June 27, 2017 – Interview with Presidential Communication Operations Office Secretary Martin Andanar
Interview with Presidential Communication Operations Office Secretary Martin Andanar |
By Gerry Baja – DZMM / Garantisadong Balita |
27 June 2017 / 5:48-5:59 A.M. |
(48:33) GERRY: Secretary magandang umaga. SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Gerry. Good morning sa lahat ng nakikinig ng iyong programa. GERRY: Kumusta po kayo, Secretary? SEC. ANDANAR: Maayos naman. Marami tayong preparasyon para sa first year, 365 days at iyong SONA sa darating na 24. GERRY: Tama iyan. Pero teka bago natin pag-usapan, pati iyang mga travels abroad ng Pangulo. Kumusta po ang Pangulong Digong? SEC. ANDANAR: Ang Pangulong Duterte ay in the pink of health. In fact, mamaya may miting sa Malacañang, sa NEDA, para pag-usapan iyong mga economic policies, kung ano ang mangyayari, mga updates. Kahapon nga nagkaroon ng groundbreaking opening doon sa Tutuban to Clark sa mga istasyon na dadaanan nitong tren na ito, just one of the achievements ng ating Pangulo po ngayong mag-i-isang taon na siya ngayong June 30. GERRY: Marami kasi ang nag-aalala sa kalagayan ng kalusugan ng Pangulo. Merong ibang – sabi nga eh plastik – na gusto naman talagang makita ang Pangulong may sakit, pero marami naman talaga sa mga kababayan natin ang nag-aalala tungkol sa kalusugan ng Pangulo. Lumabas na ba ulit si President Digong in public nitong mga nakaraang araw? SEC. ANDANAR: Hindi pa po. The past few days ay nandoon siya sa Davao at ngayong araw pa lang na ito ay ang expected namin na magkita kami ni Presidente para sa meeting. Pero wag pong mag-alala ang mga kababayan natin, malusog po ang Pangulo natin. Ang kailangan lang po ay magpahinga at mga private time. Saka alam mo naman Gerry, hindi naman ibig sabihin na hindi nagpapakita ang Pangulo, hindi nagtratrabaho dahil sa isang—kahit sinong CEO kung hindi nagpakita ay minsan ay nandoon lang sa opisina nagpipirma lang ng mga dokumento etcetera, mini-meet iyong ibang mga tauhan. Sa sobrang lawak ng burukrasya natin ay marami pong kinakausap ang ating Presidente. GERRY: Ayan importante iyan, sa inyo na nanggaling para marinig ng ating mga kababayan na wala hong problema, okay ang Pangulo, malakas. SEC. ANDANAR: Okay, malakas ang Pangulo, wala pong dapat ipag-aalala ang ating taumbayan. GERRY: Okay, puntahan po natin itong mga report na inilibas—ito ang dami pong reaksyon kaagad, lalo na ng mga nasa social media tungkol dito sa naging report ng Inquirer at Rappler na… sabi po ng Inquirer, ‘the most travelled President’ base ho sa record at ito naman ay base daw sa record at sabi naman ng Rappler hindi lang most travelled, pinakamagastos pa. Totoo po ba iyon, Secretary? SEC. ANDANAR: Totoo naman na most travelled at totoo rin naman na ang nagastos ay nasa mga 300 million na sa mahigit 21 biyahe. Pero siguro ang mahalaga dito Gerry tingnan natin iyong cost benefits analysis natin. GERRY: Iyong ROI. SEC. ANDANAR: Oo, iyong ROI. Kasi kung ikaw ay may negosyo – kung ikaw ay isang Lopez, Ayala, isang Henry Sy o Lucio Tan – kung ang isang piso mo, eh ang palit naman ay isang libo eh siguro nagtatalon ka na sa tuwa. At iyon naman ang nangyari sa lahat ng biyahe ng Pangulo, nakapag-uwi siya ng more than 35 billion dollars. Kumbaga, bukod doon sa investment na nakuha ng Pangulo, talagang napakataas naman talaga itong one year record breaking. Number two, hindi mo malalagyan ng halaga, Gerry, iyong relationship na na-build mo doon sa mga bansa na napuntahan mo. Halimbawa, iyong Middle East, Saudi na sa halos isang taon pong hindi napuntahan nung nakaraang Pangulo natin, ay napuntahan ng Presidente. Alam mo iyong Saudi ang daming trabahong binibigay sa atin at iyong expression lamang na ipinakita ng Pangulo na pinuntahan niya ay nagbibigay ng halaga doon sa tao, doon sa Hari ng Saudi, ay hindi po mababayaran iyon, iyong relasyon na iyon. Ganundin sa Russia, pagbubukas ng relasyon natin with Russia at saka iyong relasyon ni Presidente kay Putin. GERRY: Opo, first time. SEC. ANDANAR: First time in a very long time, hindi ba? So, talagang iyong makikita mo na iyon relationship na iyon hindi mo mabayaran, iyong people-to-people relationship, bukod doon sa actual na return of investment na 35 billion dollars ay iyong relationship na na-establish natin sa iba’t-ibang bansa; at nailagay muli ang bansa natin sa mapa, sa international stage na tayo ay pinapansin muli. GERRY: Okay. So dedetalyehin lang natin ng kaunti. Ang naging gastos ay 386 million pesos plus sa first year sa 19 ba o 21 travels iyong sa record ninyo, Secretary? SEC. ANDANAR: Nabasa ko iyan eh, iyong sa Rappler. GERRY: Sa Rappler 21. SEC. ANDANAR: Tapos iyong sa Inquirer ganundin, pero meron pang hindi lumalabas na budget doon sa FOI na hanggang ngayon ay kina-calculate pa ng Office of the President. Pero ganunpaman kahit na umabot iyan ng 40o million pesos eh kung iyong balik naman ay 35 billion dollar, di ba? Eh napakalayo ho, napakaganda po ng return on investment. Ito iyong cost benefits analysis, iyon ang magsasabi na worth it, worthwhile ang naging biyahe ng Presidente sa ibang bansa at bukod doon iyong bagong relationship na na-establish natin sa ibang bansa at iyong people-to-people relationship, iyon po talaga ang pinakamahalaga doon; bukod doon sa 35 billion dollars. GERRY: Iyong sa 35 billion dollars, Secretary, nandito na ba iyan, meron na bang nandito iyan at nasisimulan nang magamit? SEC. ANDANAR: Ang pagkaka-alam ko, Gerry, iyong 3 billion dollars na galing China ay nandito na, tapos halimbawa iyong groundbreaking nung tren mula Tutuban hanggang Clark kahapon. Once na matapos iyong bidding, which is third quarter of this yea,r matutuloy na iyan. Kasama rin diyan, Gerry, iyong subway na gagawin mula NAIA hanggang Quezon City. Tapos iyong Mindanao Railway Project, tapos iyong railway projects doon sa Visayas sa Panay at iyong mga bridge na bago na darating na gagawin, dalawang bridge sa Pasig, tapos iyong bridge doon sa Visayas, bridge sa Mindanao at iba pang mga…every infrastructure project once na ito ay nag-kick in may trabahong siguradong maibibigay sa Pilipino at iikot ang ekonomiya, mas lalago, mas tataas ang GDP. GERRY: Iyon, eh napakaimportante hong naipapaliwanag natin iyan sa ating mga kababayan. Tama rin naman hindi ho ba na i-report sa bayan kung magkano ang nagagastos ng Malacañang sa mga biyaheng ito. Tama rin naman, pero importante rin na maipaliwanag sa kanila, ano ba ang naging napala natin diyan sa mga biyahe. SEC. ANDANAR: Hindi, tama talaga, Gerry. In the first place, let me remind everyone, ang publiko na dahil doon sa Freedom of Information na pinirmahan ni President, Executive Order Number 2— GERRY: Kaya lumabas iyan. SEC. ANDANAR: Kaya lumalabas ito, nakukuha ng media, nakukuha ng ordinaryong Pilipino kung ano iyong mga gusto nilang malaman tungkol sa gobyerno. GERRY: Opo. Masama po ba ang loob ng Malacañang sa Inquirer at sa Rappler sa paglalabas nito? SEC. ANDANAR: Hindi po, hindi po masama ang loob ng Palasyo. Kaya nga pinirmahan ni Presidente iyong Executive Order 2, Freedom of Information, para sa transparency dahil ito po talaga ay iyong isa sa mga sandata ng ating mamamayan para mas mulat ang ating bansa, iyong transparency. Pero hindi po masama ang loob ng Palasyo, mas gusto nga namin maraming gumamit niyang Freedom of Information na iyan, para lahat ng impormasyon na lumabas at walang pagdududa at kung meron mang mga anomalya na makita diyan eh kasuhan agad at tanggalin agad kung sinuman iyong mga opisyal na in charge diyan. GERRY: Tama po iyan. Naku, napakaimportante po ng ganyang pagbibigay ng mga impormasyon. Ito ho may pahabol dito, Secretary, may report po kaming natanggap na may schedule nga po ba ang Pangulo with Muslim leaders ngayong araw na ito? SEC. ANDANAR: Opo, meron po iyong NEDA meeting tapos meron po iyong dinner. GERRY: Dinner with Muslim leaders daw? SEC. ANDANAR: Oo, iyong Eidl Fit’r dinner. Opo, opo, mamaya. GERRY: Sa Palasyo po Iyan? SEC. ANDANAR: Opo, mamaya po iyon. GERRY: Okay, iyong sa subway, tuloy na ba iyon, Secretary? Nagugulat ang mga kababayan natin diyan eh, mukhang excited tayo diyan eh. SEC. ANDANAR: Oo, yes sir, lalong-lalo na iyong mga Pilipino na nakatira na ng Japan, nakapunta na ng Hongkong, lahat. Ito po ay magpipirmahan na iyong Pangulo natin at si Prime Minister Abe last quarter of this year para diyan sa subway at ito ho ay – if I am not mistaken under JICA, iyong project na iyan. GERRY: Parang itong Nortrail JICA na rin ito, hindi ho ba? SEC. ANDANAR: Oo, actually matagal na nga iyan, Gerry. Di ba iyong JICA matagal nang nagbibigay ng studies iyan, lahat ng transportations studies, siguro ang in and out alam na nila iyong Pilipinas. Pero ngayon lang po mangyayari iyong talagang inking of the projects, iyon ang mahalaga diyan. At least within our lifetime Gerry ay mai-experience natin ang subway sa bansang…sa lupang hinirang. GERRY: Tama. Okay, Secretary, good luck sa ating lahat ah. At iyong sa preparation ninyo para sa SONA. SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Gerry, sa pagkakataong ito. Mabuhay po tayong lahat, mabuhay po lahat ang nakikinig sa DZMM. Salamat po sa DZMM. Thank you po. ## |
Source: NIB Transcription |