June 30, 2016 – Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar |
Rizal Hall, Malacañan Palace |
30 June 2016 |
Q: Sir, kasi ilang oras or minuto na lang, ito na talaga ‘yung pagganap mo sa iyong tungkulin. Ano ba ‘yung mga maaasahan ng publiko? Siyempre mahalaga sa kanila ‘yung impormasyon talaga e. SEC. ANDANAR: Ang maaasahan natin siguro dito muna pag-usapan natin ang PTV (People’s Television Network). Napanood niyo naman ang pag-level up agad ng PTV. Kanina pa ako nakatutok dito. [Akala niyo hindi ako nanood (laughs)] Tapos, asahan niyo po na mas lalo pong gaganda ang programa natin dito sa PTV. Ang ating Pangulo ay nagbigay po ng kanyang order at binigyan niya po ako ng full [trust] and authority na ang PTV po ay gagawin nating BBC of the Philippines at aayusin po natin ang ating mga transmitters, ang ating mga relay stations mula po dito sa Maynila hanggang sa Luzon, Visayas, Mindanao. At isa po sa mga plano natin ay palalakasin po natin ang PTV broadcast hub dito po sa Mindanao, at iyan lang po ‘yan. Isa rin po sa gagawin natin, Rocky, ay ‘yung pag-re-equip ng Radyo ng Bayan-PBS, para ito ay sabay-sabay sa pag-level up sa pag-asenso, sa pagganda ng serbisyo ng PTV. Parang BBC lang ba ano, kasi ‘yung BBC merong BBC radio, BBC television, so ganun din po. And, of course, ‘yung pagpapalakas po natin ng ating presensiya sa online sa pamamagitan po ng — hindi lang mga website kundi ‘yung mga social media sites like Facebook. As we speak, ang hashtag po natin ngayon ay #PartnerForChange dito po sa telebisyon, on the ground, and online. Kaya kung kayo po ay nasa Internet ngayon nanood po ng PTV sa pamamagitan po ng Facebook ng PTV-4, kung pwede po ilagay niyo po ‘yung #PartnerForChange para po ito ay mag-trending worldwide. Iyong isang Facebook po ay sa pangunguna din po ng ating kasama ‘yung RTVM, sila po ‘yung RTVM Facebook page. Ito po ‘yung itinutulak, ipinu-push ngayon ng Facebook management para maging trending worldwide. Q: Sir, opo. Sir, pero paano pa ‘yung…How do you intend to have a good working relations with other media? SEC. ANDANAR: Madali lang ‘yan, Rocky. Ang gagawin lang natin ay pagagandahin natin ang daloy ng ating impormasyon sa iba’t ibang mga ahensiya sa pamamagitan po ng pag-streamline din at pagpapaganda ng sistema, pag-a-upgrade ng sistema ng PIA (Philippine Information Agency), maging ng Philippine News Agency at News Information Bureau at iba’t iba pang mga sangay na nasa ilalim ng PCO (Presidential Communications Office) sa pamamagitan po ng pagpapaganda ng daloy ng impormasyon. In transparent ay matutulungan natin hindi lang ang ating sariling network na PTV kundi maging lahat ng network na makukuha nila ang impormasyon na kailangan nila. |
### |