Interview with Presidential Communication Operations Office Secretary Martin Andanar
By Erwin Tulfo – Punto Asintado / Aksyon TV
26 June 2017 / 9:08 – 9:26 A.M.

ERWIN: Good morning, Sec.

SEC. ANDANAR: Good morning partner at good morning sa lahat ng nakikinig sa Punto Asintado. Eid Mubarak sa mga kapatid nating Muslim.

ERWIN: Alright, diretso na po tayo, Secretary. Kasi ito nga 1 year na ang Pangulo, mayroong isa diyan na nagngawngaw at nagngakngak, hindi ko alam kung nakasinghot ba ito ng marijuana o shabu at hindi yata alam eh sinabi epic failure itong administrasyon na ito – iyong traffic lalong lumala, unemployment lalong tumindi, iyong peace and order lalong nagkagiyera daw doon sa Mindanao. Mukhang sa iba nakatingin ho ito eh. Eh kaya nga hindi ko napigilan ang sarili ko noong Sabado ipinaliwanag ko isa-isa, pero mas maganda siguro sir na ikaw na magpaliwanag sa kumag na ito kung ano ba nagawa na ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte in one year, Mr. Secretary, sir?

SEC. ANDANAR: Unang una diyan partner, salamat sa pagkakataong ito. Nakita naman natin na ang unang achievement ni Presidente ay iyong war against illegal drugs or war against hard drugs kung saan umabot po sa 1.2 billion iyong mga surrenderer at bilyong bilyon na halaga ng mga droga at mga paraphernalia at kasama na rin laboratoryo ng droga na nakumpiska ng ating gobyerno at pakaunti ng pakaunti na po iyong bentahan ng droga sa kalye.

Number 2, nandiyan din po iyong more than 35 billion dollars na nakuha ng Pangulo at investments para sa bansa natin mula doon sa mga biyahe niya sa ASEAN, sa China, Japan, Russia, sa Peru, New Zealand na makikita naman natin na in terms of cost benefit analysis na iyong bilyong bilyong halaga, sabi nga ng Department of Finance, ay for every piso, isang libong piso po iyong nai-uwi ng gobyerno. So iyong mga lumalabas sa diyaryo na si Presidente ay most traveled President in his first year dito sa Pilipinas, totoo po iyon pero totoo din po na as the President who is the most traveled during his first year eh siya rin po iyong pinakamalaking nakuhang investments mula sa ibang bansa, totoo rin po iyon.

Pangatlo po, iyong walang tigil na pakikipag-usap ng ating pamahalaan sa Moro Islamic Liberation Front para magkaroon ng kapayapaan sa bansa natin; at iyong walang tigil din po na usapan, na pag-uusap between the CPP-NPA-NDF and the government that in itself is already an achievement.

Ngayon iyong mabilis po na pag-aksiyon ni Presidente doon sa mga tanim bala, iyong mabilis na pagpirma ni Presidente sa Freedom of Information na inupuan po noong nakaraang administrasyon, ito po iyong mga pinangako nila noong kampanya, si Presidente wala pang isang buwan sa puwesto ay pinirmahan niya iyong FOI pati rin po iyong administrative order for media security, na alam naman natin na ang Pilipinas ay nailagay doon sa listahan ng iba’t ibang grupo sa labas ng bansa na one of the most dangerous place for journalist kaya pinirmahan agad itong AO to ensure the safety of the media. Napirmahan din ng Pangulo recently iyong Executive Order para sa firecrackers para naman po sa susunod na Bagong Taon selebrasyon ay kumpleto iyong daliri ng ating mamamayan. At mayroon din tayong malinis na hangin na nilalanghap dito sa Metro Manila at sa buong bansa. And also to professionalize our pyrotechnic industry sa Pilipinas.

Pinirmahan din po ni Presidente ang EO na ipinagbabawal po iyong paninigarilyo sa public places at marami pang iba sa mga programa na talagang mabilis – even in just one year – ay nagawa agad ng Pangulo. The presence of the President in public ay hindi mo maipagkaila na mula noong naupo siyang Pangulo mula noong June 30 hanggang ngayon ay very visible po ang ating Pangulo, very transparent po siya. Halos nakikita natin siya araw-araw sa TV, radyo, sa diyaryo, sa Facebook na kinakausap ang pulis, ang militar, ang iba’t ibang organisasyon sa bansa natin at ibang mga ahensiya ng gobyerno; parang hindi natigil po ang campaign trail.

So our President is working so hard. Kitang kita naman natin sa kaniyang economic policy, nandiyan iyong Dutertenomics, nandiyan po iyong build, build, build kung saan by 2018 ay sisimulan na iyong proyekto ng Mindanao Railway Project na at last after how many years na pinabayaan po ang Mindanao, magkakaroon na po ng railway ang Mindanao; after how many years na napabayaan po iyong riles dito sa Metro Manila papuntang Bicol, papuntang Norte masisimulan na din po iyan, iyong project po para maibsan ang traffic sa buong Metro Manila. Ngayon po ay patuloy naman na inaayos at kino-construct iyong mga Skyway, kino-construct itong bagong linya ng MRT papuntang—

ERWIN TULFO: Sir—

SEC. ANDANAR: Papuntang Commonwealth—

ERWIN: Sir, makasingit lang ako, Sec. ano?

SEC. ANDANAR: Opo sige po.

ERWIN: Siguro maalala ninyo rin, eh siguro narito pa kayo noon noong nangangampanya pa lang ang Presidente. Eh wala akong matandaan na sinabi ng Pangulo na ‘pag siya ay naupo reresolbahin niya ang traffic in one year. May narinig ba kayo? Kasi ako wala akong narinig eh, wala akong naisip na ganoon.

SEC. ANDANAR: Mayroon pong sinabi ang Pangulo tungkol sa traffic pero sabi niya to the effect that there’s no silver bullet solution to traffic—

ERWIN: Anong ibig sabihin noon? Kasi ipaliwanag ninyo, sir, baka hindi nakaintindi ng English iyong isang kilala natin diyan. Anong ibig sabihin noon?

SEC. ANDANAR: Malinaw po na sinabi ng Presidente na hindi overnight ang solusyon ng traffic. It will be a comprehensive solution sa traffic. Ngayon hindi naman, hindi naman—eh buti sana kung si Presidente ay talagang madyikero ‘no, na paggising mo nandiyan na agad parang genie, hindi naman ganoon eh. Iyong pag-construct po ng mga kalye, pag-ayos ng lansangan, pagdidisiplina sa tao, pag-construct ng underground, hindi po iyan overnight. Siguro sa langit, siguro ganoon. Pero dito po sa kinatatayuan natin, it will take months, years to finish.

ERWIN: Kaya pala sinasabi niya, “Build, build, build,” itong gusto niya, legacy yata na maiwan niya is itong administrasyon ng pinakamaraming nagawang imprastraktura.

SEC. ANDANAR: Opo. Opo. Hello?

ERWIN: Sir, can you still hear me?

SEC. ANDANAR: Build, build, build na aabot ng halos walong trilyong piso na halaga ng budget na ilalagay sa imprastraktura which will—we will experience massive, a massive infrastructure projects in the coming years. Sabi niya, “the golden age of infrastructure.” Kung saan may mga tulay na gagawin na bago, dito lang sa Metro Manila. Halimbawa dito sa Pasig, dalawang tulay ang idadagdag diyan para maibsan ang congestion dito sa may tulay, dito sa EDSA at iyong tulay dito sa Rockwell, so dadagdagan ng dalawa pa iyan. Magkakaroon po ng subway mula NAIA papuntang Fort Bonifacio all the way to Pasig, to Quezon City, iyon po iyong plano diyan and then—

ERWIN: Hanggang kuwan yata, Sec, Caloocan mayroong subway na? Ibig sabihin iyong tren sa ilalim ng lupa?

SEC. ANDANAR: Opo pero ang alam ko iyong project kasi ni Secretary Art na he wants to manage expectation na basta sisimulan siya NAIA tapos darating na ang Taguig, then from Taguig didiretso ng Pasig and then to QC, so parang ano siya by phase.

ERWIN: By phase, phase by phase.

SEC. ANDANAR: Para maramdaman, para maramdaman agad, para makasakay agad. And then ganoon din po sa Mindanao na hindi matatapos lahat iyan pero masisimulan iyong from Davao…the entire stretch of Davao and papuntang Butuan. But iyong plano is the entire Mindanao. So ganoon din po sa Panay Island, ganoon din po dito sa Luzon.

ERWIN: Alright, Sec. iyon namang unemployment lalo raw tumindi. Eh naalala ko rin noong tayo ay nagtatawanan pa dito, ang sinabi rin ng mama, ang gagawin niya makikipag-usap siya diyan, kung kailangan niyang manlimos sa ibang bansa para pumasok iyong mga investor. Eh mukhang ginagawa naman niya. Pero mayroong mga nagsabi, “Eh, tumindi nga ang unemployment ngayong panahon niya.” Ano hong masasabi ninyo dito, Sec?

SEC. ANDANAR: Siguro partner, we also have to consider the fact na—‘di ba, naalala mo noong magkasama tayo diyan sa Punto Asintado na talagang ipinaglalaban mo na huwag munang i-implement iyong K plus 12, ‘di ba?

ERWIN: Correct.

SEC. ANDANAR: Of course, kapag na-implement po iyong K plus 12 mas hahaba iyong panahon na iyong isang tao mag-aaral.

ERWIN: Correct.

SEC. ANDANAR: So hindi siguro na factor iyon sa unemployment kasi siyempre imbis na nasa workforce na eh nag-aaral pa rin so walang trabaho ‘di ba. So ngayon maraming factors iyan, pero ang pinakamahalaga dito ay itong direct foreign investment na pumapasok sa bansa natin hindi lang iyong hot money na puro stock exchange kung hindi iyong mismong nag-i-invest sa bansa natin para magtayo ng mga iba’t ibang mga pabrika o mga trabahog mga—iyong mga kompanya na makakapaglikha ng trabaho, then of course kapag nagkick-in na itong build, build, build, marami pong mabibigyan ng trabaho na mga kababayan natin. And we will experience a growth, a growth in employment and of course a growth in our economy.

Ang mahalaga din dito, tignan natin iyong gross domestic product natin from 6.8 I think last December ang projection po ng mga ekonomista ngayon ay aalagwa ito baka magiging 7 to 7.2 this year. And so far, I believe we are hitting the targets kasi nga sa dami pong nag-i-invest sa bansa natin and the confidence of the businessman na nag-i-invest sa atin, in fact as a matter of fact, iyong Japan ‘di ba nag-invest ng 9 to 11 billion dollars?

ERWIN: Yes.

SEC. ANDANAR: At iyong China 24 billion dollars. So kung ang bansa natin ay hindi mapagkatiwalaan, kung hindi po gumagana iyong ating mga institusyon ay bakit mag-i-invest iyong mga ganitong klaseng bansa sa atin – mga China at Japan, bakit hindi sila mag-i-invest kung wala silang tiwala sa atin. So ibig sabihin may tiwala po ang International community, gobyerno ng ibang bansa at ang mga negosyante mula sa ibang bansa.

ERWIN: Alright, Sec., matanong. Nandito na ba iyong mga ipinangako sa kaniya ng mga ika nga investments ng mga investors. Are they coming or kung hindi pa when are they coming, Sec.? Kailan natin mararamdaman ito?

SEC. ANDANAR: Ang alam ko partner mayroon ng 3 billion na ini-release iyong China—

ERWIN: Dollars?

SEC. ANDANAR: Ang alam ko dollars. Ang alam ko iyong Japan din eh magpipirmahan na si Presidente at si Prime Minister Abe doon sa JICA at saka iyong construction ng subway in the coming months, I think October or November pipirmahan. Marami na pong mga private investors na pumapasok.

ERWIN : So mararamdaman natin lahat ito, is it safe to say around January nandiyan na? May mga hiring-hiring na ng mga tao? Is this correct?

SEC. ANDANAR: Opo, ito po iyong ipinangako sa atin ng Department of Transportation. Ito po iyong sinabi ni Sec. Chavez at saka ni Secretary Tugade na, the bidding process will happen this year and by 2018 simula na po iyong mga trabaho. Pero iyong mga ibang mga projects ay tuloy-tuloy naman iyong mga MRT, LRT—

ERWIN: Oo. Well, panghuli na lamang, Secretary. May mga sinasabi sila sa peace and order daw. Pero tingin ko naman, sir, eh okay naman kasi what Senator Trillanes is raising eh bakit daw tumindi lalo iyong mga NPA, atake ng atake pero hindi niya nakikita iyong sa mga lunsod na nawala na iyong mga holdaper sa mga mall – biglang papasok sa mga mall – iyong mga patayan, iyong mga holdap sa bus mukhang nabawasan talaga ng napakalaking porsiyento, Secretary?

SEC. ANDANAR: Nabawasan po iyong crime against property at saka iyong mga normal na crime na ginagawa ng mga kriminal talaga nabawasan. Iyong ating peace process naman dito sa CPP-NPA-NDF ay nakita naman natin na umandar ulit ito matapos ang ilang taon na natulog. In fact the entire 6 years of the past administration, wala namang peace talks between the CPP-NPA-NDF, tapos iyong hindi po naging successful na BBL noong nakaraang administrasyon ay ngayon ay umaandar na rin sa pamamagitan ng liderato ni Presidente Duterte. Mas naging inclusive po iyong peace panel from I think from 14 naging 21 iyong members nito, iyong sa Bangsamoro peace panel, kung saan naisama po iyong grupong MNLF, kasi ito naman ang dahilan kung bakit pumalpak ito noon at alam ko dini-discuss natin ito partner dahil maraming hindi naisama eh doon sa mesa ‘di ba?

ERWIN: Correct. Correct.

SEC. ANDANAR: Kaya makikita natin na talagang pagdating sa peace process tuloy-tuloy. But then again hindi naman natin maiwasan talaga na itong ISIS – ISIS with an international problem – at simula’t sapul naman the President already warned everyone na after nitong drug problem natin susunod iyong ISIS. But it’s an international problem, it’s common knowledge to everyone na itong mga ISIS na ito sila ay sumusugod sa mga bansa na mahina iyong institutional, iyong institusyon mismo ng demokrasya o ng governance. And sad to say that for the past few years talagang mahina iyong ano…walang sumusunod sa batas etcetera, pero ngayon matibay na, matibay na po at nireporma natin iyong mga institusyon ng ating bansa para ang ating gobyerno ay maging matatag para hindi basta-basta tayo napapasok ng ISIS. Remember that it took them years to set up here in our country—

ERWIN: Tama.

SEC. ANDANAR: And it is one fact that hindi po ito na-address noong nakaraang administrasyon.

ERWIN: Alright, panghuli na lamang talaga, Secretary. I’m sorry I lied to you ano po.

SEC. ANDANAR: Okay lang po.

ERWIN: Eh ngayon pong SONA ito po ba ay—ano po bang magiging itsura ng SONA? Ito po ay report ng Pangulo na after one year iyong kaniyang mga nagawa? Tapos pangalawa pala, isingit ko na rin sir, kailan ba mapipirma… kasi sinasabi yata ni Senator Angara na tapos na po yata, pirma na lang ni Pangulo ang kailangan para doon sa Free College Education Act or law?

SEC. ANDANAR: Opo. Ito pong sa State of the Nation Address, ito ay sa ngayon tinatrabaho na ng PMS, ng PCOO – PCOO ang in-charge sa ano kasi dito partner iyong sa production ‘di ba and the messaging kasama iyong PMS doon. Pero uunahin natin itong one year anniversary ni Presidente sa June 30. So sa June 30 ito rin ay in the process we are working on the report, iyan ang ipapalabas natin sa TV, radyo at saka sa mga diyaryo; and then pagdating naman doon sa iba pang dapat pirmahan ni Presidente ay hintayin na lang natin iyong Office of the President na mag-release ng mga ganitong mahahalagang bagay kasi mahalaga iyong free education para sa mga kababayan natin.

ERWIN: Correct. Correct. Sir, iyong—yeah yeah iyong free education. Anyway, maraming salamat po, Secretary Martin Andanar, sir, mabuhay po kayo.

SEC. ANDANAR: Mabuhay ka pa sir. Mabuhay ka. Eid Mubarak sa mga kapatid nating Muslim.

ERWIN: Thank you po.

###

Source: NIB Transcription