SEC. ROQUE: Magandang umaga Pilipinas ‘no.
Matapos po ang tatlong sunud-sunod na araw ay nakaabot na po tayo sa kalahating milyon na daily jab target. Nasa 646,390 ang nabakunahan kahapon, July 29, iyan po ay sang-ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Nasa labing siyam na milyon or 19,359,927 na po ang total doses administered. Inaasahan natin na maaabot po natin ang target na 20 million doses bago po matapos ang buwan ng Hulyo.
Samantala, mahigit pitong milyon or 7,835,715 ang fully vaccinated na po. Ipagpatuloy lang po natin ang pagbabakuna at sa ganoon ay marating natin ang target na population protection bago po matapos ang taon. Libre po ito ha, magpalista lang po tayo sa inyong local government unit.
Balitang IATF naman po tayo. Inaprubahan po ng Presidente ang rekomendasyon ng inyong IATF na ilagay ang National Capital Region sa ilalim ng General Community Quarantine subject to heightened and additional restrictions. Ito ay magsisimula ngayong araw hanggang a-singko ng Agosto – ngayong araw po hanggang a-singko ng Agosto.
Simula a-sais naman ng Agosto, ang NCR ay mai-escalate sa Enhanced Community Quarantine or ECQ hanggang a-beinte ng Agosto 2021. Ito po ay 6 to 20th August 2021 – ECQ po ang NCR Plus.
Hindi po naging madali ang desisyon na ito ha, maraming oras ang ginugol para pagdebatihan ang bagay na ito dahil binabalanse nga po natin iyong pagpapabagal nang pagkalat ng COVID-19 dahil sa Delta variant at iyong karapatan natin na mabuhay at maiwasan/mabawasan ang hanay ng mga nagugutom.
Pero matapos po ang matinding debate, kinakailangan magkaroon ng desisyon – masakit na desisyon po natin ito dahil alam nating mahirap ang ECQ pero kinakailangan gawin po ito para maiwasan iyong kakulangan ng ating mga ICU beds at iba pang hospital requirements kung lulobo po talaga ang kaso dahil nga po sa Delta variant. Sa huli, ang inisip ng lahat ay kailangang gawin ang mahirap na desisyon na ito para mas maraming buhay ang maligtas.
Tulad ng aking sinabi, ang binanggit kong heightened restrictions sa NCR ay magti-take effect ngayong araw. Mas mahigpit po ito kaya nga sabi ko heightened restrictions na mayroon pang additional restrictions sa NCR, compared sa GCQ with heightened restrictions sa ibang mga lugar. Kasama rito ang pagbabawal sa indoor dine-in services at al fresco dining. Wala na muna hong indoor dining pati po al fresco dining ‘no. Ang pupuwede lamang po ay takeout at delivery.
Sa mga pumasok sa araw na ngayong ganitong establisyimento, iyong mga nandoon na po sa mga restaurants, huwag po kayong mag-alala – puwede kayong magbukas hanggang mamayang gabi. Bukas po magiging epektibo iyong pagbabawal sa lahat ng dine-in at al fresco dining. Okay.
NCR lang po ang ECQ ha. Uulitin ko po, NCR lang po ang ECQ. NCR lang po ang ECQ.
Samantala, pinayagan ang personal care services tulad ng beauty salons, beauty parlors, barber shops at nail spas hanggang 30% ng venue or sitting capacity.
Samantala, ang indoor sports courts at venues at indoor tourist attractions at specialized markets ng Department of Tourism ay hindi rin po makaka-operate. Pinapayagan naman ang outdoor tourist attractions hanggang 30% venue capacity.
Ang pinapayagan lamang na bumiyahe sa labas at loob ng NCR Plus areas kasama ang Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal ay ang Authorized Persons Outside the Residences or APOR na tinatawag.
Tanging virtual religious gatherings lang po ang pinapayagan. Ibig sabihin lahat po ng mass gatherings bawal po muna.
Ang lamay at libing ng mga namatay na ang dahilan ay hindi COVID-19 ay pinapayagan, pero ito po ay para sa mga immediate family members lamang.
Ang ilang probisyon ng omnibus guidelines na hindi apektado ng mga nasabing restrictions ay magpapatuloy kasama na ang operasyon ng pampublikong transportasyon. Patuloy nating ipu-promote ang paggamit ng active transportation.
Samantala ang Gingoog City, Iloilo City, Iloilo Province at Cagayan De Oro City ay mananatiling ECQ simula August 1 hanggang August 7, 2021. Nadagdag naman po ang Cebu City at Cebu Province sa mga lugar na nasa Modified Enhanced Community Quarantine or MECQ simula a-uno hanggang a-kinse ng Agosto subject sa mga apela ng local government units.
Sa Luzon: Ilocos Norte at Bataan. Sa Visayas: Mandaue City at Lapu-Lapu City ay MECQ mula Agosto a-uno hanggang Agosto a-kinse.
Under GCQ with heightened restrictions naman po mula August 1 hanggang August 15 ang Ilocos Sur, Cagayan, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna at Lucena City sa Region IV-A at Naga City sa Luzon; Antique, Aklan, Bacolod City at Capiz sa Region VI at Negros Oriental sa Visayas; Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Davao City, Davao Del Norte, Davao Occidental at Davao De Oro sa Region XI at Butuan City sa Mindanao.
Samantala, ang Baguio City at Apayao sa Cordillera Administrative Region, Santiago City, Quirino, Isabela at Nueva Vizcaya sa Region II; Batangas at Quezon sa Region IV-A at Puerto Princesa sa Laguna; Guimaras at Negros Occidental sa Region VI; Zamboanga Sibugay, Zamboanga City, Zamboanga Del Norte sa Region IX; Davao Oriental at Davao Del Sur sa Region XI; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato at South Cotabato sa Region XII; Agusan Del Norte, Agusan Del Sur; Surigao Del Norte, Surigao Del Sur at Dinagat Islands sa CARAGA at Cotabato sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay GCQ sa buong buwan ng Agosto.
Ang mga lugar na hindi po natin nabanggit ay mapapasailalim sa Modified General Community Quarantine or MGCQ sa buong buwan ng Agosto.
Inaprubahan din po ng IATF at ng Presidente ang rekomendasyon ng inyong IATF na i-extend ang travel restrictions sa sampung bansa simula a-uno hanggang a-kinse ng Agosto ngayong taon. Kasama rito po ang India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, United Arab Emirates, Indonesia, Malaysia at Thailand.
Sinuportahan naman ng inyong IATF ang Draft Joint Administrative Order on the Revised Standard Guidelines on the Strict Observance of Health Protocols in the Conduct of Licensure Examinations During Public Health Emergency and/or Pandemic na ginawa ng Department of Health, Professional Regulation Commission at Philippine National Police.
Samantala, inaprubahan din po ng inyong IATF ang listahan ng green countries’ jurisdictions or territories. Ang mga ito po ay [medyo mahaba po ito ha]: Albania, American Samoa, Anguilla, Antigua and Barbuda, Australia, Azerbaijan, Benin, Bermuda, Bosnia and Herzegovina, Brunei, Bulgaria, Burkina Faso, Cayman Islands, Chad, China, Comoros, Cote d’Ivoire, Dominica, Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands, Gabon, Gambia, Ghana, Grenada, Hong Kong (Special Administrative Region of China), Hungary, Kosovo, Laos, Mali, Marshall Islands, Federated States of Micronesia, Moldova, Monserrat, New Caledonia, New Zealand, Niger, Nigeria, North Macedonia, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Romania, Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands), Saint Barthélemy, Saint Pierre and Miquelon, Singapore, Saint Eustatius, Slovakia, Taiwan at Togo.
‘Ayan ang latest update po sa inyong IATF. Pero bago po tayo magtapos ‘no, ipapakita po natin ang isang graph. Itong graph pong ito ay magpapakita kung ano iyong mga projections ng kaso. Makikita ninyo po na iyong ating ini-impose na isang linggo ng GCQ with heightened and additional restrictions kasama ng dalawang linggong ECQ ay inaasahan nating magriresulta sa mababang kaso ng COVID-19 maski pa nandiyan na po ang Delta variant. Makikita ninyo rin po dito iyong taas ng kaso ha kung hindi tayo gagalaw nang ganitong kaaga.
So, paano po natin binalanse iyong desisyon na ito. Well unang-una po, kaya naman po hindi kaagaran nating in-impose ang ECQ dahil sapat naman po ang ating mga ospital para alagaan iyong magkakasakit. Nasa low risk pa po tayo, mga 46% pa po iyong available nating mga ICU at saka hospital beds. Pero dahil nga po 3 times na mas nakakahawa itong Delta variant, inaasahan nating sisipa po ito. Kaya nga po panandalian, itong isang linggong ito ay dapat maghanda na tayo kung anong gagawin natin para doon sa dalawang linggong ECQ.
Kung kayo po ay mga negosyo na hindi na hindi pupuwedeng magbukas under ECQ, gumawa na po kayo ng mga arrangements ninyo. Kung kayo po ay mananatili na sa inyong mga tahanan, huwag na po kayong mag-panic buying ha kasi mayroon naman tayong isang linggo para magprepara dito sa two weeks na ECQ. Wala pong dahilan para mag-panic buying dahil maski ECQ po, buhay naman po o bukas naman po ang ating mga groceries.
At importante lang po ngayon itong linggong ito, lahat po tayo ay makapagplano. Pero wala naman pong malaking banta na kakalat talaga iyan dahil binabase naman po natin sa siyensya at sa mga projections na ginagawa po ng FASSSTER ang ating mga desisyon.
Napakahirap po talaga nitong desisyon na ito ‘no pero sabi nga po ng ating Presidente mahirap man, mapait man ang desisyon na ginawa natin, ito po ay para sa kabutihan ng lahat.
Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang Spox Harry Roque na nagsasabi – kakayanin po natin ito, sama-sama na po tayo, sama-sama rin po tayong magdasal, kakayanin natin at tatalunin natin si Delta variant ng COVID-19.
Magandang umaga po sa inyong lahat.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center