May 26, 2016 – Transcript: President Benigno S. Aquino III’s Media Interview following the Launching of the Balog-Balog- Multipurpose Project (Phase II)
President Benigno S. Aquino III’s Media Interview following the Launching of the Balog-Balog- Multipurpose Project (Phase II) |
NIA Campsite, Brgy. Sula, San Jose, Tarlac, 26 May 2016 |
26 May 2016 |
Nikko Dizon (The Philippine Daily Inquirer): Hello, again, sir. Sir, my question is about Scarborough Shoal. Do you…’Coz I reviewed some of the security experts’ recent statements and they said that it is actually the red line in our dispute with China. Do you share that belief that it’s the red line and what is government doing, sir, to prevent China from doing reclamation work in Scarborough?
PRESIDENT AQUINO: Well, wala namang ginagawang reclamation works ang China on Scarborough Shoal. Is it the red line? I think there are so many red lines ano. Iyong una nating insidente had to deal with the Recto Bank. Meron tayong binigyan ng service contract to explore and this was a — this ship managed to only survey about 40 percent of their service contract area. So what have we been doing? We’ve…I am sure you know we have taken two tracks: One, is to work with ASEAN, and I’ll go back to that; and the second, of course, is arbitration and we are awaiting the decision. Sa ASEAN, in 2002, tensions in this body of water have been there since the ‘70s. Now, in ASEAN, in an effort to ease the tensions in this body of water, in 2002, they tried to come up with a code of conduct. They failed to come up with a code of conduct. There is a so-called DOC na parang statement of principles by which China and ASEAN agreed to go — parang how they should conduct themselves in this body of water. Now, why am I saying this? Section 5 of the DOC — sorry, hindi ko memorize ‘yung buong passage but the pertinent portion has to deal with: “Prevent.”..Parang “undertake to refrain from actions that will escalate tensions in this body of water.” Perhaps that is not verbatim but that is very, very close. Noong sinita natin…Iyong Scarborough Shoal na incident started when our flagship, BRP del Pilar, was being sent to our Eastern coast to monitor ‘yung North Korean launch. On the way there approaching Scarborough or Bajo de Masinloc, they noticed eight fishing vessels and as part of our anti-poaching activities within our 200-mile economic zone, iyong our ship accosted these eight ships and found that two of them were engaged in fishing in our waters and they were fishing — parang includes species that are covered by another treaty called CITES (Convention on International Trade in Endangered Species): corals, baby sharks, giant clams. Now, can I just note, both China and the Philippines are signatories to that treaty, both are signatories to UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea) and both also are signatories to the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, iyong DOC. So nagkaroon tayo ng standoff doon. We replaced the navy ship with a BFAR vessel precisely to protect our interest and our rights. I don’t have the dates right now pero at some point in time, paano ba ire-resolve ‘yung standoff na iyon? America brokered and there was an agreement for all parties to depart the shoal and finish — parang may concept pa na “saving face” by everybody. Now, their continued presence is something that we have continuously objected to but at the same time — especially after we filed…I am getting all of this from memory, hopefully, this is not incorrect. Parang part of that is we want to stress the difference between the Philippines’ and China’s behavior in that we are religiously adhering to the DOC, which is the only agreement entered into na supposed to be principles nga pero binding on all of the signatories. So gusto nating i-contrast ‘yung actions nila by our actions. Sorry ha, basahin ko na ano: “Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea”…Tapos ‘yung — ang tawag dito ‘yung dispositive e. “Hereby declare the following” Iyong fifth: “The parties undertake to exercise self-restraint in the conduct of activities that would complicate or escalate disputes and affect peace and stability including among others refraining from action of inhabiting on the presently uninhabited islands, reefs, shoals, cays and other features and to handle their differences in a constructive manner.” And I think this particular section speaks for itself, actions of the Philippines versus the actions of China especially ‘yung uninhabited islands at ‘yung reclamation — it’s our opinion, both in the spirit and the letter of this agreement that all countries adopted freely…We want to really highlight the contrast between China’s actions and our own. So parang the opinions of some of our legal experts were if we go back to an — parang a confrontational attitude in terms of sending kunyari a BFAR vessel again to the area, that might not help our case. Now, I guess, parang what we are trying to tell the whole world is: May kasunduan, religiously naming ino-observe itong kasunduan na ito, pwede kaming pagkatiwalaan dito sa kasunduan na ito, inaasahan namin ‘yung kabilang panig gawin rin ‘yung ginagawa namin. Ms. Dizon: So, certainly treason wasn’t committed in any of these actions by your administration? PRESIDENT AQUINO: Treason? I’d like to hear the specific charge para I can respond appropriately. Pero simpleng-simple lang naman ito. Ano ba dapat ang ginawa natin diyan? Engage in hostilities? If we engage in hostilities there, can we win? O ‘di obviously hindi. Pero even in that aspect, are we endangering lives unnecessarily? Iyong maski papasukan natin ‘yung moral dimension, I think, it was parang Saint Thomas Aquinas who talked about Just War. And part of his treaties was: if you engage in war, there has to be that possibility of winning. Kapag guaranteed na hindi, ‘di ba, that was one of the tenets, tapos may exhaustion of all means. So, siguro parang ito ang point e, all of the claimants keep on saying — and every other party that has ever talked about this issue — everybody keeps talking about adherence to international law. And I think we have demonstrated our complete adherence to international law, number one; number two, all the agreements that this country has entered into, even before my time, we have been scrupulously observing the same; and siguro it underpins that we all believe that the great equalizer among nations, big and small, are — ‘yung these international laws that should be binding on everybody. Ms. Dizon: And Scarborough remains ours? PRESIDENT AQUINO: It’s a 120 nautical miles from Masinloc, Zambales. Therefore, clearly within the 200-mile exclusive economic zone. Ngayon, I should reiterate, that’s not the only point of contention. Iyong Reed Bank, the first incident, was something like 80 nautical miles from Palawan. Ms. Dizon: Sir, moving on to my next question, 13 million votes is what Bongbong Marcos got. You said you’re confident that Leni Robredo is our next vice president. But still, sir, with the 13 million, do you think their revisionist campaign, you know, to change the Martial Law narrative was effective? PRESIDENT AQUINO: They got that number of votes na nandun na rin ‘yung timing na we just celebrated the 30th year of EDSA. Siguro baka those of us who experienced the Martial Law years failed to take into account na — in a sense, parang especially for the millennials — it’s kinda difficult to imagine that such a period like the Martial Law period actually happened in the country. Hindi ba parang I think I made an example, in this day, the so-called information age, where you have access to the net 24/7; when you ask a question, you get answers in seconds. Parang they…How do you actually explain how they managed to control information at that point in time. Iyong ministry of information was actually parang ‘yung sa book ni George Orwell na “1984” e disinformation. So paano tayo nagpapasahan ng impormasyon noong panahon na iyon? E di photocopy ‘yon naintindihan, pagpumunta ka na sa mimeograph machine, hindi na maintindihan kung ano ‘yung mimeograph machine. Hindi na maintindihan ‘yung illegal assembly. Ang daming hindi na maintindihan e. ‘Coz they have been living…Parang there is a significant number, I would presume, that have — iyong were born after EDSA that parang looked at it as a theory and parang — hindi ba parang paano ba ‘yon? Napapasok ‘yung isang paa parang isinalo na ‘yung buong propaganda. Siguro ‘yung kabilang side, baka napakalate na rin namin na-recognize na baka nga maraming naligaw dito. Pero I think what is more important is, sa huling sukatan, ang aming kandidato na walang planong kumandidato, na one percent nag-umpisa, na parang 70 something percent ang awareness ay nanalo. Humabol…Humabol doon sa parang pagkatagal-tagal nang pinaplano itong pagtakbo nila at talagang nalagpasan. So, maski hindi ba? Maski na huling-huli doon sa karera, e nanaig pa rin ‘yung katotohanan. Jorge Cariño (ABS-CBN): Good afternoon, Mr. President. Itatanong ko lang po kung ano ang saloobin ninyo doo sa mga napapabalitang paglipat-bakod ng mga miyembro ng LP (Liberal Party) sa kabilang partido? PRESIDENT AQUINO: Well, naintindihan natin iyon ano. Merong mga napapag-isip… Kasi tatandaan natin bawat kinatawan, siyempre kumakatawan ka lang sa isang distrito, ikaw ‘yung kanilang kinatawan at kailangan pangalagaan mo ‘yung interes ng iyong sinasakupan. So, baka sa kanilang pananaw, mas matutupad nila ‘yung kanilang mga pangako sa distrito pagsanib sa ibang grupo. Pero siguro maganda rin nito, marami-rami rin naman ang naiwan sa atin at baka — ang pagkaintindi ko meron pang ibang nagbabalik or nagpaplanong bumalik sa atin. Mr. Cariño: So hindi kayo…Hindi kayo bothered at all? PRESIDENT AQUINO: Alam mo nag-umpisa kasi akong kasama ng partidong ito, hindi ba binibiro kami ‘nung yumaong Joker Arroyo, “kasya raw kami sa isang Volkswagen beetle.” So noong ipinaglaban namin ‘yung tama bagamat kakaunti kami, nagkaroon ng anim na taon na naging marami kami, pero hindi kami namilit na sumanib sa amin ‘yung mga ibang mga kampo. Siguro kumuha ka na rin ng testimonya mula sa kanila, kunyari sa larangan lang ng mga gobernador, napakaraming gobernador ang masasabing: Hindi ko sila kapartido noong 2010. Hindi nila ako tinulungan noong kampanyang iyon at nagugulat sila sa itinulong namin sa kanilang bawat lalawigan. At dahil doon, kumbaga hindi namin kasama noong araw ay gusto din nilang sumama sa amin lalo na nitong tail end nitong ating administrasyon. So doon ikinagagalak ko na rin. Para bang kinikilala nila na talaga namang marami tayong pinag-ambagan na walang — parang ‘yung ating mata walang tinitingnang kulay na kabahagi. Sabi ko nga, kahapon lang, tatlo ‘yung kinatawan na nagpapasalamat sa akin, tapos sabi ko sa kanila: “Alam mo basta naipakita lang na may talagang pangangailangan, may katwiran, bakit hindi natin gagawin?” Maski saan ka pang parte ng Pilipinas at pati na rin ang ating mga kababayan sa labas ng Pilipinas. Mr. Cariño: Mr. President, sa isa pa pong tanong. Nabanggit niyo po kaninang 35 days na lamang at kayo ay magiging “Citizen Noynoy” na. Doon sa anim ninyo sa, halos anim na taon ninyo sa panunungkulan, consistent naman ‘yung critics ninyo na kayo daw po ay kulang sa empathy o walang empathy sa mga kababayan natin. Kung po ba nagkaroon kayo ng First Lady sa pagitan nitong anim na taon na ito e nagkaroon po ba ng pagbabago? PRESIDENT AQUINO: Alam mo ipinahanap ko ‘yung definition ng empathy. Para lang i-pormal lang natin. Sa Wikipedia: “Empathy is the capacity to understand or feel what another being is experiencing from within the other being’s frame of reference, i.e., the capacity to place oneself in another’s position.” Empathy, definition of empathy by Merriam-Webster: “The feeling that you understand and share another person’s experiences and emotions. The ability to share someone [else’s feelings].” Kasi ako hindi ko maintindihan actually kung may basihan ‘yung criticism na ‘yon. I’ll give you two specific examples: Tacloban, I think that was a Sunday. Yolanda hit Friday. Tapos ‘yung dinaanan naming kalsada ang daming tao naglalakad, ‘yung pabalik-balik. At siyempre alam na natin ‘yung balita na nagkaroon na ng mga looting doon. So, parang wala akong nakitang LGU, walang kapulisan na nagsasabing: “Bakit ba tayo gala nang gala dito kung namomoroblema (problema) na tayo kung saan tayo kukuha ng tubig, pagkain, et cetera. Ano ba ‘yung mapapala natin na ma-expose pa tayo doon sa elements na lakad ka lang nang lakad?” So ano ang ginawa ko doon? Bumaba ako at pinakiusapan ko lahat ng makausap ko doon, may nagkumpol-kumpol na grupo, sabi ko sa kanila: Alam ho niyo, parang interes ko kailangan mabigyan ng feeling of calm na may parating na ayuda na at talaga naman may parating na. Ang sabi ko sa kanila: “Ano ho ba ang ginagawa natin dito sa labas? Baka dapat ho magsi-uwian tayo, balik tayo sa mga barangay natin dahil ‘yung tulong na dadalin po ng gobyernong nasyunal kailangan nating idaan doon sa mga barangay, sila ang kasama sa first responder, okay. Nagkulang ba ako sa pag-unawa kung ano ang kondisyon nila, kung ano ang agam-agam nila? Punta tayo sa…Isa pang example: Zamboanga, noong krisis. Pagkarating na pagkarating ko dahil kinukumbinsi ako ‘nung ating security cluster at saka iba pa na huwag na raw akong tumungo doon. Ngayon noong siguro parang pangatlong araw na yata ‘nung krisis, araw-araw akong bini-brief, napanood ko sila sa TV at nakita ko parang hapong-hapo na lahat ‘yung mga itinalaga nating magpunta doon. Dumating ako, dinalaw natin ‘yung sugatan, pinuntahan natin…Tiningnan natin ‘yung ibang sites, may briefing ‘nung tactical situation pero ang isang hindi ko makakalimutan doon, hinarap ko ‘yung mga representante ng komunidad ng Zamboanga City meaning ‘yung local government unit, ‘yung civil society, meron pang mga relihiyoso, maraming — nasa ulo ko ho ‘yung mga mukha at saka pangalan nila, hindi ko na babanggitin. Bottom line, ang hindi ko makalimutan bitaw na salita: “Alam ho niyo matagal na itong kaguluhan sa amin at iyong interes ng mahigit 200,000 mamamayan ng Zamboanga City ay dapat mangibabaw doon sa interes ng 200 hostages.” At sabi nila doon sa dulo, doon ako medyo nagimbal nang kaunti: “Kailangan tapusin na ninyo ngayon ito. Sobra na ang molestiya sa amin.” So ano ba ang ibig sabihin doon? Ubusin na natin lahat ng lumusob doon na may mga hostages. Malamang damay na ‘yung hostages. So paano ko sinagot? Hindi naman ako nakipagtalo sa kanila kaagad. Sinabi ko lang at para alam na rin ng taumbayan: “Paano ko ba ikakalma itong mga taong ito? Paano ko ba dadalhin sa mas makatwirang solusyon?” Sabi ko sa kanila: “Mahirap ba ‘yan na ubusin silang lahat? More or less alam natin kung nasaan silang lugar. Huhulugan natin ng mga bomba ng Air Force, may 500 pound bomb, may 1,000 pound bomb. Ipinaliwanag ko…Iyong 500 pound bomb, ang explanation sa akin noong panahon ng coup, noong panahon ng mommy, iyong tora-tora na bumagsak sa Malakanyang kapag tinira mo ‘yung Malakanyang isang 500 pound bomb ubos ‘yung Malakanyang. Iyong kabilang side ng Pasig River, ‘yung Malacañan Park lahat daw ng tao doon sa isang bomba lang magiging duguan ang tenga, ‘yung sa ilong yata. Sabi ko nga meron tayong 500 pound bombs, meron tayong 1,000 pound bombs, iyon ang ihuhulog natin diyan, ilan lang iyon ubos lahat ‘yang mga lugar kung nasaan nagkukubli ang mga kalaban natin. Pwede nating kanyunin (cannon), meron tayong 105 mm na howitzer, meron tayong 155 mm howitzer. Okay, uubusin natin lahat nandyan, ngayon ika ko, “pwede nating gawin iyan tapos na ‘yung sinasabi niyong problema. Pagkatapos nito dadalawin natin lahat nang namatay lalo na ‘yung hostages. Ngayon, binomba natin, siyempre gutay-gutay na ‘yang mga iyan. Hindi natin mailalagay man lang sa kabaong na maayos iyan. Pira-pirasong ihaharap sa mga kamag-anak nila. Samahan naman ninyo ako pagdalaw ko lahat ng burol.” At pagkatapos ‘non tinanong ko rin sa kanila: “Siyempre alam naman ninyo ang sitwasyon dito kapag ang paniwala ‘nung isang pamilya na namatay e aping-api siya Rido. So pagkatapos nito may Rido naman tayo. Iyon ba ang gusto ninyo?” Tumigil ngayon. At saka….Gusto ko lang ano ha, para alam nang lahat, lahat ‘nung kausap doon sa araw na iyon, doon kwartong iyon, ‘yung local government unit katabi ko ‘nung briefing, ‘nung dumating itong kanyang constituents pumunta sa kaliwa para bang nagsabi: “Hiwalay sila sa amin.” Punta doon sa kabila namang side lahat itong mga maiinit ang ulo na talaga. Ano ba ang dapat kong ginawa ‘non? I should empathize with all of them and been as angry and demonstrated ‘yung talagang “galit na galit na ako tatapusin ko na ito!” Nakatulong ba para sa kanila, sa interest nila? Nakatulong ba sa interes ng sambayanan? But dumating ako doon, I took active charge para makalma ang mga tao at tumungo tayo sa solusyon na maganda. Ipaalala ko lang, nakalimutan na yata ng sambayanan e, over 200 ‘yung hostages hindi ba? Ang namatay dalawa na tumatakas bago tayo nag-employ ‘nung hostage rescue, hindi namatay dahil sa hostage rescue. Parang hindi bababa sa 16 sa ating kasundaluhan at kapulisan ang yumao sa pagliligtas ng mga tao pero na-achieve ‘yung pangunahing mission: Pangalagaan ang interes ng ating mga mamamayan. May mga lumusob, nabawi natin ‘yung hostages, hindi tayo gumawa ng panibagong — pwede nating masabing mitsa para lalong lumaki ang gulo doon. Nakalma natin ‘yung mga kababayan natin doon na importante pagplanuhan natin ‘yung gagawin para maging matagumpay ‘yung pagkuha natin. At hindi ba nagpakitang-gilas naman ‘yung ating Sandatahang Lakas, ang ating kapulisan, nirisko nila ang dagdag. Para maliwanag na maliwanag rin, noong inutos ko sa kanila “‘yung priority dito hostage rescue” talagang hahanapin mo ‘yung bawat isang hostage, makikipaglaban ka sa urban terrain, bawat bintana, bawat pintuan, bawat sulok ng bawat bahay potensyal may kalaban doon. Iyan ang pinakamadugo. So, ang punto nito pwede tayong marami sa security sector natin nalagas doon pero iyon ang inutos ko dahil ika ko, “pumasok kayo sa trabahong iyan, pangangalagaan natin ang ating mga kababayan napapanganib ngayon, gawin natin ‘yung tama para mabawi sila dito sa potensyal na kapahamakan.” So, ulitin ko, paano ba dapat ang reaksyon ko doon? Pinagsasabunot ko ‘yung natitira kong buhok at sasabihin ko, “Ano ba ang gagawin natin dito?” Nakatulong ba ako doon? Dapat ba na noong hinarap nila sa akin ‘yung problemang iyan nag-i-iyak na lang ako? Dapat ba nagdadabog ako doon? Hindi yata iyon ang Pangulo. Ako, may responsibilidad, Ama ng Bayan, nagkakagulo sa ating tahanan, gawin ang tama para — iyong mapangalagaan ang interes nang lahat. Alam niyo dapat idagdag ko na rin, ‘yung mga lumusob sa Zamboanga, marami rin tayong — over 200 ang nadakip natin pwera pa doon sa napaslang. Imbes na hindi ba? Pinagpapatay lahat doon, hindi. Noong sumuko, inaresto, humaharap sa mga kaso ngayon. Ano ba dapat ang ginawa ko doon? Pinagbabatukan ko ‘yung lahat nang lumusob? May natulong ba ‘yon? Ngayon, kung merong katabi ako na — kung meron akong asawa, ako ang gagawa ng solusyon, pormal, para bang in control; ang asawa ko, sabihin ko: “Darling, pwede bang ikaw ang umiyak?” Hindi showbiz siguro…Ang palagay ko ang punto ko ano, hindi ako tumayo dito para mag-showbiz, tumayo ako dito para gampanan ‘yung papel ng isang pinuno. May krisis, asikasuhin ko ‘yung krisis, bawasan ko ‘yung dinadaanan ‘nung akingmga kababayan sa lalong madaling panahon, sa lahat ng pagkakataon at kung ano lang ang meron ako. Balikan ko lang ‘yung Yolanda ha, 1.44 million of our households affected, 44 of our 81 provinces affected, pati ‘yung pinireposition (preposition) nating gamit, gamot, pagkain sa Tacloban, in particular, ‘yung regional center, nadali. Baka nakalimutan niyo ‘yung barko mismo naipatong doon sa wharf. Iyong Daniel Romualdez na airport bago nagamit, tropa muna galing Samar ang naglinis noon para makapasok ‘yung mga C-130. Baka iyon ano, baka mali ako doon. Sana ipinakita ko sa kanila kung gaano ako kaabala doon. Pero imbes na hindi ba? Para bang may nakita akong camera: ‘Uy, kailangan akong pose dito.’ Hindi. Tinawagan ko ‘yung mga taong nagpo-produce ‘nung pagkaing dadalhin doon. Pinuntahan ko ‘yung mga repacking centers, binigyan natin ng instructions ‘yung DOTC para sa transport. Alam niyo siguro dapat humingi na ako ng paumanhin, iyong ating MARINA head, tinawagan ko dahil nagkaroon ng bottleneck doon sa Matnog. Tapos parang ‘nung nalinis na ‘yung bottleneck na ‘yon, dalawang ports ang binuksan, nakalimutan kong ipinadala siya doon. Hanggang ipinaalala sa akin ni Secretary Abaya: “Sir, pwede na ho bang umuwi ‘yung ating MARINA head?” Dahil ang bilin ko sa kanya “Huwag kang aalis diyan hanggang hindi naayos ‘yan.” E parang nakauwi yata siya isang linggo tapos ‘non maayos na maayos. Pwera pa doon sa mga araw na ginamit niya para ayusin iyon. Sorry ha, naglabas ako…Baka ito… Sana iyon ang nakita namin emotions mo. Pero, sorry, hindi ako ano e, I am not play-acting at being President, I perform my role as President. And I’d like to think every minute and every second of my presidency to include even the sleeping moments. Naalala ko ‘yung ibang mga panaginip ko ‘yung tinatalakay kong problema o ‘yung paparating na problema kung minsan binubuno ko hanggang sa panaginip. Kung minsan hindi pa nakadilat ‘yung mata naguumpisa na akong pag-isipan ‘yung mga kailangang gawin nitong araw na ito. Parang halikayo sundan niyo ako makita ninyo lahat ‘nung hirap, lahat ‘nung hinagpis, lahat ‘nung sakripisyo, lahat ‘nung tagumpay. Baka iba ang pananaw pero balik lang ako, itong mga…Siguro ano e dapat titingnan ko lang in a positive way. Iyong mga kritiko nagkaroon ng hanap-buhay, e ‘di nakatulong din ako sa kanila, e ‘di okay na rin siguro. Jorge Cariño (ABS-CBN): Thank you very much, Mr. President. |