecedented amount of new assets were obtained through procurement and as part of military aid and cooperation programs in other countries. 

Ang susunod na kategorya naman ay ‘yung climate change and disaster resiliency. Ito ang mga highlights: Napahusay natin ‘yung ating disaster preparedness, mitigation and response through the PAGASA Modernization Act at ‘yung paglulunsad ng Project NOAH,Nationwide Operational Assessment of Hazards. 

Naisagawa din ‘yung National Greening Program which reversed massive forest denudation and earned for the Philippines the 5thrank worldwide, in terms of greatest forest area gained from 2010 to 2015.

Susunod diyan ay ‘yung Flood Management Master Plan na nagkakahalaga ng 351.72 million pesos. Kasama dito ‘yung upgrading and rehabilitation of the Mandaluyong main drainage at ‘yung Blumentritt Interceptor Catchment area — ito ‘yung tumutugon sa problema ng pagbabaha sa Maynila at Mandaluyong at marami pang kahalintulad na programa para sa mga kalapit na lugar hanggang sa Bulacan at Laguna.

At doon naman sa traffic decongestion, ito po nangunguna dito ‘yung acquistion of 48 new coaches for MRT-3. Matatapos po ang lahat ng ito, ‘yung pag-deliver by January 2017. Nailunsad din ‘yung LRT-1 extension project which will connect Baclaran to Niyog in Cavite through an additional eight stations.

Isinasagawa na sa kasalukuyan ‘yung LRT-2 extension to Masinag, expected to be operational by third quarter of 2017. Nailunsad din po ‘yung MRT-7 na tatakbo sa pagitan ng North Avenue in Quezon City and San Juan Del Monte in Bulacan. Inumpisahan na po ‘nong nakaraang Abril ang construction nito at kapag natapos ay maglilingkod sa mahigit 350,000 passengers per day. 

Nariyan din ‘yung Skyway stage 3 which will link NLEX and SLEX via an elevated toll road and cut travel time between Buendia in Makati and Balintawak in Quezon City from two hours to just 20 minutes. This project is scheduled for completion in April 2017. 

Nailunsad din ‘yung Manila Bus Rapid Transit system na 12.3 kilometers segregated bus rapid transit from Quezon Memorial Circle to Manila City Hall. Similar system is being developed in Cebu. 

Kaya ‘yan po ang summary ng major accomplishments sa iba’t ibang larangan ng ating Philippine Development Plan. Komprehinsibo po ito, sakop ‘yung economic development, poverty alleviation and social protection, peace and order, climate change and disaster resiliency. At mismo din ‘yung maibsan ‘yung traffic decongestion problems dito sa Metro Manila at maging sa Metro Cebu.

Ms. Ruiz: Maraming Salamat Secretary Coloma for that. And, with just how many days to go, ano po ang mensahe ng Aquino administration sa taong bayan, sa pag-bow out ng administrasyon sa June 30, 12 noon.

SEC. COLOMA: Itong mga nakaraang araw, Marie ay maraming pagkakataong ang ating Pangulo sa iba’t ibang talumpati na iparating ‘yung kanyang pasasalamat sa matibay na suporta na iginawad ng sambayanang Pilipino, sa pagtitiwala ng mga mamamayan sa kanilang pamahalaan na nagbunsod sa maraming mahalagang pagbabago. 

At itong nakaraang Araw ng Kalayaan, isa sa kanyang malinaw na panawagan ay ‘yung patuloy nating pagkilala sa kahalagaan ng demokrasya, pagtatanggol sa ating mga karapatan, at pagtitiwala na sa demokrasya at sa sama-samang pagkilos ng mga mamamayan, ang matatamo natin ang mas mataas pa ng kaunlaran at magiging maaliwalas ang kinabukasan ng ating bansa. 

Nagpapasalamat siya sa pagkakataon at sa karangalang makapaglingkod bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. 

Ms. Ruiz: Maraming salamat po. And as our boss, kasi under niyo siyempre ‘yung Radyo ng Bayan, sir, maraming salamat din sa inyong mga ginawa para sa amin, sir.

SEC. COLOMA: Maraming salamat sa inyong suporta at tapat na paglilingkod at mabuhay ang Republika ng Pilipinas. 

Ms. Ruiz: Salamat din sir, kayo ang – sa inyo Secretary Coloma, Undersecretary Rey Marfil, Undersecretary Jess Yu, at tsaka si Asec. Jo Paolo Espiritu sa inyong mga naging tulong sa Malacañang Press Corps para maihatid ang napapanahong balita at tsaka ‘yung mga aktibidad po ni Pangulong Aquino.

Mr. Abelleda: Maraming salamat po sa inyo. 

SEC. COLOMA: Mamimiss ko siguro ‘yung inyong walang sawang pag-text sa’kin.

Mr. Abelleda: Hahanap-hanapin din namin kayo, sir.

SEC. COLOMA: Hahanap-hanapin ko rin ang pagte-text ninyo. Pero siguro naman ay mag-eenjoy din tayo sa pagbabakasyon. 

Ms. Ruiz: Ay, oo sir. Ano bang gagawin niyo? Magtuturo ba ulit kayo sir?

SEC. COLOMA: Well, isa ‘yan sa ating mga opsyon, Marie. Pero ang pinaka-immediate ay ‘yun munang pagbabakasyon at pagpapahinga.

Ms. Ruiz: Tama. Okay, sir. Good luck sa inyong mga bagong career at salamat po sa staff din ninyo. 

SEC. COLOMA: Maraming salamat. Magandang umaga at mabuhay po tayong lahat.