June 28, 2017 – Interview with Presidential Communication Operations Office Secretary Martin Andanar
Interview with Presidential Communication Operations Office Secretary Martin Andanar |
By Aljo Bendijo and Alan Allanigue / Radyo Pilipinas |
28 June 2017 / 7:50-7:57 A.M. |
(coverage cut)
SEC. ANDANAR: Halimbawa ang Russia, China, Japan, lahat po iyan ay na feel ko iyong relationship between the country, between the leader and between the people. Kanya po talagang hindi natin ano…na mahirap po i-valuate lahat. Pero kung gusto mong bilangin, gustong bilangin. Sabi ng DOF, ay nasa kada piso, 1,000 pesos po ang balik sa ating bansang ito patungkol doon sa gastos sa pagbiyahe po ng ating Pangulo sa ibang bansa. One peso is to 1,000. So 1,000 ang balik sa kada piso ng nagagasta natin. ALJO: So sa pangakong transparency po, sa bilyong pisong infra project na ito ay kaakibat po ba nito, Secretary, ang pagpopondo? Ito magandang balita po ito, Sec, na maraming proyektong imprastraktura tulad ng ito – Manila-Clark Railway, NAIA-Quezon City Subway at ang inaabangan Mindanao Railway Project, Sec? SEC. ANDANAR: Opo at idagdag mo na rin, Aljo, iyong Manila to Northern Luzon at Manila to Southern Luzon na tren at kita mo naman kahapon, actually doon sa NEDA meeting namin ay ipinaliwanag lahat ni Secretary Ernie Fernia itong mga big ticket projects. Isama na natin iyong airport pala diyan sa Clark Field, Pampanga, sa may Clark New City, na pinamumunuan ni BCDA Chairman Vic Dizon kung saan ay napakalaki ng airport at talagang made-decongest nga itong air traffic dito sa Metro Manila. Another big ticket project iyan, kasama sa build, build, build at Dutertenomics ni Pangulong Duterte. ALAN: Sec, good morning. Si Alan, sir. SEC. ANDANAR: Good morning, Alan. ALAN: Sec, nabanggit ninyo itong pagpupulong ninyo sa NEDA ano ho. Dito po sa pagpupulong we understand na napakaraming mga infra projects na nasa pipeline na considering na isang taon pa lamang nag Pangulong Duterte, nakapag-take off na po initially iyong karamihan dito sa mga infra projects na ito, sir? SEC. ANDANAR: Opo, meron pong naka-takeoff na tulad nitong mga infra projects dito sa may Commonwealth Avenue, iyong pagpapagawa ng tren diyan. At iyong Mindanao Railway – actually Alan, kausap ko kahapon ang DOTr – ay magsisimula na ito sa 2018. So first quarter of 2018 tapos na po iyong planning, bidding etcetera. So talagang makikita natin na once this is built maigi na from Tagum, Davao City all the way doon sa—basta entire Davao province magkakaroon po ito ng Mindanao Railways. Tapos first phase iyan and then the second phase, it will go all the way to Butuan, to Surigao, to Cagayan De Oro, paikot po iyan ng buong Mindanao. At marami pang projects bukod sa railway nandiyan din iyong mga bridges na itatayo na mag-uugnay dito sa Bohol to Cebu, Cebu tapos Leyte. Kaya itong a golden age of infrastructure will really bring so many jobs to our country at papaikutin ito ang ating ekonomiya, mas lalong lalago at tataas po ang ating Gross Domestic Product o GDP. ALAN: Opo at saka isa po sa mga nakikita nating tinututukan, Sec. Mart, ay iyon pong imprastraktura na may kaugnayan sa pagpapabilis ng pagbibiyahe o transportasyon, Sec? SEC. ANDANAR: Opo, kasi alam naman natin sa Metro Manila ang pinakamalaking problema nito ay traffick, pati din po sa Metro Cebu ay nagiging ma-traffick na rin. Sa Cebu alam ko inilunsad na ni Secretary Mark Villar iyong mga super highway project doon, pati iyong kanilang mga flyover, mga skyway if I am not mistaken. So talaga namang walang tigil ito – pagkukumpuni at paggagawa ng ating infrastructure projects, dahil habang lumalakas po ang ekonomiya, dumadami po ang pera ng tao, mas nakakabili ang tao ng sasakyan, mas nagiging traffick. So that is why the solution here is to fix, is to build mass transportation system such as the MRT, subway at itong mga kalye natin kung kayang palakihin, papalakihin pa, papalaparin pa. ALJO: So hindi lang talaga, Sec. Mart, na mas lalong lalakas pa ang ekonomiya ng bansa sa mga nakaraang foreign trips ng Pangulo kung hindi ay pinatitibay pa ang relasyon nito sa mga foreign leaders at meron pong mga magandang balita, bilyong investment at loan pledges ng bansang China, Japan at Qatar? SEC. ANDANAR: Oo, kasi alam mo Aljo, bukod pa sa pera na halimbawa i-invest sa bansa natin, meron ding iyong binubuksan nila iyong merkado nila para makapasok naman iyong goods natin. Halimbawa, iyong Russia sabi nila meron kaming 2 billion dollars na agricultural market para sa inyo. So, ibig sabihin kailangan we should satisfy the 2 billion dollars market of agricultural products kung ano ang kailangan, halimbawa pataas ang kailangan nila, di we plant more potatoes, kung pinya ang kailangan, mangga o saging then we have to supply. Iyong China nga, nung nagbukas ang China ng kanilang merkado sa saging at pinya ay hindi na nga tayo magkanda-ugaga dahil kulang ang supply natin sa kanila eh. Kaya the President is encouraging the farmers to plant more, for people to get into farming para makapag-supply tayo ng prutas, pagkain doon sa China. The more that we supplies, the more that we earn, the more that we make money para sa bansa natin at iikot ang ekonomiya natin. So hindi lang po iyong pera na dinadala sa bansa natin, maging iyong merkado na bubuksan nila para makapag-export po tayo ng ating mga goods. ALAN: Secretary, habang papalapit po ng unang taon ng paglilingkod sa bayan ng Pangulong Rody Duterte, baka meron po kayong mensahe para sa ating mga tagasubaybay nationwide at worldwide, Sec. Martin, sir? SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Alan at Aljo. Ang mensahe ko lang po ay number one, patuloy tayong magdasal para matapos na ho itong kaguluhan dito sa Marawi, so Marawi can rise again. Sabi nga ni Presidente kahapon that he will make sure that Marawi will be prosperous once more. Para makauwi na po iyong ating mga kababayan na Maranao sa kanilang mga lugar and start rebuilding and rehabilitating at makauwi na rin po iyong ating mga sundalo sa kani-kanilang pamilya. Number two, meron po tayong special report dito po sa Radyo Pilipinas sa PTV at sa Philippine News Agency at sa PIA, at Presidential Communications ngayong Biyernes po, alas-siyete po iyan ng gabi, sana panoorin n’yo po iyong #change365. Ito po iyong 365 days of the President in office at doon po natin ilalabas iyong report natin sa mga malalaking accomplishment ng ating Pangulo. So sana panoorin n’yo po, kung hindi po kayo makapanood ng Radyo-TV ay nasa Facebook din po kami, just look for Radyo Pilipinas, PTV, Philippine Information Agency at Philippine News Agency. Salamat Aljo at salamat Alan, mabuhay kayong dalawa. ##
|
Source: NIB Transcription |