May 29, 2016 – Interview of Sec. Coloma – DZRB – Radyo ng Bayan
INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR. |
DZRB – Radyo ng Bayan / Balita at Panayam by Alan Allanigue |
29 May 2016 |
ALLANIGUE: Secretary Coloma, sir, magandang umaga po.
SEC. COLOMA: Magandang umaga, Alan. ALLANIGUE: Opo. Secretary, reaksiyon po ng Palasyo dito sa statement ng China na ito raw pong international arbitral tribunal ay bias, in favor of the Philippines. Your reactions please, Sec. Sonny, sir. SEC. COLOMA: Ito po ‘no, sa wikang Ingles: In expressing concern over the South China Sea issue, the Group of Seven or G7 Declaration affirmed the importance upholding the rule of law. Adherence to the rule of law as embodied in the United Nations Convention on the Law of the Sea has always been the linchpin of Philippine policy. President Aquino has been determined in pursuing an advocacy for a rules-based, peaceful and diplomatic resolution of disputes on maritime entitlement in the South China Sea or West Philippine Sea, and has gained broad day support in the international community such as the ASEAN, APEC, the G7 and in the European Union. This advocacy has brought to light the critical importance of upholding freedom of navigation and freedom of overflight, and has been the basis for the Philippines’ decision to file a petition with the Permanent Court of Arbitration in The Hague. This move of the Philippines has been welcomed and encouraged by many nations. Iyon ang tugon natin sa obserbasyong iyan, Alan. ALLANIGUE: Opo. Follow up question po, Secretary. Mayroon pong claim din ang China na nagsasabing ang US daw ay nag-i-intervene dito sa arbitration process. Any reactions from the Palace, sir? SEC. COLOMA: Sa lahat ng ating nasasaksihan, wala naman tayong nakikitang patunay sa alegasyong iyan sa paglahok ng Pilipinas sa mga international meetings katulad ng ASEAN, APEC at iyong US-ASEAN Special Summit na ipinatawag ni President Obama noong nakaraang Pebrero. Malinaw naman iyong pagpapahayag ng posisyon ng Estados Unidos na ang kanilang kinakatigan ay iyong mga prinsipyong tinalakay natin kanina, Alan, iyong kahalagahan ng paggalang sa rule of law, kasama nga diyan iyong batas na sumasaklaw sa mga karagatan o iyong UNCLOS. Sa lahat naman ng pagkakataon, ang nasaksihan lamang natin ay iyong pagpapahayag ng Estados Unidos kaisa ang iba pang mga bansa sa mundo ng paniniwala nila sa mga batayang prinsipyo na katulad nga din ng freedom of navigation, freedom of overflight. Kaya sa ating pananaw, walang batayan ang alegasyon na iyan. ALLANIGUE: Opo. Sec., dito po sa isa pang usapin ano ho. Sabi po ng Department of National Defense, in-adopt ng ASEAN itong proposal ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na mag-establish ng isang ‘cyber security group’ ano ho. Itong proposal ng Pilipinas ay adopted ng ASEAN dito sa pagpupulong ng mga Defense Ministers diyan po sa Laos noong nakaraang linggo. Your reactions tungkol dito, Sec., sir. SEC. COLOMA: Kinagagalak natin ang pagpapahayag ng suporta ng ibang mga kapitbansa ng Pilipinas. Sadyang mahalaga iyong pagkakaisa ng mga bansa sa pagpapatatag sa cyber security dahil nga sa lumalawak na … o lumalaganap na pagtatangka o aktuwal na paglalabag ng mga masasamang elemento sa mga umiiral na batas na kung saan ay pinagsasamantalahan sa pamamagitan ng digital technology ang sitwasyon at lumalabag sa iba’t ibang batas ng iba’t ibang bansa. At malawak ang sakop ng ating pinangangalagaang cyber security dahil iyong mga paglabag dito ay nakakaapekto sa maraming larangan hindi lamang sa tanggulang Pambansa, pati na rin sa kabuhayan at pati na rin sa privacy ng mga indibiduwal. ALLANIGUE: Opo. Well, Secretary Coloma, sir, muli, salamat po nang marami for the updates from the Palace. SEC. COLOMA: Maraming salamat at magandang umaga, Alan. |
SOURCE: NIB-Transcription |