INTERVIEW WITH INCOMING PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ERNESTO ABELLA
Rizal Hall, Malacañan Palace
30 June 2016
Q: Kasama natin si Presidential Spokesperson Ernesto Abella dito sa Rizal Hall. Good morning, sir.

SEC. ABELLA: Good morning, Rocky.

Q: Yes, ngayon pong sa pagkakataong ito, ano po ang nararamdaman ninyo kasi ito na ‘yon? Ilang sandali na lamang ay magsisimula na po kayo ng inyong tungkulin bilang Presidential Spokesperson.

SEC. ABELLA: Tama. It’s very exciting actually, Rocky. Humaharap tayo sa panibagong — bagong bayan, kumbaga, bagong administrasyon. It’s a new day. And we are very, very excited. I’m sure all the people are.

Q: Secretary, ano po ‘yung talagang thrust at saka ‘yung mensahe ni President-elect (Rodrigo) Duterte sa publiko kasi alam naman niyo po na naging matigas ang mga naging pahayag ni President-elect Duterte pagdating sa isyu ng ilegal na droga at kriminalidad?

SEC. ABELLA: Totoo. Those are real issues pero ang — at the very heart, at the very essence of the heart of the President is manumbalik ‘yung trust ‘nung tao sa gobyerno, sa mga civil servants, magkaroon ng trust at hope, mas wholly, mas wholly.

Q: Bago po kayo magtungo lahat dito sa Maynila para sa panunumpa ni President-elect Rodrigo Duterte, nagkaroon po ba muna kayo ng pagpupulong sa inyo at mensahe para sa pagsisimula ng inyong trabaho?

SEC. ABELLA: Sa sarili ko? Basically, ang sinabi naman niya is that ano…Iyong Office of the Presidential Spokesperson, especially, to serve as a conduit mula sa kanya patungo sa tao and through the press. At sa pagkakaintindi ko po sa kanya, ang gusto talaga niya is to have cordial relationship based on mutual trust. So iyon po ang ano — iyong paggalang sa isa’t isa, paggalang sa gawain ng isa’t isa.

Q: Pero, sir, how do we intend to have a good working relations with media especially now na medyo nagkaroon nga ng naging pahayag nga si President-elect Duterte when it comes to interviews at saka iba pang pakikipag-usap sa media?

SEC. ABELLA: You know ang isang bagay siguro na kailangan nating tandaan: The President is always listening. Always listening at ipinaparating naman niya sa tao, ipinaparating niya sa various agencies, various departments and also to the spokesperson iyon talagang nasa puso niya. At alam po niyo at the very heart of President-elect Duterte, ano siya e, basically ang gusto lang niya ‘yung the well-being ‘nung tao. So trabaho lang ang kanya. Walang masyadong ano…Sometimes naintindihan niyo, sometimes he is misunderstood. But, basically, ang kanya trabaho lang, walang personalan.

Q: Opo. Naging matagal niyo nang kakilala si President-elect Duterte. Kasi sinabi niya maging simple lamang na panunumpa. Sa palagay niyo bakit naiisip niya na ganun na lang kasi parang sa ibang tao ito, isa itong napakalaking pagkakataon at minsan lang mangyayari?

SEC. ABELLA: Tama. Ang Presidente kasi natin, ang nasa puso talaga niya ‘yung tao. Ayaw niya may naiiwan. He doesn’t want anybody left behind. So as much as possible kung pwede simple lang para hindi maramdaman ng tao na may naiiwan.

Q: Pero si President Duterte ba magi-stay din dito sa Malakanyang or gusto niya talaga sa Davao?

SEC. ABELLA: Siyempre, kung gusto lang sa Davao but ano po siya e, he is the President of all. Hindi lang po siya President ng taga-Davao kundi President ng Pilipinas. So he is also be staying a lot of time here.

###