May 21, 2016 – Interview of Sec. Coloma – DZRB
INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR. |
DZRB – Radyo ng Bayan / Kaagapay ng Bayan by Melany Valdoz-Reyes and Oliver Abelleda |
14 May 2016 |
ALVIN: Magandang gabi po sa inyo Sec. Long time no hear, long time no see.
DORIS: Hi Sec. SEC. COLOMA: Magandang gabi sa inyo, Alvin, Doris at lahat ng ating tagasubaybay. ALVIN: Opo. Hihingi lang sana kami, baka may update po kayo dahil kayo po ay isa sa mga nagko-coordinate din for the current administration, papunta po sa kanila sa susunod na administrasyon. Ano na po ba ang napagkayarian, ano po ang plano? DORIS: Punong abala. SEC. COLOMA: Noong nakaraang Biyernes ay nagpulong sa kauna-unahang pagkakataon ang Presidential Transition Committee na pinamumunuan ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. At doon sa pagpupulong na iyon ang naging focus ay iyong paghahanda ng mga agency transition reports. Dahil nga marami tayong ahensiya ng pamahalaan, maraming sa Executive department, mga GOCCs na magpapalit ng administrasyon sa pagpasok ng June 30. Kaya’t tinitiyak ng Presidential Transition Committee na sa agency level, kung sinuman iyong papalit, magkakaroon ng sapat na impormasyon na gagabay sa kanilang pag-assume ng tungkulin ng tanggapan. ALVIN: So papaano po iyan pagdating ng June 30 at wala pang nahirang na kapalit, parang ang ano ba doon deemed resigned iyong naka-upo ngayon or puwedeng mag-stay muna siya until an appointee or a person is appointed for that position? SEC. COLOMA: Ayon sa batas, Alvin at Doris, iyong mga presidential appointees ay co-terminus with the appointing authority. Ibig sabihin iyong kanilang pananatili sa panunungkulan ay hanggang lamang doon sa boundary o doon sa hangganan ng termino ng nag-appoint sa kanila. At dahil ang lahat nitong appointments na ito ay galing kay Pangulong Aquino, ang katapusan nito ay iyong tanghaling tapat ng June 30. Meron lang kakaiba ng kaunti doon sa corporate sector natin, iyong sakop ng Governance Commission — iyong GCC. Merong mga Government Owned and Controlled Corporations, Government Financial Institutions, ang paiiralin diyan iyong tinatawag na “hold-over rule.” Kasi sa kanila naman, meron silang termino na tuwing taon ay nire-renew. Kapag sila ay hindi pinalitan ibig sabihin ‘deemed renewed’. Kaya ganito rin, pagsapit ng June 30, kahit na expired na iyong kanilang term para sa kasalukuyang taon, hangga’t hindi sila pisikal na pinapalitan ay dapat pa silang manatili doon sa kanilang ginagampanan. ALVIN: For example, Secretary Sonny, halimbawa lang MMDA, alam ko po Cabinet level iyan, Secretary level ano po. Kapag wala pang na-appoint iyong Secretary Emerson Carlos, diyan lang muna siya or ang deputy niya ang magte-takeover dahil ang kanyang term hanggang June 30 lang? SEC. COLOMA: Okay. Nakini-kinita iyan ng Presidential Transition Committee, Alvin. Kaya isa sa mga tagubilin or guidelines ay ito: designation of the most senior career official as agency focal person for the whole duration of the transition process. Meron kasing mga career official na hindi political appointee, nandoon sila sa regular na plantilla ng opisina at hindi sila covered noong ‘co-terminus principle’. Kaya’t patuloy po rin sila sa paglilingkod. Marapat lamang sila iyong gawing agency focal persons para kasama sila sa paghahanda at hindi naman sila apektado kahit na June 30 na — lampas na iyong tanghali ng June 30 — kahit na wala pang nahihirang para pumalit na mamuno doon sa tanggapan nila at mag-okupa ng mga senior positions na presidential appointees, ay merong magtitimon, ika nga, na isang senior career official. DORIS: Okay. Sec, kelan po mangyayari na maghaharap-harap ang dalawang transition teams at saan ho gagawin iyan, Malacañang ba o sa Davao, paano po ang mangyayari? SEC. COLOMA: Ganap ang aming kahandaan. Hinihintay lang namin iyong senyales mula sa pangkat ng incoming administration. Kahit kelan nila gustong makipagpulong, handa naman kaming makipagpulong sa kanila. Sana lang ay maunawaan nila, dahil kami na mga miyembro ng Gabinete na miyembro din nitong Presidential Transition Committee ay ginagampanan pa namin ang aming official duties, mas convenient para sa amin na dito na muna sa Metro Manila ang mga pagpupulong. Pero sa aking nabalitaan, katulad ni Secretary Singson nagpahayag na siya na nagkaroon na sila ng pag-uusap ni Representative Mark Villar hinggil sa proyekto ng DPWH. Meron namang mga informal consultation na ang nagaganap. ALVIN: Napag-usapan na po ba kung saan iyong oath taking, anong motif, magba-barong ba, i-open po ba iyong Malacañang? Kasi parang ang projection nila is parang masang presidente ito. DORIS: Hindi, at saka parang sabi ni Digong noon, “bring your own baon”. ALVIN: Ah, nag sabi siyang ganoon. Okay yun. Mga ganoon. DORIS: Oo, lahat ng mga dignitaries, mag bring your own baon. Sabi ni Digong eh hindi daw niya gagastusin ang pera ng pamahalaan para pakainin iyong mga iyon eh. SEC. COLOMA: Iyong patungkol diyan, Alvin, iyong mga binanggit mo ay iyon din ang aming nabalitaang through the mass media. Wala pa naman silang official communication hinggil diyan. Kung sakaling kailangan nila ng assistance—naalala ko noong nakaraang transition 2010, isa sa mga tinukoy ay iyong first day events — iyong pagkatapos ng inauguration sa Luneta — nagtungo si Pangulong Aquino sa Malacañang nagdaos ng isang luncheon meeting with the new Cabinet. Pagkatapos nung tanghalian ay formal na nanumpa iyong mga bagong Cabinet members at doon ay nag-umpisa na iyong panunungkulan ng bagong administrasyon. And for that reason, ay nagkaroon na ng ugnayan hinggil doon sa mga physical arrangements at saka iyong mga pagpondo rin nung mga aktibidad na iyon, dahil wala pa naman sila sa pamahalaan habang inihahanda iyong mga events iyon. Iyan ang halimbawa na puwedeng pag usapan o magkaroon ng ugnayan, iyong paggamit sa mga tanggapan ng pamahalaan, pasilidad ng pamahalaan saan man kailanganin ng papasok na administrasyon. ALVIN: Is it necessary for President Aquino and presumptive President Duterte to meet before the oath taking? O hindi na kailangan iyan. Basta nag-usap iyong mga tao namin huwag na silang pag-usaping dalawa, iyun na lang. Kasi sasakay sila sa sasakyan, di ba? Nangyari iyon kay Gloria at PNoy. SEC. COLOMA: Ang ritwal diyan, Doris at Alvin, iyong bagong Pangulo ‘no — iyong manunumpa — ay magtutungo sa Malacanang Palace at susunduin iyong outgoing President. Pagkatapos sila ay sabay na magtutungo sa lugar na pagdadausan ng inauguration, in the case of… in 2010, from Malacañang hanggang Quirino Grandstand sa Luneta, iyon ang tradisyon. ALVIN: Tradisyon po iyon. SEC. COLOMA: Iyon ang tradisyon. Eh iyong mga nakaraan hindi sa Luneta idinaos, katulad noong kay President Erap iyong panunumpa niya ay sa Barasoain Church pagkatapos kinahapunan ay nagkaroon na siya ng palatuntunan sa Quirino Grandstand sa Luneta. Iyon namang kay Pangulong GMA ay ginawa sa Lungsod ng Cebu. Depende siguro. ALVIN: So puwedeng i-modify. SEC. COLOMA: Wala namang nakasaad sa Konstitusyon kung saan eh, kaya merong ano, ang nakalagay lang doon ay oath of office. So iyon lang naman ang sinusunod ng according to law and the Constitution. ALVIN: Pero prior doon sa sinasabi mo sundo-sundo papunta sa Luneta, hindi na nila kailangang mag-meet prior to that. SEC. COLOMA: Wala tayong alam na regulasyon hinggil doon, Alvin. DORIS: So klaro ko lang, Sec. Iyong sinabi kasi noong una, 6,000 na government positions ang mababakante at papalitan. So, hindi naman pala ibig sabihin na iyong 6,000 na iyon talagang pupunuin, kasi puwedeng i-retain, tama po ba? SEC. COLOMA: Linawin ko muli, merong co-terminus, iyong lahat ng presidential appointee hanggang June 30 lang talaga sila. Ang puwedeng manungkulan beyond June 30 ay iyong sa corporate sector, iyong sakop ng GCG at iyong mga career officials na hindi co-terminus ang kanilang appointment. Hindi naman tayo dapat maligalig dahil sa maraming tanggapan ay marami namang empleyado na deka-dekada na iyong kanilang paglilingkod, hindi naman sila apektado nung palitan. Ang talagang aalis lang ay iyong mga appointees ng Aquino administration. ALVIN: Bago namin kayo pakawalan, Secretary Sonny. What is in store for you after this administration, ikaw ba ay magre-retire na or travel around the world, take care of your apo, gardening, farming or what, ano ang gagawin ninyo? SEC. COLOMA: Ang mas gusto kong term ay graduate, instead of retire. Ga-graduate tayo. ALVIN: Ano ang gagawin ninyo sa buhay? SEC. COLOMA: Eh kasi marami nang pag-aaral eh, dapat ay tuloy-tuloy pa rin iyong ating mental at physical activity. Hindi dapat na time bound, dahil nga lahat naman tayo ay subject to aging. Kung ano ang makakatulong sa pagpapanatili ng ating kabataan, iyong kung tayo ay magiging mentally ang physically active. Siguro bakasyon lang muna at pagkatapos ay balik sa activity na tayo. ALVIN: May pahabol lang po si Ramil Simbajon. Sabi niya mga members po ng COA, Comelec, CSC… constitutional retained, hindi po ba may term ang mga iyon? SEC. COLOMA: May term of office sila at hindi sila co-terminus. Karamihan sa kanila ay na-appoint 2015. Kaya ang termino nila kung 7 years, hanggang 2022. Depende sa termino na naa-ayon sa batas. ALVIN: By the way, bigla ko lang naalala, Doris, pasensiya ka na. Nakita ko parang someone filed a case against doon sa… kasi Presidente daw ang pinili niya sa Sandigan ba ‘yon? Eh hindi kasi doon sa short list. Have you read about that? SEC. COLOMA: Ah sinagot ko na yan kanina, Alvin, doon sa briefing. Na sa lahat naman ng pagkakataon ang pag hirang ng mga opisyal ay tiniyak ni Pangulong Aquino na magiging ayon sa batas at ayon sa Saligang Batas. Pero may karapatan naman iyong mga kumikwenstyon kung hindi sila naniniwala na magharap ng petisyon sa korte, at iyon nga ang naghanap diyan ‘no. Dahil na i-file na iyan, eh siguro ay hintayin na lang natin ang pag papasya ng Korte Suprema. ALVIN: Thank you po, Secretary. Good luck po sa inyo. DORIS: Maraming salamat Sec. SEC. COLOMA: Maraming salamat din sa inyo, Alvin at Doris. |