Interview with PCOO Secretary Martin Andanar
DZRH / ACS Balita by Angelo Palmones and Henry Uri
May 18, 2017/6:40-6:50 A.M.

Q: Secretary, magandang umaga. Maayong buntag, Sec?

SEC. ANDANAR: Maayong buntag Angelo, maayong buntag at good morning po, Henry at lahat ng nakikinig sa DZRH.

Q: Bisayahin mo nga. Ano ba sa Bisaya iyong ang oras ay alas sais kuwarenta’y dos na.  (dialect)

SEC. ANDANAR: Kailangan nang tayong matutong mag-Chinese, kasi iyan ang sabi ng…doon sa OBOR (One Belt, One Road) China, lahat ng pera ay idadaan dito sa water front road, kaya kailangang matuto tayo lahat mag-Chinese.

Q: Kailangan ba nila ng broadcaster doon, Sec?

SEC. ANDANAR: Ay kailangan, maraming ano doon, marami ding Pilipino rin doon.

Q: At saka siyempre marami silang ire-recruit na mga Pinoy, eh di kinakailangan talaga na may mga broadcaster. Bago tayo maubusan ng oras, Sec. Kailan magsisimula itong ‘Gikan sa Masa, Alay sa Masa’?

SEC. ANDANAR: Malapit na itong ‘Mula sa Masa, Para sa Masa’ sa Tagalog, malapit nang magsimula. Kaya nga sinasabi ko very soon. Pero magra-rounds ako bukas, Angelo, or sa Saturday para sa exact day, exact time. But we are going to Davao today to see the President and possibly do a rehearsal.

Q:  Pero bukas mo pa maanunsyo—

Q: Ano ito, Secretary, live from Malacañang or taped as live?

SEC. ANDANAR: Posible siyang taped as live, possible rin siyang live. Depende, kasi siyempre kung ano ang sasabihin ni Presidente mamayang hapon, yung desisyon niya iyon ang sundin natin.

Q: Ano ho ito, one hour siyang uupo or may segment lang siya o papano hong magiging production set-up nito?

SEC. ANDANAR: Usually doon sa Gikan sa Masa, Para sa Masa sa Davao, it was about 30 to one hour.  Now, ngayon depende sa Presidente iyan, Henry. Kasi alam mo puwede tayong mag-live using Facebook, puwedeng hindi, puwede ring taped as live sa TV. Alam mo kahit saan tayo magpunta puwedeng mag-live eh. So depende iyon sa kanya. Puwede ring taped, kung ano ang wish ng Pangulo, iyon ang susundin natin.

Q: Pero iyong Gikan sa Masa kasi, iyong program ninyo sa—Q & A iyon eh, at saka sumasagot siya sa issues eh.

SEC. ANDANAR: Yes, Q & A tapos…actually it’s a no holds barred din. 

Q: Ay nako, kung naririnig n’yo lang iyong programa niya dati sa radyo.

Q: Meron  ho bang kaunting pagsala na gagawin sa mga paksa at sa mga tanong na sasagutin, dahil Pangulo na po siya at nationwide na po iyong kanyang scope…hindi lang nationwide, kung hindi worldwide?

SEC. ANDANAR: Well, depende ulit iyan, Henry, sa Pangulo. Pero alam mo naman na kapag nagsalita na ang Pangulo, lalo na pag live, pag i-interview ninyo siya, di ba? I don’t know. No holds barred iyon eh, hindi naman natin alam kung ano ang sasabihin ng Pangulo, di ba. So, depende sa kanya iyon.

Now, doon sa Gikan sa Masa, alam ko taped iyon, eh, taped as live iyon eh. So nasa kanya rin ang editorial judgment kung gusto niyang tanggalin ito o tanggalin iyan. Iyon lang advantage ng taped, kasi puwede mong alisin. Pero pag live talaga, whatever comes out of the mouth iyon na iyon.

Q: Pero kung kayo ang tatanungin, mas gusto ninyo taped on air—taped as live?

SEC. ANDANAR: Well, alam mo Angelo, si Presidente, presidente na eh, di iba. Kumbaga, wala nang—di tulad dati na mayor siya na puwedeng alisin. Ngayon kahit anong sinasabi niya, alam natin pag nag-speech ang Pangulo kahit ano ang sabihin niya nagiging balita lahat. So—at ako naman ay – in the last 10 to 11 months – nasanay na rin tayo na kung ano ang sabihin ng Pangulo, iyon na iyon, di ba. So sa akin, either taped, either live, walang problema.

Q: Pero Secretary, ano ho ang aasahan dito ng ating mga kababayan lalo na iyong masa, ano ang magiging pakinabang para sa kanila po nitong programang ito?

SEC. ANDANAR: Magandang tanong iyan, Henry. Kasi alam mo iba talaga pag galing sa Pangulo, pag straight from the President’s mouth iyong mga polisiya at siya mismo this time makakausap, makakausap siya ng masa, di ba. Kasi alam naman natin na pag sa atin sa Malacañang, sa Malacañang Press Corps one way iyon eh, di ba one way iyong usapan eh. Ngayon ‘Mula sa Masa, Para sa Masa’ bibigyan din natin ng pagkakataon na makausap—

Q: Magtanong.

SEC. ANDANAR: Tama. Matanong siya diretso, diretsahan. Kumbaga, puwede niyang kausapin iyong masa, puwede rin siyang kausapin ng masa.,

Q: Kulang ang isang oras mo niyan, Sec?

SEC. ANDANAR: Hindi, pero of course tatantyahin natin iyan, di ba. Paano kung iyon ang mangyayari meron tayong—bibilangin natin iyong mga tanong na puwede.

Q: In a nutshell ano po ang naging—kumusta iyong biyahe po sa Cambodia at China. Lalo na ho sa China doon sa dinaluhan ng Pangulong forum?

SEC. ANDANAR: Kung anuman ang pinag-uusapan natin sa Dutertenomic, iyong build, build, build. Iyon din po ang pinag-uusapan doon sa One Belt, One Road kaya nga napakaganda ng lakad natin doon. In fact, ang China nagbigay ng halos, again, 4 billion pesos na ayuda o grant na halaga sa Pilipinas para doon sa mga bridges na itatayo dito sa Pasig, para doon sa drug rehabilitation itatayo doon sa Mindanao. Tapos iyong military aid pa rin ibibigay nila, I think that’s worth 50 million RNB. Tapos bukod doon ay nagkaroon tayo ng Dutertenomics doon na tinanggap din ng mga Chinese investors at nagkaroon din ng pirmahan ng Pangulo, ang ating gobyerno between us and China pagdating sa technical aspect ng  investments, sila  ni Finance Secretary Dominguez at kanyang counterpart; ako rin pati iyong counterpart ko pagdating sa international publishing. Dahil alam mo, Angelo, hindi na tayo nagpa-publish eh, tulad dati nagpu-publish ang Philippine government eh. So tutulungan tayo doon sa publishing and then nandoon din iyong pirmahan ng ano…ng  Department of Energy pati iyong kanyang counterpart; and of course pagdating sa human resources, iyong NEDA pati din iyong counterpart.

Ang kabuuan, may planong lumakas iyong relationship natin with China. Kasi kung nandoon ka talaga, napakahalaga ng relationship ng China dahil bubuhos po ng pera sa buong mundo, because they want to help the entire world na ma-improve iyong kabuhayan, hindi lang iyong China. Because whatever money they throw outside of their country, siyempre meron ding balik sa kanila iyon eh, di ba. Merong balik sa kanila, either on interest and goodwill sa ibang bansa.

Q: Iyong mga infrastructure project, I understand mas marami pa, mas madadagdagan pa iyong mga nakaplano na, kaysa sa—iyong pagbiyahe ninyo sa China mas maraming napadagdag?

SEC. ANDANAR: Well, kasi di ba nag-announce nga iyong China na 500 million RNB. So iyong 500 million magkano iyon times seven, so mga 3.5 billion pesos; tapos meron pang iyong ayuda sa military, I think it’s 50 million RNB. So halos 4 billion ang naibigay sa atin ng China. Kaya nga sabi ni Presidente windfall, di ba, doon sa opening address niya pagdating sa Davao. Windfall iyong kanyang pagpunta sa China.

Q: Okay, antabayanan namin iyong magiging feedback ninyo kung kailan iyong official launch ha.

SEC. ANDANAR: Henry, Angelo, i-a-announce ko ito bukas, kung hindi bukas sa Sabado. Ngayon gusto ko ding sabihin na dahil sa napakagandang reception nung Dutertenomics sa Cambodia, sa World Economic Forum, pati China ay dadalhin na rin namin ito sa Tokyo, sa Nikkei ngayong first week of June.

Q: Okay, salamat. Ang Pangulo ba kasama ninyo ang Pangulo sa first week of June?

SEC. ANDANAR: Yeah, kung saka-sakali, God willing, magkakasama tayong lahat doon.

Q: Thank you.

Q: Siyanga pala Secretary, baka isang araw maikuwento na rin ninyo iyong iyong mga infra project na… kasi hinahanap ng taumbayan na iyon. May natapos na ba, ano na bang nangyayari sa infra project na ating pinag-uusapan natin?

SEC. ANDANAR: Hinihintay ko iyong email sa akin ni Secretary Villar, I’ll contact after mag-uusap tayo dahil hindi pa dumarating. Tapos kausap ko rin si Secretary Cusi dahil marami na siyang napapatayo na mga—meron nang ongoing projects ang Department of Energy sa buong Pilipinas.

Q: Salamat, Secretary.

SEC. ANDANAR: Mabuhay kayong dalawa, thank you.

##

 

SOURCE: NIB Transcription