Media Advisory
Simple inauguration to start Duterte’s promise of “real change” President Rodrigo Roa Duterte is set to prove to the Filipino people his campaign slogan of implementing “real change” in the country on the very first day of his term as the country’s highest official. Duterte, known for his simplicity, asked to change the conduct of the Presidential inauguration, opting to veer away from a fancy event on June 30, the Constitutionally-mandated date when elected public officials officially seat in office following their taking of an oath.
In earlier interviews, Incoming Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar said that the long-time mayor of Davao City wants the inauguration at the Malacañang’s Rizal Hall to be solemn and simple. The guests will partake of simple food in the menu such as adobo, durian sweets, “maruya” (banana fritters) and “buko juice”, said Andanar. While the list of guests has reached 627, Andanar said that it is unlikely to go more than that.
President Duterte will likewise hold a modest “diplomatic reception” after the inauguration, which is expected to be a stark contrast to the lavish traditional Vin d’honneur hosted at the Palace for the members of the diplomatic corps. In contrast to past inaugurations, Duterte has not tapped any famous couturier to prepare his attire for the occasion, as he prefers to don a simple barong and slacks. ”The President wants his oath-taking to be a simple one,” stressed Andanar.
Another historic event in Duterte’s inauguration will be the live streaming of the gathering via the popular social media platform Facebook. After meeting with Facebook Asia Pacific executives, Andanar said Duterte is poised to become the very first President in Asia whose inauguration will be broadcasted through the world’s largest social network. ”We talked about how Facebook can help us technically in streaming the entire inauguration. We also talked about how important this is for the Filipino people,” Andanar said.
Aside from the live streaming, nine national broadcasting companies will also cover the inauguration inside Malacañang, but will only be allowed inside palace grounds of gate 4. Other media members may monitor the event inside the new executive building press briefing room where big screens will be provided.
Duterte earlier pointed out that in his administration, the government will do away with lavish celebrations and judiciously use the people’s money to more important expenditures, a practice which Duterte is renowned for.
Tagalog Version …
Simpleng pamamahala sisimulan sa unang araw ni Pangulong Duterte Sa unang araw pa lamang ng kanyang panunungkulan bilang pinakamataas na opisyal ng bansa, patutunayan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pangako noong panahon ng kampanya ng pagpapatupad ng “tunay na pagbabago”. Kilala bilang isang simpleng tao, hiniling ni Duterte na baguhin ang pagdiriwang ng kanyang inagurasyon bilang Pangulo. Sa halip na magarbong handaan ay isang simpleng pagtitipon na lamang ang magaganap.
Sa mga nakaraang panayam kay Incoming Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar, sinabi nito na ang nais lamang ng dating alkalde ng Davao City ay maging taimtim at simple lamang ang salo-salo sa Rizal Hall ng Malacañan. Pagsasaluhan ng mga panauhin ang mga putaheng Pilipino tulad ng Adobo, Minatamis na Duryan, Maruya at Buko Juice, ani Andanar. Sinabi pa ni Andanar na umabot ang bilang ng mga panauhin sa 627 ngunit hindi na inaasahang dadami pa ang bilang na ito.
Samantala, isang “modest diplomatic reception” naman ang magaganap pagkatapos ng inagurasyon sa halip na isang magarbong pagsasalo-salo tulad ng tradisyonal na Vin d’honneur ang gaganapin sa palasyo para sa mga kinatawan ng mga embahada ng ibat ibang nasyon. Kumpara sa mga nakaraang inagurasyon, hindi na kinailangan ni Duterte na kumuha ng serbisyo ng isang tanyag na mananahi ng damit sapagkat isang simpleng barong at pantalon lamang ang isusuot ng Pangulo para sa kanyang panunumpa bilang ika-labing anim na pangulo ng bansa. Ayon kay Andanar, nais ng Pangulo na simple lamang ang kanyang panunumpa sa katungkulan.
Isa pang makasaysayang pangyayari na itinuturing na una sa larangan ng politika ay ang pagpapalabas ng “live streaming” o pagpapakita ng mga pangyayari sa loob ng Malacañan sa pamamagitan ng social media platform na Facebook. Sinabi ni Andanar, matapos ang pag-uusap kasama ang mga kumakatawan sa Facebook Asia Pacific, si Duterte ang kaunaunahang pangulo sa Asya na maipapalabas sa pinakamalaking social network ang inagurasyon. “Napag-usapan ng aming tanggapan at ng Facebook kung paano sila makakatulong sa teknikal na aspeto ng ‘live streaming’ at kung gaano kahalaga ito sa sambayanang Pilipino,” ayon kay Andanar. Bukod sa live streaming, siyam na himpilan ng telebisyon rin ang tututok sa mga pangyayari sa Malacañan pero ang mga ito ay pahihintulutan lamang na mag-broadcast mula sa Gate 4 ng Palasyo. Ang mga iba namang miyembro ng media ay maaaring sumubaybay sa loob ng New Executive Building Press Briefing Room kung saan may mga “wide screen monitor” na nakalaan.
Iginiit ni Duterte na sa kanyang administrasyon, ang pamahalaan ay hindi magiging magarbo sa mga pagdiriwang at sa halip ay maingat na gugugulin ang pera ng bayan para sa mga mas mahalagang pagkakagastusan, bagay na likas na sa pagkatao ni Duterte.