Speech of President Rodrigo Roa Duterte during his meeting with the Filipino community in Thailand
Royal Thai Navy Hall Headquarters, Bangkok, Thailand
22 March 2017
Thank you. Kindly sit down. I’m really very happy to see you, sa totoo lang.In one of my speeches when I was campaigning and I was asked, “Why am I here?” I said, “Because I love my country and I love—” [applause]

Andito po kasama ko si Acting Secretary sa Department of Foreign Affairs, si Enrique Manalo. [applause] Ito po’y may hawak ng pera at [laughter] tawag ko sa kanya, wag na kas but you know this guy is a billionaire, bilyonaryo. Kababata ko ‘to and he was even the valedictorian sa kindergarten. [laughter] Hanggang nagtapos siya sa Amerika, naluma na yang mga g***ng Amerikano, valedictorian man siya.

He’s… if you are in Davao, he owns the Marco Polo, small time lang. Ako nagpapagawa ako ng hotel hindi pa tapos, kwarto- kwarto lang. [laughter]

Then you have… well of course maraming taga Cotabato, North Cotabato dito, mayor ninyo sa M’lang, naging gobernador, si Emmanuel Piñol [applause] [speaks Bisaya which meant he’s just a small guy but there’s a lot of improvement in North Cotabato] Damo sa improvement ng North Cotabato. You know, North Cotabato, in about 20 years will overtake the domestic economy ng Davao. Nandiyan sa inyo lahat eh. Alam mo ang kayaman ng Pilipinas po ay lupa. Aagricultural based talaga tayo.

Mindanao is not a victim of typhoons unlike the other areas of the Philippines and you can be very sure. Ang hardworking kasi diyan, ang pumasok na talagang basta may lupa, mga Ilocano. Sinong Ilocano? [applause]

Sila yung ano, hindi yung mga Ilonggo kaaway ara — dati Bong-Bong kita mo sila sa — that is Gen San. The language is there, the dialect, if you may, talagang ilonggo. Pareho ng ilonggo dito sa Visayas. The only problem mga Ilonggo diyan hindi napunta talaga yang lugar — they are the descendants of the yung mga pumasok na mga tatay at nanay ninyo.

Some of them, naswerte sa buhay, got rich, they have houses there but yung karamihan kagaya rin ng mga Visaya, yung migration ng Mindanao, marami kasi dito Ilonggo, Cebuano, Boholanon, Leyte, yun ang bumaba and they had their dreams na kung pumunta sila doon sa Mindanao, the sloganeering was “Go to Mindanao because it is the land of promise.”

Actually it was really a conflict. You must understand now that hindi naman tayo nilinlang. But unang pumasok kasi, you know, ang Pilipinas, ang Luzon, Visayas and Mindanao but Mindanao, when Magellan came in, ang Mindanao, Islam na because they were part of the Sri Vijaya empire of the ancient Malay.

So yung teritoryo talaga na yan, kanila na yan. Ang problema, pagdating ni Magellan, dala-dala niya yung relihiyon tsaka gobyerno. Tapos nung inuna niya yung Visayas tsaka Luzon tapos sinali nila yung Mindanao.

Mindanao lumaban panahon ng Kastila, lumaban panahon ng Amerikano. A lot of killings there kasi sila yung may kanyon pati baril. It was the first time na nakita ng Pilipino yung ganun. So yung historical pag hinakit ng ating mga kapatid na Moro, nandiyan yan, parang inagaw ang lupa nila kasi hindi nga parte sa… ito ang mga Visayas pati Luzon kaya tayo naging – well, I really have nothing against the religion. I am a Christian but that is really the truth para maintindihan ninyo kung bakit hanggang ngayon may gyera and that we are trying to solve the problem.

Okay na ako kay Salamat, okay na rin ako kay Nur Misuari. Ang problema, pumasok ang ISIS. Ginawa si [Hapilon] na parang chairman dito. Para sige ikaw yung representative namin diyan and he was into Cotabato and there was a lot of fighting last month. Napilitan na ako because usually yung mga eroplano na may bomba hindi ginagamit ng, rebellion lang, eh baril-barilan lang [laughter] but this time, because they were already occupying Butig, sabi ko bombahan na ninyo and I am willing – meron, marami na tayong mga jet. May apat na tayong talagang bago at pinapalipad ko nga buong Pilipinas para makita ng eroplano, na makita yung eroplano na ang Pilipino na meron na pala tayo. [laughter and applause]

Next time, pag nandoon kayo, pasakayin ko kayo diyan [laughter] Magdala ka lang ng parachute kay ihulog kita dito sa bangko para libre na. [laughter] Yun ang nangyari. Yun nag problema ng Pilipinas.

Now, let me explain muna bago ako… why I am here. I am here because ngayong taon na ito, tayo ang host country. Chairmanship ng ASEAN, tayo, ako. [applause] So kaya nag-ikot ako sa lahat: Laos, Malaysia, lahat yan, Cambodia. Ito ang last leg ko kasi nireserba ko talaga ang Thailand. [applause] kasi hinintay ko kayo na mag — para alam ninyo na magdating ako, magpaganda kayong lahat. [cheers and applause] G*** ka, hiwalay ako sa asawa ko, baka makabaon pa ako dito. [laughter] But anyway, yun.

So tayo yung host country, pinagpapasyal ako, ano ba ang gusto mong ilabas doon sa ating summit? Ano ba ang hinakit mo? Para plantsahin ko na ang program, ang agenda para pagdating ng panahon, smooth sailing na, ganun. [applause]

Ito ang Thailand is the last of the ASEAN member state na binisita ko at dito ko talaga nakita, napatunayan na marami talagang maganda sa Pilipinas. [applause]

Kayong mga mga magaganda, in about— bigyan lang ninyo ako ng mga 3 years and things will improve. Nung tumakbo ako, wala akong promise except for a few, hindi ako nag — mga infrastructure, ganun, wala. Basta ako, ang una ko sabi ko, well before that, pasalamat ako sa pagbigay ng panahon, the Royal Thai Navy for allowing us to use this room. [applause] At yung pag-imbita nila sa akin.

Ngayon, ang unang promise ko is no corruption, [applause] drugs, criminality at i-improve ko ang ekonomiya. Ginagawa ko lahat yan. [applause, crowd chants Du-ter-te]

[speaks Bisaya, asks for a candy] [laughter] Nakagat ko ang ano [laughter] akyat ka, come, come, halika. Si Sophia at police aide ko siya, pulis ‘to, oo. [applause] Kita mo na mga aide ko ha [laughter] she was a contestant nung Miss Earth, finalist siya, finalist. Taga-Baguio. [applause] Mga taga-Baguio kababayan niyo ‘to. At… gusto mo silang i-greet? Sophia. [aide greets in Ilocano]

Gusto pa ninyo ng isang maganda? Saan na yang y*** na, wala ka. Yung nurse ko talaga, come on. Nagtago ang gaga. Halika. Halika.

O, tingnan mo, ikaw ba naman Presidente, hindi ka mabuhay. [applause]. Mahiyain ‘to. Yan ang nurse ko. Nakagat ko talaga yung—

So ngayon, sabi ko nung nag umpisa ko and in all honesty, anak lang rin ako ng mahirap, 72 years old na ako. Wala na akong — give or take five, seven years, wala na ako. [crowd reacts] Hindi wala na ako, nag-asawa na ako niyan ulit. [laughter]

For 23 years, mayor ako ng Davao, four years akong congressman. Ang kaharian ko lang po ang bayan ko. That’s why I said no corruption and there will be — [applause] Nakipag usap ako sa mga negosyante sa Thailand and I assured them. Thailand is our good and loyal friend. Pareho tayo. Mahal natin ang Thailand. [applause]

Thailand ang nagbigay sa atin ng hanapbuhay. They provided the employment and so we should also in return, sabi ko, we will be your loyal frend and we will support you all the way. [applause]

Corruption noon sa NEDA, yung mga ano, it takes them about 1 year, 2 years mag process ng papel ng mga bagong negosyo. Dito sa panahon ko po, 1 month. One month lang. [applause] At yung mga permit, permit, three days lang. Yang BIR, baka pwede na by the time you go home, text na lang, online na ang mga ano ninyo. [applause] Di na kayo magpila. [applause]

Sa labor pati overseas, sinabi ko, I do not want to see the Filipinos queuing, yung naglilinya hanapan ninyo ng paraan [applause] and today, I have ordered pati yung overseas at saka yung mga marino, yung maritime iba ang kanila para madali. Hindi na kayo lalabas ng Overseas building. Doon sa labas, meron nang BIR, NBI, ikot ka na lang doon tapos dalhin [applause] at kung mag uwi kayo ngayong Pasko or whenever, I have prohibited Customs magbukas-bukas ng bag. [applause]

The usual excuse is search. Alam mo galing eroplano yan, magdaaan yan doon sa baba. Meron na pong x-ray doon. Eh kung may tinago ka na boyfriend mong binalot mo [laughter] makikita na yun doon.

Sabi ko kasi marami nga iyong bagahe, dito itong mga byahera. Iilan lang naman ang kapital niyan. Eh kaming mga congressman, mayor noon, pagdaan namin may salute pa ang mga y***. [laughter] Pati doon sa mga mahirap, kalkal ng kalkal tapos kinukuha yung ano.

You know, alam mo kung bakit ganito tayo? Because you are not assertive of your rights. Ayaw mo kasing… pagsabihan mo lang na… eh pursigido ka. Pag sabi na buksan, sabihin mo, diba sabi ni Duterte hindi buksan yan? [applause] Wala akong tinago, hindi ako nag smuggling. Yung apat ko na maleta, puro regalo ko yan, puro kita ko yan mga damit ko kasi sa Thailand mura. [applause]

Kung hindi ka u***, mag bad words ka, [laughter] nabalatan eh. Eh dumudugo kasi, walang ano, I could taste a salty — sabihin mo, pag hindi ka u***, syempre pag uwi ko magregalo ako sa nanay ko, sa tatay ko, sa mga kapatid, pati. Part yan sa hanap buhay ko, huwag mong galawin. Sabihin, “ito lang lahat?” “Hindi, may 20 pa doon ipapabukas.” [laughter and applause]

Wag mong biglain eh kung papasok ka lang naman at hindi ka byahera ibig sabihin it is not for commercial use or purpose eh kasi yung mga TV na ano.

Minsan, there was a ruckus there kasi nakita ko kasi from the Middle East. Yung TV niya hindi na nga nakabalot eh, karga-karga lang niya, ganyan. Maliit lang. Gusto pa ng Customs titirahin. Sabi ko, nagpakilala ko, sabi ko, “Adre, si Mayor Duterte ako, kung pilitin mo lang yan, ako na magbayad palusutin mo. Magkano ba yan? Pag gusto mo bilihan na lang kita bukas sa Sony. [laughter] Huwag — P***** i** mo sipain kita eh [applause]. Kaya ang sabi nila nagmumura ako, importante yan. [laughter] Sundin ninyo pero huwag dito.

Pagdating sa Pilipinas, pagsabi mong nagpunta ka ng BIR, tapos maghingi, sabihin mo, p***** i** mo, binabayaran kita sa sweldo mo. [applause] Bakit mo ako ganunin? Pagod ko yan. Kayo gusto ninyo magkapera libre. Eh p***** i**, mag-away tayo nito. You know why? You create a scene. Mag-iskandalo ka kasi darating sa akin yan. [applause]

Eh maraming naghihintay kung ano mga kaso, mga human – wag lang yang human trafficking ha. Talagang makasama ka doon sa E[JK]. Huwag yan, bawal talaga at ayaw ko yan.

Yung iba kasi may nirecruit sa Davao noon when I was still mayor. Very early on, may nirecruit doon na tatlong taga-Turil, dalawa taga-Padada, p****i** hindi na malaman kung saan na and that was about 20 years ago. We are not sure if — we do not know of their whereabouts, if they’re still alive o patay na or they were sold to the slave markets in Africa. Kaya ako nasasaktan.

May gusto akong sabihin sa inyo, ang problema, kay covered tayo national [laughter] Ganun na lang ang sama ng loob ko yang Makita kong nag- suicide tapos [pause] palunukin mo muna ako ng laway. [laughter and applause].

Yung narinig ko na nagtatrabaho for two hours, three hours ang tulog lang nila tapos ang pagkain lamaw. Kasi may lugar, alam na ninyo kung saan, ayaw ko magpunta doon tapos kung walang maid yung kapatid o hiraman tapos maglinis pa doon sa bahay ng son in law, maglinis pa nung — kaya ang tulog tapos dalawa o tatlong oras. Pagka ganun, umuwi na lang kayo. T*** i**, umuwi kayo ako na ang bahala sa inyo. Pag maganda ka, house and lot na lang ibigay ko sayo. [laughter]

Ang problema kung magsabay kayo eh puro maganda kayo dito eh di magtayo ako ng barangay. [laughter] Barangay na walang ligayang katapusan. [laughter]

So dito tayo uli. Andito sila lahat, kumpletuhin ko na lang para tumindig. Andito si Secretary Delfin Lorenzana, Cotabato ‘to. [applause] He was, I was a young mayor then, siya yung nagdala ng Ranger 2nd Regiment Battalion sa Davao City. Noon [applause] ang ano ko bakit nawala na ang buhok niya kaagad. [laughter] Totoo man. Dumating yan ng Davao, mga Ranger, naka-uniporme yan, military talaga. May suklay tapos naka-beret. “Sir.” Bilib ako. Kilalang kilala. Si Pasto Quiboloy, classmate pala niya sa Notra Dame, Cotabato City. Siya may sabi na, “Kinuha mo yan, valedictorian yan sa panahon namin. Pati sa PMA, valedictorian din siya. [applause]

Of course ang ating ambassador, kilala ninyo. Bihira naman na [applause] Si Ramon Lopez, ito yung— [applause] ito yung ‘Go Negosyo.’ Ang programa ko kasi, bilyon ‘to ha, binubuhos ko rin ang pera dito. Yung small-scale, medium, bigyan ka ng konting pera 500,000 o 300,000 tapos turuan ka muna kung anong gusto mong negosyo. Ang gobyerno ang mag-aral para sa iyo kung saan ang ganun, ang market o pwede ba. [applause]

You have no way of knowing the wherewithals of the business that you’d like to enter into so kami na ang mag research, siya. O sige, ito yung napili mo, ito yung pera, you know. Alam mo kung yun yung pera, maski na sabihin mong wala ka nang plano magbayad [laughter] mahirap magkolekta eh. Now, when you have this money, it’s billion kaya ano ito, it’s going on at a fast rate. I would like really to help the small.

Ako, Presidente ako para sa maliit, hindi ako Presidente para [applause] hindi nila kailangan ako sa totoo lang, they can run on their own even without, hindi na security, marami silang. Ang maliliit ang — kaya yun ang message ko sa Davao for the last 22 years.

Ang Davao, kita naman ninyo. Kayong mga taga-Davao [crowd cheers]. Hala kadakhan. Davao, strikto ako masyado. Wala masyadong droga, wala masyadong krimen. Eh krimen-krimen ka, patayin kita, p***** i**. [laughter]

What I promised to the Davaoeños, nandyan sila. Sabi ko sa mga kriminal, andyan yan sila, you ask them. Do not destroy my city. And do not destroy our daughters and our sons. Pag ginawa mo yan papatayin kita. [applause] That was my promise. I could not have a different, you know, ambition for one city and my country so the same.

Huwag mong sirain ang Pilipino, huwag mo kaming kunan ng pag-asa sa mga anak namin eh p**** i** ninyo, hindi ninyo naaral ito. Mahirap lang kami kung nakikinig kayong mga y***. Kaya namin pinapaaral yan, kaya ito sila lumalabas ng bayan, para makatulong doon sa mga kamag-anak nila [applause] kaya para makapag aral yung mga anak nila.

Ngayon yung mga durugista, nagpakamatay na nga dito for their work pagkatapos, pag uwi nila nakadroga na, kung hindi, nadisgradya ng rape o pinatay dahil sa droga. Yan ang ibig kong sabihin papatayin ko talaga kayo. [applause]

Because it is not fair at all. Estimated is about 4 million already addicted at ang mga ilan diyan may liki na. Bisaya. May crack na so papaano yan pagkatanda namin? Makinig kayong mga taga-Pilipinas.

Sino ang magbili ng aming lugaw at isusubo sa bunganga ko? [applause] Sino ngayon ang mag bili ng medisina ko at magbili ng oxygen para ako mabuhay ng ilang araw pa? Sagutin ninyo ito mga p***** i** kayo, talagang papatayin ko kayo.

Who’s gonna answer for that? Destroyed life. Use shabu, you use it for six months to one year, it will cause your brain to shrink. Pag ka p***, lumiit na yang utak mo wala nang rehab, rehab.

So may anak ka na inutil minahal mo, ayaw mo pakagatin ng lamok. Nagwawala pa yung tatay kung anong nangyari? Tapos ganun ninyo. Tapos marami kayong human rights, human rights diyan. [applause]

Patay. P***** i** Maraming namamatay sa kalokohan. Sino bang maysabi sa kanilang pumasok kayo. Itong mga biktima mo ginusto ba nilang mamatay?

Ginusto ba nila, hindi nila alam kung anong swerte nila paguwi. Basta na lang saksakin, rape. Sino ang may gusto? Sila ang gusto nila kasi ang gusto nila yung droga. And they went into it voluntarily. [applause] Paano yung mga anak nito ngayon? Tapos basta ilulong lang nila yung droga. Tapos itong mga human rights pagdating ipakulong ako. P****** i**

I am willing to rot in prison. [crowd shouts “no”] Payag ako. Huwag mo lang galawin ang Pilipino. At tsaka ako sabi ko, I will kill you. Ako. Sa awa ng Diyos wala pa akong pinatay hanggang ngayon. [applause]

Ewan ko siguro mga pulis din magsabi kayo ng totoo. You know hindi lahat namatay sa akin. Huwag kayong maniwala. Yung basura ni. Kilala ba ninyo si Trillanes? [crowd shouts “boo”]

Anong ginawa ng p**** i** niya? Di ba nagrebelde? Diyan sa Makati nagwara-wara ng mga baril. [laughter] Nagmartsa doon. Inagaw yung Peninsula na hotel. Nagbarricade doon. Pagdating ng pulis ang mga duwag na u*** nagsurrender kaagad. Tapos naging Senador akala mo nagmamakalinis ang g***.

Nagkokolekta iyan sa mga malalaking negosyante. May rep… Iyan ang abogado na hindi abogado. Abogado may retainer iyan. Totoo iyan. Ang mga malalaking negosyo natatakot sa kanya, sabi ko napakaduwag niyang p***** i** matakot kayo. Pagdating ng pulis surrender kaagad. Akala ko ba makipagpatayan ka?

Iyan una. Sino ang sunod? De Lima. [crowd shouts: “boo”] Gusto ako ipatanggal. Anong ginawa? Iyan ang tragedy sabi nga nila eh. The tragedy is siya yung Secretary of Justice. Hawak niya yung presuhan. Siya mismo went into trafficking. No bail iyan. Kaya sige sulat. Sige mura sa akin. Ayaw pang admitahin. Nag free advertisement na nga siya sarili niya. Sabi niya hindi iyan ako. Pero yung aso na palakad -lakad doon sa tabi ng kama yung aso niya dala dala niya kung magpunta siya sa labas. Pagka na lang. [applause]

Alam mo hinahanap ko talaga? Wala akong nakita sa Pilipinas. Hinahanap ko yung babaeng napaka kapal ang mukha. Siya lang. [laughter] Alam mo lapitan mo iyan laslasan mo ng blade hindi tatalab. [applause] ng Buhusan mo asido yung mukha ganunan niya iyan. Balewala eh. [applause]

Sigurado man pag syempre sa edad medyo mauna ako. [laughter] Sigurado ako wala naman akong ambisyon. Impiyerno talaga ako. Pero maghintay ako sa kanya pagdating niya. [laughter] Sabihin ko talaga. Senyor Satanas. [laughter and applause] Dumating na ang reynang hinihintay mo. Eh totoo man. [applause]

Kami pa ang kasalanan. Si Vit Aguirre pala t*** i** classmate ko iyan. Cum laude iyan sa law school. Kami ba naman mag-imbento ng ganun? I will never, never, never iyang ganon lalo na babae mag-imbento ako ng ganun. Hindi talaga ako papayag sa ganon. Maski sino dito sa Cabinet. No, do not do it. Huwag iyan. Mag-imbento ka ng kaso ganon? Tapos no bail. Ipakulong mo. Ngayon mag-isa siya. [laughter]

Kaya sabi ko yung mga guwardiya na pulis. Pssst. Huwag kayong lumpait diyan ha. Huwag kayong magpakita diyan sa selda na pagala. Palayo kayo. Doon kayo sa ibang preso. Ma-issue pa tayo niyan. [laughter] Hindi eh yung gwardiya pati yung driver lahat naratsada. [applause]

Mabuti na lang hindi siya nagpasyal pasyal ng Davao kasi kung. Kung gabi na at wala na akong mahanap na iba. [laughter] Sorry na lang.

Nandito po si yung sabi ko sa SM. So maybe magquery kayo, it’s high time for you to go home. Tapos may konting pera ka dodoblehin namin iyan. And [applause] pera ninyo yan eh hindi pera namin.

Tapos kasama ko po yung Legal Presidential Adviser, si Panelo. [applause] Sal tumindig ka naman. Para makita na. Magkascarf pa. [applause]

Hindi itong si ano wala iyan. Lalaki iyan. Ma-fashion ano lang talaga. Fashion conscious lang iyan. Mayaman eh. Mayaman ‘to, mahusay na abogado ito. Sa practice lang niya. Tignan mo yung sapatos niya. Tignan mo. [applause] Gayahin ninyo. May kabayo ba diyan ang Navy? [laughter] Hindi biro lang iyan. Alam niyang biro lang pero talagang totoo, sa lahat ng ano fashion niya.

Kagabi ba naman doon sa reception. Dito. [laughter] Style talaga niya yan sa Laos ginawa iyan. Nagbarong ba naman walang undershirt. [laughter]

Ito wala itong sa loob ito. [laughter] Tignan ko ang loob. Malaki pa naman yung ano niya. [applause] Medyo may kalakihan.

At nandito po ang ating National Security Adviser. Yung taga ano sa akin. Araw-araw iyan. Ito, ganito nangyari ganon. Galing Pangasinan ito si Secretary Hermogenes Esperon. [applause] Panahon ni Arroyo,he was the presidential tawag nila batallion group nila. Tapos naging Chief of Staff siya.

Nandito rin si Ambassador Aragon. Kilala man ninyo iyan. Hindi ninyo kilala? Hindi na kayo makauwi. Secretary Aragon.

Tapos isa for the longest time. For the longest time sa TV. For 40 years, ah 30 years na Eat Bulaga. Senator Sotto. Isip ko na lang kung marami magaganda palagi iyang mga ano nila sa Eat Bulaga. [laughter] Sa awa ng Diyos, yung iba walang awa ang Diyos diyan kay. Playboy. Eh lahat naman kami. [laughter]

Eh ako sa totoo lang dalawa ang asawa ko. Noong pag-oath ko, walang ano ha. Syempre dalawa ang asawa, nanay ni Inday bugbugin ko pa noon. So yung nanay ni Inday pati yung nanay ni Veronica nandiyan. Sabi ng ano o dalawa. Ayaw mo pa iyan? [laughter] Eh kung ang jeep may reserba jeep lang iyan. Lalo na tao.

Hindi baka magalit yang si Inday. Inday biro lang nanay niya eh. Yun ang mayor ngayon ng Davao. Nakita ba ninyo si Inday noong binugbog yung sheriff? Ganon iyan maski kanino. Maski ako tahimik ako diyan. Totoo. Pag iyan ang nagsigawsigaw sa keep quiet kami lahat. Ako ayoko kasi makipagtalo anak mo eh. Talikod na lang ako. [laughter]

Tapos may isang bisita tayo dito, ah mag-asawa sila. Mabait. Itong dalawa talagang parang ideal husband and wife. Matrabaho. Ma… Si lahat na. Matiyaga. Si Senator Alan Peter Cayetano. At ang asawa niya si Mayor Lani ng Taguig City. Nandito siya. Lani. [applause]

Nandito si Congressman Velasco. Ay ito. Nandito si… [applause] Marinduque ito. Ang kanyang misis andiyan nakaupo. Tumindig ka nga Gwen. Magharap ka sa kanila.

Nandito si presidential adviser sa negosyo. Ano ang mabuting gawin dito sa ano. Magkapagperahan ng Pilipinas. Si mahilig ito sa noon kilala ito. Si RJ Jacinto. Yung singer. Rock star. [applause] Nandito rin Ilokano ito. He was for the longest time kinuha ko siya chief of police. Tapos naging regional commander. Tapos panahon ni Gloria naging siyang directorate. Mataas ang inabot ni Director sa PDEA ito. Ito yung sa droga. O ayan. Philippine Drug Enforcement Agency. Dala ko siya para pag-aralan talaga niya ang sitwasyon natin pati ang mundo. [laughter] Si police general ito. Isidro Lapeña. Taga-Pangasinan ito si Sid.

O ngayon nandito si Arnel del Barrio. Wala dito? [applause] Ito yung ano natin pag-ano sa, kasi yung Pilipino. Bigyan mo kalabaw gagamitin. Pagka pista p**** i** pista. [laughter]

Tama noon si Manglapus. Senator Manglapus many years ago almost more than 60 years, 70 years came up with a law na bawal na yang pista pista. Eh ang tao kasi magpataba ng baboy para lang diyan sa pista. Nagtitipid na nga para lang makabili ng feeds ng baboy tapos kainin lang sa isang araw. Kung wala ng iba yung binigyan mo ng o sige bigyan ko kayo ng kalabaw lupa mo ganon, pagbalik mo saan na ang kalabaw?

Eh sir kinatay namin kasi wala kaming pampista eh. Itong Pilipino huwag ninyo akong masamain ha. I am just talking to you as a Filipino, not as a President, no nothing. Itong relihiyon natin. Dapat itong Simbahang Katoliko matuto na sila. Pinaglalaban kasi nila iyang–[applause] Iyan bang sabi na magturo ang gobyerno o may condom kung gusto mo. Sabagay walang sarap iyan.

Parang candy iyan na binalot mo, hindi mo tinanggal yung balot. Yung plastic lang kalaban. Totoo. Huwag na tayong magbolohan. Itong simbahan, they are resisting yung family planning. Libre na — ako nagbibigay ako sa Davao noon. Libre talaga. Pati sino yung magpa-ligate. I give her 5,000. 5,000 ako. Tapos yung 2,000 bayad niya sa doctor. Madali lang basta may galawin lang siya doon. [laughter]

Tapos yung 3,000 hindi man siya makatrabaho, kanya na. Alam mo iyang mga kasulatan I will not mention it particular manuscript pero yung mga sulatan na ganon, they were written by nomads almost 4,000 years ago. Hanggang ngayon sinusunod natin. Walang ginawa iyung mga buang kung magsunod ng ano. Bawal ng bawal sige bawal. Puro bawal.

Ngayon sabihin mo na natural lang sa kalendaryo. Kaya mabenta yang kalendaryo kasi diyan naka. Diyan nakatutok yung saan ka pwede saan ka hindi. Mga yung hardware na kalendaryo. Philip Mo–

Iyang sex ho instinct iyan. Tingnan mo iyang aso nga iskandalo. Diyan mismo sa tabi ng daan, instinct iyan eh. Ngayon ang hindi mo mapostpone ang libog sa kalendaryo.

Ibig kong sabihin bigyan ninyo ng panahon ang isip, yung things that are not good for us anymore even on religious matters bitawan ninyo. Walang naitulong 110 million tayo. Kaya ako umiikot sa mga ibang bayan para lang mag magnegosyo at ang mga tao makapagtrabaho.

Kita mo kayo lumalabas. Ang dream ko sa Pilipinas. Hindi ko na maabot iyan. Pero umpisahan ko iyan. In about 10 years, hindi na kayo lalabas. Pero huwag kayong masyadong maraming Pilipino. [applause] Kasi kung nakaanim, pito, walo ay anak ng putulin ko iyang u*** mo.

Biro mo, walang trabaho tapos anak mo anim po. Hingi ng trabaho. Lalo na babae. Sabi ko, ako maski itong mga pulis tanong mo. Pagka yung nanganak lang tapos nagreport sa akin, sabi ko umuwi ka. Sabi ko umuwi ka. Sabihin mo sa commanding officer mo ako ang nagpauwi sayo. Umuwi ka tapos igatas mo yung anak mo. Because ang gatas talaga ang nanay walang makakaano. [applause] Kasi yung antibodies, yung mga substance, mga elements na.

Hindi man baka sus naman. Baka pag “moo.” May panahon sa tulog ng anak ninyo palakihin mo “moo”. Eh baka eh. Eh anak mo maski maliit p****** i**, tao iyan. Yung bago ko umuwi ko. Yung security ko nanganak lang 2 days ago p*** kaya lahat iyan. Sa Davao tanungin mo ang taga Davao. Meron doon sa Davao ang para sa bata. Kung ikaw nasa trabaho pag gobyerno ibigay mo doon.

May mga nurses, lahat, doctor. Kumpleto iyan. Maraming kama. Tapos sa baba laruan. Rubber lahat para walang untog untog. Iwan mo yung anak mo doon. Tapos lumabas ka lang ng opisina padodo mo anak mo yung sarili mo. Ganon ako magpatakbo ng gobyerno. Kaya nga siguro hindi rin ako natatalo. [applause] Ganyang yang mga diskarte ng –kaya ako rin umuuwi rin ng bahay magd*** rin. [applause] Sus bakit pa tayo magbolahan.

Minsan sa ano opisina, wala ng tao alas tres, alas kuwatro eh umuwi na tayo. Bakit ang bata lang ba marunong magd*** Ang problema kung manganak iyan huwag kang makipagcontest, maubos eh. Ireserba mo na lang sa ibang panahon.

Nandito ba si Senator Villar? [applause] Hi Sir. Sir sorry talaga, sir. Alam mo hindi ko sabihin kasi nandito siya. Isa sa pinakamabait, pinakamabait sa tao. Wala kang mga– Hindi marunong magmura iyan. Naging speaker namin iyan. Ni minsan hindi ako nagkita. Naging congressman ako panahon niyaSspeaker siya. Wala akong narinig na mag mag-init yung ulo. Wala iyan si Senator Villar. Isa sa pinaka para sa akin, pwede akong pakamatay sa kanya.

Sabi ko, kasi mabait eh. Yung kay Trillanes pwede ko siyang patayin. [laughter] Ganon lang ang buhay kasi malaki ang respeto ko kay. Naging boss namin. Tapos minsan punta kami ng Middle East. Eh yung tulog mo sa ilang hours iyan. London Heathrow kami eh. Galing kami ng Saudi Arabia. Long flight. So ano-ano na lang ang position namin. Ganon ganon.

Tulog iyan ha. Tapos magising ka na bigla. Minsan nagkaharap kami. [laughter] Hindi namin alam. Paganon ng position mo di naman komportable yung upuan napa-atsing ako. Atsing. Alam mo naman iyon yung laway ko dala-dala ko doon sa airport. Gumanon si Speaker, tumalikod siya. Sabi ko, sorry sir. Pero nasapok talaga, nakaganon na.

Now, maghanap kayo balang araw ng tao. Ako hindi ako nagkakampanya. Maski ano, hanap kayo. Tignan mo nga si Senator Villar. Iyan ang mga mabait diyan. Senator Villar.

Ito si Alan [applause] sayang lang iyan. Eh si yung babae ang pinili ninyo. Apurado gusto akong paalisin. [laughter] Hindi pa nga ako dumating isang taon dito paalisin mo na ako. Sige dalaga man siya. Sige pakasalan mo ako. [applause] Dalawa na tayo dito. At least hindi ako mawawalaan ng ano. Bulong ng bulong na lang ako sa iyo. Ba’t nagmamadali. Maghintay ka. Ano bang ginawa sa bayan? Yan ang.

Dito tayo sa corruption, wala. Be asserive. Be vocal about it. Kung pinipilit ka ng ganon, sabihin mo alam mo pag if you insist, sisigawan kita dito. Mag-iskandalo ako. Lahat ng mga taga gobyerno ayaw ng ganon. Takot. Kasi magsigawan, magdating mga pulis. Ano ano ang nagyari? P***** i**ng ‘to. Pati yung mga perfume ko na nagamit ko na.

Sino ang ano mga gay dito? Huwag kayong mahiya kasi bakla ako noon, sige na. [laughter] Palit palit ang panahon eh. Ano pa? Pero ang nakita ko na mas marami ang maganda. Kawawa naman. [laughter] Alam mo sa buhay na ito, ang regret ko napakaraming magandang Pilipina. [applause] Wala lang talagang panahon na. Gusto ko kayo walang panahon eh. Paano?

So many beautiful women, so short a time. [laughter] Kaya krini-critisize ako ng mga women’s women’s. What’s wrong in appreciating beauty? Kasi daw namumuno ginagawa ko iyan hindi nila alam may istorya iyan. Talagang kasintahan ko iyan noon. Yung naggaganon?

Mabiro talaga ako. Kasi hindi nila alam. Basta may ano kami. Huwag na. Baka ayaw ng babae kasi dalaga.

Pati itong mga pulis na ano, hinahampas ko ang p*** niyan o. [laughter] Ano yan eh, ayaw niyong nagbibiro, di huwag. Pero yan talaga totoo ma-ano ako, mabiro ako. Meron daw babae ganun na pinilit ko maka — inano ko lang, niloloko ko eh.

Dito tayo sa droga. [laughter] Itong droga, walang compromise dito. Ke mamatay ako sa trabaho ko o mabuhay ako, I go up or down pagka-Presidente ko, sa issue ng droga, walang compromise diyan.
Killings, it will continue, may be bloody. Pag ka lumaban kayo sa pulis, tapos ang pulis napa-alanganin sa buhay nila, tapos inaaresto ka, ke makita ko yang pulis patay, mag init pa ang ulo ko and I am losing on the average two policemen a day sa Pilipinas, patay yan.

Sabihin nilang E[JK]? Bakit ang pulis, t*** inang, military? I have about 39 dead soldiers so far. Sa Mindanao pag nag raid yan ng laboratory itong mga ‘to, ang kaharap nila machine gun. Because it is fueling, yun ang nag-ano sila para mag-raise ng pera. Para mabayaran yung mga fighters nila.

Alam mo pag huminto ako dito, disgrasya ang kinabukasan ng mga anak natin [applause] pag umatras ako dito, patay. Doomsday yan so sabi ko sa kanila, the campaign against drug[s] will continue and as much as possible, we’ll do it legal. Pero yung kamatayan ng tao basta nandyan, it will continue until such time na wala nang drug lord pati wala nang runner, pusher. And it will last if need be until the end of my term, five years. [applause]

Makulong man ako o anong gusto nila, they can do it. I am ready to accept the consequences, wala akong problema. Itataya ko yung buhay ko diyan, sabihin ko nga, I will put at stake my honor, my life and the presidency itself. [applause] Mabuti yang ma-klaro tayo. After 6 years na wala ako diyan, bahala na kayo. [laughter]

Alam mo, ganito yan. Kung may droga, walang runner, nasa bodega lang, takot lahat, mag behave lahat, walang problema. Hindi niya mabenta, p***, maabutan ko pa siya, papatayin talaga kita. Ayan. Maniwala ka. Kung ako mag abot ng ganun, ayaw ko lang ikwento sa inyo, talagang yayariin kita.

Yang mga tonelada pag naabutan kita, maswerte kang buhay ka. Mabuti andiyan si General Lapeña kasi ayaw niyang pumatay ng tao. Pag naabot ko yan. Ah wala. Tapos. Sabihin ko talaga, tumabi kayong lahat. Ako ang yayari dito.

Ngayon, kung may runner, walang droga tapos maghanap talaga ng supply. Somebody will be tempted because it’s money. So pag merong drug lord tapos dito, it’s an apparatus eh, organization yan eh. May binibili yan. There is buy and there is selling. That is trafficking. Yan ang mahirap eh. Ngayon kung sabihin mo na sa iyo lang, okay lang pero pandagdag ka sabihin mo kung marami kayo, sabihin mo kami lang, mga mayaman kami at may pera kami.

Ang mga drug lords will be tempted to produce and to produce more to get rich. Kaya sabihin ko sayo, RJ Jacinto, well in his younger days… Matanong kita, how long did it take you to earn your first million sa buhay mo? [ilang years? Five, six?] Five years to earn your first million.

Itong mga mayor, 40 percent ng mga barangay captain may tama [laughter] and there are about 6,000 policemen, may tama kaya yan ang hinahabol namin, sabi ko p***** i** talagang papatayin, that’s treason. Binabayaran kita diyan tapos — unahin — anak ng sabihing pulis-pulis. Pulisness ka diyan. Huwag mo akong takutin ng baril-barilan eh unahin kita.

Ngayon, kung ganun karami, anong gawin ko? Who will now answer for this misery and agony of the Filipino? Okay lang yang EU diyan mga… sila Obama, ilan ang namatay? umabot ng 10? T*** i** sinong pinatay ko? Hindi ko sabihin kung, who was your 50th victim? Sige nga, sabihin mo ang pangalan. Paano pinatay? Saan?

Basta yung lahat ng naka bulagta diyang ano, human rights violation, buang. [laughter]

Pero kung sabihin mo… sa Davao umabot ng… sabi ni, sino yun? Si Lascañas by the hundreds, sa 23 years aabot talaga. Yung 600, yung patay na engkwentro. Pero yung sabi na taong naka-ganun, nakaluhod, patayin mo, kag***han yan. Sino bang gagawa ng ganun? Sino ang buang magpatay ka ng ganung tao nakaluhod na?

Pero kung maglaban sabihin ko talaga birahin mo, patayin mo pag ka lumaban, totoo yan. Because why? Dito sa panahon ko, ang sa Davao ang pagkaalam ko, meron lang konti. It was not until I became President na lumabas, sabi ko surrender kayo lahat pag papatayin ko kayo. Lumabas nakita ninyo sa TV, by the hundreds of thousands.

Si Sid, ang kanya, 3 million kay Santiago noon, General Santiago sa PDEA past — sa kanyang bilang, we have reached the 1 million mark. Who will now answer for this?

Naglabasan hindi ko talaga alam, hindi ninyo alam ganun pala kalala ang tama ng ating bayan sa droga. Who will answer for this? Sinong managot nito? This started years ago yan, mga payat naka tropa doon sa barangay. Ang problema, sa panahon ko nangyari na ito so kailangan sagutin ko ito sa Pilipino. P***** i** kayo [laughter] Kung ako lang naman ang mag sakripisyo rin sa kalokohan ninyo, tabla na tayo. [applause]

Yan ang problema ko. Eh kung mayor lang ako, walang – Presidente, kanya yan. Eh kaso ako ang nag-Presidente, hindi ko naman alam na maski na hindi tayo nagkita, binoto niyo ako landslide. [cheers and applause]

Ngayon, kilala mo man silang lahat. Nandoon man sa debates. Anong pinagsasbi nila. Meron man akong sariling akin. Bakit ako ang nanalo by six million lamang? Anong nagustuhan ninyo? Hindi sa aking mukha. [laughter]

Diba ang mensahe? Diba corruption ang gusto talaga ng tao, putulin [crowd shouts yes]. Kasi yung corruption, yun ang tagapag hila ng administrasyon. The failure of the last administration — I do not want to mention any particular term of any President but yun ang pinaka kalbaryo talaga ng bayan natin: corruption. Kaya ayaw ko ng corruption. [applause]

Yang [LTFRB] na yan, yng mag-ano ng mga linya-linya sa boss, 92 sa kanila pinaalis ko, sikreto lang. Ayaw ko lang magpahiya ng tao. Ayaw ko man, sabihin ko na lang magresign ka na. Okay na ako. Di kita idemanda, umalis ka na lang. Resign.

So may isa akong kasama since 1988. Pag-umpisa ako sa pulitika 1988 naging mayor ako ng Davao City hanggang last month, six months ago, I was still mayor. Tumakbo ako ng Presidente, kasama ko. Dumiskarte siya, yang parinig. Sabi ko, the first whiff, bulong-bulungan pa lang sabi ko, maghiwalay na tayo. Kasi hindi lalabas yang ganun pag wala eh. Pag ayaw mong pag-usapan – kaya ako, sa Presidency ko, ayan sila lahat, kung ano yung mga kontrata, hanggang diyan sa kanila lang. Nilagay ko kayo diyaan, I trust you, may confidence ako sayo, you work for the best interest of the country. Mga military karamihan eh.

One of these days maubos ang… Halos lahat sa gobyerno, military na kasi isang salita lang. Eh yung mga director, ang p***** ina niya, nandiyan magpapirma wala sa opisina, half day lang. Kaya sabi ko yung p***** i** kayo pag umpisa pa lang ng oras alas otso nandiyan ka na. Alas singko, ikaw ang pinaka huling—[applause]

Mamili kayo, yan ang gusto mo o puntahan kita, sasampalin kita, o [laughter] kasi ang ginagawa ko sa Davao talaga yan. — p*** naninipa talaga ako ng tao, sa totoo lang. Yung ganoon na kunin mo yung gasolina sa gobyerno, yung sa basura mag-ano ka, eh talagang in public, sinisipa kita. Sabi ko, huwag kang demanda sa akin ha. Ikaw ang nagumpisa sa problema diba? Ngayon, kung i-demanda mo ako kasi natadyakan ko yung mukha mo [laughter] tiisin mo kasi ikaw ang naghingi sa problema mo. [applause]

Merong kasabihan, makinig kayong mabuti. “He who is the cause of the cause is the cause of them all.” Hindi ka aabot dito pag p*** hindi mo pinagbili yang, pinalitan yang baterya na bago ng luma tapos magbili na naman. Kaya di mo masabi, “Psst, hoy, huwag ninyong gawin.” Ako talaga, “Saan? Kita tayo. P****** ina, lumuhod ka.”

May isa akong gambling lord na sinama, pagdating diyan sa police barracks, pinagbaba, pinaghampas ko siguro ng almost 50 times. Talagang inano ko, nandiyan yun media, sabi ko, gusto ninyo? Sige. Eh tapos kinakausap, huwag na lang kasi… Pinaluhod ko talaga diyan sa gate mismo ng pulis, pinaghahampas ko. P***** ina ka, sinabi kong huwag eh.

Alam mo sabi ko, hindi ako mawili mag-alis pagka mayor. Kaya kung sabihin nila si Duterte ganun-ganun, hanggang isang taon lang. O di mabuti, yan ang swerte ko. Yan ang sinabi, binoto ka ng Pilipino sa Thailand para manalo kang Presidente [applause] pero ang sabi diyan sabi, pero abot ka lang isang taon tapos matanggal ka, okay lang ako. Okay talaga ako. O kung barilin ka sa likod, okay ako. Mag…hintayin ko na lang kayong lahat ng magaganda kasi doon man talaga kayo pupunta. [laughter] Asus.

Yung mga magaganda na umakyat? Iba-ibang boyfriend? Wala. Doon kayo, magkikita-kita tayo. [laughter] Huwag kayong sa langit. Wala na… Makita mo puro anghel. Kung gusto mo hawakan yung kamay, lilipad parang kalapati. [laughter] Tapos mag-sige ka lang tingin, magpapatrolya yang Diyos niyan. Sige ganun, sige dasal. Mamamatay tayo niyan.

Sa impyerno, “dumating na yung reyna na” [laughter] Huwag kayo matakot kay satanas. P****** i**, pag inabot kayo sa impyerno, alam mong gawin ko? P****** i** ka, bumaba kadiyan sa trono, putulin ko yang ikog mo, yung buntot mo. Gawin ko yang balbakwa, l**** ka, umalis ka diyan. [laughter]

Sabihin ko, “hoy, psst, yung maganda sa ano… Yung nagpakamatay dahil nahuli ng dito,” “Eh ayaw ko yang reynang yan.” Palitan mo ng reyna para komportable tayo. At alam mo na, ang reyna ko, palit ka araw-araw, mas mabuti. Bakit mo ako isang reyna lang? Eh karami taga-Thailand, magaganda. Diba? O, ganun lang ang buhay.

So yung economy natin will improve. [laughter and applause] Alam mo sa totoo lang, napakabait ng China. Malayo tayo sa China eh. Kasi dikit-dikit tayo ng Amerikano. Pati yung mga exports natin banana, pineapple, pinara. Wala — naghirap ang Pilipinas. Yung mga tao wala. Ngayon doblado. Ang pineapple natin plus, twice karami na so wala na tuloy tayong supply. [applause] Pineapple, ganun rin.

Sabi ng China — noon, strikto sila kuno. Kunwari lang eh. Quality hindi maganda ganoon. Ngayon sabi nila, export mo lahat dito, kami na ang maghugas ng quality para mag number one.

Tumutulong eh. Kaya ako… hindi ako lumalayo sa Amerika but I will not also entertain military alliances, I — meron tayo sa Amerika eh, US-RP Pact, 1950, ‘51 yan. We will stick with that because that is a treaty.

But dito sa trade and commerce, huwag mo akong pigilan na makadikit sayo. Nung pumunta ako ng China, doon, doon nag-umpisa. Maganda ang rapport namin, pumunta ako ng Japan, punta ako ng lahat – Laos, Cambodia, pinakamaganda kung ano… alam mo kagabi sa — kabait ng Prime Minister ninyo. [applause]

Alam mo, birthday niya kagabi. Pero alam niya birthday ko rin malapit na [laughter] Alam mo, kaya pala tumindig, sabi niya sandali lang ha, nagpagawa ng cake para sa akin happy birthday [applause] so hiyang hiya ako. Sabi niya… tapos na ako.

[crowd cheers and sings happy birthday]

Salamat po. So yung pinaka-maganda diyan na walang atraso, pwedeng tumindig at [laughter] makapag beso-beso lang naman.

What I can assure you is this: maniwala kayo, mabuti. Pag hindi, huwag. My administration will begin or began and it will end with the public interest foremost. [applause]

I will be loyal to my oath of office. Huwag lang yang mabalitaan mo sila Trillanes, martial law, martial law, magbitaw — huwag kayong, do not be offended.

Kung sabihin ninyo na ikaw ba talaga sobra-sobrang ligaya? Iilan lang ang nagiging Presidente ng Pilipino. Are you extremely or inordinately proud to be President? I’m telling you, I do not need the position at this time of my life. Tandaan mo.

So dito lang. huwag na yung martial law na declare martial law. Dito lang umiikot. And my oath of office says I must preserve the Filipino people. [applause] hanggang diyan lang.

Di na ako magtagal, I’m going home. At sana kayo, ito lang ang tandaan ninyo: if you have a problem which you cannot solve [Pakitingin nga nung Pilipina nagkaproblema ngayon sa Middle East]. Lahat ng gustong umuwi na nagka problema, walang pera ganun, nagkakaso-kaso, tapos uwi, ako na ang magpauwi sayo. [applause] Basta yung, wag lang sana, God forbid. Madisgrasya kayo tapos walang pera, ganun.

May pera ang gobyerno. Nakocorrupt lang pero may pera ang gobyerno. [applause] Kaya yang pera na yan sagrado yan para sa akin.

It does not belong to anybody’s pocket. It will not make anybody of us here rich. None of that. Kami trabaho lang. Yang ang pinili namin eh ganun ang mangyayari. Tapos sabi ko, wala tayong ibang… public interest. Filipino people. Period tayo diyan, diyan tayo magpakamatay. [applause]

Not every Filipino is given a chance to be a Cabinet member or to be a President. It would be an honor to die for you.

Maraming salamat po.

—END—