ENRIQUEZ: Secretary Roque, magandang umaga.
SEC. ROQUE: Magandang umaga po, Susan at Mark at magandang umaga, Pilipinas.
ENRIQUEZ: Secretary, mayroon yata tayo kailangang linawin tungkol doon sa mga senior citizen di ba. Kasi sabi may resolusyon dati na pinapayagan iyong mga senior citizens at 15 years old pababa na makalabas for tourism purposes kahit hindi vaccinated. Eh bakit daw po ngayon eh pinapayagan ang mga fully vaccinated pero hindi puwede ang inter-zonal. Ano ba iyan. Ano ba iyan, Secretary?
SEC. ROQUE: Lilinawin ko lang po: Pupuwedeng inter-zonal kung point to point. Kasi may programa po ang DOT na pupuwedeng point to point travel. Pero iyong ordinary inter-zonal, hindi po pupuwede. Hindi po natin pupuwedeng ihambing ito doon sa dating protocol kasi nga po, iyong dating protocol ay bago tayo magkaroon ng new variants. So, talagang nagkaroon po tayo ng mga istriktong mga regulasyon dahil nga po mas nakakahawa iyong mga new variants. So ngayon po puwede ng lumabas ang mga seniors which is good news, basta ipapakita lang nila ang kanilang vaccination cards kung sila ay masisita at pangalawa bagama’t ang general rule ay wala pong inter-zonal travel, puwede naman iyong point to point inter-zonal travel.
SALAZAR: Ibig sabihin, kunwari galing ka sa bahay mo sa Metro Manila, diretso ka na sa resort na pupuntahan mo, kunwari Batangas.
SEC. ROQUE: Tama po iyon.
SALAZAR: Wala nang kung saan-saan ka pa nagkakain along the way.
SEC. ROQUE: Well, unang-una po ang Batangas naman po is inter-zonal kasi hindi siya kasama doon sa unang bubble. Sundin lang po, didiretso lang siya doon sa resort niya.
ENRIQUEZ: Hindi siya puwedeng dumaan sa mga gasoline station, kahit naiihi siya, ganoon?
SEC. ROQUE: Kayo ha, naisahan na ako noong ihi niyan dati.
ENRIQUEZ: Seriously speaking, kasi mula Manila hanggang Batangas malayo-layo iyon, at some point mapapaihi ka.
SALAZAR: Kung may balisawsaw, Secretary.
SEC. ROQUE: Alam mo kasi niloko ako dati sa DZRH, isang Malacañang reporter. Iyon pala, hindi daw ibig sabihin iyong makiki-gas up sa probinsiya.
ENRIQUEZ: Ah, ganoon? Hindi naman, talagang iyong maiihi ka talaga.
SEC. ROQUE: Siyempre naman po practicality rin po. Common sense will also prevail.
ENRIQUEZ: So puwede.
SEC. ROQUE: Opo.
SALAZAR: Saka parang wala namang paraan para malaman mo rin kung halimbawa umihi sa gasolinahan. “Teka, saan ka galing”, wala naman gaganoon sa iyo sa gasolinahan.
SEC. ROQUE: Necessity po iyon, necessity.
ENRIQUEZ: Kasi nga baka iyong iba, masyadong seryoso, no, no dapat point to point.
SALAZAR: Ang sabi yata ay magdala raw tayo ng arinola. Sa sasakyan lang tayo iihi.
SEC. ROQUE: Mahirap po.
SALAZAR: Secretary, dapat lang po ba ay iyong fully vaccinated senior citizens ang puwede pong mag point to point na ito?
SEC. ROQUE: Opo, fully vaccinated lang po at sila lang naman ang pupuwedeng lumabas talaga, except for iyong trabaho at saka iyong for their necessity, hindi po nagbabago iyong ganoong rule.
ENRIQUEZ: Okay, so kung hindi ka pa vaccinated, you are not allowed.
SALAZAR: Unless ikaw ay nagtatrabaho o ang iyong lakad ay essential – iyan ang nililinaw ni Secretary.
SEC. ROQUE: Opo.
SALAZAR: Pero siyempre iyong 15 years old pababa, wala pa namang bakuna iyan eh, depende na lang.
SEC. ROQUE: Wala pa po. Homeliners pa rin.
ENRIQUEZ: So ito malinaw doon sa mga nakikinig, Secretary, ikaw na ang magsabi at tutal naman ay galing sa inyong mga ano na iyan, para mas malinaw doon sa ating mga kababayan, para maiiwasan iyong pagkalito, kasi nga, hindi iyong pagiging pilosopo minsan eh.
SEC. ROQUE: Bagama’t ang general rule po ay bawal pa din ang inter-zonal travel, pupuwede naman po silang mag-avail ng point to point travel alinsunod po sa mga guidelines ng Department of Tourism. So pupuwede po silang pumunta ng Boracay, basta point to point po iyan from the airport in Manila papunta sila doon sa resort na accredited para sa programa na point to point program ng ating Department of Tourism.
SALAZAR: Secretary, kapag po ba fully vaccinated kayo at for tourism purposes, hindi mo na po kailangan ang antigen test, iyong mga negative result test?
SEC. ROQUE: Alam po ninyo kailangan tanungin pa rin kung ano iyong regulasyon ng tatanggap na LGU. Kasi hindi naman natin talaga mapipilit ang mga LGU kung sila ay magri-require pa rin. Ang sa atin lang dati, bawal talagang lumabas ang mga seniors, pero ngayon, dahil mayroon na nga silang bakuna at para mag-incentive din doon sa mga ibang seniors na gustong makalabas ng kanilang tahanan, magpabakuna na po kayo.
ENRIQUEZ: So, depende. Kung halimbawa sinabi na iyong pupuntahan mo ay ni-required eh wala kang magagawa kung hindi to comply.
SEC. ROQUE: Wala tayong magagawa.
SALAZAR: Secretary, ano iyong susunod nating quarantine status?
SEC. ROQUE: Wala pa po, sa a-kinse pa po iyan. Bagama’t ang sabi ko nga po, iyong data natin ay mahusay naman, ang ating hospital care utilization rate ay mababa po, nasa 52% lamang at saka ang ating daily attack rate ay patuloy pa rin na negative. Pero sa tingin ko hindi pa rin tayo puwedeng mag-ambisyon ng MGCQ, malayo pa po tayo sa MGCQ. Ngayon po kasi nasa GCQ tayo with restrictions. Baka mamaya, posible naman po na ordinary GCQ para maibalik iyong mga limited capacity sa dati nilang mga porsiyento. So kapag nag-GCQ kasi 50% iyong mga capacity ng mga restaurants, eh ngayon po, eh hanggang 30% lang po, di bap o at ang 50% ay iyong mga al fresco lamang. Pero titingnan po natin iyan, dahil siyempre ito po ay isang collegial decision ng IATF.
ENRIQUEZ: Kailan kayo magmi-meeting tungkol dito sa ano na ito, Secretary?
SEC. ROQUE: Kung hindi po ako nagkakamali either Monday po or Tuesday, nasa diary ko po eh.
ENRIQUEZ: Malalaman natin kung ano iyong magiging bago nating quarantine status.
SALAZAR: Si Secretary Roque pasakay na ng eroplano, mamaya maiwan pa ng eroplano iyan. Kasalanan pa ni Susan.
ENRIQUEZ: Hindi maiiwan iyan. Sir, saan ka ba pupunta, Secretary?
SEC. ROQUE: Sa Cebu lang po. Doon po ako magdidiwang ng Independence Day.
ENRIQUEZ: Ah, ikaw ba ang mag-aalay doon ng bulaklak?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung ano talaga iyong schedule. Basta nakalagay sa diary ko Independence Day sa Cebu City.
SALAZAR: Ah magbubutanding watching din, Secretary?
SEC. ROQUE: Wala pong butanding doon sa Cebu. Ah mayroon pala, malayo po iyon.
SALAZAR: Mayroon po, sa Oslob
SEC. ROQUE: Ah mayroon pala, pero malayo po iyon.
ENRIQUEZ: Malayo kung manggagaling ka sa Cebu. Pero kung manggagaling ka ng Dumaguete, Sir, isang oras lang nandoon ka na sa Oslob. Makikita mo na iyong mga butanding doon, malay mo iyong shark doon–
SEC. ROQUE: Pero ang turismo po ay bukas na bukas dito sa Cebu. So iyon naman po iyong maganda sa Cebu.
SALAZAR: Sige Sir, ingat ka!
ENRIQUEZ: Sige Sir, baka maiwan ka ng eroplano eh. Salamat Sir ha at mag-iingat.
SEC. ROQUE: Salamat po at magandang araw po.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center