May 26, 2015 – President Benigno S. Aquino III’s Speech during the inauguration of the 10-MW Solar Project of the First Cabanatuan Renewable Venture, Inc.
President Benigno S. Aquino III’s Speech during the inauguration of the 10-MW Solar Project of the First Cabanatuan Renewable Venture, Inc. |
Brgy. Lourdes, Cabanatuan City, Nueva Ecija |
26 May 2016 |
Magandang hapon po. Maupo ho tayo lahat.
Secretary Mel Sarmiento; Mr. Cris Chiong; Congresswoman-elect Ria Vergara; Mr. Bernie Vergara, malaki ho utang na loob ko dito, wala akong kasakit-sakit ng ulo sa GSIS simula nung pinaghawakan niya. Actually, una kong nadama nga po yung pag-retire ko po dahil dinala sa akin ni Bernie yung aking insurance na nag-mature na raw. Parang nasa gobyerno pa ako, nagmature na yung ating insurance; partners, investors, officials and staff of the First Cabanatuan Renewable Ventures, Inc.; fellow workers in government; honoured guests; mga minamahal ko pong kababayan: Magandang hapon pong muli sa inyong lahat. Mamaya ko na ho babanggitin yung kaklase ko, pero gusto ko lang umpisahan yung pagbati sa kanya, sabi ko, “Jay, unang-una yang sapatos mo, parang ano, parang sa kabataan yan ah.” Tsaka sinagad mo, wala pang sintas. Pero tutal kwenentuhan niyo nung bata kami, ikukuwento ko rin mamaya sa inyo yung sa pananaw ko naman ho dahil nagkuwenta ho ako kanina eh parang umaabot na ho kami pa lang 43 years na nagkasama. Mamaya ko na ho babanggitin at bahala na kayo humusga sino ang mas matanda sa amin. Sorry ho ah, itong speech ko kasi, nag-umpisa sa ‘ngayong umaga’, kako hapon-hapon na yata ah. Hindi, nagbago ho kasi ng schedule eh. Ay siyempre si Sister Imelda, marami hong salamat Sister, nakita ko na naman kayo. Talaga hong itong kapitbahay natin sa Malacañang ang nakadamay natin sa maraming larangan. Ngayong hapon po, nagtitipon po tayo para pasinayaan ang 10-Megawatt Solar Project ng First Cabanatuan Renewable Ventures, Incorporated. Binubuo po ang solar farm na ito ng 39,456 solar panels sa mahigit 12 ektaryang lupain dito po sa Cabanatuan. Magsu-supply po ito ng renewable energy sa atin pong Luzon grid. Ang maganda pa, magiging bahagi rin ito sa pagtugon sa lumalalang sitwasyon ng climate change. Bukod sa paghahatid ng kuryente, maiiwasan din nito ang paglalabas ng 16,500 metriko tonelada ng carbon dioxide kada taon. Batid po natin: Kayo mismo rito sa Nueva Ecija, dama ang epekto ng climate change. Pangunahing hanapbuhay ng mga Boss natin dito ay nasa sektor ng agrikultura. Dahil sa climate change, nagbabago ang ating weather cycles: humahaba ang panahon ng tag-init at hindi dumarating ang ulan kung kailan ito inaasahan. Resulta: naapektuhan ang ani dahil hindi na ito gaya ng nakasanayang panahon ng pagsasaka. Parati hong kinakapa ng ating mga kapatid na magsasaka kung kailan ang tamang oras magtanim. Dama rin natin sa buong bansa ang perhuwisyong dulot nito: dumadalas pa lalo ang mga bagyo, at tumitindi rin ang lakas nito. Aminin ko ho sa inyo, di ba pagka-Pasko ano, parati tayong nagsasabi “ito na, masayang panahon.” Sabi nga ho, sa Pilipinas raw ang pinakamahaba ang Pasko, nag-uumpisa ng Setyembre. Kami naman ho, dati’y tuwang-tuwa, pag palapit nang papalapit ang Pasko, pero pagtapos ho kami sinalanta ng kaliwa’t-kanang bagyo tuwing Nobyembre at Disyembre na tapos na dapat yung tag-ulan, ang dasal na lang po namin, sana wala ng humagupit na bagyo sa atin dito. Naaalala ko nga po: Bilang isa sa mga bansang pinaka-naapektuhan ng pabago-bagong klima, nagbigay tayo ng pahayag sa 21st Conference of the Parties or COP21 to the UN Framework Convention on Climate Change, napaka-high faluting hong pangalan or UNFCCC sa Paris nitong nakaraang taon. Doon, nanindigan po tayo: May magagawa ang bawat bansa, gaano man kaliit, upang maibsan ang masasamang dulot ng climate change. Kaya naman matibay na patunay ang proyekto pong ito: Hindi lang natin tinutugunan ang pangangailangan ng ating mga Boss sa kasalukuyan, pinaghahandaan din natin ang kinabukasan ng Pilipino, at nakikidamay na rin tayo sa pagsasaayos ng mundo. Siyempre po, nagpapasalamat tayo sa lahat ng nagtulong-tulong upang marating natin ang tagumpay na ito. Special mention po ang First Cabanatuan Ventures Corporation at Trademaster Resources Corporation, na talagang nangahas at nagsikap upang matapos ang proyekto. Nawa’y dumadami pa ang mga tulad ninyo na katuwang natin sa paghahanap ng alternatibong pagkukunan ng enerhiya. Ito na nga po ang panglima na solar project na ating napuntahan sa ilalim ng ating panunungkulan. Kung magtutuloy pa, makakabuti ito, hindi lang sa pagpapalawig ng ating energy mix, kundi pati rin sa pangangalaga sa ating kalikasan. Sa buong bansa po, nasa 33 porsiyento na ang pinagkukuhanan natin ng enerhiya ay mula sa renewables gaya ng solar, geothermal, hydro, wind at biomass. Para naman maengganyo ang pribadong sektor, nagbigay tayo ng mga insentibo, gaya ng 7-year income tax holiday, 10-year duty-free importation ng mga renewable energy machinery, at ang Feed-in-Tariff rates. Sa patuloy pang pagpasok ng mga mamumuhunan dito, inaasahang maaabot natin ang target na renewable energy-based installed capacity, mula 5,439 Megawatts nung taong 2010, patungong 15,304 Megawatts sa 2030. Kabilang lang po ang proyektong ito sa mga mahahalagang inisyatibang isinasagawa natin dito sa Nueva Ecija. Sa katunayan, mula 2011 hanggang 2016—samantalahin ko na ho yung pagkakataon, 35 days na lang po tayo sa puwesto, kaya magrereport card lang po ako sa inyo, magpapaalam na—kaya ho mula 2011 hanggang 2016, nakapaglaan na tayo ng halagang 1.52 bilyong piso para sa flood control projects ng inyong probinsya. Sabi po sa atin ng butihing Kalihim Babes Singson, ongoing na ang feasibility study ng retarding basin para sa San Antonio swamp dito sa Nueva Ecija, pati na ang Candaba swamp sa Pampanga. Pareho itong bahagi ng ating Pampanga River Basin Flood Control Master Plan. Ang mga ito ang sasalo sa tubig na nagmumula sa Sierra Madre, at tutulong para maiwasan ang pagbabaha dito at sa mga karatig lugar. Sa nakalipas ngang halos anim na taon, wala naman sigurong makakapagsabing binalewala natin ang usapin ng climate change. Inisip natin kung ano ang makakabuti sa kapakanan ng mas nakakarami; at ginagawa natin kung ano ang tama at makatarungan, hindi lang para sa kasalukuyan, kundi pati na rin sa susunod na mga salinlahi. Mga Boss, totoo po: Dahil sa pagtutulungan, talagang malayo na ang narating ng ating bayan. Mula sa sektor ng enerhiyang tila napundi dahil sa kapabayaan at aandap-andap na serbisyo ng pamahaalan, ngayon, nabigyan na natin ito ng panibagong liwanag, na talaga namang umaaruga na sa sambayanan. Kayo nga po mismo ang saksi sa bunga ng pagtahak natin sa tuwid na daan; nasa paligid ninyo ang pruweba. Mula sa imprastruktura, kabuhayan, edukasyon, kalusugan. Tinututukan natin ang pangangailangan ng ating mga Boss: ang taumbayan. Magiging sulit naman ang lahat ng ito kapag itinuloy ninyo ang ating nasimulan. Patapos na nga po ang ating termino; 35 araw na lang, bababa na tayo sa puwesto. Sa mga sandaling ito, buo ang aking loob, makakalingon tayo sa ating pinanggalingan, at masasabing dahil sa pagtutulungan, nagawa nating mapaganda ang Pilipinas na talagang malayo sa ating dinatnan. Sa pagtatapos po, alam ho niyo kanina nabanggit ng ating butihing classmate na si Jay Vergara—baka naman dapat sabihin ko, Kuya Jay, ‘no—( ) mga eskuwelahan ho. Alam niyo yung nabanggit niyang eskuwelahan, maraming palapag, apat na palapag ang ginagawa dito. Isa ho sa naging problema, siyempre, pag yung multi-storey mas mahal. Ngayon, nung 2011 ho yata kami nag-ano eh, nagtala ng ilan ba talaga ang kulang nating classroom sa buong bansa. Tanda naman po niyo yung pinalitan natin, sinabi walang classroom shortage, pero pag kinausap natin ang estudyante, “totoo po yan, nakikihati ho kami sa mga classroom.” Di ba, nauso yung double shifting, triple shifting, pag minalas ka may quadruple shifting. Sa isang araw, apat na klase ang gagamit sa bawat classroom. So, tinanong natin si Brother: “Brother Armin, ano ba talaga ang kakulangan?” 2011 sinabi niya: 66,800. Di sabi ko, siyempre sunod nating kinausap yung may pera, DBM: “Butch, kaya bang suportahan ng budget?” Kayang suportahan ang 8,000 kada taon. Sabi ko, nag-compute ho ako ano: 8,000 classrooms per year times 6 years: 48,000. Ang kulang: 66,000. Aalis ako dito, may utang pa ako. Di naman pupuwede yun. Alam niyo sa pagtutulungan nga, nakita niyo kanina yung pinakita sa ating pictures ay tinatapos na mga building, hanggang sa first quarter ho yata next year, matatapos natin sa pinagtulong-tulungan natin—di po yun 66,800, nagawa na natin yun nung 2013 eh—185,000 classrooms po sa buong Pilipinas. Siyempre, kinakatuwa natin, nagawa natin ‘to, hindi naman namin kayo pinatawan ng kaliwa’t-kanang buwis hanggang mabuwisit kayo sa amin, di ba? Sin tax lang ho ang pinasok natin at siyempre pakay nun kalusugan. So, isa ho yan sa mga iniwan natin sa Daang Matuwid. Ngayon babalikan ko naman po yung dapat ikuwento ko tungkol sa aking classmate. Siyempre yun ho pagkakataon ko, ako huling magsasalita eh, kaya… Hindi, pero kanina sabi niya nahirapan siya sa English. Baka ho nahirapan siya sa English dahil nung araw nagsasalita siya Latin. Hindi, totoo ho yun. Sana hindi ako nagkakamali dahil nung panahon ho naming nag-aaral, tinanggal na po yung Latin eh, pinalitan ng Practical Electronics. Pero siya ho, parang first year lang yata tayo, hindi ba? First year, ‘no? Biglang pumasok sa classroom, sinabi ba naman, “Veni Vidi Vici.” Ano kaya sinasabi nito eh, kino-quote ho pala niya si Julius Caesar, tama ba? “I came, I saw, I conquered.” Tapos ngayon sa English nahirapan, siguro dahil hindi romance language. Tapos ito ho, parang kasi nung araw ho, parang ano nga, may combat judo pa, medyo hindi naman po bully, ‘no pero hindi ho marunong umatras. So, ito na lang ho huling kuwento. So, meron ho kaming kaklase na, hindi ko na ho babanggitin yung pangalan, nakakahiya naman ho pero siguro ang tamang description dun, minana naming kaklase, tama ba? Minana. Bakit namin minana? Eh ahead sa amin yun eh nag-abot kami sa… nag-enjoy siya dun sa second year yata eh. Ngayon ang problema ho, yung hindi naman masyadong masinop mag-aral, maingay pa sa klase. So, ito hong si Jay, pare-pareho naman ho kami. Sa totoo lang, hirap kami sa Math: si Algebra, si Geometry, si Trigonometry, si Calculus. So si Jay, tsaka ako rin ho, ako yata pasadong awa, siya naghahabol makapasa. Hindi, diperensiya ho nun, ako 77, siya 74 pa lang. Kada magkita ho kami, naalala. Hindi, nakikita pa namin kaklase naming yun eh. So, ang problema ho nun, sa loob ng classroom, ang daldal. Itong si Jay nasa dulo nung classroom, nakikinig dun sa teacher, nakaharap yung blackboard habang nagsasalita, medyo pabulong pa. So, talagang iniintindi ni Jay, dahil naghahabol nga ho ng grado eh. Tapos yung katabi, ang daldal, at di naman kinakausap ni Jay, tapik ng tapik kay Jay, sabi niya, “rarara, rara.” Napuno na ho ‘to, hindi naman araw-araw ‘no, pero isang beses napuno. Ang isa hindi ko ho makakalimutan, ang sabi niya, biglang tumayo, sabi niya, “Ang tatay ko nagtanim, ang lolo mo nagnakaw!” ginanun. Natahimik ngayon yung kaklase naming yun, nabigla, bakit ganito ang reaksyon? Kita naman niyo, pasado kaming dalawa, tumigil yung maiingay na kaklase niya. Tsaka kaming dalawa nagtagumpay sa pulitika, yun ho parati hong kandidato. Anyway, pero alam mo Jay, nung sinabi sa akin na sa Cabanatuan gagawin ‘to, omoo ako kaagad, pagkakataon ko na magpasalamat sa iyo, kay Ria, tsaka kay Bernie. Talagang dinamayan naman niyo ako sa pagtahak dito sa Daang Matuwid. Bago pa natin naisip yung katagang o linyang Daang Matuwid, nandiyan ka na. Nauna ho siya sa akin sa pulitika kaya clue ho yun kung sino ang mas matanda. Tapos ’98 ho ako pumasok, siya ’95 ang sabi niya, nakinig ho akong mabuti sa talumpati niya, lalo nung tumakbo tayong senador, kaya damang-dama natin ang tulong mo. Alam ho niyo nung pagtakbo kong senador—sorry ha, samantalahin ko na, magpapaalam na ho ako sa inyo eh—di sa isang probinsiya ho, ang totoo niyan—hindi, dito muna sa Metro Manila—medyo bago nagkaroon tayo ng pahintulot sa ating ina, parang tinitingala naming lider namin, medyo natagalan, kaya ang preparasyon ko para tumakbong senador, mga dalawang buwan. So, yung unang lakad ho namin, may kasamahan kami, kaklase rin namin ni Jay, namimigay ng sticker. Dumating yung tatlong tao, binigyan niya ng dalawa. May dumating na namang grupo na lima, binigyan niya ng isa. Sabi ko, ‘anong mangyayari sa atin nito,’ kako, ‘namimigay ka ng isa kada lima, dalawa kada tatlo?’ Sabi sa akin, “Boss, importante ganyan sundan natin ang patakaran.” ‘Ano yung patakaran?’ “One sticker per kilometer.” Talagang, ‘Bakit naman ganun ang patakaran?’ “Eh ito lang binigay sa akin.” Ang masakit ho, tatlong probinsiya yung pupuntahan namin paghahatian yun. Parang ano yun, baka nakakuha kayo ng kalendaryo, ano ho yun ah, kalendaryo ko, kasama yung kapatid kong nakakatanda, si Kris. Hindi ko na ho dapat sinabi matanda siya, sorry ho ah. Anyway ho, so sa lalawigan ng Iloilo at sa Iloilo City, parang ang dala ho namin, yung kaya mong isakay na handcarry. So sa tutal, tatlo yung kasama ko, tatlo yung tig-dadalawang bundle: 600 pieces. Yun na ho yun, pang-buong Iloilo. So sabi sa amin nung isang kasama ko sa ticket na tumatakbo senador, meron silang nagpapaskil, sabi niya, “O gusto niyo, isama na namin yung materyales niyo, tutal magkasama naman tayo dito, tulong na namin sa‘yo?” Di siyempre, sabi nung kasamahan ko, “Salamat.” So nung inabot yung anim na bundle, sabi niya, “Ito na ba?” Anya, “yan lang ho dala-dala namin eh.” Pinakita sa amin yung materyales nung aming kasamahan sa ticket, eh isang basketball court raw ho, punong-puno yung sahig. Tapos sinabi sa amin, sinabi sa kasamahan ko, “alam niyo, one-third na nga lang yan eh.” Sabi ko, “Eh ganun ho ba?” kako, eh yung kalendaryo pag pinamimigay namin, io-autograph ko na rin ho pag hiningi, para sabi ko, ito ho siguro may autograph, baka lalagyan ng plastic, tatagal ‘to. Baka yung 600, baka may 1,800 makakita, makakatulong rin yan. Anyway ho, di ho kami mabonggang tao, talagang yung pinag-aralan naming paaralan ni Jay, parating tinuturo sa amin yung ‘man for others’—yung may malasakit ka sa kapwa mo. Yung kantang uso pag nagsisimba kami, ‘no man is an island,’ di ba, dapat intindihin mo ang kapwa mo. Yun ang humubog ho sa aming lahat. Ngayon Jay, pasensiya ka na, ako pa-retire na, ikaw magre-retire ka somewhere in the future, kaya pagbutihin mo, ipagdadasal kita. Hindi, kasi kulang yung pagdadasal sa‘yo, di ibilin kita sa taas, ano pa, kung ano man ang kailangan. Hindi, pero binibiro ko lang, talagang malapit ho kami nito. Talagang kanina, nag-umpisa siyang magkuwento kaya ang dami kong naalala. Sabi ko, ang dami nga naming pinagdaanan, nagkuwenta na nga ako: 43 years. Siguro mabuti yung nakakahanap tayo ng talagang makakasamang pangmatagalan. Kaya naman ganda ng ngiti ni Ria kaya siyempre, siyempre lamang na lamang yung kaibigan ko, pero anyway ho, pasensiya na po kayo, pag hindi niyo ako inawat eh baka hindi ako matapos dito. Meron pa akong 35 days na utang na pagsisilbi sa ating mga kababayan, so ako po’y pabalik na ng Maynila ngayon. Pero ito nga ho ano, yung alam niyo bago tayo umalis dito sa proyektong ‘to, yung papansinin po niyo ‘tong mga solar panel natin dito, walang motor, ‘no. Sa Europa ho, kailangan may motor eh, sumusunod sa araw, yun ang advantage ng Pilipinas. So, hinahabol nga ho natin na talagang pataasin nang pataasin yung component ng renewable energy sa atin. Siyempre, minabuti muna natin na maniguradong meron tayong supisiyente at ligtas na supply ng kuryente. Ngayon naman ho, yung 33 percent kung saan natin pataasin ng pataasin at talaga naman hong yun na rin ang tulong natin sa pagsasaayos ng global climate change na sa ngayon pa lang ho, talagang ang laki na ng perhuwisyo sa atin. So, ulitin ko lang ho, nung napunta tayo sa Europe, sabi sa akin nung—di ko na banggitin yung kumpanya na bisita kami—sabi niya, dito sa amin sa Germany, ayaw nila ng coal, sabi niya. Siguro nga, tama rin yun. Ayaw rin nila ng nuclear, siguro nga, medyo nakakaba pag nuclear. Ayaw rin nila ng wind, ayaw rin nila ng solar dahil yung wind, parang ang pangit raw nung lahat nung mga, di ba, sabi nung isang kababayan natin, ano ba yang malalaking electric fan na yan? Tapos yung solar nga raw ho, sa dami nung mga kawad, nagmukhang parang kalat na kalat raw. So, tapos inisa-isa niya lahat. Sabi tuloy ng kausap ko na mataas ang puwesto dito sa malaking kumpanyang kilala po niyo, sabi niya, sumatutal, di namin alam kung saan namin kukunin yung kuryenteng gusto nila dahil lahat ng binanggit namin, ayaw nila. So, binanggit ko na ho ‘to, puwede tayong matuto ng best practices dun. Siyempre para hindi yung technology lang ng pagtatayo nitong mga renewable sources tulad nito ang kailangan nating pag-aralan pero pati na rin ho yung social acceptance, yung marami hong components para maging matagumpay ‘to. Sumatutal, basta huwag ho tayong magkanya-kanya, magtulungan tayo, walang problemang hindi natin kakayanin. Magandang hapon po. Maraming salamat sa inyong lahat. . * * * |