INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR.
DZRB – Radyo ng Bayan / Balita at Panayam by Rey Sampang
22 May 2016
 
SAMPANG: Magandang umaga po, Secretary.

SEC. COLOMA: Magandang umaga sa iyo, Rey.

SAMPANG: Thank you very much po, Secretary, sa oras na ibinigay po ninyo sa amin. Secretary, mayroon po ba kayong nais na opening statement bago po namin ibigay iyong mga katanungan mula sa Malacañang Press Corps?

SEC. COLOMA: Mas mainam, Rey, diretso na tayo sa mga tanong.

SAMPANG: Opo, maraming salamat. Ang unang katanungan po, Secretary, most of the concerns daw po sa K to 12 Program ay iyong over added cost at burden sa mga magulang sa pagpapadala sa kanilang mga anak para sa karagdagang dalawang taon sa eskuwelahan. Ito raw po bang gobyerno or can the government alleviate ito pong problemang ito sa pamamagitan ng pag-i-issue ng isang moratorium sa tuition fee increases, Secretary?

SEC. COLOMA: Ito po ‘no ang ating katugunan: Such concerns may have arisen from lack of information on and understanding of the policies and processes put in place by government to ensure a smooth transition into and full implementation of the K to 12 Program, particularly on the inception of a Senior High School Program that will add two years – Grade 11 and 12 – to the free universal basic education program as mandated by the Constitution.

Allow me to quote the reply of DepEd Secretary Brother Armin Luistro: “The Senior High School Program which will be offered this year will include a government subsidy through the voucher systems. Around 90% of all Grade 11 enrollees in private schools, SUCs and LUCs will be voucher beneficiaries. Many senior high schools have announced they have no additional fees or top-up beyond the voucher amount. Of course, those that will enroll in the SHS Program in public schools will not need to pay any fees.”

Ayon naman po kay DepEd Undersecretary Reynaldo Laguda, naglaan ng sapat na pondo o budget ang DepEd na humigi’t kumulang sa labindalawang bilyong piso para sa tinatayang 1.5 milyong mag-aaral (1.5 million students) na papasok sa Senior High School Program. Tinitiyak ng DepEd na lahat ng mga nagtapos na sa Grade 10 ay makatutuntong sa SHS Program.

Iyon po ang tugon natin, Rey.

SAMPANG: Opo, Secretary. Secretary, para po sa ikalawang katanungan po natin: Mayroon po bang ilang natitirang panukalang batas ang sesertipikahan pa na “urgent” ng Palasyo para po maipasa sa Lunes bago mag-convene ang Kongreso bilang National Board of Canvassers sa May 25.

SEC. COLOMA: Wala po. Ito po ang paliwanag ni Presidential Legislative Liaison Office Undersecretary Bernardito Sayo: “No certification of urgency may be needed because most of the significant measures are already lined up for third reading, and we may not have the time to finish floor deliberations on those that will be brought to the floor for the first time.

Iyon po, so wala pong isesertipika.

SAMPANG: Opo. Secretary, last question mula po sa ating mga kasamahan sa Malacañang Press Corps. Confident daw po ba ang Palasyo para sa isang expeditious at impartial na canvassing ng National Board of Canvassers sa May 25.

SEC. COLOMA: Tiwala ang pamahalaan na gagampanan ng Kongreso bilang National Board of Canvassers ang kanilang tungkulin na tiyaking maging maayos, mabilis, patas at may integridad ang isasagawang canvassing ng mga boto para sa Pangulo at Pangalawang Pangulo. Sa ating natunghayang pahayag ng liderato ng Senado at Kamara De Representantes, nagpahayag sila ng kahandaan na tapusin sa takdang panahon ang canvassing para sa agarang paghayag o pagproklama ng mga nagwaging kandidato.

SAMPANG: All right. Secretary, iyon po lamang ang mga naipadalang mga katanungan mula po sa ating mga kasamahan sa Malacañang Press Corps, not unless po mayroon pa ho kayong mga pahabol na mensahe sa tagapakinig po natin.

SEC. COLOMA: Ipaparating lang natin sa ating mga kaibigan na kagawad ng Malacañang Press Corps na kung mayroon pa silang karagdagang katanungan, batid naman nila kung paano ito maipararating sa atin at agaran po nating bibigyan ng katugunan ang mga tanong na iyan. Iyon lamang ang ating pahayag para sa araw na ito, Rey.

SAMPANG: Maraming salamat po, Secretary. Thank you very much, sir.

SEC. COLOMA: Maraming salamat at magandang umaga po sa inyong lahat.