May 28, 2016 – Interview of Sec. Coloma – DZRB – Radyo ng Bayan
INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR. |
DZRB – Radyo ng Bayan / “Kaagapay ng Bayan” with Melany Valdoz-Reyes and Oliver Abelleda |
28 May 2016 |
SEC. COLOMA: Unang-una ay nakikiramay po tayo sa pamilya ni Alex Balcoba, reporter ng pahayagang People’s Brigada, na tinambangan at napaslang kahapon sa Quiapo, lungsod ng Maynila.
Kinokondena po natin ang krimeng ito at kasalukuyang sinisayasat ito ng Philippine National Police upang alamin at tugisin kung sino man ang maaaring naging responsable. ‘Yun lang po. Handa na po tayo sa mga katanungan. Ms. Reyes: Sir, marami pong salamat. Sir, hingan po namin kayo ng statement ngayong opisyal nang tapos na po ‘yung pagbibilang ng Kongreso sa mga boto sa pagka-presidente at vice president. Now, final na po si Davao Mayor Rodrigo Duterte at si admin bet Congresswoman Leni Robredo ang ating incoming president and vice president. SEC. COLOMA: Well, unang-una pong obserbasyon diyan ay yung mabilis na pagtupad sa tungkulin ng ating National Board of Canvassers. Sa loob lang po ng tatlong araw ng canvassing, ay nakumpleto na nila ang kanilang tungkulin at natuldukan na lahat yung mga tanong o maaring naging agam-agam hinggil sa resulta o yung conduct ng ating nakaraang halalan. Isa po itong konkretong patunay na sa ikatlong pagkakataon ay higit pang napahusay yung pagpapatupad sa proseso ng isang automated election. Noon pong 2010 una itong ginamit, ginamit muli nong 2013 at pangatlong pagkakataon na nga po ngayon. At doon naman sa mga naging resulta, ito ay sumasalamin sa saloobin ng sambayanang Pilipino at ginamit ng mahigit sa 80 porsyento ng ating mga… ng kabuuan ng registered voters ang kanilang karapatan at kalayaan pumili ng mga lider ng bansa at mahubog yung pagpapabuti sa kabuhayan ng mga Pilipino. Kaya yun nga po, sinasabi natin sa ating Saligang Batas: “Sovereignty resides in the people and all government authority emanate from them.” Kaya ito pong paghahalal ng mga lider at opisyal ay pinaka-klaro, pinaka-konkretong manipestasyon na ang tunay na kapangyarihan sa isang demokrasya ay nanggagaling sa mga mamamayan. At bunsod din ng katapusan ng canvassing, maari ng gampanan ng Kongreso ang kanilang tungkulin sa pormal na pag-proklama sa ating bagong president-elect at vice president-elect ng bansa. At ang resulta ay sumasalamin sa saloobin ng mga mamamayan na nagbigay ng kanilang mandato sa ating mga bagong halal ng pinuno. Ms. Reyes: At Sir very remarkable itong huling araw na pagbibilang nitong mga boto dahil kahapon ay birthday rin ni Secretary Jesse Robredo. Parang gift ito kay Congresswoman Leni Robredo. SEC. COLOMA: Mainam na binanggit mo ‘yan, Lany. At kung pahihintulutan, meron akong karagdagang pahayag hinggil sa tagumpay ni Leni Robredo. Pwede bang i-ere na natin? Ms. Reyes: Sige po, Sir. SEC. COLOMA: Ang tagumpay ni Leni Robredo ay tagumpay ng sambayanang nananalig at naninindigan sa mga prinsipyo ng Daang Matuwid. Siya ay simbolo ng katatagan ng kababaihang Pilipino sa aspeto ng pamumuno sa bansa, bunsod ng kanyang matibay na adbokasiya para sa kapakanan ng mga maralita. Sa pamamagitan ng mga programa, tulad ng kalayaan mula sa kagutuman o zero hunger; paglahok ng lahat sa kaunalaran, shared prosperity or inclusive growth; at pagkapantay-pantay ng kasarian o gender equality. Hindi maikakaila na malaking bahagi ng malawak na suportang inani ni Leni noong nakaraang halalan ay nanggaling sa hanay ng mga Pilipinong nais itaguyod ang tunay na diwa ng EDSA hinggil sa kahalagan ng mga karapatan ng mga mamamayan sa isang masiglang demoraksya. Tiyak na bilang pangalawang pangulo, siya ay mangunguna sa pagtatanggol sa pag-iral ng respeto sa batas at paglaban sa lahat ng tangkang supilin ang mga demokrating mga karapatan ng mga mamamayan. Ms. Reyes: Congratulations kay VP-elect Robredo. Sir, on another topic po, kasi habang inaabantayan po natin, Sir ‘yung ginagawang imbestigasyon ng Philippine National Police National, ng National Bureau of Investigation. Siguro paala natin, Sir sa mga magulang, sa kanilang mga anak na mga uma-attend ng mga concert, hindi naman natin Sir mapipigilan yung mga kabataan ngayon dahil maraming concert na ginaganap dito sa ating bansa. Siguro paalala na wag na lang bumili ng mga inumin sa loob, pati Sir, sa mga event organizers. SEC. COLOMA: Magandang talakayin natin diyan yung asepto na ano bang mga aral ang ating mapupulot diyan sa pinakahuling kaganapan na kung saan ay lima ang namatay doon sa aftermath noong concert na naganap noong nakaraang linggo. Isa diyan siguro ‘yung kahalagan ng regulasyon para sa mga event na ganyan. Ibig sabihin natin, yung hindi lamang yung tinatawag na perimeter security, siguro dapat na rin ay mayroong… samahan na rin ng inspeksyon kung ano ang mga naipapasok doon sa area ng concert dahil nga malakihang gathering ito. At yung pag-iinsist natin na ito nga ay hindi dapat itong maging kasangkapan o kaganapan para sa paggamit ng illegal na droga dahil maliwanag naman ang ating mga batas laban diyan. At ang isa pa, yung mainam na rin nasasaksihan natin ngayon na very thorough yung imbestigasyon na isinasagawa at inaalam talaga para maging tiyak yung paghanap ng accountability o pagpapanagot doon sa mga responsable. Ang huli nating nakuhang update sa ating monitoring ay magdaraos ng press conference ang NBI dahil meron silang nasabat na isang tinuturing nilang suspect. Dapat talaga ay mapanagot natin ang mga responsable dahil meron tayong mga batas laban sa paggamit ng illegal na droga. Mr. Abelleda: Sir sa ibang topic naman po, tungkol po doon sa Business Confidence Index nong second quarter kasi meron pong ginawang survey ang Bangko Sentral ho ng Pilipinas at nalaman ho sa survey na ‘to, tumaas yung pangkalahatan Business Confidence Index po sa second quarter or matapos nga ‘yung landslide victory ni Mayor Duterte. Yung dating 41.9 percent lang nong first quarter, naging 48.7 percent. Baka may pahayag po ang Malacañang po dito, Sir. SEC. COLOMA: Hindi po tayo nagugulat sa ganyang pagpapahayag ng kumpyansa mula sa sektor ng negosyo at kalakal dahil kahit sino naman po ang tumingin ay talagang hayag yung masigla at mahusay na performance ng ating ekonomiya. Noon lamang, ilang araw nakararaan, tinanghal ang Pilipinas bilang fastest growing economy in Asia at sa loob ng nakaraang anim na taon, naitala natin yung pinakamataas na six year average GDP growth na 6.2 percent. Ito ang pinakamataas na antas na natamo natin sa apat na dekada. Hindi naman ikamamangha na kung ganyan ang katatagan ng ating ekonomiya, yung tinatawag na sound macroeconomic fundamentals, ay napaka-inam ang pagmamaneho ng pamahalaan, siyempre ang katumbas niyan yung mataas na antas ng kumpyansa nga mga negosyante, mamumuhanan, at mangangalakal. At ito ay marami pang ibang manipestasyon. Yung pagpapalawak nila sa kanilang mga negosyo, pagpasok ng bagong puhunan sa iba’t ibang larangan, yung pagpapahusay ng ating imprastraktura, all around naman yung signs of confidence. Kaya baka limited naman yung view na inuugnay lang ito sa resulta ng halalan dahil anim na taon na po nating nararanasan ito. Hindi naman na po ‘to bago o kagulat-gulat. Anim na taon na nga po yung record growth at pati rin kung tutunghayan din yung resulta ng confidence survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas, consistently high naman po yan. Hindi naman po as if ay ngayon lang tumaas at yung pattern na napanatili nong second quarter, simula April 1, na mahigit isang buwan pa bago mag-halalan ay sinustene lamang yung nakaraang magandang pattern nong mga nakalipas na quarters in the last six years. Mr. Abelleda: Nagkataon lang siguro Sir na ano, kasi isinagawa po yung survey nong April 1 to May 17, kaya nag-factor in na yung resulta ng halalan. Tsaka siguro dahil sa pangkalahatan, talagang naging maayos at payapa po yung katatapos na halalan. SEC. COLOMA: Ganon nga, Oliver. Sang-ayon tayo sa ganyang obserbasyon. Mr. Abelleda: Sir, sa ibang isyu naman po. Sir, kasi yung tungkol doon sa mga foreign hackers na talagang inaatake nila yung banking system po natin. Kukumustahin lang po natin, Sir yung mga hakbang ng ating pamahalaan sa ngayon para maproketsyunan nga po yung banking sytem ng Pilipinas. Kasi nga merong, may report na noon pa lang last year pa, lalo na yung last quarter ng 2015, napakarami na hong mga pagtatangka na mga foreign hackers na pasukin nga ho yung banking system po ng Pilipinas, Sir. SEC. COLOMA: Yung hinggil diyan, meron tayong dalawang mahalagang aspeto na pwedeng tukuyin. Doon sa, alam naman natin, pinalalakas natin yung ating mga batas at institusyon laban sa cyber crime. Meron na nga tayong komisyon diyan. Yung kakayahan din ng ating mga ahensya katulad ng NBI, Philippine National Police ay tumataas na at nagiging mas professional at capable sila sa pagtukoy sa mga cyber crimes. Kailan din lang ay naipasa yung batas na bubuuin na yung isang bagong Department of Information and Communications Technology. Sa pamamagitan nito, mapapag-ungay o ma-iintegrate lahat nong iba’t ibang ahensya na may partisipasyon diyan sa daloy ng digital information na siya ng kalakaran sa ating modernong daigdig. Sa isa pang aspeto, meron naman tayong Anti-Money Laundering system, meron tayong Anti-Money Laundering Council, bunsod na rin nong naganap na katiwalian ay marami ng mga binubuong mga pakete ng reporma para patatagin pa ang ating mga sistem at batas, pati yung hinggil sa bank secrecy laws. At tinitingnan na kung paano ito mapapalakas at yung mga tinatawag na loopholes sa batas ng Anti-Money Laundering, paano mapa-plug yung loopholes sa batas. Kaya yan din naman ang resulta nong pagkamulat at yung tumaas na antas ng kamalayan ng mga mamamayan hinggil sa perwisyo at kasamaan na dulot nitong cyber crimes. At patuloy sanang pagtulungan ng lahat ng mga stakeholders, hindi lamang ng pamahalaan, yung pagsabat sa cyber crime para maiwasan ang mga katiwalian katulad nito. Ms. Reyes: Sir, other topic po. The Integrated Bar of the Philippines or IBP has expressed support for the plan of incoming Justice Secretary Vitaliano Aguirre II to look into the liabilities of officials of the outgoing administration for the alleged unconstitutional acts under the DAP. Sir, yung Disbursement Acceleration Program. What’s your view on this, Sir? SEC. COLOMA: Nasa karapatan naman po at nasa valid naman po yung proposal na yan na magkaroon ng pagturing diyan sa aspetong yan. Pero kung tutunghayan din natin, ito naman ay hindi natin maituturing na bagong usapin dahil matagal na rin napapagusapan yan at noong nakaraang taon ay nagpasya na ang Supreme Court tungkol diyan. At ang masasabi lang po natin ay ito: As Chief Executive, President Aquino faithfully followed the Constitution and the laws of the land. Pag sinabi nating President Aquino, siyempre po kasama na niya yung buong executive department. At, if we may recall, the Supreme Court upheld the government’s motion for reconsideration filed through Office of the Solicitor General, particularly on the operative fact doctrine. In that decision, the Supreme Court categorically ruled on and upheld the presumption of regularity in the implementation of DAP. Dapat lang siguro linawin natin kasi meron konting disinformation na nagaganap dito. Merong desisyon na nauna yung Supreme Court, pero meron pong motion for reconsideration ang pamahalaan. At doon sa pagpapasaya sa motion for reconsideration, yung Supreme Court po sinabi nang malinaw that the doctrine of operative fact governs the implementation of the Disbursement Acceleration Program. Sa ibang salita, in other words, the program’s authors, sponsors and implementers must be presumed to have acted in good faith and with regularity in the performance of their official duties. Kasi po yung mga tao sa gobyerno, mga opisyal ng gobyerno, patuloy yung pagganap nila ng kanilang mga tungkulin at nong ginagampanan nila yan, kabilang na yung pagpapatupad sa DAP, wala pa namang nagharap ng kaso sa Supreme Court noon at wala pang pasya ang Supreme Court. Kaya nga doon sa motion for reconsideration, nilinaw ng mga mahistrado ng Korte Suprema na applicable pa rin ‘yung sinasabing doctrine of operative fact na ‘yung nga those that implemented the DAP are presumed to have acted in good faith and with regularity. Doon din po sa desisyon ng Supreme Court, sinabi rin ng Supreme Court na merong positibong epekto yung Disbursement Acceleration Program dahil ito ay naging instrumental sa pagpapabilis ng public spending at dahil diyan napabuti rin yung paglago ng ating ekonomiya. Dapat siguro ulitin natin yang mga bagay na yan, dahil kapansin-pansin din pag pinaguusapan ito, iisang bahagi lang yung naririnig natin, yung mga laban sa DAP, yung mga patuloy na naninira sa pamahalaan, sa kabila na ng naging pasya na ng Supreme Court. Para bang mini-misrepresent pa nila yung naging desisyon ng Supreme Court. Dapat tutulan natin yung pagsisinungaling at panlilinlang na nagaganap tulad niyan. Ms. Reyes: Sir, wala na kaming tanong. Ang PAGASA po pala, Sir, official na nilang dineklara na tag-ulan na Sir at kasabay pa ng La Niña. At alam kong nakalinya na rin yung mga programa ng gobyerno. Sir, paalala po natin sa ating mga magulang, at kasabay din niyan Sir, yung Brigada Eskwela ngayon, 25 million na mga kabataan Sir ang inaasahan nating papasok sa eskwela sa June 13. SEC. COLOMA: Pagtulungan po natin sa pagtataguyod nong diwa ng bayanaihan. Pagtulungan natin yung paglilinis, pagsasaayos at paghahanda ng ating mga paaralan sa buong bansa. Kaya po ginawa nila Secretary Bro. Armin Luistro itong Brigada Eskwela, kinakailangan talaga ay yung pagbabayan ng lahat ng sektor para namang gawing kaaya-aya yung lugar na kung saan ay hinuhubog natin ang character ng ating mga kabataan na siyang bubuo ng main force ng paglago ng ating bansa. Kaya iyon pong isa. Tungkol naman sa binanggit ninyo na dineklara na ng PAGASA na umpisa na yung tag-ulan ay kasama diyan ay sana mabawasan na at mapapawi na yun namang pahirap na dinulot sa atin nong tag-init at tag-tuyot dahil marami pa po sa lugar sa ating bansa ay nagre-recover pa mula doon sa El Niño crisis. Sana ay makatulong itong pagpasok ng tag-ulan doon sa pagpapabuti ng kanilang kalagayan. At isa pa, yung dapat ay patuloy pa rin nating patatagin yung ating kamalayan at pagsasama-sama, pagkapit-bisig doon sa aspeto naman ng disaster risk reduction and management, sa grassroots level, sa antas ng barangay, munispyo, siyudad, lalawigan ay pinagtutulungan natin yung paglaban sa masamang epekto ng kalamidad. Hindi na natin pinahihintulutan na magulat tayo kapag dumating na naman ang isang malakas na unos, o isang kalamidad dahil naging mas disaster resilient ang ating mga komunidad bunsod na rin ng ating pagbabayanihan. Ms. Reyes: Yan din Sir yung paalala ng DILG sa mga LGU na mag-prepare na, maghanda na sa posibleng pag-bagyo. Mr. Abelleda: Habang maaga mag-prepare na sila. SEC. COLOMA: Meron silang tinatawag na Oplan Listo. Yung “listo” nakabatay yan sa “lista” meron silang listahan ng mga priority concerns na dapat tukuyin para matiyak na magiging ligtas ang ating mga mamamayan sa panahon ng bagyo at iba pang kalamidad. Ms. Reyes: Maraming salamat, Sec. Mr. Abelleda: Maraming salamat po, Sir. SEC. COLOMA: Maraming salamat. Magandang umaga po sa inyong lahat. |