INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR.
DZRB – Radyo ng Bayan / Balita at Panayam by Alan Allanigue
13 March 2016
ALLANIGUE: Secretary Coloma, sir, magandang umaga po.

SEC. COLOMA: Magandang umaga sa iyo, Alan, at sa lahat ng ating tagasubaybay.

ALLANIGUE: Yes, sir. We understand, sir, mayroon kayong initial na mga pahayag bago po iyong ating mga katanungan for this morning, Sunday, the 13th day of March, Sec. Sonny, sir.

SEC. COLOMA: Next week, the Philippines will host and preside over the Biennial Meeting of the ASEAN Ministers Responsible for Information (AMRI) to discuss the imperatives for public communication in the furtherance of ASEAN integration. Theme for the meeting is “One ASEAN: Connectivity. Community. Opportunity.” The meeting will be preceded by the Senior Officials’ Meeting.

Aside from the ASEAN member countries, ASEAN dialogue partners – China, Japan and Korea – are also participating in the meetings. Main agenda for the Information Ministers Meeting includes the implementation of the One ASEAN Communications Strategy, proposals for celebrating ASEAN’s 50th Founding Anniversary in 2017, and the ASEAN Strategy for Information and Media 2016-2025.

Iyan ang aking paunang pahayag, Alan. Handa na akong sumagot sa mga tanong.

ALLANIGUE. Opo. Ang una po ay itong usapin na kinasasangkutan ng isa sa mga malalaking bangko dito sa Pilipinas, iyong RCBC ano ho. Mukhang mayroon hong mga alegasyon ng $81-million na sinasabing bahagi ng money laundering transaction. Mayroon ho bang nakikitang epekto ang Malacañang dito ho sa insidenteng ito sa kabuuan po ng ating banking system dito sa Pilipinas, Secretary Coloma, sir?

SEC. COLOMA: Patuloy na isinasagawa ng mga awtoridad ang lahat ng mga hakbang upang pigilin ang mga iligal na transaksyon at tiyakin ang integridad ng sektor ng pananalapi at sistemang pampinansyal ng bansa.

ALLANIGUE: Opo. Well, sa isang pang usapin, Secretary Coloma, sir. Mayroon hong desisyon itong mga prosecutors ng Maynila, iyong Prosecutors Office ng Maynila na iniendorso sa Office of the Ombudsman iyon pong sinasabing kasong ‘treason’ laban dito sa mga miyembro ng Government Peace Panel. Ito’y kaugnay ng Bangsamoro Basic Law. Any reaction po from the Palace tungkol dito, Sec.?

SEC. COLOMA: Ang iyong tinutukoy ay bahagi ng proseso ng batas. Ginampanan ng mga kasapi ng peace panel ang kanilang tungkuling itaguyod ang prosesong pangkapayapaan. Mainam na bigyan sila ng pagkakataon na madinig ang kanilang panig at paninindigan.

ALLANIGUE: Opo. Well, sa isang isyu pa po, Secretary. Mga update lang po dito sa mga hakbang na isinasagawa ng pamahalaan kaugnay nitong nakikitang epekto ng El Niño. Mayroon po kasing projection ang Department of Agriculture na posibleng umabot sa mahigit sa limang bilyong piso ang epekto nito sa sektor ng agrikultura, Sec. Sonny, sir.

SEC. COLOMA: Masinsing tinututukan ng pamahalaan ang pagpapatupad ng mga programa upang maibsan ang epekto ng El Niño, at bigyan ng sapat na tulong ang mga manggagawa sa sektor ng agrikultura. Sa katunayan, binanggit ni Pangulong Aquino sa kaniyang panayam sa mga mamamahayag noong nakaraang Miyerkules na isa ang El Niño sa mahalagang usaping kaniyang binabantayan sa nalalabing panahon ng kaniyang termino.

Noong ika-1 ng Marso ay nagdaos ng El Niño Summit sa Pampanga, at doon inihayag ni Secretary Alcala ng Department of Agriculture na higit pang pinaiigting ng pamahalaan ang iba’t ibang hakbang tulad ng cloud-seeding operations sa iba’t ibang panig ng bansa, tulad ng Mindanao, na nakaranas na ng pag-ulan sa ilang lugar.

Bukod pa rito, ang mga programa ng Department of Agriculture ay ang sumusunod: Pagtatayo ng solar at wind pump irrigation system; maliit na imbakan ng tubig o small water impound; at iba pang alternative irrigation systems sa mga taniman sa mga lalawigan kung saan ang agrikultura ang pangunahing ikinabubuhay. Ang mga proyektong ito ay bahagi ng pangmatagalang solusyon na nakapaloob sa El Niño Action Plan ng Department of Agriculture na may dalawang mahalagang bahagi. Una, production support; at ikalawa, water management.

Tuluy-tuloy din ang test surveillance at monitoring sa mga bukirin, at ang pagbibigay ng mataas na kalidad ng binhi sa mga nagtatanim ng palay at mais at alternatibong pananim tulad ng mung bean, peanut, soybean, sweet potato at cucurbit. Namamahagi din ng fingerlings, livestock buffer feed stockings at maging veterinary drugs upang punan ang posibleng epekto ng kabawasan sa produksiyon sa sektor ng pangingisda at paghahayupan. Kaya’t iyan ang kabuuan ng mga hakbang na nailatag at ipinapatupad ng Department of Agriculture bilang lead agency sa El Niño Action Plan ng pamahalaan, Alan.

ALLANIGUE: Okay. Well, Sec., we understand ngayon po ay nagsisimula na itong Commencement Exercises diyan sa Philippine Military Academy. Ang Pangulong Noy ay panauhing pandangal diyan po sa seremonyas na iyan, Sec., sir.

SEC. COLOMA: Gayun nga, Alan. Mainam sigurong subaybayan natin ang mga kaganapan mula sa Fort Del Pilar sa pagdaraos ng pagtatapos ng school year at graduation ng PMA Class of 2016. At maya-maya ay magtatalumpati ang ating Pangulo sa kanilang Commencement Exercises.

ALLANIGUE: Opo. Secretary Coloma, sir, muli, salamat po nang marami for the updates from the Palace, sir.

SEC. COLOMA: Maraming salamat at magandang umaga, Alan.

SOURCE: NIB-Transcription