May 03, 2016 – Interview of Sec. Coloma – DZRB – Radyo ng Bayan
INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR. |
DZRB – Radyo ng Bayan / Balita at Panayam by Alan Allanigue |
03 May 2016 |
ALAN: Secretary, sir, less than a week to go before election day sa Lunes, Mayo 9. Kumusta po ang mga paghahanda naman ng iba’t-ibang government agencies para matiyak ang maayos na halalan sa darating na Lunes, Sec?
SEC. COLOMA: Ang lahat ay isinasagawa ng pamahalaan, Alan, para makatulong doon sa pagkakaroon ng isang maayos, tahimik at makabuluhang halalan sa darating na Lunes. Ang ating Sandatahang Lakas at kapulisan ay mga deputized agencies ng Commission on Elections para sa pagtitiyak ng katahimikan at kaayusan — lalo na doon sa merong mga mainit na tunggalian ng mga kandidato — at ginagawa ang lahat para mahimok ang ating mga mamamayan na pagtulungan iyong pagkakaroon ng maayos na halalan. ALAN: Opo. So all systems go na kumbaga, Secretary Coloma, sir? SEC. COLOMA: Iyon ang pahayag ng ating mga ahensiya, lalong-lalo na ang Armed Forces of the Philippines at ang Philippine National Police — sila ay naghatid ng tulong sa ating Commission on Elections. Noong nakaraang linggo naman ay tiniyak sa akin ni National Printing Office Acting Director Raul Nagrampa na patuloy pa rin iyong pakikipag-ugnayan nila sa Comelec. Meron na lang iilan na verification at pagtama doon sa mga balota. Pero patapos na, ang sabi niya sa akin noon. Dahil natapos ng ating pambansang imprenta iyong paglilimbag ng mga balota in a record time of 49 days. ALAN: Secretary Coloma sa ibang usapin po, we understand na patuloy ang pagpasok ng mga investments na naglalayong magtatag ng negosyo dito sa atin, sa bansa. Any updates sa aspetong ito, Secretary Coloma, sir? SEC. COLOMA: Natunghayan natin iyong ulat ng Board of Investments ng ating DTI na sa kabuuan ng 2015 ay higit na mataas ang nakalap na investments kaysa nung nakaraang taon at ang investment pledges — ang karamihan dito, halos kalahati 47%, ay nasa sektor ng enerhiya — at marami din ang mga namumuhunan sa mga low-cost housing project na tumaas ng halos doble, from P9 billion Tumaas to 17.9 billion. Doon naman sa enerhiya ay 29 billion ang halaga nung mga proyekto. Iyong iba pang mga larangan kung saan naging mataas ang investments commitments ay transportation and storage — P9.22 billion; manufacturing — P4.78 billion; at iyong accommodation and food services — P350.7 million. Kaya’t mainam itong kaganapang ito dahil kahit na papasok na sa—mula nung isang taon patungo sa 2016, kahit na papasok sa eleksiyon ay mataas pa rin iyong kumpiyansa ng ating mga namumuhunan sa sigla at paglago ng pambansang ekonomiya. ALAN: Ayon. Well, very positive ang mga indikasyon na iyan, Sec. Kumbaga… kung halimbawang patuloy ang pagtaas ng ating GDP, Gross Domestic Product, ay nandiyan din ang mga prospects ng bagong investments na papasok sa bansa. And of course, this would generate more jobs para sa ating mga kababayan, Secretary Coloma, sir? SEC. COLOMA: Ayon nga. Dapat ay maipagpatuloy yung tinatawag nating “virtuous cycle.” Kaya tinatawag nating virtuous cycle, nag-uumpisa yan sa mabuting pamamahala; yung mabuting pamamahala naman nag-eengganyo sa mga negosyo na mag-expand sila at nakaka-attract din tayo ng mga bagong namumuhunan kaya dumadami yung mga nalilikhang trabaho, Yun namang mga nalilikhang trabaho ay nagdudulot ng benipisyo sa mga komunidad kung saan sila naitatag; at yung pag-unlad naman diyan nagiging dahilan din kung bakit lalo pang pinapabuti yung imprastraktura. At yung imprastraktura naman ay nakaka-akit din ng mas marami pang investor. Kaya yan yung tinatawag nating virtuous cycle na nais nating mag tuloy-tuloy lampas sa darating na halalan at sa susunod na administrasyon. ALAN: Opo. Well, Secretary Coloma isang puntos pa po. Dito sa mga nagpahayag ng intensyon na mag invest at yung mga papasok na puhunan, anong sector ang kanilang kinabibilangan? Halimbawa, sinasabing magpapatuloy pa rin ang industriya ng business process outsourcing, magiging malakas dito sa Pilipinas sa darating na mga dekada. Saang mga sector po itong mga papasok sa atin, Sec, sir? SEC. COLOMA: Well, ayon dun sa ulat ng BOI, iyung mga investment commitments na tinuring nila noong last quarter of 2015, karamihan doon ay tinaguriang “big ticket energy projects.” ALAN: Opo. SEC. COLOMA: So sa sector ng enerhiya — kabilang na diyan yung mga renewable energy projects, dahil ito ay halos kalahati nung halagang inaprubahan ng BOI at dumoble duon sa nakaraang quarter na… kumpara dun sa nakaraang quarter. Tapos nga yung sumunod naman ay investment in “real state projects,” lalong lalo na yung mga low cost housing na halos dumoble. So yun yung mga bagong investment na naitala noong last quarter of 2015. ALAN: Ayun, opo. Well Secretary Coloma, sir, muli salamat po ng marami for the updates from the Palace, sir. SEC. COLOMA: Maraming salamat at magandang umaga. ALAN: Thank you, sir. Good morning. Mga kaibigan, Communication Secretary Sonny Coloma. |