MORLY ALINIO: Ito saglit lang may ambush interview ang media kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Iyan, Henry Uri, go, go, go!
HENRY URI: Nandito si Secretary Harry Roque, lilinawin lang natin Morly and Gorgy iyong sinabi ng Pangulo na iyong nangyari sa South China Sea kung saan umano ay may mga mangingisdang Pinoy na kinukutongan ng isda ng mga Chinese Coast Guard ay isang klase ng barter. Alamin natin kay Secretary Harry Roque ang—ibig sabihin mismo ng Pangulo, Secretary, pinaniniwalaan niya ring barter na iyong nangyaring iyon sa mga mangingisda?
SEC. ROQUE: Eh malinaw po ang sabi ng Presidente barter na hindi nagkasundo sa valuation kung magkano ang ibibigay na halaga doon sa isda at magkano ang ibibigay na halaga doon sa kapalit na ibinibigay ng mga Tsino. Ibig sabihin bagama’t ang intensiyon siguro ay barter, hindi malinaw kung ano iyong kapalit at magkanong halaga ang ibibigay sa pinapasok ng mga partido.
HENRY: Pero iyon pong ating prostesta laban sa Chinese Coast Guard ay tuloy-tuloy pa rin po ba?
SEC. ROQUE: Tuloy po iyan ‘no kasi nga hanggang hindi masasabi na arm’s length or talagang nagkakasundo iyong partido ng mga Pilipino at mga Tsina, siyempre hindi nasusunod ang will ng parehong partido. Kapag isa lang ang nasusunod eh iyon na nga ‘no hindi patas na barter ang nangyayari.
HENRY: Kung may mga mangingisdang nakikinig sa atin at baka hindi pa rin ho lubos na matanggap sa kanilang mga sarili ang nangyari. Anong gusto ninyong sabihin sa kanila?
SEC. ROQUE: Well, ang sinabi lang naman ng Presidente, sabihin na nating barter, kinakailangan pa rin pagkasunduan ang halaga ng partido at hindi pa rin katanggap-tanggap na Tsino lang ang nagsasabi kung magkanong halaga ang ibibigay nila sa isdang kinukuha nila.
HENRY/DZRH: Kailan tayo makakaasa ng resulta ng protesta natin laban sa China?
SEC. ROQUE: Tayo po ay nangangalampag din at siyempre po kapag may kasagutan na ang Tsina siguro naman po magsasalita sa publiko rin ang Tsina.
HENRY/DZRH: Alright, maraming salamat, si Secretary Harry Roque ang taga pagsalita ng Pangulong Rodrigo Duterte.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)