Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Aksyon TV/Punto Asintado by Erwin Tulfo
03 March 2017

TULFO: Maayong buntag kanimu, partner.

SEC. ANDANAR: Sa iyon sin, partner, maayong buntag.

TULFO: Good morning. Boss, paliwanag mo nga, ano ba, marami, maging my brother Mon called me up, ilang mga kaibigan natin sa media called me up. They are saying is Secretary Martin on his way out?

SEC. ANDANAR: Alam mo kasi, partner, itong reorganization na salita, it happens in any organization.

TULFO: Of course.

SEC. ANDANAR: It happens, diyan sa atin, sa TV 5.

TULFO: Right.

SEC. ANDANAR: Nagre-reorg tayo and it happens also in government. The truth of the matter is…para magkaliwanan tayo.

TULFO: Magka-alaman na, Sec.

SEC. ANDANAR: The truth of the matter is noong last week ay kinausap ko si Special Assistant to the President Bong Go. Tapos kinausap ko rin si Undersecretary Ernie Abella at sinabi ko sa kanila na ito ang plano ko. I plan to reorganize Presidential Communications Operations Office, kasi sa lahat ng mga undersecretary ng PCOO, si Spokesperson Abella lang ang Undersecretary doon na wala masyadong—

TULFO: Papel.

SEC. ANDANAR: Walang masyasdong tao sa ilalim. Kumbaga, ang kanyang responbilidad ay iyong magsalita sa Pangulo; pero wala masyadong administrative work involved.

TULFO: Right, right, oo.

SEC. ANDANAR: So, sabi ko, I want to reorganize it and assign to him the Content and Messaging Division. Kasi nga ang laki ng ahensiya, ang laki ng departamento. Meron kang PIA, meron kang PNA, meron kang APO, meron kang NPO, PTV, Radyo ng Bayan, IBC, BCS, News and Information Bureau. Napakadami at may content pa at lahat ng ito ay ako iyong nasa itaas, ako iyong nagpapatakbo. Tapos meron tayong Usec for Finance and Admin, may Usec tayo for legal affairs, meron tayong Usec for GOCCs and agencies at meron tayong Usec for…si Spokesperson Abella, the Spokeperson. Kaya sabi ko kay…ito iyong plano ko. At pumayag naman si SAP Bong Go at pumayag din naman si Undersecretary Abella. Kaya iyon, kaya naglabas ako ng Department Order na magkaroon ng reorganization nung February 27. Iyon po ang klaro doon.

TULFO: So it was you. Ikaw yung may pakana pala nito na reorganization, hindi iyong nasa taas sa iyo. Kung hindi ikaw mismo ang gusto na i-reorganize ang PCOO.

SEC. ANDANAR: Correct, partner.

TULFO: Ayon, okay, okay.

SEC. ANDANAR: Kasi we have to manage things properly and of course eight months na tayo sa gobyerno and we have to shift our gears to second gear already. So, iyon ang—

TULFO: Kasi para linawin lang natin, Mart. Kasi kapag lumabas sa peryodiko ito, na naiiba o sa radio, sa TV. So galing sa bibig mo mismo, ikaw ang may pakana nitong reorganization. So walang mangyayaring sibakan dito. Iyong Martin Andanar makikita natin, Secretary Andanar pa rin sa Lunes?

SEC. ANDANAR: Wala naman ganyang usapan, partner. Like what I said earlier, before I even write the directive, especially reorganization, I asked the permission of Special Assistant to the President Bong Go. And I also asked the permission of the person who will be affected by the decision, which is under Secretary Abella. Kasi, of course, bulk of the work content will be assigned to him and the talking also. Sabi ko kasi kay Special Assistant to President Bong Go na I need to focus on the department agencies, kasi ang dami nating objectives na kailangang gawin.

TULFO: Correct.

SEC. ANDANAR: Na kailangang maisakatuparan.

TULFO: So iyan na nga malinaw. Okay, Sec. pangalawang isyu. Nasa diyaryo din ngayon at kahapon pa actually. Iyon daw parang nag-gate crash kayo o iyong party ng Senado, Senate reporters na nagdadamdam sa iyo dahil sinabi nyo raw nung nakaraang lingo, bakit daw kayo, nasa Inquirer ka rin. Bakit nandoon daw kayo. Para sa mga reporters daw iyon, kayo po ba ay naimbitahan doon?

SEC. ANDANAR: Alam mo kasi, partner, tayo ay kinumbida ni Senator Koko Pimentel.

TULFO: Okay, yeah I heard that.

SEC. ANDANAR: Oo at kung ikaw ba naman ay isang Kalihim, kinumbida ka ng Senate President, di ba isang karangalan iyon, mahirap tanggihan. Saka hindi mo puwedeng tanggihan iyon, Senate President iyon. And ako ay pumunta lang, because isang karangalan na makumbida ng isang Senate President at nirerespeto ko is Senate President Koko Pimentel. At si Senate President Koko Pimentel ay isang malapit na tao sa aming pamilya.

TULFO: Cagayan De Oro, hindi ba? Pareho kayong taga-Cagayan De Oro.

SEC. ANDANAR: In fact, ang pamilya namin, we treat each other as family. Kasi si Senate President Koko Pimentel, iyong kanyang ama na si Tito Nene Pimentel ay kapitbahay lang talaga namin. As in ano, kapitbahay namin.

TULFO: Mukhang iba ang basa rito ng ilang mga kasamahan natin, Pareng Martin, lalo na iyong mga galit sa administrasyon, iyong pagpunta mo roon eh iba iyong kanilang ika nga basa dito sa—lalo na doon sa isang pahayagan na pinagsusulatan mo.

SEC. ANDANAR: Wala naman, sa akin naman, every day we could have different stories, different issues. Ang mahalaga naman dito we keep our friends and we move forward. Tomorrow is going to be a different issue. At iyong imbitasyon ni Senate President Koko Pimentel was really—and I just merely accepted the invitation and went there. Wala namang masama doon.

TULFO: Sir, panghuling katanungan na lamang. Kailan po kaya matatapos ito, kasi may mga kausap tayo sa Senado? Nagdadamdam daw iyong mga kasamahan. Sabi ko, pare ano ba ang nangyari? Ito kasing si sir Martin nakalimutan, parang hindi naman nanggaling sa hanay natin, etcetera, kung anu-ano natira pa kami. Ang inaantay lang daw natin, sir, nagtatampo ito. Para bang magsyota ha eh nagtatampo itong grupo at sinasabi raw inakusahan mo sila ng panlilinlang, etcetera. They are just waiting na, mahirap bang sabihih iyon Tol Erwin na sabihin nung isang Secretary na oh, sige pasensiya na kayo ha, pagpasensiyahan na ako kung may nasabi man, nasaktan kayo. Iyon lang daw eh, inaantay nila sa isang Secretary Martin Andanar na napakatigas naman daw at sinasabing hindi, bakit ako magso-sorry diyan, wala akong sinabing masama. Maano raw sasabihin daw ng Secretary Martin Andanar na kung may nasaktan man ako, pasensiya na, kung nasagasahan ko man, nasakatan ko ang inyong damdamin, iyon ang inaantay nila, Sec?

SEC. ANDANAR: Unang-una, partner naglabas na ako ng aking—

TULFO: Pahayag.

SEC. ANDANAR: Pahayag diyan. So para sa akin ay tama na iyong pahayag ko. At siguro kung babasahin ulit iyong statement wala naman tayong inaakusahan. So hanggang doon na lamang. Doon sa huling pahayag ko, iyon na lamang, partner. Wala naman tayong binanggit, wala naman tayong—

TULFO: Inakusahan na tumanggap ano.

SE.C ANDANAR: Wala naman eh. So sa akin lang ay ako ay ginagawa ko lang iyong aking trabaho para protektahan ang ating Pangulo. Iyon lamang and that is my duty as the Press Secretary and also to run the agencies under the Presidential Communications Operations Office.

TULFO: Tama, tama.

SEC. ANDANAR: Iyon lang po, partner.

TULFO: Well, naalala mo siguro iyong sinabi ko na; at sinabi mo rin sa akin. Alam mo na ang ginagawa mo diyan, na sasalagin mo lahat, mura, tadyak, sipa, blah, blah, blah. Eh sabi mo okay lang, eh iyan na ngayon. Di ba nararamdaman mo na.

SEC. ANDANAR: (laughs) Oo.

TULFO: Sinabi ko sa iyo.

SEC. ANDANAR: Wala namang ano.

TULFO: Walang—hindi mo ako masisisi nung sabi ko nung huling araw mo dito, sigurado ka ba? Oo. Sigurado ka na sanay ka na ba na mura-murahin diyan, babanatan ka kaliwa-kanan? Oo, sabi mo. Eh iyan na ngayon tuloy ang nangyayari ngayon sa iyo.

SEC. ANDANAR: Eh ganun talaga partner. Ito ay bahagi ng trabaho ko. Wala naman sigurong Press Secretary na talagang ano…talagang popular. Halos lahat naman ng Press Secretary minumura; especially iyong mga spokesperson. At madagdag ko lang, partner, na iyong reorganization parang balikan natin iyong si Secretary Rod Reyes, okay. Hello?

TULFO: Go ahead, go ahead.

SEC. ANDANAR: Si Secretary Rod Reyes ay naging Secretary na hindi naman siya nagsasalita, siya iyong nagpapatakbo ng operations. Ganundin po si Secretary Sonny Coloma, nagsalita lamang siya on his third or fourth year, kung maalala mo. So maraming ganoon na—si Secretary Jess Dureza, nagsalita lang siya pag kailangan; Secretary Bunye, nagsalita lang pag kailangan, dahil meron namang mga Spokesperson tulad nila Secretary Bobby Tiglao. We are just merely going back to the other forms of running the Presidential Communications Office and we are hopeful that doon po sa ating in-initiate na Executive Order na ito po ay inaprubahan ni Executive Secretary Bingbong Medialdea, na nasa mesa na po ng ating Pangulo. We are hopeful na napirmahan ng ating Pangulo the Executive Order reverting PCOO to the Office of the Press Secretary.

TULFO: Ayon. So, ikaw na iyong Press Secretary ano?

SEC. ANDANAR: Kasi isa lang po iyong Secretary ng PCOO, iyon po ang sabi ng ating Pangulo. So pag napirmahan ho iyon eh ganoon na ho, ganoon ho ang mangyayari.

TULFO: Nagulo eh. Ewan ko kanino bang administrasyon ba naghiwa-hiwalay pa, may Press Secretary, may ganun-ganung Secretary, may PCOO, PCYEs, PC Nono kung anuman iyang mga nangyayari diyan? Dapat isa na lang iyan. Tama ka, Sec, isa na lang ano. Para hindi magulo.

SEC. ANDANAR: Ito kasi ay binuwag nung nakaraang administrasyon eh. Nagkaroon ng PCOO, ng PCDSPO, tapos Office of the Presidential Spokesperson.

TULFO: Ay naku, eh para—ang tawag doon, political accommodation, lahat ng si utot ay puwedeng ipasok ng trabaho. Eh nung panahon nung Ngoyngoy, kaya napakadaming kung anu-anong mga office na itinatag-tatag, Sec. Dapat nga talaga isa na lang iyan para tumahimik na at wala nang problema, siguro.

SEC. ANDANAR: So tayo po ay ano, nagdarasal na pirmahan po ito ni Presidente.

TULFO: Wag kang mag-alala.

SEC. ANDANAR: Dahil nasa mesa na po ito, mesa ng Pangulo at maibabalik na po iyong prestisyosong Office of the Press Secretary.

TULFO: Kung nasa la mesa na iyan, tatawagan ko iyong tagalinis doon at isalang kaagad para mapirmahan ng Pangulo.

SEC. ANDANAR: Opo, salamat po.

TULFO: Anyway, Sec, bago ka umalis eh, meron lang as usual may problema ako dito na hindi ko kayang tugunan, baka matulungan mo ako sandali lang ito.

SEC. ANDANAR: Partner, meron akong activity ngayon nandito ako sa Cebu, magsasalita na ako.

TULFO: Patay tayo diyan, eh sayang naman. Anyway, sige next time na lang. Okay Prof, ingat ka ha. Thank you.

SEC. ANDANAR: Mabuhay ka partner. Thank you.

SOURCE: NIB Transcription