Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the meeting with the Filipino Community in Hong Kong Special Administrative Region
Regal Airport Hotel, Hong Kong SAR
13 May 2017

Maraming salamat po. Maupo po kayo at…

First of all, I’d like to thank the government of Hong Kong and China for this warm welcome in my stopover from Cambodia.

Sa Cambodia po, pumunta ako for the meeting with the financial — World Economic Forum. Pera ang pinagusapan. Pero tayo, hanggang usap lang muna ha kasi bumebwelo pa tayo.

And I am on my way to — or right after this meeting with you, I’m going to proceed to Beijing for the One Belt, One Road.

This is the strategy of President Xi Jinping for the prosperity of maybe in this region sa the ASEAN community and throughout the world.

Mainly because, I think, there are about 21 heads of state attending this meeting. And I was one of those lucky to be invited.

And I’m sure that mapapag-usapan lang namin doon would really be how to improve the economy of the world.

To date, wala ho akong masabi except my profuse thanks to China for helping us out.

Remember that there was a time na ang export natin parang hindi tinatanggap dito. And all of because ang America sa panahon ni Obama and China who were not really — not really enemies or hostile but not
proper things maybe ‘yun siguro agreements but in a polite community. Wala sila masyadong rapport. And not until after I declared that I am veering away, mag-split ako and chart my own independent
agreements regarding trade and commerce to anybody who’d want to talk to us.

And I had this chance of being invited to China. I had a talk with mostly the officials and President Xi Jinping and mainly also because of that South China Sea.

Let me explain. Doon ho sa bilateral meetings with my Cabinet members — I’ll introduce them later — at ako, I was really frank with them. Sabi ko, I come here in the spirit of friendship and goodwill. Wala po
akong hinihingi sa inyo. Except that I’d like to be apprised or be informed of whatever happened to the quality of our exports kasi hindi na ninyo tinatanggap. And for one reason another, it has something to do
with quality. And yet before, we were doing all right.

So it boils down to really relationships, country to country, people to people. And all because of geopolitics.

Ako naman sabi ko, I come here and you must be apprised also, conscious of the fact that we have a conflicting claim. You’re claiming China Sea as yours. And we claim it as ours also. And as a matter of fact,
we went to a court, international body to settle these things, and we won the arbitration.

Pero sabi ko, I will not bring it up at this point in time because it would not be proper since I am here as a guest.

Wala naman usapan na pumunta ka rito at pag-usapan natin ‘yung China Sea.

But sabi ko, let us put it aside in the meantime and let me just ask you, why can’t we export to your country?

For so many words, ito lang talaga. It boils down to — not really miscommunication but a falling out, maybe because we are identified with the US.

And I said that I would like to chart my own course. Of course, I am a friend, we are a friend of America. We have so many things between us, historically and now. But I have to think of my country first at this
time because I am the President.

And I said, our banana, pineapple wala na. And the pineapple industry had stopped planting. Ang mga banana natin, nobody was buying and so we had to dispose them at — mura just to earn something out of
what we planted.

And we were smiling to each other. And the conversation was good. And at the end of the day, he said that we are restoring your quota sa imports sa amin. You can export now, beginning maybe next week.

And so we’re back at the… Ngayon, it has improved something like mga two billion, two billion dollars na. [applause] As soon as we resume.

And the banana, full swing na tayo. So ‘yung pineapple was a shortfall in the targeted exports because we had to stop planting kasi hindi nabibili ‘yung volume eh.

Now it’s back to where it is. And I’d like to thank again China for understanding our plight. We are a country which is agriculturally based and one of our strongest points would really be export of agricultural
products.

Iyan ho ang nangyari ngayon and we are honored with the invitation to be a part of the One Road. It’s actually the Silk Road of the old China, iyong tiniravel (travel) ni Marco Polo. It’s akin to that and China is
not really over generous but it’s awash with money. And they’re even top at lending the financial firms in the outside.

Sabi ko, kung matulungan ninyo kami eh ‘di mabuti. And to date, they have promised so many things and ‘yung mga grant, ang ibig sabihin halos bigay na.

Really that China would build two new bridges traversing Pasig and that’s a lot of money there. Gawaan nila tayo libre.[applause]

And they are helping us with — in so many others. But if there is really a revival of the robust economy before, I know which part of our history was that, but we expect that something… Pati ‘yung increase ng
tourism. Both from the rest of the ASEAN countries and China. They’re back. They have lifted the prohibition.

What’s really very sad is that ang Mindanao because it is below the typhoon belt, it should have produced more, more exports.

We are a little bit in turmoil because of the arrival of ISIS. That’s what I was afraid of initially when I talked to the military many months ago when I had the first command conference with them and I said that,
we’re talking to the NPAs. Medyo matigas lang nga.

But, it’s not really again something which is insurmountable. And as a matter of fact, I have opened the gates of government to — sa left.

And as a matter of fact, I have invited Liza Maza of the Commission on Poverty — of upliftment. Lisa, stand up. [applause] Isa pong ex-convict. [laughter] Panahon ni Ramos — ay ni Marcos sa Martial Law. Ito
‘yung mga… A lot of them, Secretary Mariano sa DAR and si Taguiwalo also was in prison for many years during the Martial Law regime.

So sabi ko na ano, mag-usap na lang tayo. Sometimes there is a medyo mid-way there’s an irritation, exchange of words but again we’re back because you know, I am the President for peace. I cannot be a
wartime President and… [applause]

I cannot afford to fight with anybody, especially to wage war against my own people. So whether we like it or not — [applause]Alam nila Liza ‘yan that, ano ako open ako and I just released about 14 prisoners
from Bilibid, ‘yung mga komunista na convicted na as a show of… And besides there were others.

Iyong mga top leaders nila — si Agcaoili, the Tiamzon spouses, we had dinner in my office in Malacañan. But I do not live there. I commute to the other side of the everyday kasi ang Malacañan bastos ang
mga mumu doon. [laughter and applause]

They don’t wait for nightfall or darkness to arrive. Maski alas diyes ng umaga nandiyan si Mr. Brown. [laughter] Mr. Brown, he was one of those American officials who occupied Malacañan at the time we’re under
the — first from the Spaniards then to the Americans.

And it’s a… I’d almost say that it’s a dark side of our national development, it’s identity and our history. It’s not fun to be under for 400 years under the Spaniards and 50 years under the Americans. And of
course, they lived off the fat of the land.

Pero okay na ako diyan, hindi naman masyadong masakit but that’s why I do not kind of… I just go there to craft meetings and sign important state documents when I go to — where Ninoy also stayed.

Actually, it’s just a small room. Kalahati nito, ng stage, ‘yan lang ang kwarto ko na tinutulugan ko. It’s a… There’s a forum room and there’s a sala. But pagdating ko sa gabi pagod na ako. Gusto ko na
magpahinga. But at least nandoon ang marinig ko lang na rumblings medyo may daga. [laughter] Kasi ang likod ko ‘yung barracks na ng PSG.

So ewan ko kung alaga nila roon pero maraming [laughter] — maraming maingay sa ceiling but I’m sure it’s a — by the speed of the krrrrrrr… [laughter] It’s only rats who can do that. So doon ako.

So ganyan ho ang atin ngayon. I go everywhere. I went to the Middle East because… And I was very frank with them, sa Saudi Arabia, Qatar pati sa Bahrain that I’m here to just say hello to you and to look
after my countrymen.

But you know what, sabi ko, we have a national interest there. [applause] Meron ho dito na millions of Filipinos and I have to look after their interest. And it is the national interest of the Filipino people.

Sabi ko, medyo magulo kayo sa Middle East. Huwag lang nilang putulan ng ulo ang mga Pilipino. Sabi ko, mapipilitan talaga akong mag-landing dito. So I will come here whether you like it or not because I have so
many countrymen here and I would not just sit on my a** and watch them being…

Ang ISIS kasi ano eh. Sana huwag mangyari. But from Jolo, they have migrated to Central Mindanao.

So we are talking to the MILF, we are talking to the MNLF. Ang hindi ko kayang kausapin, ‘yung mga terorista, ‘yung Abu Sayyaf. One of them was adopted as the parang chairperson ng chapter nila sa ISIS,
nandiyan sa Mindanao ngayon.

So we got… We have about ‘yung… Wala man tayong jet noon. Dumating na and the last one was — pinuntahan nila sa [‘Di ba nandoon ka, sir? Dalawa? The remaining one? So ilan lahat ang jet ngayon?] Eight.

And by the time… We have now a working Air Force. Bagong jets ‘yan. Kaya sabi ko nga sa mga piloto natin, you tour the entire length and breadth of the Philippines and show your ware. Pinapadaan ko silang
makita ng Pilipino ‘yung bagong jets natin FA-50. [applause]

And I’m using it. Noon kasi ang rebolusyon, hindi ginagamit ‘yung mga air assets lalo ‘yung bomba pero ngayon ginagamit ko kasi I have to deal with them as harshly as I could ever be kasi very dangerous. So
‘yan na lang sana.

Without terrorism and drugs, heaven na sana tayo ngayon because we are on talking terms with the revolutionary fronts.

Wala na sana except ang droga. And it’s in the ASEAN statement now. It’s not only mine and even Trump yesterday said he would resort to harsh measures.

But noon, ‘yung isang dumaan na Presidente, kept on reprimanding me, chastising me in public. Kaya ako nagalit kasi nung mayor ako, ‘yan na ang issue, talagang pinapatay ko daw. At bakit naman hindi ko sila
patayin? [cheers and applause]

Kayong mga taga-Davao, alam ninyo ‘yan. Noong nanalo ako pagka-Presidente, ay mayor, sabi ko, Davao magulo noon. Right after Martial Law, maraming kidnapping, holdup, lahat because firearms were
indiscriminately given to anybody who would claim that he is an Alsa Masa or anti-communist.

So post-Martial Law, halos lahat ng tao nakahawak ng baril. Eh wala na ang left, nagpatabi na lalo na sa Davao eh galing man rin ako diyan. So ang problema itong nasa gobyerno, ito na ‘yung holdup, rape dito.

So napilitan…. I said ako ‘yung mayor and I am building a city. Do not destroy Davao because I need the money to fund government — sa pulis, sa maestra, sa health, lahat. And you just, you know, you’re
around, walang magbayad, walang mag-negosyo dito.

Sabi ko, huwag ninyong galawin ang Davao at kayong mga terorista, do not destroy the future of the Philippines. [applause]Future natin ‘yan eh. Hindi tayo mayaman kaya tayo nagkita-kita dito eh, sa totoo
lang.

Ako siguro ang savings ko can sustain me in a hospital. First class, may oxygen, lahat medisina, about mga seven months. After that, I’d go kaput, wala na. Ganun ka-ano ang pera ko, ‘yung visual.

Sabi ko, ito ‘yung aking mga anak, ito ‘yung pinapaaral namin. Ito tapos, ilagay ninyo sa alanganin. I-shabu ninyo, tapos maging gunggong na. Pagtanda ko, sinong susubo ng lugaw sa bunganga ko? Kayo?
[applause] Sinong magbayad ng medisina ko sa ospital? Kayo? Sabi ko.

‘Pag namatay ako, sinong magbili ng casket ko? Sinong magbili ng lupa diyan sa memorial? Wala kaming… Totoo, maski… Kayong taga-Davao tingnan niyo ‘yung listahan diyan sa memorial. Eh ‘di ako naman sabi ko,
cremation lang ako, ‘pag kamahal na eh. Magbili sana ako, pareho man rin ang… Magkano ‘yan? About ng singko… Eh ang cremation singko-mil lang. Eh ‘di dito na ako. [laughter] Totoo. Sinong magbayad sa
cremation ko? Anak ng… Bakit? Magtrabaho ako diyan sa labas ng…?

At saka ito ang… Hindi ko kayo jina-jamming but ito ang sinabi ko talaga. Kasi one third ng halos mga anak ng OFW, nasa droga. That’s the survey of government.

Sabi ko, p****** i** ninyo, [applause] ang mga tatay nito, nasa ibang bansa nagpapakamatay magtrabaho. Ang mga nanay nito sa isang bansa and sometimes they are raped, abused. Sinisikmura lang ‘yan nila
para lang makapagdala ng pera sa Pilipinas. [applause]

Binabastos mo… Tinitiis. Kaya sabi ko noong na-Presidente ako. I am here… Itong mga bugo na human rights, itong Inquirer, huwag kayong magbili niyan. [applause] Pera-pera lang ‘yan, totoo. Pati ‘yung ABS-
CBN. [cheers] Pera-pera lang talaga ‘yan, maniwala ka.

Ako, may pera ako. Si Senator Cayetano, may pera rin siyang deposito at marami pang iba, si Chiz Escudero. Lahat. Ang ABS-CBN tanggap nang tanggap nang tanggap. [cheers] Hindi naman ipinalabas ‘yung
binayad ko. [laughter] Kasi last minute, wala man talaga akong pera. Alam ninyo ‘yan eh, from Mindanao lang ako.

Hindi na… I was not even a national figure. Hindi kagaya ng mga kalaban ko. At least ang Filipino, the entire nation, knew them by…

Ako, kailan nila nakilala? Iyon lang noong nag-file ako ng certificate of candidacy. So wala masyadong nagbibigay kasi sa rating, 4, 5, 4, 5 lang ako, minsan 3. So walang nagbibigay.

But ‘yung last minute na, last two weeks ‘yung I suddenly went up by 36 or 34 percent, nagdatingan na ‘yung pera.

So pumunta ako sa ABS-CBN, sabi ko, “May propaganda ako, pwede ba ninyong isingit?” “Oo, sige bayad ka lang.” Bayad ako.[laughter and applause]

Kaya ‘yang Gabby Lopez na ‘yan… Iyong pagpunta nila sa Davao, sa Cable, Sky Cable nila, kinausap nila ako bago akong mayor, sabi nila, “papasok kami”.

Sabi niya, ang balita namin… May Sky Cable na doon eh. “Stockholder ka daw?” Maniwala ang p****. Sinasali-sali niyo ang pangalan ko diyan, for protection lang ‘yan.

Sabi ko, wala akong… Tapos sabi nila, “Mag-take over kami, bayaran na lang”. “Oo, kausapin niyo ‘yung may-ari.” Tapos sabi nila, “Mayor ka kasi, baka pahirapan”. Sabi ko, “Saan na ang application ninyo?
Bakante pa.”

Iyan si Gabby Lopez kung nanood siya ngayon. Siya pati ‘yung namatay na, pati ‘yung si Garcia. Iyan sila, sa hotel, “Sir, saan ‘yung application mo?” Ibinigay. Pinirmahan ko, approved. Kilala nila ako. Pero si —
kaya nga pera-pera. Marami kaming… Aming pera tapos hindi kami mag… Hindi na mag… Wala namang offer to refund. Ngayon na lang na nag-p******* i** ako.[laughter]

Kasi p***** i** magnanakaw talaga kayo sa totoo lang. Bumawi… Iyong mga drama ninyo, iyan ang ano ninyo, mga ‘Maalaala Mo Kaya.’ [laughter] Nakalimutan mo na [laughter] noong ako’y isang araw sa buhay
ko inano mo ako.

Iyan pero kung sabihin sa balita p***** i**, huwag kayong maniwala diyan. [laughter] Ganun, slanted ‘yan.

So with Inquirer. Alam mo ang Inquirer kung maka-baboy sa amin ganun na lang. Kung mag-editorialize kaming mga nasa gobyerno kaupo-upo ko lang magnanakaw na kami. Lahat na… Kasi pareho sa ABS-CBN,
lalo nag-file ng kandidato si Roxas, hanggang ngayon noong napuno na ako…

Alam ba ninyo ang Mile Long? Diyan sa Makati, ‘di ba maraming…? Mile Long ang tawag diyan. Iyan ibinigay ni Marcos kay Rufino. Piso lang siguro ang ibinayad. Tapos si itong mga Rufino nag-asawa ng may-ari
itong sila si Prieto.

For 25 years, renewable for another 25 years, nag-expire na lang, sila ang nagko-kolekta diyan sa mga… Maraming tindahan diyan at saka… Hindi na kanila ang property, nag-expire na. Dumating na sa Supreme
Court kasi ayaw bitawan. Alam mo ang ginagawa sige pa rin sa kolekta at ayaw umalis sa propedad.

Ito namang korte and I’m warning the judiciary, huwag ninyong paabutin na hindi na ako maniwala sa inyo because that would really be a constitutional crisis. [applause] Kasi galing na ng Supreme Court, nagalit
na nga ang Supreme Court bakit hindi i-implement? Ibalik sa gobyerno ‘yung property ang may-ari Philippine National Railway. Para junkyard, junkyard nila noon. Ayaw na nilang ibigay uli.

Tapos nagpunta na naman kung saan-saang korte, forum shopping, nakakita sila ngayon dito sa Court of Appeals, nag-issue na naman ng TRO stopping anybody including government from retrieving the property.
Kaya ang Pilipinas oligarchy talaga. Iyong mga mayaman nandiyan ‘yan nagpapakayaman ‘yan pero kung magsalita sila akala mo kung sino. [applause]

Ang ginagamit nitong nila Prieto ang kanilang newspaper. Ito namang ABS-CBN. [cheers] Kasi ganito makinig lang kayo ha. P****** i** ninyo hinintay ninyo na mawala ang respeto ko sa inyo. [cheers] Kaya
unang-unang Presidente nagsabi, p***** i** ninyo sige.

Makita mo pati ‘yung mga Obispo na u***. [laughter] Ay karaming relihiyon dito maniwa… Merong bago. Mag-put up ng branch dito — Iglesia ni Rodrigo. [laughter and applause]

Walang bawal. Lahat ‘yung magaganda mag…Ako ang mag-training para sacristan. [laughter] Iyong pari ganun.

Tapos kung sila ang maghingi panahon ni Gloria Arroyo, naghingi ng mga Montero, Mitsubishi. That’s graft and corruption. There is a separation if Church and State. There is a provisional — no, not provisional
— a provision that no money of government can be spent even a single centavo. [applause]

Iyan ang inyong Katoliko na mabaho. Ay sus, simbahan. Si Bacani pati the rest magsige yawyaw. Nandiyan sa libro. [May dala ka ba, Bong? Altar Secrets?]

Ang sumulat nito, narrator ng Bishops’ Conference. Sumulat siya ng libro. Namatay na, “Altar Secrets”. Sinabi niya ang lahat ng kabastusan, ang kabulastugan ng… Pasa-pasahan na lang ninyo. Best seller ito,
actually, “Altar Secrets”.

Nandito lahat, ang first pages si Bacani. Dalawa ang asawa, tatlo ang kabit. [laughter] P***** i** nagbasa ako, sabi ko parang si Mayor Duterte man ito. [laughter and applause]

Biruin ninyo hindi ako pari. At saka hiwalay ako sa asawa ko. Kanina pa ang mata ko ang likot sige tingin-tingin. [laughter] Sino ang gustong pumunta ng Beijing? Sige kuha kayo ng… Babae lang, eh lalaki man.
[laughter] Iyong babae lang.

At saka ‘yung mag-selfie, ‘yung mga lalaki de- bigote pa tapos mag-selfie ipatong ‘yung mukha niya sa akin. [laughter and cheers]

Maging bakla ako nito pagka. [laughter] I-ngudngod pa nila ‘yung mukha nila. Eh kung lalaki ganun lang, kung saan ‘yung mukha mo eh ganun, i-ganun pa. [laughter] Hindi pa mag-ahit.

Kung maging bakla ang Presidente ninyo wala tayong magawa dahil ‘yan sa selfie-selfie.

Ito iiwan ko, marami pa ba? Dalawa lang. Ipasapasa na lang ninyo but this can be bought sa online. Ano ito, “Altar Secrets”. Ang sakit niya, sakit ko rin. [laughter] Pero wala akong corruption. [applause]

You know, kayong mga taga-Davao, sinong taga-Davao dito? Mayor man ninyo ako for 23 years. Itong babae siguro pero… Pera? Kurakot? Iniwasan ko talaga ‘yan.

Papaano, fiscal ako noon prosecutor ako at in addition to that, wala pa ‘yung Ombudsman, panahon ni Marcos, Tanodbayan pa noon, special prosecutor. I was one of the two na special Tanodbayan prosecutors
and I used to travel around Mindanao to prosecute mga treasurer, mga governor.

Kaawa diyan ‘yung mga rank and file na magpirma lang kasi sabihin lang… Kaya noong nakita ko ‘yung rank and file na ano, nagpirma, ‘Sir, dumaan sa amin inspection.’ Talagang… Eh talagang dina-drop koi to,
tirahin ko itong mga unggoy na mabibigat. Noong nakita ko ‘yung napilitan lang, hindi ako nag-aano diyan.

Kaya ‘yon ang trabaho ko. Kung pera noong naging mayor ako, maraming pera ang nakawin kung gusto mo but I could not have survived but naging congressman kasi ako tapos naging vice mayor ako ni Inday.
Iyong nanununtok ng sheriff. [laughter]

So that is another eight years. Twenty-three plus eight years ako. I could not have survived politics. Sa Davao hindi pa ako, hindi ako nakatikim ng talo. Sa babae, disappointments marami.

Ayaw nila kasi matanda na raw ako. Tapos baka naghintay sila na regalo na mga singsing eh wala, wala tayo diyan. Mahirap lang tayo. So ‘yon ang istorya.

Hindi naman ako naninira pero alam mo itong — itong Philippines, it’s ruled by the oligarchs. Iyong mga mayaman na pamilya noon panahon na close kay Marcos, Aquino then in succession tapos Aquino na
naman.

Meron nga dito eh there was a grant of about 200 million, naubos na. Noong nag… Itong China nagreklamo. Iyon ‘yon sana sa railway. Pero ang ihingin ko sa inyo ganito, be patient. Marami na akong
commitments. Baba itong…

I’m friendly — I’m friends with China. Magkaibigan kami ni President Xi Jinping. And I reiterate kasi nagpapadala daw tayo ng sundalo doon sa kanila. Look sabihin ko rin sa you know to the Chinese government,
we have been there since 1974 sa Pag-asa.

So ayaw kong pag-usapan ‘yan kasi may lumabas doon sa crawler sa — nagpapadala daw ako ng — rotation ‘yan. Kung after every anong… Every ang ano mo doon? [National Security Adviser Esperon
answers: Three months.] Every three months papalitan ka ng… Kawawa naman ang sundalo. By the way, si General Esperon is my National Security Adviser. [applause]

Chief of staff siya noong panahon ni Gloria. Kaya ako panay ang tanong sa kanya kasi siya ang nakaalam eh. Pero dapat ninyo mabasa ito. Dito isinali na niya sa [indictment?] niya ang mga mayaman sa Maynila.
Makita mo every, kailan lang kayo nagka-Presidente na from the outside? Ngayon lang.

Kailan itong Republika natin ito? 19… What? 1940? Eh ‘yung presidente sila lang ang namimili diyan, dalawa, tatlong tao. Tawag mo ‘yung mga taipan, ‘yung milyonaryo, ‘O magkano ka?’ ‘Five, 10 o 50 million?’
Tapos sila lang ang mag-decide, ‘O ito ang ating presidente ngayon ha.’ Maski bogo ang p***** i** niya. [laughter] Ganun ang Maynila eh.

Eh napasok ako. Hindi pa nga ako kilala. Ang rating ko is 3,4, 3,4,3,4. Pagdating ng eleksyon, I got 15 million, 6 million was — oo, 16 millon, ang six million ko was my majority. Ang sunod ko si pretty boy.
[laughter]

May sikreto ako pero… Hindi mo makita ‘yan masyado pagka-kaharap mo. Tingnan mo ‘yan pagka-nakatalikod ang lapad ng baywang. [laughter] Ang lapad ng… Tingnan… Imagine mo noong ano… Ang gusto ko
ano, ikaw ang sa itaas o ikaw ang sa baba? [laughter] Live ‘yan. Diretso ‘yan sa… People of the Philippines I am with my beloved countrymen, puro tsismosa itong lahat. [laughter and cheers]

Just give me three years. Pagka… Kung pumasok itong mga ano… There’s one company that says that they would employ about five engineers — 5,000 engineers rather. Pwede na kayong dahan-dahan. Just
get… But on the fourth year, basta wala lang graft and corruption. [applause]

Ako marami na akong finire out. As a matter of fact, ayaw ko lang ibulgar sinasabi ko na lang, ‘resign quietly.’ Kasi tinitingnan ko rin ‘yung ano nila matanda na. May mga anak na na doktora, may mga anak na sa
mga hospital pa na, Makati.

Pero sabi ko kung nabuhay kayo noon sa medyo madaling pera, medyo — just slow down a little bit or just avoid it for the next five years or so. Kasi pag isang kamali lang… Ako I fired a Cabinet member that…
Nagmi-meeting kaming lahat sinabi ko, “You are lying to me. Lying to your teeth. Get out of the room. You are fired.” Marami na akong… Cabinet member, wala akong sinasanto sabi ko.

‘Pag ako ang nagtiis, tiis tayong lahat. Ngayon kung magnakaw ako, o sige magnakaw na kayo. Pero kung habang hindi ako magnakaw, huwag na huwag kayong magkamali talagang… [applause]

Iyong sa NAIA, of course may concerns sa iba and it’s a legitimate concern actually na wala masyadong huli na sa ano because kasi ngayon kung may nai-intercept na ano do it before sending it to the conveyor
up to the itong sa ano… Diyan ang ipaamoy ninyo kasi ako if you have been trying to… If you have been home lately, wala na kasi bukas-bukas ng — lalo na OFW, walang bukas ‘yan, diretso na. [applause]

At saka Immigration, they have no business asking kung anu-ano. Huwag pahirapan sabi ko. I do not want ‘yung maliliit na tao kasi kanila talaga itong gobyernong ito. Iyong mga mayaman hindi nila kailangan ng
gobyerno, nakukuha nila sa korte, nakukuha ngayon itong TRO ng…

I don’t know what division it is but hindi Court of Appeals. Alam ninyo na sa gobyerno na ‘yan. Alam na ninyo ilang korte na ang dumaan diyan. Tapos ngayon nandiyan na naman kayo issuing a TRO, I said do not
wait for me. If I’m pissed off, hindi ko kayo susundin. Ganunin ko ‘yang papel ‘yan, atubangan itapon ko sa mukha mo.

Gusto ninyo ng… Kung ayaw ninyo ng ganun. Ako, martial law? Pero hindi ako mag-martial law. Bastusin kita diyan sa harap ng tao. Kayong korte , stop it. Mga contract ng gobyerno, stop it. You delay the
projects, magmukha kaming inutil, tapos ang mga proyekto hindi natatapos so i-TRO ninyo hanggang lalabas kami walang nagawa. Do not do it now [applause] kasi magkaka-problema talaga tayo sa bayan.

Kung sabihin ko tuloy sa mga pulis pati sheriff p**** i** huwag kayong maniwala diyan, dito kayo sumunod sa akin kay may kailangan tayo. Alam mo minsan kasi ‘yung natatalo sa bidding ang animal, magde-
demanda. Bakit? Hindi kasi agrabiyado siya kung hindi sabihin niya doon sa nanalo, ‘Bigyan mo ako konti. Bayaran mo na lang ako.’ Negosyo ‘yan eh. Magbi-bid sila alam nila talo tayo — matatalo sila.

Sabi ko ‘yung corruption eh isasali ko kayo sa droga. Ang sa droga hindi matatapos ‘yan. Human rights? Stop. Eh ang Amerika they invaded Panama you remember? What was the reason? Because Panama was
flooding America with drugs. They shanghaied si Noriega, brought him to New York, tried him there and he’s imprisoned there. Tingnan mo.

They went a war to Iraq. Sabi nila, “weapons of mass destruction.” What happened? Pagdating doon, wala. Walang mass… Pinatay nila si Saddam. Pinatay nila si ‘yung Libya. O tingnan mo ang Middle East
ngayon. Eh ‘di putok dito putok doon, terror dito, terror doon. Eh sabi ko naman sa mga ISIS dito bakit ninyo gawain sa akin eh wala naman akong kasalanan sa inyo? Hindi naman kami taga-roon, hindi kami
Arabo. We are all from the Malay race just like the Indonesian and the Malaysian. And we have done nothing you wrong.

So, ako, I tried to… I plead fairness but kung gusto ninyo eh ‘di sige. Basta I will not allow my country to go to the dogs. As President, kayong mga taga-Human Rights, I build a country [applause] hindi ako pulis.
Understand that.

Ang trabaho hindi ngayon ang anu-ano lang. I look after my country. Maski ganito lang ako I love the Philippines. [cheers] I love the Philippines and I love… Hindi ba sabi ko sa kampanya, why am I here?
Tinanong ako, sabi ko, ‘I am here because I love my country and I love the people of the Philippines and especially the beautiful Filipina.’ [applause]

Iyong maglapas ka na sa mga 55, 60 baka sakali. [laughter] Hindi. Kung nandito ‘yung anak kong babae magagalit ‘yon.[laughter] Titindig ‘yon totoo, si Inday, sabihin niya sexist ‘yon eh. It’s a slur against women.
Titindig ‘yan, harap-harapan. Eh maldita ‘yan.

Ang plano namin ni Bebot si Bebot Bello — Secretary Bello is from Isabela. [applause] He was a Cabinet member of Arroyo, Secretary of Justice noon, tapos ngayon dito sa akin. Ito sila walang taga-Maynila
diyan na opisyal puro taga-probinsiya ‘yan. Dormitoryo ko lang ‘yan. Kaharap ko sa dormitoryo. Siya ang ka-roommate niya si Yasay, ah si Dulay from Baguio. Ilokano ‘yan sila.

Ang ka-roommate ko harap kami ng kwarto si Yasay. [imitates Yasay] The one who’s talking like as if he was really addressing the American community here. Basta, Mr. President, I’ve been there to find out
what’s real or wrong… [laughter] And true he was my roommate. Even in the dormitory he was talking in English. Pati sa panaginip ng g*** nag-i-English eh. [laughter]

Hindi eh walang magawa eh. But I can understand Yasay. He was my roommate. During Martial Law he was forced to flee the Philippines. Why? Nandoon siya sa listahan actually. Silang dalawa ni Maceda at the
same time nagtayo sila ng law office. Maybe ‘yung passport niya was out of gratis because you cannot travel, stateless ka doon eh.

So kinansela ang passport nila dito so it was of no value anymore. He was a Filipino but he could not travel because the passport was cancelled in Manila. So I could understand na baka nabigyan siya ng gratis
lang siguro.

Alam mo ang Amerika is also a sanctuary for political prisoners. So ganun pero Pilipino talaga si Yasay. Kaya lang wala tayong magawa ganun magsalita eh. [laughter] [imitates Yasay] You know I think because
he’s a son of minister of the Church and probably there’s a Sunday that he took over to deliver the sermon and…[laughter] Jun, biro lang, Jun. Eh ito kasi gustong malaman lahat eh.

I’d like to introduce to you para malaman ninyo… I’d like to introduce first sa protocol it’s Acting Secretary of the Foreign Affairs Enrique Manalo. [applause] Ito kababata ko talaga. We’re neighbors and we grew
up together and he owns — he was the PAL President once upon a time and the Secretary of Agriculture ni Cory. Oo, ito ‘yung bright sa — from Kindergarten to college, valedictorian ito. And he was also the
voice of democracy during our days he was the champion nationwide ano ‘yon eh — Carlos Dominguez III. [applause] Mautak, marunong talaga. Pero mayaman na ito sila dati. But he owns Marco Polo Hotel.
[applause] Kaya kung ito mahilig man rin ito. Kung maganda ka at nandiyan siya lapitan mo lang, ‘Mr. Secretary, do you remember me I saw you in Hong Kong?’ [laughter] Sabihin niyan, ‘Do you have a
reservation?’ ‘No.’ ‘I’ll give you one.’[laughter] Pero kung magsabi, ‘nice meeting you,’ tapos titindig, medyo hindi ka niya type. [laughter]

Ito naman si Bello probinsiyano talaga. Kailanman hindi siya natuto mag-medyas hanggang ngayon. [laughter] May isang kasama ka pa ngayon, huwag kayong ma-offend ha. Lahat itong Gabinete ko halos, pati
kabarkada ko puro Ilokano, mga brod ko. Pero I don’t know if he’s still around. May kasama kami sa dormitoryo nilabhan niya ‘yung sapatos niya, brush ang gamit na nilinis niya. Tapos matapos na ‘yung isa tapos
na ako, sabi niya, kinuha niya, ‘pahingi ng toothpaste ha.’ [laughter]

Katipid naman nitong Ilokanong ito. [laughter] Totoo ‘yon sa dormitoryo. Talagang nilinis niya pagkatapos ginanun niya tapos na eh. Nilagay niya diyan sa basin tapos ‘pahingi ng toothpaste.’ [laughter] He’s an
Ilokano sa Isabela.

Then, I’d like to introduce to you our Defense Secretary Delfin Lorenzana [applause], Ilokano rin ‘yan. He used to be a general assigned in Mindanao doon sa area ko kaya kami nagkakilala. Then we have Ramon
Lopez, Department of Trade and Industry.[applause] Ito ‘yung maasahan ninyo ng small scale and medium enterprises. Bilyon ang buhos ko diyan ang pinakamalaki is ang number one na binigyan ko is education,
bilyun-bilyon talaga. [applause] Then ang ano Secretary of Agriculture, Health, in that order. Ang pinakabuhos ko talaga ‘yung para sa tao.

Then we have our Budget Secretary Benjamin Diokno, [applause]. He is there. Noong nanalo ako — he was the budget officer of Mrs. Arroyo. Sabi ko sa kanya — kay Erap — sabi ko, ‘Sir, pwede ba kitang
yayain uli mag-trabaho?’ Because he’s really very good, mautak. [applause] At saka pormal.

Ito maging artista sana kaya lang siguro ito nakapag-buntis ka, nasira ito eh. [laughter] Andanar. [applause] Nag-artista ito pero ewan ko anong… May lumabas yata na video? [laughter]

So Secretary Esperon. [applause] And abugado ko, abugado rin ito ng mga artista kilala niyo ito, si Chief Presidential Adviser on Legal, Salvador Panelo. [applause] T****** i**, wala ring medyas. [laughter]
Pero ako man sa totoo talaga ako man, hindi din ako nasanay. Kaya lang kung boots. Pero kung sneakers… Sa Malacañan hindi rin ako nag… Kami man lahat halos. [laughter]Hindi ‘yan ng uso eh. Corning (corny)
tingnan kung mag-sneakers ka tapos mag-socks ka.

Kaya lang ang iba diyan… Do I name him or do I not? [laughter] May isa rin diyan sa harap ko mag-dekwatro walang medyas. Tapos sige lugod nang lugod doon sa… [laughter] Tapos pagkatapos in the unguarded
moments pagkatapos [smells his hands][laughter] Secretary ‘yan ha. Mahilig talagang mag-dekwatro tapos ganunin lang niya ‘yung paa niya, tapos ganun [smells hands again] Diretso ‘yan. Akala niya walang
papansin. [smells hands again] [laughter] Kaya sa Pilipinas maski ganun lang tayo, lahat ng characters sa mundo nandiyan.

Si Senator Alan Peter Cayetano [applause]. Nandito ang misis niya si Mayor Lani ng Taguig. [applause] Magkasama ‘yan sila… Magkasama ‘yan palagi. Ako hindi ako nag — I’m not joking. I… Parang naiinggit ako
kayo ma’am na palagi. Lahat ng travel namin magkasama talaga ‘yan silang dalawa. I never saw such love in my life. [applause and cheers]

Ito siya naging ano ko for many years, he earned his post sa Mindanao. Second lieutenant pa lang ito kaka-graduate lang ng PMA, ako ang ninong first lieutenant. Pero doon pa lang sa Davao, sa karami ng
problema nawala na ang buhok niya. [laughter]Si Bato. [applause]

Paano hindi magalit ‘yung human rights sa amin kasi pagka-nagtanong ‘yon sa interview, ‘Sige, patayin tayo! Hanapin ko patayin ko kayo!’ [laughter] Demanda, oo, dinemanda kami. [laughter] Wala tayong
magawa.

Ang Presidential Spokesman natin si Ernie Abella. [applause] Kayong mga taga-Davao, you remember Ernie? Sa Victory chapel. Minister ito siya. Talagang calibrated. He is a very good man.

Tapos si Consul General. Saan si Consul, ma’am? [applause] Tapos si… Wala na kasi ‘yung iba. Wala na. Liza, nasabi ko na. Liza, stand up. Ito ‘yung sa Anti-Poverty. [applause] Sabi ko ito ‘yung mga ex-convict na
ano.

So iyan po ang ano ko. Just give me time. During the campaign wala akong — I just promised that I will just stop corruption if I can. Tapos okay na tayo. [applause] Maski yang paguwi-uwi ninyo wala ng…Ayaw
ko ‘yang binubuksan ‘yung bag lalo na ‘yang mga OFW kasi kung sila ‘yung sinasabi natin na bagong bayani ng bayan, bakit pahirapan mo ‘yung mga bayani?[applause]

Samantala kami noon mga mayor, governors, pagka — mag-salute pa, ‘Sir…’ Maski kasing haba ng train ng Hong Kong ‘yung bagahe basta senador, hala diretso. Pagdating doon sa Hong Kong itong mga OFW o
Middle East… Ang pangit tingnan sa totoo lang.

It’s almost idolatry na ah bagong bayani pagkatapos doon sa Customs pati Immigration binaba sabi ko: Stop it. Stop it because I do not like it. [applause]

Kaya kung may magbukas sa bag mo, there has to be a very compeling reason. Ibig sabihin niyan random minsan napi-pick up ka may information na galing sa labas. Kasi minsan palabas ka hinahayaan nila
magkarga ng baril o shabu ka, papalusutin ka. Pero tawagan nila lang ang Customs ng Pilipinas bantay ka. Iyong ganun seat number ganito. Ayusin ‘yung… Kaya may mga random ka pero bihira mangyari ‘yan.

At saka hindi naman ako maniwala na mag-uwi ka. Bakit ka naman mag-uwi ng shabu doon? Marami man doon. [laughter]Namamatay na nga ‘yung iba diyan. Eh kung mag-contribute ka pa eh ‘di kasali ka sa
patay. [laughter] Kakauwi mo lang tapos instead of your relatives going to you to visit you manghingi ng pasalubong, ikaw pa ang bibigay ng abuloy ngayon. Huwag kayong magdala ng… Marami doon. Kung gusto
ninyo bigyan ko pa kayo eh. [laughter]

Droga, wala talaga. It will never stop. And I said do not destroy the country. Do not destroy the country. Do not destroy the young Filipino. [applause]

Alam mo maraming nagsabi, ‘Si Duterte, mag-martial law ‘yan. Diktador.’ Susmaryosep. Sa totoo lang, if you are asking me if I’m very happy being President? Am I inordinately proud of being President? I’ll give you
an answer. Hindi na dapat sa akin at this time of my life. I should not have really. Eh napasubo lang eh. [laughter]

But nobody was… Eh kasi lahat ng kandidato lip service lang, graft and corruption… Wala talagang nagsabi p****** i** kayo papatayin ko kayo ganun. Ako sinabi ko talaga pati ‘yung droga and nobody was
mentioning about Mindanao. Eh taga-Mindanao kami. Kung nagkabombahan doon, dito sa Pilipinas nauuna kami — simbahan, airport, pantalan. And so I’m extra scared ako noon.

Kung walang tao na magtutok. Iyan lang ang promises ko. Then one, I remember if you were watching the presidential debate it was in the last leg na tinanong kami if you would allow the burial of Marcos? Ako
pati si Binay sabi ko “yes.” Iyong tatlo sabi niya, “hindi”. So noong panalo na ako tapos gusto nila ilibing si Marcos, ipinalibing ko. [applause]

Look, iyon ‘yung mga… Iyon ‘yung promise ko. Kaya kung ayaw ninyo ‘yon hindi sana ninyo ako ibinoto. [laughter] Anong klase ito? Ngayon noong ginawa ko na ipinapatay ko talaga itong mga p***** i*** ito,
minumura ko pati pari kasi…

Magdasal kayo sa kwarto niyo pareho lang din. I mean, in the midst of [?] people, there is always God. Hindi mo kailangan magpaluhod-luhod ka doon. Poste, tindig tapos luhod, tindig. Makinig ka ng… Kami sa
Ateneo kami eh.

Totoo ‘yan Ateneo kami. Sa Ateneo ‘di ba every Friday mass ‘yan tapos you are mag-communion ka. Totoo ‘yan Sonny, kami nga doon hinihipo kami ng pari. [laughter] Totoo ‘yan. Hinihipo kami ng pari. ‘O what
are your sins?’ Are pa. ‘What is your sin?’ ‘So ano bang kasalanan ng bata?’ ‘Wala.’ ‘C’mon, c’mon, we don’t have the whole day.’ ‘I went to the room of the maids.’ ‘I lifted the blanket just a little.’ ‘O why?’ Wala
ang kamay ng g*** nandoon na. ‘I wanted to see what’s inside.’ ‘Ah that’s wrong.’ Pero kami excited na kasi baka hinipo ka. [laughter] ‘And then?’ ‘She was… I think she was awake. I ran out the room.’ ‘And?
Where did you go?’ ‘To the bathroom.’ ‘And? After the bathroom? You went to sleep?’ ‘No, I went back again and lifted it higher.’ [laughter] ‘And?’ ‘I went to the bathroom again.’

I’m not fond of lying because I do not have an obligation to lie. It might really be hindi naman bastos but gusto ko lang malaman na ganun ang buhay na dinaanan namin. Lagay na it okay tisoy ay sus hanapan ito
ng mali maski walang mali. So iyon ang istorya ng buhay ko.

Kaya… Alam mo sa totoo lang ‘yung mga bright boys sa Ateneo noon eh ‘di hinahatak ‘yan talaga sila to be… Iyong mga sikat sa Davao na mga valedictorians, si [Val Chan?] si eh ‘di kinukuha nila puro pari eh ‘di
makalusot itong tisoy na ito. Ma’am, ibigay ko sa iyo. [gives the book] [Woman: Thank you, sir. Ilokano ako, sir.] [applause]

I will be back in Hong Kong to talk to you about that book. [laughter] Hindi marami lahat halos lahat ng Cabinet members ko puro Ilokano. Meron pang apat yata ‘yan sila. Kaya sabi ko sa ano, apat o marami ‘yan
sila, puro Ilokano. [cheers] Para hindi na kailangan mag-coup d’etat, junta na nandiyan naman sila lahat. O ‘di kayo na lang. Bakit pa tayo mag-away?

So, I think most of you are… Pauwi pa ba kayo? I have to fly to Beijing, wish me luck. [applause] But one thing is very certain actually, China in all good faith wants to help us. Iyan ang ano. [applause]

At saka sila walang hinihingi. Walang kondisyones wala basta tulong lang kami. Maraming pera eh. And the generosity of delivers. Dapat pasalamatan natin. So I hope that everything you, dito, magtrabaho lang
kayo. Bigyan ninyo ako ng…

Pero sigurado ko ‘yung mga anak ninyo medyo ano na ‘yan by that time. Kung magpasok lahat ito. [applause] As it is now maganda na ang ano natin, trabaho na. Ano ka lang… Give us time to makapag-ano kami.
Mine is really to provide employment, wala akong pera eh. So invite people to invest and ang akin is the job generated. Duterte[nomics]…[applause]

Basta ‘yung akin ito ang maasahan ninyo ha, in three years mag-stabilize ‘yan. Hindi ngayon. Medyo ‘yung drugs medyo matatapos ‘yan. Mauubos nang mauubos ‘yang mga p**** i*** ‘yan. [applause]

And then itong corruption. Itaya ko ang lahat ko diyan, the honor and the… Sabi ko nga I put at stake the presidency itself, my life and my honor. Talagang tutuparin ko ‘yan. [applause]

And ‘yung overseas employment. Magtayo ka ng… Overseas Employment Certificate? Oo, wala na ‘yon. Kaya gusto ko the least intervention sa buhay ninyo ng gobyerno. Ayaw ko ‘yang maraming regulasyon kasi
diyan ang papasok and magtayo ako ng bangko, OFW bank para diretso na. [applause]

I-require ako ‘yung postal. Wala naman akong ipadalan ng sulat ngayon. I love you isulat mo pa? Sebastian nga, sinabi na ang sabi ng babae hiniwalayan niya ako, tinext lang niya, ‘hiwalay na tayo’. [laughter]
Naglasing ‘yung babae.

Iyong importante talaga ‘yung corruption mawala, kailangan. Kaya ganito ha. Bakit may corruption tayo? Pilipino rin eh. Hindi kasi kayo kailangan mag-ano – just be assertive. Pagka may BIR magpunta sa inyo,
‘yung driver’s license ninyo, pag may manghingi sa Customs, sabihin kunin, sabihin mo p**** i** mo, huwag mong gawin ‘yan. P****** i** hindi kita bigyan sampalin kita dito ngayon. Ganun. Kasi kayo kasi
pagdating ng pulis takot kaagad. Eh pulis-pulis ka diyan, foolishness. Mag-behave ka.

Talagang ganun. Be assertive huwag kayong matakot. Ngayon kung mapasubo kayo ‘yang hingi-hingi ng ganun. Sabihin mo p**** i** mo bakit ako magbigay sa iyo? Sabi ni Duterte sampalin kita eh. Paninindigan
ko ‘yan. [applause]

Ipatawag ko kayo tapos iharap ninyo sabihin ko, sige sampalin mo. Kagaya noong sa Davao, Mayor pa ako. Sinampal niya ‘yung babae, ‘Mayor, sinampal ako.’ Ganun ako sa Davao eh. Tanungin mo sila taga-Davao.
‘P**** i** hulihin mo.’ Nandoon ‘yung driver ganun-ganun, ‘Mayor, ipinahuli mo raw?’ ‘Talagang ipinahuli kita yawa ka, bakit mo sinampal ‘yang babae?’ ‘Sir, kasi, Mayor, maliit ‘yung bahay na papuntang ano gusto
niya ihatid pa doon sa hagdanan. Eh hindi na ako maka-backing. Wala nang backing puro wala ng…’ ‘Eh bakit mo sampalin?’ ‘Eh kasi sinigawsigawan na niya ako.’ ‘P*** babae ‘yan.’ ‘Sige sampalin mo.’ [laughter]
Sabi ko sa babae, ‘sige sampalin mo.’ ‘Ikaw ha!’ ‘Mayor..’ ‘Huwag kang magreklamo g*** ka. Sige sampalin mo uli. [laughter] Bog! ‘Mayor, ano bang klaseng hustisya ito?’ ‘Eh talagang hustisya ito. Ikaw p**** i**
ka barilin ko ‘yang b**** mo diyan. O sige sampalin mo pa uli.’ ‘Mayor, ano ba…’ ‘Sabi ko pasampal ka l*** ka.’ ‘Mayor, bakit ganito naman? Parang walang hustisya?’ ‘Anong hustisya sinampal mo ang babae,
pinaganti ko lang sa iyo tapos dalawang araw na naglipas, ang interes pala?’ [laughter]

Kaya huwag kayong matakot kasi wala naman talaga pagdating ng korte. O ‘yan sa Register of Deeds, ‘yang mga titulo ninyo isa pa ‘yan. May bago kayo diyan chief, ‘di ba bago ang chief diyan? Land registration,
iyan lisensiya. Ang sa licensing taga kasama ko rin sa San Beda, Ilokano rin ay hindi sa Licensing oo tama si ano si [Delgar?] sa LTO si General Galvante. Si Morente General… Dumaan rin ‘yan sila. Dumaan lahat ng
Davao ‘yan naging Chief of Police. Kaya sila lang kasi ang kilala ko halos puro military, ex-military ‘yan sila lahat.

Iyan hindi ma-ano walang problema diyan kasi isang utos lang. Ang mahirap ito ‘yung mga matagal na sa gobyerno — indolent, indolent. Ayaw magtrabaho, paglabas ng alas-dose, hindi na bumalik nandoon na sa
mall pasyal-pasyal. Sabi ko dismiss, summary. Pati ‘yung mga director. Kasi ngayon pagkadepartamento nila, one month ‘yan. Noon mag-abot isang taon. One month lang ‘yan. NEDA, one month; Transportation,
one month; DTI, one month. Director, baba [applause] 15 days. Pagkaika-15 days pag hindi natapos, tumawag ka doon sa 8888. Iyan lang 8888 tapos sabihin mo itong si Director ano, hingian, pangalanan mo. O
si Juan dela Cruz, si Director, ‘Presidente hiningian niya ako ng ano…’ Then I’ll follow up, ipatawag ko. Tapos magbigay ka ng address mo kung gusto mo. Magpunta pa ng Malakanyang. Ganun din, sampalin mo,
sampalin mo ulit. Magreklamo na, ‘Mayor…’ Eh ‘yung interes kasi isang buwan. 30 times sampalin mo. [laughter]

Ganun lang talaga ‘yan kung hindi mo ganunin walang mangyari sa administration. P**** i** iyong mga droga pag hindi ko kayo pinatay talagang ayaw ninyong huminto eh. Naghihintay talaga kayo ng
kamatayan. O sige ibibigay ko. Susmaryosep.

Ito ‘pagnaka-ipon kayo, alam mo ang magandang negosyo? Punerarya. [laughter] Marami itong mga u*** na ayaw talagang makinig eh.

Well, anyway, I’m very happy. I’m gratified by your presence and this dialogue with us. I would like you to know that I am really trying my very best, kaming lahat. [Woman shouts: Daghang salamat po!]
[applause]

Walang mayaman dito, puro lang ito trabahante. Bebot, kasama ko ‘yan. Ateneo ‘yan sila ni Dulay. San Beda ako. [imitates Yasay] Yasay, I want to take up law and he is a graduate of UP. Iyon ang color namin
doon.

So puro ‘yan sila… Sal, Bicolano ito. Andanar, Mindanao. Si Bato, sa Davao ‘yan. Karamihan ano mahirap lang din kagaya natin and naintindihan nila ang problema natin. Basta ang sigurado ko, magbayad kayo,
sigurado ‘yan pupunta sa tao talaga ‘yan.

Ako ha publicly, aside from my salary, hindi ako kumukuha ng allowance. [applause] Wala akong allowance. Wala akong allowance maski piso. Cheke lang na, treasury warrant ko, iyon lang ang… Wala akong
talagang hinihingi sa akin.

But I just to also commiserate with everybody that life is really very hard now and it’s always a… Alam ko ang… Anak lang rin ako ng mahirap kasi ang tatay ko taga-Cebu. My mother is a Mindanaoan. She’s half
Maranao. Lola ko kasi Maranao. But tatay ko Bisaya. Grandfather ko Chinese, Lam. Taga-rito ‘yan kasi Lim sa ano eh. Sa Fookien it’s Lim, dito it’s Lam. So Lim actually ‘yan.

Si Pagcor nandito man siya. Huwag kayong maniwala actually ito si Fred Lim sa Pagcor bilyonaryo na ‘yan. Tugade, ‘yung valedictorian namin sa San Beda. He was already a billionaire during our student days.
[applause] Mautak ‘yan. Bright. Ito ‘yung mga bright. Kami ‘yung mga bugokski ang medyo hirap sa buhay. [laughter]

Buti’t na lang na-mayor. Pero ano ‘yan sila… Kung hindi ano cum laude, Vit Aguirre ka-batch ko sa Bar. Kami ni Tugade, cum laude ‘yan. Sila lahat ano. Ako lang ang medyo… Pero sa awa ng Diyos, itong mga bright
lahat ‘yan sila trabahante ko lang ‘yan. [applause and cheers]

75, 75 lang pero sabi ko eh si Sonny, valedictorian ako medyo 70… Iyan lang talaga ang nakita ko sa grado ko totoo, totoo walang ano ‘yan. Hanggang ngayon, may 75, “W” pa ganun, “warning” ibig sabihin, 78,
wala ngang 80. Pero every year nagkikita naman kami sa pag-second year, o nandito ka pala. Third year, o. Sige aral, p****** i**. Basketball pati bilyar.

Well, anyway, lahat tayo there’s a commonality of sentiments here. We are hardworking. We cannot afford the luxurious life. We have to work to send our children to school. It’s hardly both ends meet para sa
atin.

But give me time, give me time. Three to four years — four years okay talaga tayo. [applause] I am sure okay na tayo. I would have solved almost all of the problems. But just be aware of your rights, be
assertive if you are confronted with graft and corruption and itong droga tatapusin ko because it is not fair. [applause] It is not fair na tayo ang nagtrabaho para sa mga anak natin, lalo na kayo, you expect
them to be studying tapos masira lang. It is not fair.

Kaya talagang boldyakan kita because I will not…As I say, I will not allow my coutry to go to the dogs. With that kind of situation na — mga three to four years pwede na kayong makauwi niyan. Invest in some
business. [applause]

Hindi na ako magtagal. I’m taking off but dito malapit naman ang airport. Sinadya naman siguro nila rito para mag… I am…

Naghintay na ‘yan sila doon. We will have a two-day — ano ‘yan every hour hanggang gabi. But hopefully something will come out good from this journey.

Maraming salamat po. [applause and cheers]

—END—