May 12, 2016 – Interview of Sec. Coloma – DZRB – Radyo ng Bayan
INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR. |
DZRB – Radyo ng Bayan / Balita at Panayam by Alan Allanigue |
12 May 2016 |
ALAN: Secretary Coloma, sir, magandang umaga po.
SEC. COLOMA: Magandang umaga, Alan. ALAN: Opo. Ilang araw na po matapos ang presidential, vice presidential at senatorial elections at meron na hong mukhang malinaw na mananalo ho, ito pong si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. And we understand, base ho doon sa inyong anunsyo ano ho, na meron na ring binuo ang Pangulong Noy na tinatawag na ‘Transition Team’ na siyang makikipag-ugnayan din doon sa grupo na binuo naman ni Mayor Duterte na transition team para po sa maayos na pagsasalin ng kapangyarihan. Bigyan n’yo pa kami, Sec. Sonny, ng ilan pang mga detalya tungkol dito, please? SEC. COLOMA: Si Pangulong Aquino ay nakipag-usap kay Ginoong Christopher “Bong” Go, ang executive assistant ni Mayor Rodrigo Duterte, noong makalawa at ipinahiwatig niya ang kahandaan niya at ng administrasyon na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa pangkat ni Mayor Duterte para sa isang maayos na transition. Sinabi pa rin niya na ang mga miyembro ng Gabinete ay handang magbigay din ng kanilang tulong at lahat ng impormasyon na nais malaman nila Mayor Duterte. At siya rin ay nag-utos kay Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. na pangunahan ang isang Transition Committee, ang pagbubuo nito ay isasaad sa isang Administrative Order, Alan. ALAN: Opo. Sec., ilang araw lang po matapos ang eleksiyon nung Lunes, ano ho, maraming mga first na maituturing dito ho sa eleksiyon na ito. Gaya halimbawa ng maayos na transmission ng data patungo dito sa central servers ng Comelec; liban doon sa ilang mga nagkaroon ng problema doon sa mga counting machines sa mga lalawigan. Ano hong mga, kumbaga eh, lessons learned dito po sa ganitong sistema ng botohan sa atin na sinasabing mas modern, mas efficient at generally very peaceful base na rin sa pahayag ng PNP at ng ating Armed Forces of the Philippines, Sec. Sonny, sir? SEC. COLOMA: Pangatlong pagkakataon na na ginamit iyong automated election system. Noong una—ang unang dalawang pagkakataon ay iyong 2010 at iyong 2013 elections. At ayon na rin sa assessment ng Comelec ito ang pinakamahusay na karanasan na kanilang natunghayan, dahil nga tumaas iyong level of efficiency ng mga voting machines bagama’t marami pa ring nai-ulat… bagama’t nagkaroon ng malfunction, ito naman ay napakaliit, less than 1% noong kabuuan, at agad din namang nabigyan ng solusyon at isa pang magandang resultang nakita natin ay iyong mas mataas na turnout. Noong una ang sabi din ng Comelec ay 81%. Meron akong natunghayan sumunod na ulat na mas mataas pa, baka umabot ng 84%. At nakita rin natin kahit na mahigpit ng labanan ay mas maayos naman at mas nabawasan na iyong acrimony o iyong pagbangayan. Mayroon pa ngang na balitaan tayo na nagtabla, eksakto iyong natanggap na boto ng dalawang kandidato sa pagka-alkalde at ito ay agad-agad na naresolba sa pamamagitan ng toss coin, dahil ‘yan ang nakalagay sa batas, Alan. ALAN: Opo. So iyong isang point na tinuran niyo ay posibleng umabot pala ng 84% ang turn out ng mga botante. Kumbaga eh malaking ano iyan… achievement para sa ating lahat, na nahikayat ng ganoong kalaking porsiyento ng mga botante na bomoto ngayong nagdaang eleksyon na ito, Secretary, 84% po. SEC. COLOMA: Ganun na nga, Alan. ALAN: Okay. Sec, dito po sa—looking forward, ano po. Mayroon pong initial na balita rin galing sa Senado at sa Kamara na sa May 23 ay official silang magpa-function bilang National Board of Canvassers na siya pong pormal na bibilang din dito sa… o magpapasimula ng canvassing para dito sa mga boto ng presidente, bise presidente, at ng mga senador, sir. SEC. COLOMA: Iyan ang tinatadhana ng batas at hintayin nating gampanan nila ang kanilang tungkulin. ALAN: Ayon, okay. Well, Secretary Coloma, sir, sa ibang usapin po. Dito po sa natitirang, kumbaga, ay ilang araw o isang buwan mahigit ng kasalukuyang administrasyon. Saan po, kumbaga, naka-focus ang ating pamunuan sa kasalukuyan, liban po dito sa paghahanda rin para sa transition to the next administration, Secretary Coloma, sir? SEC. COLOMA: Araw-araw ay patuloy na tinutukoy ang mga suliranin ng ating bansa, patuloy na kinakalinga iyong kapakanan ating mga mamamayan. As we speak, Alan, maraming Pilipinong nasa ibang bansa at ano man ang mangyari sa kanila ay responsibilidad ay responsibilidad pa rin ng pamahalaan. Kaya patuloy iyong trabaho ng paglilingkod, patuloy iyong kahalagahan ng paghahatid ng serbisyong publiko sa pinakamainam na paraan. ALAN: Well, Secretary Coloma, sir, muli salamat— SEC. COLOMA: Alan, Alan. ALAN: Opo, Sec. SEC. COLOMA: Mawalang galang lang. Mayroon pa ba tayong dagdag na kaunti pang panahon? ALAN: Ay opo. Please go ahead, sir. SEC. COLOMA: Hindi kasi noong tumugon ako kanina sa iyong text, kung ano ang maaari nating talakayin ngayon, ang ginamit kong kataga ay ‘post-election reflections’. Hindi ba mainam naman na magnilay din tayo kung ano ang kahulugan ng katatapos lang na halalan. ALAN: Yes, sir. Please. SEC. COLOMA: Sa aspetong ito, patuloy tayong tumatanggap ng feedback mula sa mga mamamayan. Patuloy din silang nagpapahayag ng kanilang mga saloobin sa mga social media platforms. At meron akong natanggap by text na shinare sa akin ng isang kaibigan. Nakalagay dito posted in FB o Facebook by a J.J. Atencio. Hindi ko mismong kakilala itong si J.J. Atencio. Pero nung binasa ko iyong kanyang post, ang naisip ko kaagad mainam sigurong mai-share din ito at matunghayan ng ating mamamayan. ALAN: Yes, please. Opo. SEC. COLOMA: So kung mararapatan, Alan, may kahabaan ng kaunti, pero hindi naman matagal. Ito iyong post sa FB ni J.J. Atencio. I quote him verbatim: “Thank you Mr. President, As the polls close to elect your successor, allow me to express my gratitude for giving us your best for six years. Your critics will no doubt belittle your accomplishments, but please take solace in the fact that history has always rendered a kinder and fairer judgment of our past leaders. It is not easy to lead a nation composed of 7,107+ islands, 100+ million free-wheeling and independent-minded citizens, using a moribund bureaucracy that remains a challenge to motivate, reform and mobilize. That you are ending your term without a dark cloud of personal gain and corruption is a testament of good governance in itself, setting the bar for future presidents to surpass. As a businessman, this is what I am most grateful for: six years of low interest rates, stable foreign exchange, low inflation and conservative government spending that resulted in our economy growing each year by 6.5% for six straight years. That is no small feat. Low interest rates allowed our middle-class to buy houses and cars for the first time, uplifting their status and way of life. Controlling public debt provided an environment for banks to lend more at low interest rates to small and medium scale enterprises, giving them the capacity to supply bigger companies. All in all, you allowed business to grow, expand, create new jobs, increase wages, and explore more opportunities, even in foreign shores. Stable inflation and foreign exchange provided our OFWs with more buying value for their money enabling them to uplift the lives of their families. All this provided the bonus of several upgrades in our sovereign rating that elevated our stock market index to levels never before seen, and enticing foreign capital to either invest in the Philippine equities or directly by establishing BPOs and other businesses in the country. That these economic gains were felt throughout our social pyramid cannot be contested. I see this personally in our increasing sales of mass housing nationwide, and the traffic I have to bear in places like Manila, Cebu and Davao because ordinary people can now afford to own cars. But perhaps six years of growth at 6.5% is not meaningful enough to change a social inequality that took probably 50 years to develop today. That the electorate has decided for radical change instead of continuity should not be considered as a repudiation of your administration, but rather a culmination of a decades-long struggle against the status-quo that started even before you became a politician. Fair is fair Mr. President, and I wish you the best. Thank you for leaving the next President with an accomplishment that he must and should surpass. From a grateful citizen.” Iyon ang pagtatapos ng FB post ni JJ Atencio, Alan. ALAN: Ayon, okay. Totoo nga naman na napakahirap pamunuan ang isang bansa na kagaya natin na unang-una archipelagic ang ating lugar, diverse ang kultura, iba-iba ang pananaw ng mga mamamayan. Pero kumbaga ito ho ay nagampanan ng husto ng kasalukuyang administrasyon. SEC. COLOMA: Kasi nga, Alan, kung tutunghayan natin siguro masasabi nating dahil 80% o 85% iyong natamo sa mga layunin. Pero kung titignan natin iyong kabila noon, iyong 15 to 20% na hindi natamo, hindi pa natatamo o hindi pa natutupad at kung ito ay umaapekto doon sa pinakamaralita sa ating lipunan, ay meron din naman talagang katuwiran para magsabi na kinakailangang pa ang mas maigting na pagbabago o na meron pang mga puwang; meron pang mga kakulangan na dapat pang punuin. Pero mas mainam din siguro kung magiging balanse iyong pananaw natin at meron ngang kasabihan ‘count our blessings’, pagyamanin ito at gawing batayan para mas maging determinado tayo na magtatag ng mas maaliwalas na kinabukasan para sa ating mga mamamayan. Kailangan din kasi iyong reasonable optimism, pagbibigay natin sa ating sarili ng pagkilala na rin na malayo-layo na rin naman iyong ating nararating, marami-rami na rin iyong ating naipunla nagbunga ng mabuti at ito ay puwedeng maging batayan para sa mas magandang kinabukasan para sa ating bansa. ALAN: Opo. Okay. Well, Secretary Coloma, sir, muli salamat po ng marami for the updates from the Palace, sir. SEC. COLOMA: Maraming salamat at magandang umaga, Alan. |