May 26, 2016 – Interview of Sec. Coloma – DZRB – Radyo ng Bayan
INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR. |
DZRB – Radyo ng Bayan / Balita at Panayam by Alan Allanigue |
26 May 2016 |
ALAN: Secretary Coloma, sir, magandang umaga po.
SEC. COLOMA: Magandang umaga, Alan. ALAN: Secretary, sir, naalala ko nitong nagdaang mga araw pinag-usapan natin itong mataas na paglaki o growth rate ng GDP natin sa Pilipinas, at isa sa pinakamabilis na paglago ng economy sa Asia ang ating bansa. Pero meron pong mga naghahayag, Secretary, na ito daw pong pagtaas na ito ng GDP ay hindi nagtri-trickle down o hindi nararamdaman ng ating mga kababayan, lalo ng mga mahihirap. Your reactions tungkol dito, Secretary Coloma, sir, please. SEC. COLOMA: Mainam na nabanggit mo iyong katagang ‘trickle-down’, Alan. Sa wikang Pilipino ano ba ang pinakamalapit na kahawig nung salitang iyon sa pangkaraniwang gamit, hindi umabot sa pinakamababa, ganoon ba iyon? ALAN: Parang iyun po, opo, Sec. SEC. COLOMA: Pero mas meron, meron tayong colloquial, hindi naambunan. ALAN: Trickle. Oo nga po, hindi naambunan. SEC. COLOMA: Trickle ay parang ambon lang iyon, hindi ba? Iyong trickle, hindi iyon ulan, kumbaga gapatak, patak-patak lang. ALAN: Ambon-ambon. SEC. COLOMA: Pag sinabing trickle-down, parang pumapatak, ambon-ambon, mahina iyong dating at iyon nga hindi umaabot. Tama ba iyong pag-contextualize natin nun? ALAN: Opo, Sec. SEC. COLOMA: Iyon nga eh no. Kasi nga kailangang maunawaan natin iyong reyalidad na sa mga nakaraang dekada ang sinisikap na matamo natin ay iyong mas mataas na antas ng pag-unlad — lalaki iyong ekonomiya natin para magkaroon ng negosyo; iyong negosyo lilikha ng trabaho; iyong trabaho maglalagay ng pagkain sa la mesa at magpapaginhawa ng kabuhayan. Hindi ba? Iyon iyong tinititingnan nating virtuous cycle, na kung mapapakinabangan talaga iyong pag-unlad ng ekonomiya. Kaya lang, Alan, sa pinakamahabang panahon, iyon ngang sinusunod na lohika o pilosopiya hinggil diyan ay tinatawag na ‘trickle-down theory’, na ang gagawin lang ng pamahalaan, palalaguin iyong ekonomiya at sana umabot nga ito doon sa pinakamababang antas o doon sa pinakamaralita. Pero sa simula ng Aquino administration, sinabi na kaagad hindi epektibo iyong ganitong stratehiya, kaya ang ginawa natin ay iyong diretsong pagtulong doon sa pinakamahirap at ito na nga iyong programa ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o CCT. Kaya po diretso, tuwiran nang binibigay ng tulong sa pamamagitan ng cash transfer. Buwan-buwan merong binibigay na halagang pantawid ng mga pamilyang maralita at kaya tinawag na conditional ay ang kondisyon diyan patuloy dapat iyong pagpapa-aral ng mga anak, pagsubaybay sa kalusugan ng mga bata para hindi sila nagkakasakit at hindi sila liliban sa paaralan. Ano ba ang naging resulta nito, Alan. Di ba’t ayon sa ating Philippine Statistical Authority humigit-kumulang 1.4 na milyong pamilya or about 7 million Filipinos ay naka-angat na, natawarin na nila iyong tinatawag na ‘poverty threshold’. Umangat na iyong antas ng kabuhayan nila, na hindi maitatatwa isa sa naging factor dito iyong pagbibigay ng Pantawid Pamilya Program. Hindi na ipinaubaya sa tiyansa o hindi na pinalutang lang iyon pag-asa na aangat iyong kabuhayan nila. Talagang binigyan sila ng tuwirang tulong at dahil dito nai-angat nila iyong kabuhayan. So, iyan iyong isang kongkretong manipestasyon na medyo nalagpasan na natin iyong puntong umaasa pa tayo sa trickle-down, Alan. ALAN: Ayon, opo. At, well if course, patuloy naman iyong mga efforts para higit na mapawalak din ang coverage ng PhilHealth natin, Secretary Coloma, sir. SEC. COLOMA: Mainam na inungkat mo rin iyan, Alan, dahil bahagi din iyan noong pagpapa-angat ng kabuhayan ng ating mga maralitang pamilya, iyong PhilHealth. Kasi nga doon sa mga nakaraang pag-aaral, lampas sa kalahati sa buong populasyon natin, ipinanganak, nabubuhay, namamatay na sa buong buhay nila ay hindi nila nakadaupang palad ang sinumang medical health professional, nurse man lang o doktor. Kaya mahalagaya iyong pagpapalawak at pagpapalalim noong Universal Health Program natin, iyong ‘Kalusugan Para sa Lahat’ sa papamamagitan ng PhilHealth, na kung saan ay 94% na ng lahat ng Pilipino ay tumatamasa ng benepisyo at ang focus muli, Alan, doon pa rin sa pinakamaralita. Dati ‘di ba malaking problema iyong magkakasakit, pupunta sa ospital, walang kagamitan iyong ospital. Ngayon iyong ospital pinopondohan na ng PhilHealth din sa pamamagitan nung ating Sin Tax Reform. Malaking halaga ang nakakakalap ng pamahalaan at pinadadaloy ito sa pagpapabuti ng health care facilities at nandiyan din iyong ‘No Balance Billing’, na kung ikaw ay maralita, magkakasakit ka, punta ka sa ospital hindi na ikaw itataboy o hindi ka papapasukin dahil wala ka pang deposito. Bagkus ang programa ngayon ay ‘No Balance Billing’, ibig sabihin iyong coverage ng PhilHealth ay umabot na doon sa puntong masasakop nito ‘yong karamihan doon sa mga idinudulog na sakit ng ating mga kababayang nandoon sa… kabilang sa mga beneficiaries ng 4Ps o CCT. So, talagang naging agresibo ang ating administrasyon sa pagtukoy sa mga problema ng kahirapan at iyong pag-angat sa kanila sa pamamagitan nitong Integrated Social Development Program, iyon ngang CCT, tapos iyong sa edukasyon. Sa larangan pala ng edukasyon. Nabawasan na rin natin iyong hanay ng Out of School Youth. Dahil ang kadalasang dahilan dyan at pinakamaraming nagiging Out of School, Alan, iyong sa first 4 grades ng elementarya at ang dahilan dyan ay ‘yong kahirapan o nagtatrabaho sa bukid; ibang trabaho iyong mga bata. Nabawasan na natin iyong bilang ng out of school youth na mahigit sa isa at kalahating milyon, from 2.9 to around 1.7 ‘no, parang ganoon iyong figures diyan. Kaya ibig sabihin mas marami nang mga mag-aaral o kabataan ang nananatili sa paaralan, dahil nga dito sa programa natin. At doon sa kabuoan ng ating National Budget ang pinakamalaking bahagi dito ‘no, 37% nung ating 3.003 trillion budget — itong pinakahuli ‘no — for 2016 ay iniu-ukol para sa pinagsamang edukasyon, kalusugan, poverty alleviation, labor and employment, vocational and job training. Kaya integrated na iyong package na ito, at nakatuon talaga ‘no, kongkreto iyong pag-focus doon sa pagpapa-angat sa kabuhayan ng ating mga mamamayan. Kaya’t dapat siguro maunawaan ito, ‘wag po nating tawaran iyong mga natamo na ng ating bansa dahil ito ay pinagsikapan natin, pinagtulungan natin, inayos natin iyong pamamahala para matiyak na iyong pondo ng bayan ay dadaloy talaga sa mahahalagang programang ito at matatamo natin iyong mga kongkretong benepisyo na ating tinalakay ngayon, Alan ‘no? ALAN: Opo, ayon, okay. So Secretary, muli, salamat po ng marami for the updates from the palace, sir. SEC. COLOMA: Maraming salamat at magandang umaga, Alan. ALAN: Thank you, sir. Mga kaibigan, Communication Secretary ‘Sonny’ Coloma. |
SOURCE: NIB-Transcription |